You are on page 1of 7

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang Asong si Blackie


1.
Matalino ang aking asong si Blackie. Alam ba ninyo kung
bakit? Nauutusan ko siyang kumuha ng kahit na anong bagay.
Kapag itinuro ko sa kanya ang isang bagay, kinukuha niya iyon at
dinadala sa akin. Kapag naghagis ako ng isang bagay, nauutusan
ko siyang kunin yon. Pag kagaling ko sa eskwelahan, heto na si
Blackie, Kagat- kagat ang tsinelas ko at ininlalapag sa aking
harapan. Matalino siya, hindi ba?
Ano ang katangian ni Blackie?
a.Mabangis
b. maamo
c. matalino
d.
masipag
2. Tukuyin ang paksa ng sumusunod na talata.
Nang papunta siya sa eskwelahan, naalala niyang hindi niya
nadala ang kanyang aklat. Subalit malayo na siya sa kanilang
bahay, kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Pagdating
niya sa palaruan ng eskwelahan, naghihinatay na ang ibang
batang pinangakuan niyang pahihiramin ng bola. Nakalimutan din
niyang dalhin ang bolang ipinangako niya. Dapat sanay nagging
leksyon na ito sa kanya, ngunit nang tumunog ang kampana at
magpunta na siya sa klase, naiwan naman niya ang kanyang
pangginaw sa palaruan.
a.Tungkol sa pangginaw
b. Tungkol sa batang makakalimutin
c. tungkol sa boa
d. Tungkol sa aklat
3. Basahin ang grupo ng mga pangungusap. Pagsunud-sunurin
ang mga pangyayari.
I.Tinawag siya ng titser.
II.Pinuri ng titser si Mariel dahil sa pagkakasagot niya sa
tanong nito.
III.Nag-aral ng mabuti ng leksyon si Mariel.
IV. Pumasok siya sa klase kinabukasan.
a.III-IV-I-II
b. IV-I-III-II
c. III-IV-II-I
d.I-II-IV-III
4.Alin ang mainam na pamagat sa pangyayari o kwento?
Malakas ang ulan noong Sabado. Gumawa kaming
magkakaibigan ng silungan. Doon kami nagkwentuhan sa loob ng
silungang iyon. Hindi kami tumatayo sapagkat mababa lamang

ang silungan. Napasarap kami ng kwentuhan. Nalimutan kung


mababa an gaming silungan. Tumayo akong bigla, kayat
bumagsak ang silungan.
a.Ang Malakas na Ulan
b. Kaming magkakaibigan
c.Masarap na Kwentuhan d. Ang Silungan
5. Nagulat si Jose Marie nang may humawak sa likod niya. Ang
pariralang nakasalungguhit ay__________.
a. bunga
b. sanhi
c. opinion
d. katotohanan
6. Piliin ang wakas ng pangyayari:
Sunud-sunod na dumating ang mga bagyo sa Pilipinas.
a.Nagkaroon ng magandang bahaghari.
b.Nagkaroon ng paghaba at pagkasira ng pananim sa ibat
ibang lugar.
c.Nagkagulo ang mga hayop.
d.Gumanda ang kapaligiran.
7. Ipinupunla ang palay sa lupang maputik at matubig.
Itoy halimbawa ng __________.
a.katotohanan
b. opinyon
c. bunga
d.
sanhi
8. Alin sa mga kasarian ng pangngalan ang tumutukoy sa guro?
a. walang kasarian
b. di-tiyak c. pambabae d.
panlalaki
9. Ang radio ay __________.
a.walang kasarian
b. di-tiyak c.panlalaki
d.
pambabae
10.-13. Punan ng wastong salita ang mga patlang.
10. Si Cris, si Wilma, at ako ay may dalang bag. ________ ay
papasok na sa paaralan.
a.Sila
b. Kayo
c. Kami
d. Tayo
11. __________ sa malayo ang kubo.
a. Hayun b. Dito
c. Ganyan
d. Heto
12. Si Andres Bonifacio ay _________.
a. mabangis
b. malabo
c. matapang
d.
mataas
13. Kung papalarin tayo, ________ tayo ng isang malaking bahay.
a. nakagtatayo
b. makapagtatayo
c. nagtatayo
d. nakatayo
14. Bibigyan ko ng gantimpla ang matulungin _________ bata.
a. at
b. ng
c. na
d. g

15. Sagutin ang tanong.


Kailan kayo lilipat ng tirahan?
a.Bukas
b. Bukas lilipat.
c. Bukas kami lilipat ng tirahan.
d. Lilipat kami sa Laguna.
16. Anong uri ng pangungusap ito?
Bigyan mo ako ng makakain.
a.Patanong
b. Padamdam
c. Pasalaysayd. Pautos
17. Alin sa mga sumusunod ang nasa wastong ayos?
a. brilyante, drama, trumpo, plorera
b. plorera, drama, brilyante, trumpo
c. brilyante, drama, plorera, trumpo
d. drama, brilyante, plorera, trumpo
18. Aling grupo ng mga salita ang nakapaloob sa salitang
kailangan?
a. kalian, langgam, alam, kalang
b. kainan, alanganin,
alukin
c. ilan, kaing, kaila, laga
d. tangan, nagalit,
ikalang
19. Alin ang mga salitang magkasalungat?
a. buhok-suklay
b. nabighani-naakit
c. sakim- mapag-imbot
d. maliksi-malaki
20.-21. Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa
pangungusap.
20. Naghanda ng kiping ang kanilang pamilya noong nagdaang
pista.
a. Malaking sanga at dahon
b. Isang pagdiriwang na ginagawa sa Lucban, Quezon
c. Hayop na katulad ng kalabaw na matatagpuan sa
kagubatan ng Mindoro
d. Kakaning gawa mula sa galapong na bigas na ibat iba ang
hugis
21. Ang yaya ng bata ay masayahin.
a. natuwa
b. tagapag-alaga
c. tao
d.
pagsama
22. Basahin ang kwento. Pagkatapos, sagutin ang tanong.
Mahaba na ang aking buhok. Ayaw ko itong ipaputol. Ibig ko
itong humaba nang humaba. Isang araw, isinama ako ng Tatay sa
pupuntahan niya. Sandali lamang tayo, ang sabi pa niya.

Sumama naman ako. Nagulat ako nang makarating kami sa


sinasabi ni Tatay na pupuntahan niya.
Ano ang wakas ng kwento?
a.Nakarating kami sa simbahan.
b. Nakarating kami sa isang pagupitan ng buhok at doon
kami nagpagupit.
c. Nakarating kami sa opisina ni Tatay at kumain kami roon.
d. Nakarating kami sa paaralan.
23. Pag-aralan ang balangkas. Punan ang nawawala rito.
I. Mga Gamit ng Damo
A. Bilang dekorasyon
B. Bilang pagkain
1. ng tao
2. ng ibat ibang hayop
II.______________________
A. Lupang walang tanim
B. Bukid
C. Hardin
Piliin ang sagot mula sa mga sumusunod:
A. Mga Lugar na Tinutubuan ng Damo
B. Mga Lugar na Masukal
C. Mga Lupa
D. Mga Uri ng Damo
24. Isa itong aklat o serye ng mga aklat na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa lahat ng sangay ng kaalaman.
a. Diksyunaryo b. Almanac
c. Atlas
d.
Ensayklopidya
25.Alin sa mga pangungusap ang wasto ang pagkakasulat?
a. Ipinanganak ako noong Ika-12 ng Agosto, 1999.
b. Nagsimba kami noong Linggo?
c. Purihin natin ang Maykapal dahil siya ang lumikha sa atin.
d. Maari ba tayong magdasal.
26. Ito ay bahagi ng liham kung saan nakasulat ang pagbati sa
taong pinadalhan ng sulat.
a. Bating Panimula
b. Bating Pangwakas
c. Katawan ng Liham
d. Pamuhatan
27. Piliin ang tamang salawikain para sa sumusunod:
Ang batang si Gabriel ay masipag mag-aral. Siya ay
palabasa at mahilig sa mga aklat. Iminulat siya ng kanyang inang

guro na mahalin ang mga aklat. Sa kanyang paglaki, nais din ni


Gabriel na maging isang guro tulad ng kanyang ina.
a.Kapag may itinanim, may aanihin.
b. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.
c. Kapag may tiyaga, may nilaga.
d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
28. Piliin ang pangunahing paksa sa talata.
_______________________________ . Binibihisan niya ito at
inaalisan ng damit. Pinaliliguan niya itot sinusuklay na parang
bata. Lagi niya itong dala-dala sa paglalaro. Kapag naglaro sila ng
ibang bata, kunwari ay kalaro rin nila ang manika.
a.mahilig akong maglaro ng manika.
b. Ang sanggol ay maliit pa.
c. pinakagustong laruan ng isang batang babae ang manika.
d. Pinakagustong laruan ng isang batang lalaki ang robot.
29. Sa isang liham-pangkaibigan, alin ang tamang pagsulat sa
bating panimula?
a. Mahal kong kaibigan,
b. Mahal kong Kaibigan,
c. Mahal Kong kaibigan
d. Mahal kong Kaibigan:
30. Ito ay isang aklat na mapagkukunan ng kahulugan ng mga
salita.
a. Ensayklopidya
b. Almanac
c. Atlas
d. Diksyunaryo
31. Ipinatawag ng inyong punungguro ang iyong gurong si Bb.
Brasas, kaya nang dumating ang kanyang kapatid ay hindi siya
dinatnan niti sa silid-aralan. Ano ang sasabihin mo?
a. Magkikita po kayo mamaya.
b. Wala po rito si Bb. Brasas.
c. Saka nap o kayo bumalik.
d. Maghintay lamang po kayo sandal. Maupo po muna kayo.
32. Tao po! Tao po! Sumilip ka sa inyong bintana. Nakita mong
tumatawag ang isang babaeng hindi mo kilala. Ano ang iyong
gagawin at sasabihin?
a. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong Sino po ang
kailangan ninyo?
b. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong Bakit po?
c. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong Wala pong tao
rito.

d. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong Bukas nap po


kayo bumalik.
33. May sinisipi kayong talata sa pisara. Ang iba sa iyong mga
kaklase ay nakatayo. Hindi mo tuloy Makita ang iyong
kinokopya. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a. Sana naman ay huwag kayong magsitayo.
b. Upo! Upo na naman kayo at hindi pa kami tapos sa
aming kinokopya.
c. Isusumbong ko kayo sa ating guro!
d. Maaari ba kayong magsiupo? Hindi kasi naming makita
ang nakasulat sa pisara.
34. Anong katangian ang taglay ng tauhang nagsasabi ng
sumusunod?
Ay! Bakit umuuga ang bahay?...Bakit?....
a.mainisin b.mausisa
c.nerbyosa
d.matapobre
35. Huwag kang magbilad sa araw. Magkakasakit ka na naman.
Doon ka sa lilim ng punong iyon.
a. mapagtiis
b. mapagkawanggawa c. maalalahanin
d.madasalin
36.-40. Basahin at unawaing mabuti ang talataan sa ibaba.
Sagutin pagkatapos ang mga tanong na kasunod.
Ang Buni
Ang buni ay isang uri ng sakit sa balat. Ito ay nakahahawa.
Ang buni ay sanhi ng organismong kauri ng amag. Maliliit at
kumpol-kumpol na butlig ito kung lumalabas sa balat.Kailangang
agapan at gamutin ito agad dahil talagang mabilis itong kumalat.
Maiiwasan ang buni kung pananatilihin ang kalinisan sa
katawan. Kailiangan ding maging malinis palagi ang twalya,
damit, at iba pang personal na gamit.
Sa ngayon ay din a gaanong suliranin ang pagkakaroon ng
buni. Marami nang makabagong gamut na pamahid ditto.
36. Paano kung lumitaw sa balat ang buni?
a. Magaspang at bukol-bukol
b. Kumpol-kumpol ang maliliit na butlig
c. Tila mga butlig na may lamang tubig
d. Hiwa-hiwalay ang maliliit na butlig
37.Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng buni?
a. Palaging magpupunas ng malinis na twalya.

b. Magbihis ng bagong damit.


c. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.
d. Magsepilyo ng ngipin araw-araw.
38. Bakit nakakatakot madikit o mapalapit sa taong may buni?
Dahil ito ay _______.
a.makati b. masakit c. nakapagpapasungit sa mahahawa
d. nakahahawa
39. Bakit kailangang magamot kaagad ang buni? Dahil ito ay
____________.
a. medaling kumalat at makahawa
b. makati
c.mahirap pigilin
d. nakaiinis
40. Bakit ngayon ay hindi na gaanong problema ang sakit na ito?
a. Marami nang mga makabagong gamut na pamahid na
mabibili ngayon.
b. Magagaling ang mga doctor ngayon.
c. Marami nang ospital ngayon.
d. Malinis na ang tubig.
41.-43. Piliin ang angkop na pananda ng tiyak na pangalan ng tao.
41. Nawawala ang payong ________ Jennica.
a. ni
b. si
c.sina
d. nina
42. _______ Vicente ang tulang iyon.
a. Si
b. Ang
c. Ni
d. Kay
43. Nagpunta _____ Mark at Marjorie sa kantina.
a. si
b. Sina
c. ni
d. nina
44. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa babaeng may asawa.
a. Ginang b. Ginoo c. Binibini d. Mister
45. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa isang lalaki, amy asawa
man o wala.
a.Ginang b. Ginoo
c.Misis
d. Binibini

You might also like