You are on page 1of 21

St.

Raphaela Mary School

Mother Tongue 3 - MODULE

3
MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION

Pangalan:____________________________________________

Seksyon:___________________________________________
Inihanda ni: Bb. Luzuel E. Acebuche

P a g e 1 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

YUNIT I

AKING SARILI AT AKING PAMILYA

P a g e 2 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Unang Linggo

AKO AT AKING PAMILYA

Basahin ang diyalogo.

Si Albert naman ako, walong taong gulang

Kumusta! Ako si Rosita, walong din. Tawagin mo naman akong Bert. 😊

taong gulang. Tawagin mo nalang

akong Rose. 😊

Ano ang pinag-uusapan ng dalawang mag-aaral?

Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon

ang iyong maaaring ibigay?

P a g e 3 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang tagpuan, tauhan, at

mga pangyayari.

Talaan ng Tagpuan

Pamagat ng Kuwento

Saan nangyare ang Kailan nangyare Paano mo mailalarawan

Kuwento? ang kuwento? ang lugar na pinang-

yarihan ng kuwento?

Talaan ng Tauhan

Pamagat ng Kuwento

Sino ang pinakagusto mo sa

Sino ang pangunahing Magbigay ng mga katangian
Mga tauhan? Bakit?
Tauhan sa kuwento? ng tauhan sa kuwento.

P a g e 4 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Talaan ng mga Pangyayari

Pamagat ng Kuwento

Ano-ano ang mahahalagang Ano ang naging suliranin ng

pangyayari sa kuwento? pangunahing tauhan sa
kuwento?

Ano ang naging kalutasan ng

suliranin sa kuwento

Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento.

Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.

Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at

kalutasan sa kuwento.

P a g e 5 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Sabihin at Alamin

Gawain 1.

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ang mga

pangalan na inyong nabasa.

A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan. Sa

pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting?
Ano ang nakita ng Tatay? Nasaan ang kuting?

B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.

Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi sa paligid?
Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi?

Mga tanong:
1. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

______________________________________
2. Ano ang pangngalan?

______________________________________

Tandaan

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.

P a g e 6 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Subukin

Gawain 3

Sipiin ang tsart sa ibaba. Tukuyin ang uri ng sumusunod na

pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon.

ate upuan walis pambura silid-aklatan

aklat bag tatay Tiya Rose

Pangngalan

Tao Lugar Bagay

P a g e 7 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at

may damdamin.

Ang pag-uwi ni Sally

ni: Nelia D. Bamba
“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni nanay. Pumunta na tayo sa
terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben
upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya
Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.”
“Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng dalawang
buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni Ben. “Ano kaya
ang pasalubong niya sa akin ”
“Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si
Sally ” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw,
hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon
sumakay si Sally," nag-aalalang sabi ni Nanay.

Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha.

“Nanay, huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa susunod na
bus na si Sally.”
“Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay.
“Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang
pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing,
“Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”
“Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na,
naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi
ni Nanay.

P a g e 8 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang

kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala
si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at
backpack, ” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas
importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang uuwi?

_______________________________________________________

2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

P a g e 9 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

P a g e 10 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

6. Bakit nag-alala si Nanay?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

7. Ano ang naramdaman ng pamilya?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

8. Ano ang naramdaman ni Ben ?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

P a g e 11 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Lingguhang Pagatataya

Gawain 1

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang

uri ng mga pangngalang may salungguhit at isulat ito
sa tamang kahon.

a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya

ang mga manok.
b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.
c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.
d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na
mga payong.
e. Hindi ko siya mapabangon sa kama.
f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang
dalawang paso.

Pangngalan

Isahan Maramihan

Sanggunian

P a g e 12 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Mga Manunulat:

Nelia D. Bamba Lilibeth A. Magtang Claire Barcelona

Florita R. Matic Irene Pilapil Raquel Solis

Franlyn R. Corporal Gretel Cadiong Florinda Dimansala

Arabela Soniega Grace Rabelas Victoria Mangasil

Konsultant at Editor: Felicitas E. Pado, PhD

Rosalina J. Villaneza, PhD Editha Macayaon

Mga Tagasalin: Enelyn T. Badillo, Fe V. Monzon, at Agnes G. Rolle (Lead Person)

Ikalawang Linggo

Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay

P a g e 13 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Sabihin at Alamin Gawain 1

Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!”

1. May bagong saranggola si Tatay.

May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa bukid.

Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang nilagang
itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog na
tinapay.

Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap?

Paano sila nagkakaiba?

Ano ang isahang pangngalan?

Ano ang maramihang pangngalan?

Tandaan

P a g e 14 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Ang pangngalang isahan ay nagbibigay pangalan sa iisang bagay.

Ang maramihang pangngalan ay nagbibigay pangalan sa dalawa o higit pang

mga bagay.

Subukin

Gawain 2
Sipiin ang tsart sa ibaba at isulat ang wastong sagot.

Pangngalan

Isahan Maramihan

Basahin at Alamin

P a g e 15 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin

at ekspresyon.

Prutas na Makatas
ni: Nelia D. Bamba

“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang

mga bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. “Uuwi na tayo,
Biyernes na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata.

“Narito na ba ang lahat ” tanong ni Mang Peping.

“Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking
lagayan ng tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong
uminom, napagod ako sa aming praktis ng balibol.”

“Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!

Nakikita ba ninyo ang mga tindahan ng prutas sa gilid
ng kalsada Maraming melon, suha, pinya, at bayabas,
mukhang makatas at sariwa,” ang wika ni Marie.

“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi

ni Miguel.

“Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang

Peping. “Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng
mga magsasaka sa kanilang bukid.”

“Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado

ako, bibili siya,” ang sabi ni Miguel. “Mahilig akong kumain ng
mga prutas, mabuti ito sa kalusugan,"” ang sabi niya.

“Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na!

Tayo nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata.

P a g e 16 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Sagutin ang tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

3. Bakit nila ginawa ito?

Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!”

1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog,
at isang tasa ng sopas.

P a g e 17 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso

ng tinapay.

Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin? Alin ang mga

pangngalan na hindi nabibilang?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Alin ang pangngalang pamilang?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Alin ang pangngalang di-pamilang?

_______________________________________________________

P a g e 18 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang? Ano ang

ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Tandaan

Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang.

Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-
nabibilang.

Sabihin at Alamin

Gawain 1

P a g e 19 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat.

ic e c re a m c a rro t

sa g in g so p a s

a su ka l b a ya b a s

(Pangngalang Pamilang) ( P a n g n g a la n g
Di-pamilang)

(Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di-pamilang)

Gawain 2
Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na
pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.

a. bote ng mantika Pangngalang

b. bibingka P pamilang
c. isang mansanas a
d. isang tasang asukal n
e. sampung mangga g
f. mantekilya n
g. isang pirasong saging g
h. garapon ng asin a
i. isang basong juice l Pangngalang
j. tatlong kahel a di-pamilang
n

P a g e 20 | 21
St. Raphaela Mary School
Mother Tongue 3 - MODULE

Basahin ang pangyayari mula sa “Makatas na Prutas.” Nalimutan

ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan.

Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali
upang kunin ang tubigan at makainom.

Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento? Bakit

nag-alala si Miguel?
Ano ang naisip niyang kalutasan?
Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-
aalala ng tauhan?
Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?

P a g e 21 | 21

You might also like