You are on page 1of 5

Ang Tula ni Emma

ni: Dolorosa S. de Castro


“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.
Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula.
Pinamagatan niya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati.
“Ang galing mo Emma,” ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.
“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,”
sagot ni Emma sa kaibigan.
Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado,
“Sino si Isko Palito sa iyong buhay?”
“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya
inaalintana ang hirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan
naming lahat,” ang matalinong sagot ni Emma.
Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang
isinabit ang medalya sa leeg ni Emma.

8. Saan naganap ang kuwento?


a. bahay b. paaralan c. parke d. simbahan
9. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa kuwento?
a. Isinabit ng hurado ang medalya sa leeg ni Emma.
b. Tinawag ang pangalan ni Emma bilang siyang nanalo sa paggawa ng
tula.
c. Kinamayan ng mga kaibigan si Emma.
d. Si Isko Palito ay ang aking ama.
a. a b c d b. b a c d c. b c a d d. b c d a
10. Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?
a. tao b. lugar c. hayop d. pangyayari
11.Sa linyang “Buong giliw niyang inabot ang medalya,” anong salita ang
maaaring ipalit sa salitang medalya?
a. ito b. iyan c. iyon d. diyan
12. Si Emma ay sumali sa paligsahan ng paggawa ng tula. _______ ang
nagkamit ng Unang Karangalan sa palatuntunan.
a. Tayo b. Sila c. Ako d. Siya
13. Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang parangal?
a. barado b. dangal c. superman d. kaibigan
14. Alin sa mga pares ng mga salita ang magkatugma?
a. agos-tubig c. masipag-matiyaga
b. mata-kilay d. matapang-mabait
15.Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
malakas?
a. lumakas b. mabikas c. malasa d. natakas
16.Ano ang unang ginawa ni Emma?
a. Gumawa ng tula.
b. Isinumite ang tulang ginawa.
c. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.
d. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
17.Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?
a. Inabot ang medalya.
b. Magpasalamat sa mga hurado.
c. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.
d. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
18.Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng diksyunaryo?
a. paghanap ng mapa o larawan
b. paghanap ng mga kahulugan ng salita
c. paghanap ng tamang baybay ng salita
d. paghanap ng kasalungat na kahulugan ng salita
19.Nais ni Emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang
sanggunian. Bukod sa aklat na kaniyang ginagamit, saang bahagi niya
ito makikita?
a. indeks b. pabalat c. bibliograpiya d. talaan ng nilalaman

You might also like