You are on page 1of 11

Unang Linggo

Alamin Natin

Kumusta mga bata? Muli, tayo ay mag-aaralan na naman sa isa’t-isa.


Halika! Sabay-sabay tayong matuto.
Handa ka na bang matuto at tuklasin ang kaalamang matututunan mo?
Ihanda na muli ang iyong sarili at buong kaisipan upang maisagawa mo
ang mga gawain.
Ang Modyul 1 na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa mga salitang
naglalarawan.
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan na tumutukoy sa laki, hugis,
bilang, tekstura, temperatura, at mga damdamin sa mga pangungusap -
MT1GA-Iva-d.2.4

Subukin Natin

Bago natin simulan ang mga aralin na aking tatalakayin at pag-aaralan


natin sa modyul na ito, magkakaroon muna tayo ng maikling pagsusulit.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Masarap humiga sa _________ na unan. Piliin ang angkop na salitang naglalarawan


upang mabuo ang pangungusap.

A. matigas B. malambot C. marumi D. gusot

2. Tingnan ang larawan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan


nito?

A. Ang elepante ay malaki.


B. Maiksi ang nguso ng elepante.
C. Ang elepante ay may maliit na tenga.
D. Walang buntot ang elepante.
3. Sa panahon ngayon,kailangan na tayo ay may malasakit sa ating kapwa. Alin ang
salitang naglalarawan sa pangungusap?

A. panahon B. malasakit C. tayo D. kapwa

1
4. Dumating na ang kuwadradong salamin sa sala. Alin ang salitang naglalarawan na
ginamit sa pangungusap?

A. dumating B. salamin C. kuwadrado D. sala

5. Ang buwan ng Marso at Abril ay __________ na panahon. Punan ng wastong pang-


uri upang mabuo ang pangungusap.
A. mainit B. maaliwalas C. malamig D. maulan

Mga Salitang Naglalarawan na Tumutukoy sa Hugis,


Kulay, Bilang, Laki, Temperatura, Tekstura at
Module 1
Damdamin
(PANG-URI)

Balikan Natin

Natututunan ninyo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbabasa. Ito ay


tumutukoy sa pagbigkas ng mga tunog at pag-unawa sa kahulugan ng mga
salita.
Halimbawa: mani
Ang salitang sabon ay pinagsamang tunog ng /m/, /a/, /n/, /i/.
PAGSASAMAHIN mo ang tunog na:
/m/ + /a/ = /ma/ /n/ + /i/ = /ni/
/ma/ + /ni/ = /mani/

Tuklasin Natin

Panuto: Basahin ang kuwento kasabay ng inyong magulang o


nakatatandang kapatid.

Si Marcos, Ang Bunsong Anak


Halaw mula kay: Andrea Mabel E. Abrencillo

2
Sa isang malayong pook, may isang mag-anak na nakatira sa isang barong-
barong. Dahil sa kahirapan ng buhay, kailangan nina Aling Sonia at Mang
Renato ang kumayod nang kumayod at gawing araw ang gabi upang
matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Mayroon silang
pitong anak, apat na babae at tatlong lalaki.
Sa kabila ng kanilang kahirapan, masaya ang magkakapatid na sumusunod sa
utos ng kanilang mga magulang. Araw-araw, kakikitaan ng masayang
pamumuhay ang mag-anak.
Isang mahangin na hapon sa di inaasahang pangyayari, ang bunsong anak na
si Marcos ay umuwing mag-isa. Sa kanyang paglalakad pauwi sa kanila,
nakakita siya ng iba-ibang kulay ng paru-paro na animo’y naglalaro sa
paglipad. Tuwang-tuwa niyang sinundan ito. Hindi niya namalayan, malayo
na pala ang kaniyang narating. Hindi na niya alam ang daan patungo sa
kanilang bahay. Takot na takot siya at at umupong umiiyak. Hindi niya
malaman ang gagawin. Dalawang matandang lalaki ang biglang sumaklolo sa
bata. Sa ganoong sitwasyon, dumating ang kanyang kuya na sina Marino at
Marlon. Buong pagmamahal nila itong niyakap. Magalang na nagpasalamat
ang magkakapatid sa dalawang lalaki na nagmamalasakit at nagliligtas kay
Marcos.

Sagutin ang mga tanong:


1.Sino ang bunsong anak nina Aling Sonia at Mang Renato?
________________
2. Anong uri ng pamumuhay mayroon ang pamilya? ______
3. Ano ang nararamdaman ni Marcos nang malaman niya na malayo na
siya sa kanilang bahay? ___________________
4. Anong kulay ng paru-paro ang nakita ni Marcos? _______
5. Paano niyakap si Marcos ng kanyang mga kapatid?
_______________________________

Talakayin Natin
Panuto: Basahin at suriin ang mga salita. Pangkatin ang mga ito
ayon sa kulay, laki, bilang, hugis, tekstura, temperatura, at
damdamin. Gawin ito sa malinis na papel.

3
malayo buo malambot
masaya apat mainit
bughaw pito malungkot
malaki matanda bilog
mahangin maliliit maputi

Kulay Laki Bilang Hugis Tekstura Temperatura Damdamin

Pagyamanin Natin

Gawain 1
Panuto: Tingnan ang larawan. Punan ng mga salitang
naglalarawan ang pamilya na makikita sa larawan
nito. Isulat sa inyong sagutang papel.

1._____________________ na ama.
2. ____________________ na ina.
3. ____________________ na mesa.(hugis)
4. ____________________ na pagkain ang nakahain sa hapag-kainan.
5. May _____________ na mga upuan. (bilang)
Gawain 2
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang salitang naglalarawan
na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

malambot berde makasaysayan

4
magiting malungkot

1. Tuwing tag-ulan, ____________ ang kulay ng Chocolate Hills.


2. Mula nang umalis ang tatay niya, naging _________
na si Carmina.
3. Masarap humiga sa ___________________na unan.
4. Ang Intramuros sa Maynila ay isang _______________
na lugar.
5. Ang sundalong _________________ ay nakatanggap ng gantimpala.

Gawain 3:
Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap.

1.May dalawang ibon sa puno.


2.Ang damit ni Mona ay kulay pula.
3.Nakakalungkot ang mabilis na pagtaas ng bilang ng Covid -19
ngayon.
4.Ang tigre ay isang mabangis na hayop.
5.Si Patrick ay isang masipag na frontliner.

Gawain 4
Panuto:Guhitan ang salitang naglalarawan para sa bawat
larawan.

1. marumi mabango

2. walo anim

3. sampu berde

4. mahangin mainit

5
5. masipag tamad

Tandaan Natin

Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?

Ang pang-uri ay salitang ginagamit upang mailarawan ang isang tao,


bagay, hayop, at lugar o pook.
Halimbawa:
kulay – asul,berde
bilang – isa,marami,kaunti
hugis – bilog, kuwadrado
tekstura – makapal, magaspang,mabangis
temperatura – mainit, malamig
damdamin – masaya, malungkot

Isabuhay Natin

Panuto: Magbigay ng dalawang salita na naglalarawan sa


iyong paboritong pagkain.Gamitin ito sa pangungusap.

__________________________ __________________

Ang paboritong kong pagkain ay _____________ dahil ito ay


______________ at _______________.

Tayahin Natin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.


_______1. Natatakpan ng ulap ang araw kaya makulimlim. Alin
ang salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap?
A. makulimlim B. natatakpan C. ulap
______2. Alin sa mga sumusunod ang salitang naglalarawan

6
sa pangungusap?

A. Si Amie ay umalis ng maaga.


B. May dala akong anim na tinapay.
C. Si nanay ay pumunta sa palengke
______3. Isang kayumangging aso ang alaga ni Sheena.
Tukuyin ang wastong pang-uri na ginamit sa
pangungusap.

A. aso B. kayumanggi C. alaga


______4.Tingnan ang larawan. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang wastong paglalarawan nito?
A. Ang pisara ay tatsulok.
B. Hugis parisukat ang pisara.
C. Ang pisara ay marumi.

______5.Maingay ang tunog ng tren. Tukuyin ang


wastong
pang-uri na ginamit sa pangungusap?
A. tunog B. tahimik C. maingay

Gawin Natin

Panuto: Sumulat ng dalawang salita na naglalarawan sa


kaliwa.

____________________ ________________

___________________ __________________

__________________ ___________________

Repleksiyon
Ibahagi mo ang iyong natutuhan sa pagsagot sa mga pagsasanay sa araling ito sa
pamamagitan pagbuo ng pahayag na nasa loob ng kahon. Masayang pagbabahagi!

Masaya ko pong ibinabahagi ang araling natutuhan ko

7
8
TAYAHIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
A GAWAIN 4 GAWAIN 3
B mabango dalawa
B walo pula
A berde nakakalungkot
C mainit mabangis
masipag masipag
PAGYAMANIN Pagyamanin Subukin Natin
GAWAIN 2 GAWAIN 1 B
berde masipag A
malungkot maasikaso B
malambot parisukat C
makasaysayan masarap/ A
masustansiya TALAKAYIN NATIN
magiting
lima KULAY: bughaw ; maputi
LAKI: malaki; maliliit
BILANG: apat ; pito
HUGIS: bilog; buo
TEKSTURA: malambot ;
matanda
Temperatura: mainit;
mahangin
Damdamin: masaya;
malungkot
Susi sa Pagwawasto
nagsilbing ___________________ sa akin.
tulad ng pagiging _____________________ na
mga _____________________________ sa kwento
________. Isang kahanga-hanga ang mga ginawa ng
______________________________________________
________ na maaari kong ibahagi sa aking mga
______________________________________________
natutuhan tulad ng
tungkol sa ________________________. Marami akong
Sanggunian

Mother Tongue-Based Multilingual Education


Kagamitan ng Mag-aaral – Binagong Edisyon 2017
Google.com
http://www.clipartbest.com/clipart-9iRLrXkkT
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Emojione_BW_1F95C.svg
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/business-women-
with-idea-character-vector-14196080
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/caucasian-
business-woman-having-business-idea-vector-19382767
https://www.wpclipart.com/plants/rose_sketch.png.html
https://pixy.org/1140681/
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/leaf-line-art-
contour-drawing-minimalism-art-vector-21412846
https://dlpng.com/png/6167022
http://clipart-library.com/clip-art/261080_students-clipart-png.htm

Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Manunulat: RIZA L. MAGABILEN


Mga Editor:
Editor ng Wika:
MARY JANE E. CABACABA

Editor ng Nilalaman
GENALYN GESTUPA

Mga Taga-rebyu:
DR. JENNIFER G. RAMA

Tagaguhit:
Tagalapat:
Mga Tagapangasiwa:
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD-Chief
DR. ELLERY QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS -FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS- LRMS/ALS

9
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax:

Email Address:

10

You might also like