You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
Schools Division Office 1 Pangasinan
Anda District
ANDA INTEGRATED SCHOOL
Poblacion, Anda

Fourth Periodic Test


FILIPINO 3

Panuto: Buuin ang pangalan ng bawat larawan. Piliin ang tamang klaster sa kahon.

1. A. pl B.gl C. kl D. dr

2. A. ts B. kl C. dr D. dy

3. A. pl B. tr C. pl D. dr

4. A. ts B. pl C. dr D. gr

PANUTO: Piliin sa ibaba ang salitang may diptonggo na angkop sa bawat


pangungusap.

5. Masipag ang anak na ___________ ni Mang Gusting.

6. Nagising ang natutulog na sanggol dahil sa __________ ng kapitbahay.

7. ___________ asul na bistida ang paboritong isuot ni Paula.

8. Malamig ang ____________ ng hangin tuwing buwan ng Disyembre.

Simoy ingay kulay panganay alay


Basahin ang tula sa ibaba.
Buwan ng Mayo
S.R. Enriquez

Pagsikat ng araw kaninang umaga


Ay naramdaman kong dumarating ka na,
Nawala ang lamig, hangin ay nag-iba,
Nang mapag-isip ko ay Mayo na pala.

Yaong dati-rati’y kulimlim na langit,


Nang aking pagmasdan ay waring nagbihis;
Pati ang halaman sa paligid-ligid
Ay puno ng tula, puno rin ng awit.

Bakit kaya gayon? Pag dumarating ka,


Ang hapong katawa’y biglang sumisigla;
Maraming piknikan, maraming harana,
Itong buong lupa’y biglang sumasaya.

Iugnay ang iyong naunang kaalaman o karanasan para masagot ang sumusunod.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

9. Ano ang pamagat ng tula?


A. Buwan ng anihan ng halaman C. Buwan ng Mayo
B.. Buwan ng pasyalan sa labas D. Buwan ng April

10. Paano nalaman ng may akda na buwan na ng Mayo? Batay sa iyong sariling
pang-unawa, ito ay _________
A. Mainit na ang simoy ng hangin
B. Puno na ng tao ang paligid
C. Maberdeng-maberde na ang mga dahon ng halaman
D. Umuulan

11. Paano niya inilarawan ang halaman sa paligid tuwing Mayo? Batay sa iyong
sariling karanasan, ito ay ____________
A.. Marami ng bunga para pitasin
B. Puno ng tao ang nakapaligid sa halaman
C. Marami ng ibon at paru-parung lilipad-lipad sa halaman
D.maraming bulaklak

12 . Ano ang mga gawain kapag dumarating ang Mayo? Batay sa iyong kaalaman at
karanasan, ito ay _____________
A. Panahon na para makapagtanim ng halaman
B. Lumalabas ang karamihan sa mga tao para mamasyal at magsaya
C. Naglalagi lang sa bahay para maglinis at mag-ayos ng gamit
D. walang sagot sa nabanggit

13. Ano ang mga gawain kapag dumarating ang Mayo? Batay sa iyong kaalaman at
karanasan, ito ay _____________
A. Panahon na para makapagtanim ng halaman
B. Lumalabas ang karamihan sa mga tao para mamasyal at magsaya
C. Naglalagi lang sa bahay para maglinis at mag-ayos ng gamit
D. Maliligo sa dagat

Panuto: Piliin nag pandiwa sa sumusunod na pangungusap

_____14. Mabilis maglakad ang aking kaibigan


A. mabilis B. maglakad C. kaibigan D. aking

____15. Ang palay ay ____ ng manok. Anong angkop na pandiwa para sa diwa ng
pangungusap?
A. Isinusubo B. tinutuka C. nginunguya D. iniinum

____16. Ang bata ay _____ng tubig sa balon araw-araw. Ano ang angkop na
pandiwa para sa diwa ng pangungusap?
A. Nag iigib B. bata C. tubig D. balon

Panuto: Piliin ang angkop na ibig sabihin ng tambalang salita


____17. Ano ang tinutukoy ng salitang “kapit-tuko?
A. mahigpit ang pagkakakapit C. Maluwag ang pagkakakapit
B. ayaw kumapit D. tanggalin sa pagkakapit

____18. Si Ana ay anak-pawis. Nag-aaral siyang mabuti upang makaahon sa hirap.


Ano ang ibig sabihin ng anak-pawis?
A. anak ng mahirap C. anak ng mayaman
B. anak ng pinagpapawisan D. anak ng masungit

____19. __________ni Biboy dahil sa pagkapanalo sa Lotto.


A. taos-puso C. kapit-bisig
B. sulat-kamay D. biglang-yaman

____20. Kadalasan ang tawag sa ina ay sirang-plaka. Ano ang ibig sabihin ng sirang
plaka?
A. Paulit-ulit C. utang
B. Laruan D. lapis
Basahin at piliin ang salitang hiram na ginamit sa bawat pangungusap.

____21. Masarap magpahinga sa kwartong may aircon sa mainit na panahon.


A. Kwarto C. panahon
B. Aircon D. masarap

____22. Tayo ay mag-ehersiyo gamit ang mga makabagong kagamitan sa gym.


A. Gym C. kagamitan
B. Ehersisyo D. makabago

_____23. Ang mga bata ay naliligo sa swimming pool na may mala-kristal na tubig.
A. Bata C. swimming pool
B. Mala-kristal D. tubig

Panuto: Ibigay ang mungkahing solusyon sa mga sunusunod

_____24. May ginagawa kang trabaho sa bahay. Tumawag ang kaibigigan mo.
Pinapupunta ka sa kanilang bahay.
A. Iiwan ko ang aking ginagawang trabaho para makapunta ako
agad sa bahay ng kaibigan.
B. Gagawin ko muna ang aking trabaho bago ako pumunta sa bahay
ng kaibigan ko.
C. Hindi ko siya kakausapin dahil marami akong ginagawa.
D. Ipapagawa ko sa aking kapatid ang gawaing bahay upang
makapunta ako sa aking kaibigan

____25. Hiniling mo sa iyong nanay na pag-aralin ka ng tennis. Nang nagsisimula ka


na, niyaya ka ng kaibigan mong mag-aral ng taekwondo na gusto mo rin.
A. Nasimulan ko na ang tennis kaya iyon na lang muna
B. Lilipat ako sa taekwondo kaya iiwan ko na ang tennis.
C. Pareho akong maglalaro ng tennis at taekwondo.
D. Hindi na lang ako maglalaro, mahirap pumili.

____26. Inimbitahan ka ni Alyana para sa kanyang kaarawan sa susunod na


linggo. Nagkataon na uuwi kayo ng probinsya dahil kaarawan din ng iyong
lola. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Hindi ko na lang papansinin ang kanyang imbitasyon
B. Magalang kong sasabihin sa kanya na hindi ako makakadalo sa
kanyang kaarawan sapagkat uuwi kami sa probinsya
C. Uutusan ko na lang ang aking tiya na siya na lang ang pupunta
D. Hindi na lang ako sasama na uuwi sa probinsya.
Panuto: Tukuyin ang mahahalagang detalye kaugnay ng paksang narinig

_____27. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang
nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang
dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan
natin sa aklat
A. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon
B. Ang aklat ay mahalaga
C. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin
D. Ang aklat ang nagdadala saatin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan
ng pagbabasa

_____28. Mahalaga sa ating katawan ang pagkain ng masustansyang gulay


at prutas. Sa mga bitaminang galing dito tayo ay lumalakas, tumitibay ang
ating resistensya upang labanan ang iba’t-ibang sakit. Upang may maihain
tayo sa hapag-kainan makabubuting tayo ay magtanim at nang may
aanihin.
A. Mahalaga ang prutas sa ating katawan
B. Sa mga bitaminang galing sa prutas tayo ay lumalakas
C. Hindi malahaga ang prutas sa ating pangangatawan
D. Magtanim ng prutas sa bakuran

_____29. Manika ang paboritong laruan ni Aida. Ito ay maliit ngunit maganda.
Damit nito ay kulay pula. Ito rin ay may magandang sapatos at buhok ay
mahaba. Bigay ito ng kanyang lolo at lola noong kaarawan niya. Lagi niya
itong nilalaro tuwing hapon at umaga. At sa tuwing nalulungkot siya, ang
kanyang manika ang kanyang kasa-kasama hanggang sa pagtulog niya.

Panuto. Basahin at unawain ang kwento at ibigay ang paksa nito.

_____30. Ako ay may alagang pusa. Muning ang pangalan niya. Pino at puti ang
balahibo niya. Inaalagaan ko ito tulad ng sa pamilya. Pinapakain at
pinapainom ko rin ito. Masaya kami sa tuwing magkasama.
A. Ang alaga kong pusa
B. Pino at pino ang balahibo niya
C. Masaya kami sa tuwing magkasama
D. Muning ang pangalan niya

_____31. Maraming tanim na saging si Ingkong sa aming bakuran. Ang hinog na


saging ay kulay dilaw . Berde naman ang kulay kapag hilaw. Matamis ang
mga bunga ng saging. Ang saging ay prutas. Ito ay pagkaing pampalakas.
A. Ang saging
B. Pagkaing pampalakas
C. Maraming tanim na saging si Ingkong
D. Berde ang kulay ng saging kapag hilaw
_____32. Ang aking guro ay mabait. Siya ay kaaya-aya. Mahaba ang pasensya.
Kami ay inaaruga niya. Siya ang ikalawang ina ng mga bata sa eskuwela .
Nagbibigay talino sa bawat mag-aaral niya.
A. Mahaba ang pasensya
B. Ang aking guro
C. Maunawain an gaming guro
D. Siya ay ikalawang ina ng mga bata sa eskwela.

33-36
Panuto:Sipiin nang wasto at maayos ang talata.

kakaiba ang paraan ng aking pag-aaral ngayong taon dahil ako ay nasa ilalim ng
blended learning. ako ay sumasagot sa aking mga module sa pag-gabay ng aking
mga magulang gayundin ng aking mga guro.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

37-40
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang mga ito sa anyong patalata.

1. Salamat at mayroon ng bakuna sa COVOD-19.


2. Matagal din tayong naghintay na magkaroon na nito upang makabalik na tayo sa
normal na pamumuhay.
3. Nasasabik na ang lahat lalo na ang mga bata dahil sa wakas ay may pag-asa
nang makabalik na sila sa eskwelahan upang mag-aral.
4. Sana nga ay mabakunahan na ang lahat.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like