You are on page 1of 8

PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA SALITA

AYON SA ALPABETONG FILIPINO

Magandang araw sa iyo!

Pagkatapos mo ng modyul na ito inaasahang lohikal mo


nang mapagsusunud-sunod ang mga ideya sa ulat/balitang
napakinggan, makapagsunud-sunod ka na ng mga salita
ayon sa alpabetong Filipino sa una hanggang ikatlong titik,
makagagamit ka na ng angkop na bantas para sa iba’t-ibang
uri ng pangungusap.

Pagbalik-aralan Mo

1
Tingnan mong mabuti ang larawan.
Ano ang dapat mong gawin kapag nakakita ka ng bahay na nasusunog?
Sino ang unang dapat mong bigyan ng impormasyon?

Basahin mong mabuti ang sumusunod na patalastas.

Lahat ay pinapayuhang maging alerto, anumang oras sa pagitan


ng 8:00 NU hanggang 2:00 NH sa pagkakaroon ng hudyat ng bell.
Kapag narinig ang bell ang lahat ng mga guro at mag-aaral ng Juan
Sumulong Elementary School ay humanda sa pagkakaroon ng
isang pagsasanay para sa kahandaan sa sunog. Ito ay alinsunod
sa kautusan na pinaiiral ng punung-lungsod ng Lungsod ng
Antipolo.

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Sino ang tinatawagan sa impormasyong ibinigay?


2. Anong oras nila dapat pakinggan ang bell?
3. Ano ang isasagawa sa paaralan?
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pagsasanay para sa kahandaan sa
sunog?
5. Anong kabutihan ang naidudulot nito?

Ganito ba ang naisulat mong mga sagot?

1. Batang mag-aaral sa Juan Sumulong?


2. Mula ika-8:00 NU hanggang 2:00 NH
3. Pagsasanay para sa kahandaan sa sunog
4. Upang malaman ang dapat gawin kung may sunog.
5. Makabubuti ang pagkakaroon ng pagsasanay upang magkaroon ng
kahandaan sa mga dapat gawin sa oras na magkaroon ng sunog.

Magaling! Kung tama lahat ang iyong sagot.

2
Pag-aralan Mo

Basahin mo ang lathalain.

Naglalakad si Joy kasama ang kaibigang si Ivy sa malawak na niyugan na


pag-aari ng kanyang lola. Nakita nilang maraming walis tingting ang
nakasalansan sa isang bahagi ng niyugan. Nang makita niya ang pinsan niyang
si Kuya Manny, nilapitan nila ito at nagtanong.
“Kuya Manny, saan po ba ninyo dinadala ang napakaraming walis tingting
na iyan?” usisa ni Joy.
“Ipinagbibili ang mga iyan sa Maynila. Dinadala sa palengke upang
maibenta. Alam ninyo namang isa ito sa mahahalagang gamit sa bahay. Kung
kaya‟t, halos lahat ng pamamahay ay mayroon nito. Wala kaming kahirap-hirap
sa pagbebenta nito,” dagdag na wika ni Manny.
“Madali po ba ang paggawa ng walis tingting?” sabad ni Ivy.
“Oo naman, napakadali. Ituturo ko sa inyo kung paanong ginagawa ang
walis tingting,” masayang sagot ni Kuya Manny.

Narito ang paraan sa paggawa ng walis tingting:

1. Pumili ng mga dahon ng niyog na magulang at matigas na.


2. Ihiwalay ang bawat piraso ng dahon sa tangkay sa pamamagitan ng pagputol sa
buko ng tingting gamit ang matalim na itak.
3. Kayasin ang naiwang dahon sa tingting.
4. Ipunin ang mga tingting.
5. Talian ang mga tingting. Putulin nang pantay-pantay ang mga dulo nito.

3
Maari na itong gamitin sa pagwawalis.

“Ay, napakadali naman pala. Halika Ivy, subukan natin para magkaroon tayo ng
pera.” ang wika ni Joy.
Napangiti si Manny sa tinuran ni Joy.

Pag-usapan natin ang iyong binasa. Maari mong isulat sa iyong kuwadernong
sagutan ang mga sagot rito.

1. Ano ang tumawag sa pansin nina Joy at Ivy nang sila‟y namamasyal sa
niyugan?
2. Bakit mahalaga ang walis tingting?
3. Paano ang paggawa nito?
4. Madali bang magkapera sa paggawa ng walis tingting? Paano?
5. Gagawa ka rin ba ng walis? Bakit?

Ganito ba ang iyong sagot?

1. Nakita niya ang maraming walis tingting na nakasalansan sa isang bahagi


ng niyugan.
2. Ang walis ay mahalaga sa paglilinis ng bahay.
3. Ang mga paraan sa paggawa ng walis ay
a. Pumili ng magulang na dahon ng niyog.
b. Ihiwalay ang dahon sa tingting ng niyog
c. Kayasin ito
d. Ipunin ang tingting at talian.
4. Oo, madaling magkapera dahil kahit sa palengke ay maari itong ibenta.
5. Gagawa rin ako ng walis dahil gusto kong makaipon at makatulong sa
nanay ko.

Magaling!

A. Tingnan ko kung masasagot mo ito.

Isulat mo ang pangalan ng tauhan sa kuwento ayon sa pagkakasunud-sunod


nito sa alpabetong Pilipino!
1-
2-
3-

Ganito ba ang ginawa mo?


Ivy
Joy
Kuya Manny

4
Gawin mo pa nga ito. Mga salitang kinuha ko sa kuwento at ayusin mo sa
paraang paalpabeto.

walis pagbebenta matalino


kaibigan tingting pinsan
gamit paggawa bahagi

Katulad ba ng ginawa ko ang ginawa mo?

bahagi matalim pinsan


gamit pagbebenta tingting
kaibigan paggawa walis

Magaling!!!
May ibibigay pa ako sa iyong ibang gawain.

Isaisip Mo

Ang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa alpabetong Filipino ay naaayon


sa wastong ayos nito. Ito ay maaring gawin mula unang titik hanggang ikatlong
titik ng salita ayon sa pagkakasunud-sunod sa Alpabetong Filipino.

Pagsanayan Mo

A. Basahin mo ngayon at bigkasin ang ating alpabeto.

A - Alpabeto natin ay mahalin


B - Batayan ito, wikang sadyang atin
K - Kung sa ibang wika mandi‟y ihahambing
D - Di pahuhuli ating pakasuriin
E - Ewan kung saan nanggaling itong wika
G - Gunitain mong pilit
H - Hindi mo maiwanan
I - Iyan daw ay biyaya, sa Diyos ay mula
L - Likas na tunog ng ating alpabeto

5
M - Makikitang iba pagkat sarili nito
N - Ni ang Ingles, Espanyol o ano
NG - Ng ay wala, pagkat atin lang ito.
O - Oh! At ang kanyang mga patinig
P - Pawang iisa lang tunog na maririnig
R - Ritmo ng indayog, nakakakilig
S - Sa bigkas ng salitang sa ati‟y hulog ng langit.
T - Tangkilikin natin wika ng bayan
U - Upang tayo ay maunawaan
W - Wala raw higit na wikang mayaman
Y - „Yon na ang sabi sa alpabeto ng bayan.

Kaya mo rin bang awitin ang “Alphabet Song?”

Pag-aralan mo.

B. Ayusin mo ang mga larawan ayon sa wastong


pagkakasunud-sunod sa alpabetong Filipino.
Lagyan ng pangalan ang bawat isa.

6
Subukin Mo

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang wasto ang pagkakasunud-


sunod ayon sa alpabetong Filipino. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.

1. a lapis b bola c bola


lobo mata lapis
bola lapis lobo
mata lobo mata

2. a Ana b Ana c Ana


Romel Belen Belen
Tino Romel Tino
Belen Tino Belen

3. a santol b abokado c abokado


mangga tsiko mangga
abokado mangga santol
tsiko santol tsiko

4. a aso b aso c aso


baboy baboy manok
kambing manok baboy
manok kambing kambing

5. a Filipino b English c English


Math Filipino Math
English Math Science
Science Science Filipino

Ipakita mo sa guro ang iyong sagot.

Binabati kitang muli sa pagtatapos mo sa modyul na ito.

7
ISULAT MO

Sipiin ang mga pangungusap at lagyan ng wastong bantas.

1. Ano ang pangalan ng batang nadulas?


2. Lito Reyes ang pangalan ng batang nadulas?
3. Ang aso, pusa at kuneho ay pare-parehong may balahibo.
4. Bakit sila magkakatulad?
5. Mabangis ang leon kaysa asong gubat.

You might also like