You are on page 1of 8

ELLNA REVIEWER

MTB-MLE 3 (TAGALOG)

Basahin ang teksto at sagutin ang mga katanungan sa bilang 1-3.

Mga Paraan Upang Maging Ligtas ang Inuming tubig.

I. Pakuluan ang tubig.


II. Hintayin itong lumamig.
III. Pagkatapos ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa
ito nang 5 minuto.
IV. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan at
puwede na itong inumin.
1. Ano ang unang hakbang na gagawin upang maging ligtas
ang inuming tubig?
A. Hintayin itong lumamig.
B. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan at
puwede na itong inumin.
C. Pakuluan ang tubig.
D. Pagkatapos ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa
ito ng 5 minuto.
2. Ano naman ang pinakahuling paraan?
A. Pagkatapos ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa
ito ng 5 minuto.
B. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan at
puwede na itong inumin.
C. Pakuluan ang tubig.
D. Hintayin itong lumamig.
3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga paraan
upang maging ligtas ang inuming tubig?
A. I-II-III-IV B. II-III-IV-I C.I-III-II-IV D. II-IVV-II-III

Para sa bilang 4-5. Tukuyin ang layunin ng teksto.

4. Ang kompyuter ay makakatulong sa mga mag-aaral


upang makapaghanap ng mga kasagutan sa mga
takdang-aralin na ibinigay ng guro. Ngunit mayroong
masamang epekto din ang kompyuter sa ating katawan.
Lalong-lao na kapag nalulong na sa paglalaro ang mga
mag-aaral at pinapabayaan na ang pag-aaral.
A. Nanghihikayat C. Nagbibigay impormasyon
B. Nagbibigay-aliw D. Nagpapahayag
5. Ang pagsusuot ng face mask ay makatutulong sa pagpigil
ng pagkalat ng COVID-19.
A. Nanghihikayat C. Nagbibigay impormasyon
B. Nagbibigay-aliw D. Nagpapahayag

Para sa bilang 6-7. Kumpletuhin ang pangungusap sa pagpili ng


tamang baybay ng salitang ibinigay.

6. Ang________ay tinaguriang pinakamaliit nay unit sa lipunan.


A. pamilya B. pamiliya C. pamilyah D. pammelya
7. Pumunta si Manang Isabel sa _________ Makati.
A. Longsud B. lungsud C. lungsod D. lungsuud

Para sa bilang 8-10. Piliin ang wastong panghalip na pananong sa


bawat pangungusap.

8. ________ makikita ang Pagsanjan Falls?


A. Ano B. Saan C. Kailan D. Sino
9. ________ ang laman ng bag mo?
A. Ano B. Saan C. Kailan D. Sino
10. ____ ang iyong kaarawan?
A. Ano B. Bakit C. Kailan D. Sino

Para sa bilang 11-12. Piliin ang angkop na pang-ukol o pariralang


pang-ukol upang mabuo ang pangungusap.

11. Alin ang wastong pariralang


ipinapahayag ng larawan?
A. mga aklat sa ilalim ng kabinet
B. mga aklat sa gilid ng kabinet
C. mga aklat sa loob ng kabinet
D. mga aklat sa ibabaw ng cabinet
12. Pinag-aralan ng mga manggagamot ang __________
sakit na COVID-19.
A. tungkol sa B. tungkol kay C. para kay D. para kina

Para sa bilang 13-15, piliin ang pang-abay na pamaraan upang


makumpleto ang diwa ng pangungusap.

13. _________ na nakalabas ng silid si Oliver kaysa kay Jed.


A. Mabilis B. Mabilisan C. Mas mabilis D. Pinakamabilis
14. _________ lumakad si Joy sa kanilang magpipinsan.
A. Kahinhinan B. Mahinhin C. Mas mahinhin D. Pinakamahinhin
15. __________ na sinalubong ni Roy ang bagong taon.
A. Maingay B.Mas maingay C.Pinakamaingay D.Kasing-ingay

Para sa bilang 16-17, basahin ang mga teksto sa ibaba. Piliin ang
angkop na pamagat.

Ang aking Alaga

Ako ay may alaga, si Muning na isang mataba. Kung gabi


siya ay masipag manghuli ng daga. Mahal na mahal ko siya.

16. Kung ikaw ang magbibigay ng ibang pamagat, ano


ito?
A. Masipag ang Aso C. Ang Alaga kong Pusa
B. Mataba ang Baka D. Manghuli siya ng Daga

Ang Bundok Apo ay ang pinakamataas na bundok sa


Pilipinas. Ito ay makikita sa lalawigan ng North Cotabato. Tuwing
bakasyon marami ang turistang umaakyat dito dahil sa kahanga-
hangang tanawin.

17.
A. Ang North Cotabato
B. Ang Bundok Apo
C. Ang Kahanga-hangang Tanawin
D. Sa Pilipinas
Para sa bilang 18-20. Punan ang patlang ng angkop na pandiwa.

18. Kami ay _______ sa susunod na Linggo.


A. naglaro B. naglalaro C. maglalaro D. lalaruan
19. Si Nanay ay _________ ng sinigang kanina.
A. nagluto B. nagaluto C. nagluluto D. magluto
20. Maraming tao ang __________ ng punong kahoy
kahapon.
A. magtatanim B. nagtanim C. nagtatanim D. taniman

Para sa bilang 21-23. Alamin kung saang bahagi ng pahayagan


mababasa ang mga sumusunod na balita.

21. Dito nababasa ang pangunahing kuro-kuro ng


patnugot.
A. Editoryal C. Negosyo
B. Lathalain D. Pangunahing Balita
22. Bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga
pangalan ng namatay na tao.
A. Anunsyo Klasepikado C. Negosyo
B. Editoryal D. Orbituwaryo
23. Naglalaman ito ng takbo ng hanapbuhay, ekonomiya
at negoyo sa bansa.
A. Editoryal C. Pangunahing balita
B. Negosyo D. Palakasan
24. Nakalantad kung gabi, kung araw ay nakatabi.
Pahiwatig sa sagot: Sa pagsapit ng gabi ito ay nilalatag
upang mahigaan.
A. banig B. basahan C. damit D. kurtina
25. Dala mo, dal aka, dal aka ng iyong dala.
Pahiwatig sa sagot: Ito ay kadalasang sinusuot sa paa.
Mayroon itong sintas para hindi matanggal kapag ikaw ay
naglalakad.
A. bakya B. medyas C. sapatos D. tsinelas
26. Ang mga sumusunod ay pangngalang pamilang
maliban sa:
A. bayabas B. melon C. pinya D. sopas
27. Alin sa mga pangngalan ang maaaring bilangin?
A. gatas B. katas C. kanin D. melon

Para sa bilang 28-30. Piliin ang tamang tayutay.

28. Kaya kung kunin ang buwan para mapasagot lang


kita.
A. hyperbole C. personipikasyon
B. metapora D. simile
29. Alin sa mga pangungusap ang gumamit ng metaphor?
A. Balyensa sa laki si Mabel.
B. Ang mga bituin ay nagngingitian sa isa’t isa.
C. Si Mang Domeng ay parang puno ng niyog ang taas.
D. Para akong nalunod sa aking luha sa sobrang sakit na aking
nadarama nang mawal ang aking alkansiya.
30. Ang mga sumusunod ay nagpapahiwatig ng
hyperbole maliban sa:
A. Nakakamanghang panoorin ang mga sumasayaw na
alon ng dagat.
B. Ang bundok ay umurong nang makita ko ang liwanag ng
araw.
C. Kaya kung kunin ang buwan para mapasagot lang kita.
D. Gabundok ang labahin ng aking nanay.

Para sa bilang 31-33. Tukuyin ang di-kongkretong pangngalan sa


sumusunod na mga pangungusap.

31. Lubos ang kaligayahan ni Lisa sa regaling binigay ng


kanyang nanay.
A. kaligayahan B. Lisa C. regalo D. nanay
32. Ang karunungan ang hindi mananakaw ng sino man.
A. Hindi B. karunungan C. mananakaw D. sino man
33. Ang pagmamahal ng nanay sa anak ay walang
katulad.
A. Anak B. nanay C. pagmamahal D. walang katulad

Para sa bilang 34-36, piliin ang angkop na panlapi.

34. _______(alis) ang aking Tita Elena papuntang Japan


kahapon.
A. um B. i C. in D. a
35. _______(Sampay) ni nana yang damit ko mamaya.
A. isa B.in C. Sina D. um
36. _______(Awit) si Vilma sa palatuntunan sa paaralan
kahapon.
A. A B. in C. Um D. ina
37. _______nina Jessica at Bernadeth na maging Diwata o
di kaya sila ay maging sirena.
A. Umaasa B. Gusto C. magdahilan D. makatotohanan
38. _______akong hindi uulan sa aking kaarawan.
A. Umaasa B. Gusto C. magdahilan D. makatotohanan

Para sa bilang 39-41. Basahin ang talata at sagutin ang mga


kasunod na mga katanungan.

Si Elsa ay mabait na bata. Tinutulungan niya ang kanyang


ina sa pagtitinda sa palengke. Tuwing Sabado ng hapon ay
tumutulong din siya sa paglilinis ng kanilang simbahan kasama
ang kanyang mga kaibigan. Nagpapasalamat sa Diyos ang
kanyang mga magulang dahil pinagpala sila ng isang mabuting
anak.

39. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


A. Elsa B. Elena C. Edna D. kaibigan
40. Saan naglilinis sina Elsa at ang kanyang mga kaibigan?
A. bahay B. paaralan C. palaruan D. simbahan
41. Bakit nagpapasalamat sa Diyos ang mga magulang ni
Elsa?
A. Masunuring bata si Elsa.
B. Isang masipag na bata si Ana.
C. Mayroon silang mabait na anak.
D. Biniyayaan sila ng isang malambing na anak.
42. Uminom ng ______________ gatas si Elsa.
A. isang tasang C. isang platito
B. Isa ka hakop D. tatlong kilong
43. Binigyan si Jericho _________ sardinas ng kanyang lola.
A. isang boteng C. isang garapong
B. isang latang D. isang kilong

Para sa bilang 44-45. Basahin ang tulang ibinigay at sagutin ang


mga kasunod na mga katanungan.

Ako’y Isang Bata


ni Katherine Fe M. Almeranes

Ako ay malusog
At saka mabilog
Dahil alagang manok
Ay nagbibigay ng itlog

Sadyang ‘di matututo


Ang batang magulo
Parang asong kumakahol
Sa bakuran ninyo

Ikinatutuwa ng magulang
Ang batang magalang
Kinagigiliwan ng lahat
Maraming kaibigan

Lalaki at lulusog
Batang maaga kung matulog
Hindi sakitin
Lalong hindi patpatin
Ako ay malakas
Dahil sa gatas na taglay
Nang bakang alaga
Ng mahal kong tatay.
44. Sadyang ‘di matututo
Ang batang magulo
Parang asong kumakahol
Sa bakuran ninyo
A. Walang matutunan ang batang magulo
B. Madaling matututo ang batang malikot
C. Ang batang magulo ay maraming kaibigan
D. Ang mga batang magalan ay masisipag din.
45. Ikinatutuwa ng magulang
Ang batang magalang
Kinagigiliwan ng lahat
Maraming kaibigan
A. Madaling matututo ang batang kinagigiliwan
B. Ang mga batang magalang ay masisipag din
C. Problema ng mga nakatatanda ang batang magalang
D. Ang pagsagot ng po at opo sa mga nakakatanda ay
ikinagagalak ng mga magulang

You might also like