You are on page 1of 38

PAMPAMILYANG KAGAMITANG

PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

BASAYA
(Basa Pamilya ay Masaya ‘pag Magkakasama!)

Pampamilyang Kagamitang
Pampagkatuto sa Filipino
(may GMRC Integrasyon)

0
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

BASAYA
(Basa Pamilya ay Masaya ‘pag Magkakasama!)

IMPORMASYON NG PAMILYA

PANGALAN NG MAG-AARAL BAITANG

______________________________________________ __________________
______________________________________________ __________________
______________________________________________ __________________
______________________________________________ __________________
______________________________________________ __________________

Ama: _________________________________________________

Ina: _________________________________________________

Tagapangalaga at relasyon: ______________________________

Iba Pang Kasapi ng Pamilya: _____________________________

Tirahan: _______________________________________________

Numero na Maaaring Kontakin: ___________________________

1
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Kumusta ka!
Ako si Fili at siya naman si Pina. Kami ang
magiging gabay mo sa modyul na ito. Pero
bago ito, basahin ang kasanayang
hahasain sa modyul na ito.

Ano ang matututuhan natin sa


BASAYA na ito?

Kasanayan:
Naibibigay ang buod o lagom
ng tekstong binasa (F3PB- IIj-
16) F3PB-IVi-16)
Layunin:
Naibibigay ang buod o lagom
ng tekstong binasa

Mukhang maganda ito. Ngunit bago ang lahat, sagutin muna


ang Panimulang Pagtatasa sa susunod na pahina.

2
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

PAUNANG PAGSUSULIT

A. Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga gawain mo sa paaralan.


Isulat ang bilang 1-5 sa loob ng kahon, 1 para sa pinakaunang gawain
at 5 naman sa pinakahuling gawain.

B. Lagyan ng titik A-E ang patlang upang mapagsunod-sunod ang mga


gawain
mo bago pumasok sa paaralan.
___6. Kumain
___7. Magsipilyo at maligo
___8. Siguruhing handa ang gamit bago pumasok.
___9. Magbihis ng uniporme
___10. Magdasal pagkagising sa umaga.

3
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
C. Basahin at intindihing mabuti ang teksto. Sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.

4
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Piliin sa Hanay B ang tamang sagot ng Hanay A. Isulat ang sagot
bago ang bawat bilang.

HANAY A HANAY B
11. Saan pumunta si Inahing Manok? A Si Agila
__12. Sino ang nabighani sa ganda ni Inahing B Singsing
Manok?
__13. Ano ang regalo ni Agila sa Inahing C Hinahanap nila ang
Manok? nawawalang singsing.
14. Bakit nawala ang singsing? D sa bukid
__15. Bakit hanggang ngayon ay kumakahig E Nagselos si Tandang at
pa rin ang mga manok sa lupa? singsing ay initsa.

D. Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa teksto upang mabuo ang buod ng


kuwento. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang ayon sa pagkakasunod ng
pangyayari sa kuwento.

___16. Mula noon kumakahig na ang manok at nagtatago tuwing nakikita


ang Agila.
___17. Nagselos si Tandang nang ito’y malaman kaya singsing ay initsa.
___18. Nagalit si Agila nang makitang ‘di suot ng Manok ang singsing.
___19. Pumunta sa bukid si Inahing Manok habang sinusubaybayan siya ni
Agilang nabighani sa kanyang ganda.
___20. Niregaluhan siya ni Agila ng singsing na magara.

Mayroon akong nakitang isang maganda kuwento.


Basahin natin ito sa susunod na pahina. Maaaring
humingi ng gabay sa iyong magulang. Tara!

5
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Ang Masamang Kalahi
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay
humanap na ng ibang kulungan ang natalong Katyaw, at doon sa bagong
kulungan ay madaling nakapamayagpag na muli ang talisain.
Ang mga Leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas
ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda
sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.

"Naku!" ang bulalas ng dumalaga. "Ako pala'y sinisiraan ni Tenoriong Talisain.


Ako raw ay naging kasintahan niya."

"Di yata?" ang bulalas din ni Aling Martang Manok.

"At katakut-takot na paninira raw ng laban sa mga kalahi ang ginagawa ng


talisaing yan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo."
Gayon din ang ikinagagalit ni Goriong Tandang nang siya ay dumating.

"Napakasamang manok niyang si Tenoriong Talisain," ang wika ng


tandang. "Kanina lamang ay nakita ko kung paano siya lumakad at
nagsalita na animo'y ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko pa'y
nagpapakulay daw ng balahibo upang maging mistulang leghorn na.
Nakapanginginig ng laman."
"Pabayaan nyo siya," ang wika ni Aling Martang Manok. "Pagsisisihan din niya
ang kanyang ginagawa sa bandang huli."

Ilang araw pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si


Tenoriong Talisain. Gusot na gusot ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang
isang paa, bugbog sarado ang buong katawan at halos hindi makagulapay.

"Bakit, ano ang nangyari?" ang sabay-sabay na tanong ng mga kalahing


manok.

"Matagal na pala siyang kinaiinisan ng mga leghorn," ang wika ni Toniong


Tandang. "Kanina'y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na
leghorn."

"Bakit hindi mo pa hinayaang mapatay?" ang wika ng mga manok. "Tayo rin
lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa."

"Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Toniong


Tandang. "Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako
sumaklolo'y wala na siya ngayon."
"Nakita mo na Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok."Iyang
kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng ng kagipitan."

6
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Nagustuhan mo ba ang kuwento?
May napansin ka bang kakaiba sa iyong binasa?
Tama ang iniisip mo!
Ang mga hayop ang mga gumaganap sa kuwento. Tinatawag
itong Pabula. May makukuha tayong aral dito.

Kung ganoon, ano ang aral na makukuha natin sa kuwento?


Tama ka!
Huwag maging mayabang tulad ni Tenoriong Talisain.
Ipinakita rin dito na sa oras ng kagipitan ang mga kalahi o
pamilya mo ang matatakbuhan kaya pakamahalin sila.
Sagutin mo ang susunod na mga gawain. Kaya mo ‘yan!

Gawain 1
Hanapin ang larawan ng mga tauhan sa kuwento na angkop sa kanilang
katangian. Piliin sa hanay B ang sagot ng hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
HANAY A HANAY B
A.

1. Goriong Tandang -matapang na


manok
2. Tenoriong Talisain -mayabang na B.
manok

3. Lolitang Leghorn- ang C.


pinakamagandang
banyagang manok

4. Denang Dumalaga -naging D.


kasintahan
daw ni Tenoriong
Talisain
5. Aling Martang Manok -Inahing Manok E.

7
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
B. Tukuyin ang ginagawa ng mga tauhan sa teksto upang mabuo ang buod
ng kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa loob ng kahon.

A. Siniraan ng Talisain ang dalagang manok kaya galit na galit ito.


B. Ipinasa-Diyos ng Inahing Manok ang masamang ugali ng Talisain.
C. Naging kaibigan ng Talisain ang pinakamagandang leghorn.
D. Kinampihan ng Tandang ang Talisain nang awayin ito ng mga leghorn.
E. Nag-away ang Tandang at ang Talisaing Manok. Nang matalo ang
Talisain humanap na ito ng ibang mga kaibigan.

C. Basahin muli ang Pabulang “Ang Masamang Kalahi”. Lagyan ng tsek


ang patlang kung ang pangungusap ay nangyari sa kuwento at ekis
kung hindi.

___11. Nag-away ang Tandang at ang Talisaing manok. Nang matalo ang
Talisain humanap na ito ng ibang mga kaibigan.
___12. Naging kaibigan ng Talisain ang pinakamagandang si Lolitang
Leghorn.
___13. Siniraan ng Talisain si Denang Dumalaga kaya galit na galit ito.
___14. Nagalit ang inahing manok sa masamang asal ni Tenoriong Talisain.
___15. Ipinagtanggol ng Tandang ang Talisain nang awayin ito ng mga
Leghorn.

8
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
D. Sagutin ang sumusunod na mga tanong ayon sa kuwentong binasa. Piliin
ang titik ng
tamang sagot.

___16. Bakit lumipat si Tenoriong Talisain sa lupain ng mga Leghorn?


A. Mayayaman ang mga Leghorn.
B. Natalo si Tenoriong Talisain ni Toniong Tandang.
C. Niyaya si Tenoriong Talisain ng mga Leghorn.
D. Maraming pagkain ang mga Leghorn.

___17. Sino ang naging kaibigan ni Tenoriong Talisain na pinakamagandang


manok na legham?
A. Si Denang Dumalaga
B. Si Inahing Manok
C. Si Lolitang Leghorn
D. Si Martang Leghorn

___18. Sinong dumalagang manok ang nagalit kay Tenoriong Manok dahil sa
kanyang paninirang puri?
A. Si Denang Maganda
B. Si Denang Leghorn
C. Si Denang Dumalaga
D. Si Denang Dalaga

___19. Ipinasa-Diyos ba ng Inahing Manok ang masamang ugali ng Talisain?

A. Opo
B. Hindi
C. Hindi ko alam
D. Ewan ko po

___20. Ano ang ginawa ni Toniong Tandang nang awayin si Tenoriong Talisain
ng mga Leghorn?
A. Pinabayaan ni Toniong Tandang na awayin ng mga Leghorn si
Tenoriong Talisain.
B. Ginantihan ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain.
C. Kinampihan ni Toniong Tandang ang mga Leghorn.
D. Tinulungan ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain.

Ang saya magbasa ng pabula, ‘di ba?


Sa pagbabasa ay nahahasa ang ating isip at may
nakukuha tayong mga kaalaman dagdag pa ang aliw
na binibigay nito sa mambabasa. Tara, magbasa pa
tayo!
9
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

10
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Gawain 2:
A. Pagsunurin ang sumusunod na mga larawan. Lagyan ng bilang 1-9 sa loob
ng kahon.

B. Isulat sa patlang ang Naganap kung ang sumusunod na pangyayari ay


nangyari sa kuwento at Di- Naganap kung hindi.

________________ 1. Naghahanap ng bagong tirahan si Uwak mula sa


malayong lugar.
________________ 2. Nakaramdam siya ng init at pagod sa kanyang
paglalakbay.
________________ 3. Nakakita siya ng boteng may lamang kaunting tubig.
________________ 4. Nilagyan niya ng maliliit na bato ang bote nang ang
tubig ay umapaw.
________________ 5. Hindi napatid ang kanyang pagkauhaw sapagkat di siya
nakainom.

11
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

C. Sagutin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Bato at Ang Uwak
B. Ang Uwak
C. Ang Uwak at Ang Bote
D. Ang Uhaw Na Uwak
2. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
A. Uwak
B. Wakwak
C. Itik
D. Aso
3. Saan naganap ang kuwento?
A. Sa Isang palasyo
B. Sa bahay kubo
C. Sa malayong lugar
D. Sa lungsod
4. Ano ang suliranin sa kuwento?
A. Nauuhaw si Uwak at nakakita siya ng kaunting tubig sa bote.
B. Nauuhaw si Uwak at walang tubig siyang makita.
C. Nagugutom si Uwak
D. Napilay si Uwak.
5. Ano ang naging solusyon sa suliranin ng tauhan sa kuwento?
A. Nilagyan ang bote ng maliliit na mga bato upang tubig ay umapaw
at makainom si uwak.
B. Nilagyan ang bote ng maliliit na mga boto upang tubig ay umapaw
at makainom si uwak.
C. Nilagyan ang bote ng maliliit na mga dahon upang tubig ay
umapaw at makainom si uwak.
D. Nilagyan ang bote ng maliliit na mga sanga upang tubig ay
umapaw at makainom si uwak.
6. Anong kaugalian ang ipinakita ni Uwak sa kuwento?
A. Mainipin
B. Matiyaga
C. Masiyahin
D. Mahina ang loob

12
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Nagpanood ang guro ninyo sa klase ng isang pelikulang hango sa mitolohiya.


Pagkatapos nito’y sinabihan kayo na gumawa ng isang pagsusuring pampelikula bilang
proyekto. Hindi nakapanood ang kaklase mo na liban noon kaya hiniling niya sa iyo na ikuwento
ang napanood. Naunawaan mo naman ang napanood ngunit hindi mo alam kung paano mo
sisimulan ang pagsasalaysay.

Naranasan mo na ba ang ganitong pangyayari? Kadalasan, hindi na


nauunawaan o nawawalan na ng interes ang taong kinukuwentuhan gaano man
kaganda ang istoryang ibinabahagi dahil hirap sa maayos na pagpapahayag.
Ang pagbubuod o paglalagom ay pagpapahayag ng pangunahing nilalaman
ng isang seleksyon o akdang nabasa, napanood o narinig sa payak at madaling
maunawaang pananalita. Maaaring pinaikling pahayag ito ngunit kailangang
mapanatili ng nagbubuod ang pagkakaugnay ng nilalaman ng binubuod upang hindi
mabago ang isinasaad ng orihinal na tekto.
Samakatwid, nararapat na ang buod ay:
 Pinaikling bersyon ng teksto
 Pinipili ang pinakamahalagang ideya at pantulong na ideya o datos
 Isinasaalang-alang ang kronolohikal (pagkakasunod-sunod) na daloy ng
mga ideya ng binuod na teksto.
 Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita.

13
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Paano ang tamang hakbang ng pagbubuod?


 Basahin, panoorin o pakinggan nang mabuti ang teksto.
 Unawain ang mensaheng nakapaloob na nais ihatid ng sumulat.
 Mahahalagang detalye ang piliin at isama sa buod na gagawin.
 Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto.
 Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng mga pangungusap.
 Gumamit ng mga salitang nagbibigay transisyon sa mga ideya gaya ng:
gayunpaman, kung gayon, samakatwid, bilang wakas at iba pa.
 Huwag magsingit ng sariling puna, sariling palagay o kuro-kuro.

Basahin ang pabula.


Sino ang Magtatali ng Kuliling?
May isang malaking pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng daga. Marami-
rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang daga at saka ito sasakmalin at
gugutay-gutayin. Sa sobrang takot ng mga daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila
kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na pusa.
Naging sobra sa ingay ang mga daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa
katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang pusa. Sa
pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na
nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”


Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung
tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit
sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,”
natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.


“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako
ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa lamang
ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at


gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring
narinig na anuman.

14
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Gawain 3:
A. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Lagyan ng bilang 1-10 ang patlang.
_____ Nagbigay ng suhestyon ang mayabang na daga.
_____May isang malaking pusa na aaligid-aligid upang makahuli ng daga.
_____ Umaatikabong bulungan ang naganap.
_____ Sumang-ayon ang mga daga sa sinabi ng mayabang na daga
_____ Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan.
_____ Nagkaroon ng pagpupulong ang mga daga.
_____ Nag-iisip ang mga daga kung paano maiiwasan ang pusa.
_____ Nagtanong ang mga daga kung sino ang magkukulyar sa pusa.
______ Tumanggi ang mga dagang magtali ng kuliling sa pusa.
_____ Maingay na nagpulong ang mga daga.

B. Nabasa Mo, Iguhit Mo!


Kung magiging isang animated movie ang binasa mong pabula, iguhit mo ang apat
na mahahalagang pamgyayaring naganap na hindi maaaring mawala sa pelikula.

15
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Pansinin ang iyong naging gawain. Tingnan ang


rubriks kung nakatugon ka sa pamantayan.

Kumusta! Ang mga iginuhit mo bang mga pangyayari ay hindi


nalayo sa ideya ng tektong iyong binasa? Kung oo, mahusay!
Subukin ang susunod na gawain.

16
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

a! Ang mga iginuhit mo bang mga


C. Mula sa huling gawain, sumulat nang maayos na pangungusap sa kahon na nagsasalaysay
sa naganap sa bawat iginuhit.

17
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Halina’t suriin ang iyong ginawa. Narito ang ating rubriks


para sa gawain. Kung naisagawa mo ito nang mahusay,
binabati kita!
Maaari ka nang tumungo sa bagong gawain. Kung hindi,
maaari mong balikan ang mga nakaraang gawain at pag-
aralan itong mabuti kung saan ka nagkulang para sa
susunod maisagawa mo na nang buong husay.

18
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Pagbati! Sa Gawain 3, nasukat ang iyong kasanayan sa pagpili


ng mahahalagang pangyayari sa isang akda. Nasubukan din
ang kaalaman mo sa pagbuo ng pangungusap upang
maipahayag ang ideya, paggamit ng wastong bantas at
paggamit ng malaki at maliit na titik. Ang mga ito ay
panimula lamang para sa paksa nating pagbubuod o
paglalagom.
Ngayon ay hasahin pa natin ito gamit naman ang
ibang teksto. Ang susunod na akda ay isang parabula.

Magkaiba ba ang
Pabula at Parabula?

Aba, oo!
Ang Pabula ay isang uri ng akda kung saan ang mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo
at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa.

KungAng Parabula
naisagawa monaman ay uri
ito nang ng akdang
mahusay, kalimitang
binabati hango
kita! Maaari
sa ka
Bibliya. Tinatawag
ng tumungo din itonggawain.
sa bagong Talinhaga o Talinghaga.
Kung Isa mong
hindi, maaari itong
maikling
balikansalaysay
ang mgananakaraang
maaaring gawain
patula oatprosa na malimit
pag-aralang na
mabuti
nangangaral.
kung saan kaHindi ito gumagamit
nagkulang para sang mga hayop
susunod bilang tauhan.
maisagawa mo na
nang buong husay.

Tandaan natin ito.


Magkaiba ang Pabula at Parabula.

19
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Basahin ang akda.

Ang Alibughang Anak


Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa
lalaki. Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay
ibigay na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay tumungo sa
malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom
sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga
baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya.
Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito
ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang
nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at halik ang
bumalik naanak. Inutusan ang isang alila na bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing at ipinagpatay ng isang
matabang baka.

Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Nang
malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan
ang ama. Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo
ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang
alibughang anak ninyo ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang. Sumagot nang
marahan ang ama. Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo’y
nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay, nakita nating
muli ang nawala.

20
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Gawain 4:
A. Tingnan ang mga larawan. Pagsunod-sunurin ang mga larawang hango sa Parabulang
Ang Alibughang Anak. Lagyan ng bilang 1-5 sa loob ng kahon.

Tingnan natin kung tama ang iyong ginawang


pagkakasunod-sunod. Magpatuloy sa susunod na pahina.

21
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Ito ang tamang pagkakasunod-sunod ng parabulang


Ang Alibughang Anak.

Magpatuloy sa susunod na gawain.

B. Sumulat ng buod batay sa tamang pagkakasunod ng mga larawan mula sa Parabulang


Ang Alibughang Anak gamit ang graphic organizer.

22
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Kumusta ang huling gawain? Madali lang, ‘di ba?


Ngayon mula sa isinulat mo sa graphic organizer, pagsama-
samahin ito upang maging ganap na isang talata. Isulat ito sa
susunod na pahina. Ngunit bago ito, isaalang-alang ang
sumusunod na rubriks. Ito ang magsisilbing gabay mo sa
pagsulat.
Alam ko kayang-kaya mo ‘yan!

23
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
C. Buuin ang buod.

24
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Kumusta ang gawain. Alam kong mas nagawa mo nang


mas maganda ang iyong sulatin. Hayaan mong batiin kita…
Magaling!

Ngayon, para sa ating huling mga gawain. Inaasahan na


maipamamalas mo ang sumusunod :
 Pagtukoy sa iba’t ibang elemento ng kwento;
 Paggamit ng mga salik ng kwento sa pagsusulat ng buod.

Matagal ka nang nagbabasa ng mga kwento. Napansin


mo marahil na ang bawat kwento ay mayroong itong mga
elemento gaya ng sa ibaba.

Elemento ng Kuwento:

1. Tagpuan—tumutukoy ito sa tahasan o di-tahasang pagbanggit kung kailan at saan


naganap ang kwento.

2. Tauhan—ipinakikilala nito ang mga tauhan o nagsiganap sa kwento.

3. Banghay—ito ang batayang nilalaman ng kwento na nagpapahayag ng sumusunod:

a. Panimula o pambungad na tagpo—aksyon, ideya, o sitwasyon na magpapausad


sa kuwento.
b. Panloob na tugon—ang tugon ng pangunahing tauhan sa pambungad na tagpo,
kabilang ang kanyang pagtiyak sa ilang layon o pasya.

c. Pagtatangka— hakbang o mga hakbang na isasagawa upang matupad ang


layon.

d. Resulta — ang tahasang bunga ng partikular na pagtatangka.

e. Kinalabasan— ang mas malawak na bunga ng mga pagtatangkang maabot


ang layon at mga kaakibat nitong resulta. Maaaring ito ay
aksyon, pagbabago ng asal o kilos, o dili kaya’y nagbagong
kalagayan.

25
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
Gawain 5:
A. Basahing muli ang bahagi ng Pabulang Ang Uwak at sagutin ang mga katanungan sa
tapat nito.

Tagpuan at Tauhan:
Sa isang bukid noong unang panahon, Saan nangyari ang kwento? ________________
may isang uwak na uhaw. Kailan nangyari ang kwento? ___________________
Sino ang tauhan? ____________________________

Kinakailangang matighaw Pambungad na Tagpo:


ang kanyang labis na pagkauhaw. Ano ang sitwasyon?
___________________________________________
___________________________________________

Panloob na Tugon:
Ano ang kanyang napagpasiyahan?
Kaya’t siya ay nagpasyang maghanap ng tubig ___________________________________________
___________________________________________

Nakakita siya ng bote ng tubig. Subalit


kakaunti na lamang ang laman nito at hindi Mga Pagtatangka
maabot ng kanyang tuka ang tubig. Sinubok 1. _______________________________________
niyang ipasok ang tuka sa makipot na bibig 2. _______________________________________
ng banga ngunit hindi pa rin niya maabot ang 3. _______________________________________
tubig. Nakatiyad na siya’t lahat-lahat ngunit
hindi pa rin siya makainom. Naisip niya, “Alam
ko na. Lalagyan ko ng maraming bato ang bote.”
At yaon nga ang kanyang ginawa.
Resulta:
Ano ang nangyari sa tubig sa bote?
Tumaas ang tubig sa bote. ___________________________________________
___________________________________________

Sa wakas nakainom din Kinalabasan:


ang uhaw na uhaw na uwak. Ano ang naging bunga ng mga pagtatangka ng
uwak? _____________________________________
___________________________________________

B. Ibuod ang kwentong Ang Uhaw na Uwak.

________ noong unang panahon, may ________ na uwak. Kaya’t siya ay nagpasyang
__________. Nakita siya ng _________. Subalit ________ na lamang ang laman nito at hindi
maabot ng kanyang _________ ang tubig. Sinubok niyang ______ ang tubig. Sinubok niyang
_____________ ngunit ______________________. Nakatiyad na siya’t lahat-lahat ngunit
_______________________. Naisip niya, ___________________________.
__________________ ang tubig sa bote. Sa wakas ________________ ang uhaw na uhaw na
uwak.

26
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Panapos na Pagsusulit
I. Isulat ang Wasto kung ang isinasaad ng bawat bilang ay tama at Di- Wasto kung mali.
__________1. Ang Pabula ay kuwento na ang mga tauhang gumaganap ay mga hayop.
__________2. Ang pagbubuod ay tinatawag ding paglalagom.
__________3. Maaaring magbigay ng sariling opinyon kapag tayo ay nagbubuod.
__________4. Kailangan nating isaalang-alang ang wastong gamit ng mga bantas.
__________5. Hindi maaring magbuod sa sariling pananalita.
__________6. Ang Parabula at Pabula ay iisa lamang.
__________7. Ang Alibughang Anak ay isang halimbawa ng Talinhaga.
__________8. May mga elementong nakapaloob sa bawat kuwento na ating binabasa.

II. Basahin ang sumusunod na kuwento at ibigay ang elemento nito.


Sa Old West, inaresto si Silas Bissel noong 1970 sa salang pagtatanim ng improbisadong
bomba sa isang pampahalaang gusali. Nagtago siya habang nakapiyansiya. Nagdikit ng
Wanted ang pulisya sa Post Office. Kasama roon ang retrato ni Bissel. Nakikita ng lahat ng
naghuhulog ng sulat ang nakapaskil na Wanted. Pinalitan ni Silas ang kanyang pangalan ng
Jackson. Muli siyang namasukan habang nagtatago sa mga pulis. Tahimik siyang kumayod
bilang physical therapist sa isang ospital. Hindi siya naakusahan ng anumang krimen. Iniwasan
niya ang lahat ng gawaing magkakanulo sa kanya. Isang araw, may isang taong pumunta sa
naturang Post Office at napansin niya ang napakalapit na pagkakahawig ng retrato sa
nakapaskil na Wanted at ng therapist sa ospital. Tinawagan niya ang FBI. Siniyasat ng mga
ahente ng FBI ang isinuplong ng di nagpakilalang lalaki. Natuklasan nila na ang therapist na
nagngangalang Jackson ay walang iba kundi si Silas Bissel. Makalipas ang 17 taong
matagumpay na pagtatago, nadakip din si Silas Bissel.
Tagpuan:

1. Kailan: ____________________________________________________

2. Saan: ___________________________________________________

3. Pambungad na Tagpo:
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

4. Panloob na tugon:
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

5. Mga Pagtatangka:
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

27
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
6. Resulta:
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

7. Kinalabasan: _____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

III. Basahin ang sumusunod na pabula.

“Ang Kuwago at ang Tariktik.”


Noong sinaunang panahon, may isang tariktik na naninirahan sa liblib na gubat.
Nakahapon ang tariktik sa puno at dito siya natutulog buong gabi. Dito rin siya
gumagawa buong araw. Nakatira naman sa kalapit na puno ang isang kuwago na
nakamihasnan na ang gumawa buong gabi at matulog naman buong araw.
Napakasipag ng tariktik at napakaingay din kaya’t laging nagigising ang kuwago.
Palibhasa, ang tariktik ay tumutuka sa kahoy at gumagawa ng tuluy-tuloy na ingay.

“Hoy! Oo, ikaw nga!” singhal ng kuwago. “Aber, sabihin mo nga sa akin kung paano ako
makatutulog sa ingay mo?”

“Pag-aari ko ang punong ito,” pagmamalaki ng tariktik, “at gagawin ko kung ano ang
gusto kong gawin sa punong ito.”

Nangatal sa galit ang kuwago. Umalingawngaw sa buong kagubatan ang


kanyang huni at tili kaya’t nagsidatingan ang iba pang hayop upang tingnan kung ano
ang nangyari.

“Sige, ituloy mo ang ginagawa mo, Bunying Tariktik,” ik-ik ng daga. “Lagi kaming
tinatakot at hinahabol ng kuwagong ‘yan.”

“Tumigil ka,” saway ng Oso sa daga. “Tariktik, puwede mo naman sigurong pagbigyan
ang kuwago. Ayaw namin ng gulo rito.”

Sa galit ng kuwago, pinaghahabol niya ang iba pang maliliit na hayop na


nagsipagkaripas ng takbo.

“Hambog!” sigaw nila sa kuwago nang nakalayo na sila.

Tinanong ngayon ng kuwago ang malalaking hayop kung ano ang kanyang
gagawin ngunit umiling silang lahat.

Anila, “Hindi talaga namin alam. Ikaw itong matalino. Siguro, maghanap ka na lang ng
malilipatang ibang puno.”

28
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

“Bakit ko gagawin ‘yun?” pagtataray ng kuwago. “Gusto ko rito. Ang tariktik na ‘yan
ang dapat umalis.”

Ngunit hindi matinag ang tariktik. Sa bawat araw naman na dumaan, ang ingay
ng kanyang pagtuka ang dahilan ng pananatiling gising ng kuwago. At sa bawat araw
na dumaan lalong naging mainitin ang ulo ng kuwago. Naging masyado siyang masungit
at bastos kaya’t napagpasyahan ng ibang mga hayop na umaksyon na. Kaya’t nagmiting
sila.

“Dapat ay mayroon tayong gawin,” sabi ni Badger. “Nauna si Tariktik dito, kaya’t
kailangan umalis si Kuwago.

“Ngunit sinabi niyang hindi niya iiwan ang punong ito,” tugon ng usa.

“Kung ganoon, kinakailangang itulak natin pababa ang puno nang sa gayon ay kailangan
niyang umalis,” sabi ng matalinong fox.

Nang gabing iyon, habang nangangalap ng pagkain ang kuwago, pinilit nilang itulak
pababa ang puno. Ngunit gaano man kalakas ang tulak at ihip at hingal nila, hindi nila
matinag ang puno kahit gaano kaunti. Kaya’t pinabayaan na lang nila ang puno at sila ay
umuwi na. Pagkaraan ng ilang oras, dalawang estranghero ang pumunta sa gubat. Sila ay
isang pares ng beaver, at nakatuwaan nila ang puno ni kuwago. Sinimulan nilang
ngatngatin ang ilalim ng puno. Araw-araw nilang nginangatngat ang puno hanggang sa
parang tatagos na hanggang sa kabila ang butas na ginawa nila.
Tapos, isang araw, may isang malakas na bagyong yumanig sa gubat. Umugong ang
hangin sa pagitan ng mga puno. Dahil sa lakas ng hangin, itinigil ng tariktik ang pagtuka,
at minsan sa matagal na panahon, nakatulog nang maluwalhati ang kuwago. Nagsimulang
umingit at mabali at dumaing ang puno ng kuwago habang lalong lumalakas at nangangalit
ang hangin, ngunit ang pagod na kuwago ay patuloy na nahimbing. Walang anu-ano ay
nakita ng Tariktik ang puno ni Kuwago na umugoy at nahulog. Agad-agad siyang lumipad
sa gitna ng bagyo at tumuka malapit sa tainga ni Kuwago upang gisingin ito. Galit na
nagising ang kuwago dahil narinig niya ang tariktik na tumutuka sa kanyang puno, ngunit
nang mapaghulo niyang ang kanyang puno ay bumabagsak na kaagad na nawala ang galit
niya. Magkasama nilang tinahak ang papunta sa ligtas na lugar habang bumabagsak sa
lupa ang puno. Unti-unting nawala ang bagyo. Pinasalamatan ng kuwago ang tariktik dahil
sa pagliligtas nito sa kanya. Ngayon ay masaya siya’t kapitbahay niya ang tariktik.

29
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

Ibuod ang kuwento: (5 puntos)


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

30
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsusulit
A.

3 4 2

1 5
.
B. C. D.
6. B 11. D 16. 5
7. C 12. A 17. 3
8. E 13. B 18. 4
9. D 14. E 19. 1
10. A 15. C 20. 2

GAWAIN 1`
A. B.
1. E D B
2. C
3. B A C
4. A
5. D
E
C. D.
11. / 16. B
12. / 17. C
13. / 18. C
14. X 19. A
15. / 20. D

31
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
GAWAIN 2:
A. B. C.
1. Naganap 1.
2. Naganap 2.
3. Naganap 3. C

4. Naganap 4. A

5. Di- Naganap 5. A

6. B

Gawain 3:

A.
5_____ Nagbigay ng suhestyon ang mayabang na daga.
1_____May isang malaking pusa na aaligid-aligid upang makahuli ng daga.
6_____ Umaatikabong bulungan ang naganap.
7_____ Sumang-ayon ang mga daga sa sinabi ng mayabang na daga
10_____ Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan.
2_____ Nagkaroon ng pagpupulong ang mga daga.
4_____ Nag-iisip ang mga daga kung paano maiiwasan ang pusa.
8_____ Nagtanong ang mga daga kung sino ang magkukulyar sa pusa.
9______ Tumanggi ang mga dagang magtali ng kuliling sa pusa.
3_____ Maingay na nagpulong ang mga daga.

B. Tingnan ang rubriks p. 16

C. Tingnan ang rubriks p. 18

Gawain 4:
A.

B. Tingnan ang rubriks p. 18

32
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
C. Tingnan ang rubriks p. 23
Gawain 5:

A.
Tagpuan at Tauhan:
Saan nangyari ang kwento? Sa isang bukid
Kailan nangyari ang kwento? Noong unang araw
Sino ang tauhan? Uhaw na uwak

Pambungad na Tagpo:
Ano ang sitwasyon?
Nauuhaw ang uwak

Panloob na Tugon:
Ano ang kanyang napagpasiyahan?
Naghanap siya ng tubig kaya natagpuan niya ang
bangang may kaunting tubig.

Mga Pagtatangka
1. Sinubukan niyang ipasok ang tuka sa makipot na
bibig ng banga.
2. Tumingkayad siya upang maabot ang tubig sa
banga.
3.Nilagyan niya ng maraming bato ang banga

Resulta:
Ano ang nangyari sa tubig sa banga?
Tumaas ang tubig

Kinalabasan:
Ano ang naging bunga ng mga pagtatangka ng
uwak?
Tumaas ang tubig sa banga at nakainom na ang
uwak

B.
Sa isang bukid noong unang panahon, may isang na uwak. Kaya’t siya ay nagpasyang
maghanap ng tubig. Nakita siya ng banga ng tubig. Subalit kakaunti na lamang ang laman
nito at hindi maabot ng kanyang tuka ang tubig. Sinubok niyang abutin ang tubig. Sinubok
niyang ipasok ang tuka ngunit hindi pa rin niya maabot ang tubig. Nakatiyad na siya’t lahat-
lahat ngunit hindi pa rin siya makainom. Naisip niya, lagyan ng maraming bato ang tubig sa
banga. Sa wakas nakainom din ang uhaw na uhaw na uwak.

Panapos na Pagsusulit
I.
1. WASTO 3. DI-WASTO 5. DI-WASTO 7. WASTO
2. WASTO 4. WASTO 6. DI-WASTO

33
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
II. Tagpuan:

Kailan: 1970
Saan: Old West
Pambungad na Tagpo: Inaresto si Silas Bissel sa salang pagtatanim ng improbisadong bomba
sa isang
pamahalaang gusali
Panloob na tugon: Nagtago siya habang nakapiyansa
Mga Pagtatangka:
Pinalitan ni Silas ang kanyang pangalan ng Jackson. Muli siyang namasukan habang
nagtatago sa mga pulis at tahimik siyang kumayod bilang physical therapist sa isang ospital.
Iniwasan niya ang lahat ng gawaing magkakanulo sa kanya.
6. Resulta: May isang taong nakakilala sa kanya kaya sinuplong siya
7. Kinalabasan: Nahuli uli siya matapos ang 17 taong pagtatago

III. Ibuod ang kuwento: (5 puntos)

34
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO

SANGGUNIAN:

Hulip Pinagsanib na Wika at Panitikan (Batay sa K12 Kurikulum) Grade 10 Grace V. Del Castillo,
Mercy T. Acosta, William P. Nucasa, p. 175-178

Worktext sa Filipino IV Level 10- Elisa Calingo-Victorio p. 149

http://kanayon.blogspot.com/2011/08/ang-masamang-kalahi.html

https://ph-static.z-dn.net/files/d03/ff402b801ec6230eeec17c2d1471eaee.pdf

https://www.google.com/search?q=bakit+kumakahig+ang+manok&sxsrf=ALeKk03vL_2zMJ4-
A07tqFzzQTUYGimsjQ:1596617890009&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=tdSRRIWs5TpFBM%252Cas
s3_uS2tVMN0M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQGgPVSZqHClTTpx6U8FS5WO_w-
4g&sa=X&ved=2ahUKEwiF7rOR2YPrAhVRzYsBHSH8AiAQ9QEwAXoECAgQBQ&biw=1237&bih=599#i
mgrc=tdSRRIWs5TpFBM

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-parables-mga-parabula-ang-alibughang-
anak-parabula-parable_1046.html

MGA LARAWAN:

https://www.clipart.email/clipart/students-watching-tv-clipart-410457.html

https://www.google.com/search?q=filipino+boy+clipart&sxsrf=ALeKk022GMUDNgLDqPw0NbYH3iW
rzFN1eQ:1596617812755&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=arkxEDw0OkVc2M%252CdwnBI39-
u89zmM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTYi_ym7dbwBC0jw7sol9T4SwNLNQ&sa=X&ved=2ahUKEwjkz8js2IPrAhVlwYsBHagADqkQ9QEwBXoE
CAoQLw&biw=1237&bih=599#imgrc=arkxEDw0OkVc2M

https://www.google.com/search?q=activity+in+school+clipart&sxsrf=ALeKk02TioxHva5t_phDWa1IW
T5N-
BOJGA:1596617993235&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi4otDC2YPrAhU7y4sBHdsiDu
0Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1237&bih=599#imgrc=yCoR6N5CWdpfWM

https://www.google.com/search?q=cleaning+classroom+clipart&sxsrf=ALeKk02H9Q8ixcNp6HBwnO
7quFetCwcZHw:1596618207740&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiM0_So2oPrAhUjzIs
BHSQJArcQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1237&bih=599#imgrc=FWXdhM7hzFfLVM

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.jing.fm%2Ficlipt%2FTTmxT%2F&psig
=AOvVaw0NxknuouV_FtzTVQLMSLy2&ust=1596704685032000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCIiJytnag-sCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipartkey.com%2Fview%2FwiRxhi_d
rawn-rooster-roster-chicken-clipart%2F&psig=AOvVaw0yl-
dC9FiOCX8Q6KhFvXqC&ust=1596706131219000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLCP
qJTgg-sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pngwave.com%2Fpng-clip-art-
ngixs&psig=AOvVaw11il24uEioth0MJsdTTPxb&ust=1596706289138000&source=images&cd=vfe&ve
d=0CAIQjRxqFwoTCJjP59rgg-sCFQAAAAAdAAAAABAK

35
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fflyclipart.com%2Fcute-chicken-clipart-
clipart-others-art-hens-cute-chicken-clipart-682376&psig=AOvVaw1WJDb5B2paOaq2jCHG-
ILE&ust=1596706514642000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNjQ86zng-
sCFQAAAAAdAAAAABAN

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fclipart-library.com%2Fhen-
cliparts.html&psig=AOvVaw1nt3QoJ--
RamLd5hin835z&ust=1596708256433000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNjyv__ng-
sCFQAAAAAdAAAAABAF

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fsearch%2Ffighti
ng%2Bcocks&psig=AOvVaw2mY6XVLHEzEn5b3_47ufyc&ust=1596708430454000&source=images&c
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMjr6srog-sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F101049585
369172208%2F&psig=AOvVaw2udoJk0Je-
s2EgInbL3jbK&ust=1596708769357000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDM0_Tpg-
sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pngkit.com%2Fview%2Fu2w7o0t4i1u
2u2q8_onlinelabels-clip-art-movie-tape-roll-of-
film%2F&psig=AOvVaw0EIXSQ6riR7reM_0rdP2nT&ust=1596708834407000&source=images&cd=vfe
&ved=0CAIQjRxqFwoTCKicq4vqg-sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pikpng.com%2Fpngvi%2FmTbJoi_film
-clipart-19-film-clipart-huge-freebie-
download%2F&psig=AOvVaw0EIXSQ6riR7reM_0rdP2nT&ust=1596708834407000&source=images&
cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKicq4vqg-sCFQAAAAAdAAAAABAK

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pikpng.com%2Fpngvi%2Fhiwxhow_g
raphic-freeuse-download-film-projector-clipart-old-video-camera-png-transparent-
png%2F&psig=AOvVaw0EIXSQ6riR7reM_0rdP2nT&ust=1596708834407000&source=images&cd=vfe
&ved=0CAIQjRxqFwoTCKicq4vqg-sCFQAAAAAdAAAAABAR

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.vectorportal.com%2FStockVectors%2
FAnimals%2FChicken-vector-clip-art%2F14149.aspx&psig=AOvVaw0yl-
dC9FiOCX8Q6KhFvXqC&ust=1596706131219000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLCP
qJTgg-sCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.alamy.com%2Fillustration-of-
stickman-kids-students-listening-to-teacher-discussing-3d-printer-
image272886775.html&psig=AOvVaw3IIAHONbPKjNeQkxNWTWCH&ust=1596704848568000&sourc
e=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjk6Z3bg-sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/search?q=bakit+kumakahig+ang+manok&sxsrf=ALeKk03vL_2zMJ4-
A07tqFzzQTUYGimsjQ:1596617890009&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=tdSRRIWs5TpFBM%252Cas
s3_uS2tVMN0M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQGgPVSZqHClTTpx6U8FS5WO_w-
4g&sa=X&ved=2ahUKEwiF7rOR2YPrAhVRzYsBHSH8AiAQ9QEwAXoECAgQBQ&biw=1237&bih=599#i
mgrc=tdSRRIWs5TpFBM

https://www.google.com/search?q=prodigal+son+story+with+pictures&sxsrf=ALeKk01F0SBgNXGUD
NKb03hsGGHlIQWQAQ:1596622830616&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=rAPNBMd2XZ767M%252

36
PAMPAMILYANG KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
FILIPINO
CXhnZOBRDaWr7CM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQvJIOrRyZxIbmTDhk5fO0cB5C5Mg&sa=X&ved=2ahUKEwiKxqLF64PrAhUBKaYKHYtxAckQ9QEwAXoE
CAkQHg&biw=1241&bih=599#imgrc=rAPNBMd2XZ767M

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.freepik.com%2Ffree-
vector%2Fboard-template-with-cute-brown-mouse-white-
background_8582783.htm&psig=AOvVaw1Cq7GShfzBfXsIiE6HFvrK&ust=1596709405031000&source
=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKi0z6Dsg-sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.istockphoto.com/illustrations/filipino-
boy?mediatype=illustration&phrase=filipino%20boy&sort=mostpopular

https://www.facebook.com/248378662181216/photos/you-might-like-this-also-automated-class-
card-for-all-grades-with-ecr-and-attend/275435976142151/

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Fillustration%2Fk
idsread.html&psig=AOvVaw1fQBY3cUsqUpir6ciAIU1w&ust=1594828756338000&source=images&cd
=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCLDc4Z6OzeoCFQAAAAAdAAAAABAD

Inihanda nina:

Dina Floramar B. Arcenas


Dalubguro-II
Milagros East Central School

Veluz D. Marquez
Guro- I
Serafin C. Rosero Memorial High School

37

You might also like