You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino 3

Pangalan: Petsa:
Baitang: Iskor:

Panuto: Piliin sa kahon ang wastong sagot para sa bilang 1-4. Ilagay ang iyong sagot sa
nakalaang guhit.

A. dalawang kamay na magkahawak


B. hindi makapasya kung uurong o susulong
C. taong nakatira sa katabi o kalapit na bahay
D. pagsasama at pagtutulungan ng mga tao

1. Mabait ang mga kapit-bahay niya.


2. Hindi ito ang panahon upang tayo'y mag urong-sulong o sumuko.
3. Kapit-kamay nilang tinawid ang ilog.
4. Ang mga tao sa pamayanan ay kapit-bisig sa isinagawang paglilinis.

Panuto: Piliin kung ano ang ideyang ipinapahiwatig ng mga sumusunod ng tugmaan ayon sa
isinasaad ng larawan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Batang pinarangalan ng walang humpay ay makakamit mo rin sa iyong buhay.

Sa aking palagay, ako ay dapat ___________________.


A. Maglinis ng maayos B.mag-aral ng mabuti
C.tumulong sa magulang D. maglaro sa paaralan
2. Ugaling dapat pamarisan Ikinatutuwa nino man.

Sa tingin ko ang bata ay ___________.


A. matulungin B. magalang C.masipag D.masunurin

3. Nakakatuwang pagmasdan gawaing dapat tularan.

Sa palagay ko ang magkakapatid ay _____________.


A. magagalang B. matatapat C. masisipag D. matitipid

4. Tunay na nakahahanga, batang laging pinipili ay pagkaing tama.

Para sa akin, ang mga bata ay dapat ___________.


A. Kumain ng marami B.kumain ng kakaunti
C. kumain ng junkfoods D. kumain ng tama at masustansyang pagkain

5. Hayop man naturingan taglay din ang kasiyahan.

Sa nakikita ko kahit hayop man ay maaring ______________


A. Maging masaya B. Maging malungkot
C. maging masunurin D. maging tao

Panuto: Piliin ang letra na nagsasaad ng paksa sa mga sumusunod na teksto

10.

11.

12.

Panuto: Tukuyin ang salitang kilos na ginamit sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

13. Nagsisipilyo ako ng ngipin araw-araw.


A. ngipin B. nagsisipilyo C. araw-araw D. ako
14.Kami ni Nena at Popoy ay nag-iigib ng tubig. Ano ang salitang kilos na ginamit
sa pangungusap?
A. Nena at popoy B. Kami C. nag-iigib D. tubig
15. Binunot ni kuya ang mga puting buhok ni Mama.
A.Binunot B. puting buhok C. mama D. kuya
16. Ang mga aso ay tumatakbo nang mabilis.
A. tumatakbo B. nang C mabilis D. aso
17. Kaming magkapamilya ay sama-samang naglinis ng bahay.
A. naglinis B. magkapamilya C. bahay D. sama-samang

Panuto: Para sa bilang 18-19 ano ang bagong salitang mabubuo kung papalitan ang unang
tunog ng bawat salita ayon sa ibinigay na kahulugan? Piliin ang titik ng tamang sagot.

18. bata - __ata (parte ng paa ng baka o baboy).


A. Kata B. mata C. pata D. Yata

19. katas - __atas (puting likido na galing sa baka na iniinom)


A. batas B. gatas C. lakas D. Patas

Panuto: Para sa bilang 20-21 Ano ang bagong salitang mabubuo kung dadagdagan ang
sumusunod na salita ng isang tunog sa hulihan ayon sa ibinigay na kahulugan? Piliin ang
titik ng tamang sagot.

20. tula - tula__ (istrukturang itinayo sa pagitan ng ilog)


A. tulad B. Tulin C. tulis D. Tulay

21. laso - laso__ ( inuming nakasasama o nakamamatay)


A. lasog B . laban C. lason D. Lamat

Panuto: Para sa bilang 22-23 piliin ang dalawang(2) sumosuportang kaisipan para sa
pangunahing kaisipang Napakaganda ng Pilipinas.
Napakaganda ng Pilipinas
A. Napapalibutan ito ng luntiang kapaligiran
B. Marami kang makikitang basura kahit saan.
C. Ang karagatan ay ipinagmalaki dahil sa pinong mga buhangin at mala kristal nitong
katubigan.
D. Ang mga punong kahoy ay pinuputol.
22.
23.
24. Agad nagmano si Mila sa kaniyang ama’t ina pagdating sa kanilang bahay
galing sa paaralan. Matapos magbihis ay dali-dali niyang inilabas sa bag ang mga
kuwarderno upang pag-aralan ang kaniyang leksiyon. Napakasipag mag-aral ni
Mila.Ano ang angkop na pamagat ng maikling talata.
A. Sa Paaralan ni Mila B. Ang Pag-aaral ni Mila
C. Ang Batang Masipag Mag-aral D . Si Mila

Panuto: Para sa bilang 25-26 Ano ang tamang pangungusap na may angkop na pang-abay
batay sa isinasaad ng larawan?
25.
A. Ang pamilya ay magbabakasyon.
B. Ang pamilya ay sabik na magbabakasyon.
C. Ang pamilya ay namamasyal.
D. Ang pamilya ay sasakay.

26. A. Naglilinis si Nanay.


B. Sadyang masarap ang ulam na niluluto ni Nanay.
C . Nagluluto si Nanay ng masarap na ulam.
D. Naglalaba si Nanay.
Panuto: Piliin ang angkop na pang-ukol para sa pangungusap.
”Ligtas ang may Alam”____________ Kuya Ramon.
A. ayon kay B. tungkol sa C.laban sa D. ayon sa
Nais kong mamigay ng mga pagkain at damit ___________ mga taong nasalanta ng lindol.
Alin ang angkop na pang-ukol?
A.para sa B. tungkol kay C. para kay D. ayon sa

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang magiging bunga ng pangyayari na isinasaad ng


pangungusap.
A.Siya ay kinagigiliwan ng kaniyang mga magulang.
B. Lagi siyang nagsasanay.
C. Ipinagamot siya sa doktor.
D. Hindi siya nahuhuli sa klase.

29. ______ Nais niyang maging sikat na mang-aawit


30. ______ May karamdaman ang mag-aaral.
Good Luck!

Prepared by:

DIVINE MERCY M. MARASIGAN


Guro sa Filipino 3

You might also like