You are on page 1of 132

Kwarter-3

Filipino
Week 6
Day 1
Ang pabula ay isang uri ng
panitikang nagsasalaysay
ng mga kuwentong
karaniwang nagtatampok
ng mga hayop bilang mga
tauhan.

FILIPINO 2
Bawat tao, bata man o
matanda ay puno ng mga
karanasan mula sa kaniyang
pagsilang. Ang mga
karanasang ito ay maaaring
maging kasingkulay ng
bahaghari (rainbow).

FILIPINO 2
Bagong Sapatos

Nahihiya ako sa tuwing makikita ko


ang mga kamag-aral ko na suot ang
magaganda at magagara nilang
sapatos.
FILIPINO 2
Nasabi ko tuloy sa
aking sarili na sana ay
magkaroon din ako
noon. Sa kagustuhan
kong makabili ng
bagong sapatos ay
umakyat ako,
FILIPINO 2
at namitas ng
usbong ng dahon ng
sampalok upang
ibenta sa palengke
upang makaipon ako
ng pambili.

FILIPINO 2
Isang araw ay nagising
akong may kahon sa
aking tabi kung saan
nakasulat ang “Para sa
iyo, bunso.” Regalo pala
ito ni ate para sa akin.

FILIPINO 2
Pagbukas ko ng
kahon ay nanlaki
ang aking mata
sabay hiyaw sa
laman ng kahon.

FILIPINO 2
Lagyan ng tsek (/) ang larawan na
nagpapakita ng mga pangyayari na
kahalintulad sa iyong sariling
karanasan at ekis (X) naman kung
hindi.
Mayroong mga karanasan na
maihahalintulad sa mga
nababasang teksto. Ito ay
maaaring masaya, malungkot,
nakatatakot, nakagugulat,
nakapananabik at iba pang
karanasang hindi mo
malilimutan.
FILIPINO 2
Ang pag-uugnay ng sariling
karanasan sa nabasang kuwento
ay isang mainam na kasanayan.
Sa pamamagitan nito,
naihahayag ang mga saloobin,
pananaw o opinyon.

FILIPINO 2
Maraming mga pangyayari ang
nagaganap sa araw-araw.
Maging ito ay maganda o hindi
maganda, inaasahan o biglaan,
kapupulutan ito ng
mahahalagang aral.

FILIPINO 2
Ang mga aral na ito ay
pahalagahan upang tayo’y
lalong maging matatag sa
ating buhay.

FILIPINO 2
Lalaking Nakakumot na Puti

Nagmamadali si Luna na umakyat sa


itaas ng kanilang bahay upang
kuhanin ang paborito niyang laruan sa
kwarto.
FILIPINO 2
Tila siya palaka na
tumalon upang mabilis na
makaakyat sa hagdanan.
Mabilis niyang pinihit ang
seradura ng pinto upang
ito ay buksan.

FILIPINO 2
Biglang may lumitaw na
lalaking nakataklob ng
kumot na kulay puti sa
kaniyang harapan.
"Waaaaah!" Napasigaw si
Luna dahil sa takot.
"Hahahaha!"

FILIPINO 2
biglang bumulalas ang
isang pamilyar na boses
mula sa nakakumot na
puti. "Si Kuya lang pala
itong nanggulat sa akin,”
nakangiting wika ni
Luna.

FILIPINO 2
1. Sino ang nagmamadaling
umakyat sa hagdanan ng
bahay?
2. Ano ang nais niyang
kuhanin?
3. Saan niya kukuhanin ang
kaniyang paboritong laruan?
FILIPINO 2
4. Bakit napasigaw si Luna?

5. Anong emosyon ang


namayani kay Luna nang
makita niya ang lalaking
nakakumot na kulay puti?

FILIPINO 2
Ang mga karanasang ito ay
naiuugnay sa mga pangyayari sa
nababasang teksto. Katulad na
lamang ng nangyari sa kuwento ni
Luna. Naranasan mo na rin ba na
magulat at matakot katulad niya?

FILIPINO 2
Basahin

FILIPINO 2
FILIPINO 2
Panuto: Alin sa mga
sumusunod na
pangungusap ang
naging bahagi na ng
iyong karanasan sa
paggamit ng payong?
FILIPINO 2
Iguhit sa iyong
sagutang papel ang
tsek (✓) kung naging
karanasan mo na ito
at ekis (x) kung hindi
pa.
FILIPINO 2
1. Mayroon akong magandang
payong.
2. Nasira ang aking payong
dahil sa lakas ng hangin dulot
ng bagyo.
3. Pinasukob ko ang aking
kamag-aral sa dala kong
payong.
FILIPINO 2
4. Ginamit ko ang aking
payong bilang panangga sa
susugod na aso.

5. Nakatanggap ako ng
payong bilang isang regalo.

FILIPINO 2
Kwarter-3

Filipino
Week 6
Day 2
Ano ang iyong
karanasan na
hindi mo
malilimutan?
FILIPINO 2
Ang mga karanasang ito ay
maaaring masaya, malungkot,
nakaiinis, nakapapagod,
nakatatakot o ano pa mang
damdaming maaari nating
maramdaman.

FILIPINO 2
Ang pag-uugnay ng ating
sariling karanasan sa
binabasang teksto o
kuwento ay
makatutulong upang:

FILIPINO 2
✓ Mas madali nating
matatandaan ang
detalye ng binasang
teksto o kuwento

FILIPINO 2
✓ Magamit natin ang
aral mula sa ating mga
binasa o binabasa sa
araw-araw na gawain

FILIPINO 2
✓ Mahubog ang ating
pagiging malikhain kung
paano natin hahanapin
ang kaugnayan ng ating
mga karanasan sa ating
binasa.
FILIPINO 2
Batang Bayani
Ang ating mga dakilang bayani
tulad ni Dr. Jose Rizal, na
Pambansang Bayani at si
Andres Bonifacio, na Ama ng
Katipunan ay malimit na
maging huwaran ng
pagmamahal sa bayan.
FILIPINO 2
Sila, kasama pa ang ibang magigiting
na Pilipino ay nag-alay ng buhay para
sa kalayaan ng mga Pilipino.
Sa makabagong panahon, tunay na
marami pa rin tayong maituturing na
bayani – batang bayani.

FILIPINO 2
Isa na rito si Paulo.
Si Paulo ay nasa
ikalawang baitang at isa
sa pinakamapagmahal sa
bayan.

FILIPINO 2
Madalas niyang iguhit
ang mga magagandang
tanawin sa Pilipinas at
mga pambansang sagisag
sa tuwing sila ay guguhit
sa Sining.

FILIPINO 2
Mahilig siyang
magbasa at makinig
sa mga kuwento ukol
sa kagitingan ng mga
bayani ng bansa.

FILIPINO 2
Kahit saan at kahit kailan
niya marinig na tinutugtog o
inaawit ang Lupang Hinirang
ay magalang siyang
humihinto at sumasabay sa
pag-awit nang buong
paggalang.

FILIPINO 2
Bukod pa rito, lagi rin
siyang handang tumulong
sa kaniyang mga
kababayan kahit siya ay
bata pa lamang –
itinatawid ang mga
matatanda sa daan,
FILIPINO 2
nagsasauli ng mga
bagay na napulot,
nagtatapon ng basura
sa tamang tapunan at
magalang kahit
kaninoman.
FILIPINO 2
Sa lahat ng kaniyang
mga katangian,
maituturing na rin
natin siyang “Batang
Bayani”.
FILIPINO 2
1. Ang pinag-uusapan sa
kuwentong binasa ay
si______.

a. Pablo c.
Paulo
b. Pablito d. Paquito FILIPINO 2
2. Ang katangiang taglay
ni Paulo sa lahat ay ang
pagiging_______.

a. mabait b. matalino
c. masunurin d.
makabayan
FILIPINO 2
3. Alin sa mga ginagawa ni
Paulo ang naging karanasan
mo na rin?

a. Umawit ng Lupang
Hinirang.; Magsauli ng gamit
na napulot.

FILIPINO 2
b. Gumuhit ng mga
pambansang
sagisag.;Tumulong
na itawid ang matanda sa
tamang tawiran;
Magtapon ng basura sa
tamang tapunan.
c. isa o dalawa sa a at b
d. wala ni isa sa a at b FILIPINO 2
4. Bakit mahalaga ang
pagiging makabayan?
a. Dahil ito ay tanda ng
pagmamahal at paggalan sa
bansa.
b. Maipagmalaki ka ng iyong
mga magulang,
kapatid at pamilya
FILIPINO 2
c. Maaari kang maging
tanyag at kilalang-kila sa
inyong lugar

d. Lahat ng nabanggit

FILIPINO 2
5. Dapat ba nating tularan si
Paulo? Bakit?

a. Opo, dahil magandang


halimbawa ang ipinakita
niya.
b. Opo, dahil masayahing
siyang bata.
FILIPINO 2
c. Hindi po, dahil mahirap
ang kaniyang ginagawa.

d. Hindi po, dahil siya


lamang ang kayang gumawa
niyon.

FILIPINO 2
Basahin ang talaan, pumili ng
limang (5) gawain o
karansang nagpapakita ng
pagiging “Batang Bayani”
tulad ni Paulo. Isulat ang
letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

FILIPINO 2
A. Pagsagot nang may po
at opo
B. Pagtulog nang
mahimbing
C. Pagtulong sa mga
gawaing bahay
FILIPINO 2
D. Pagsunod sa pila kung
maraming kasabay na
naghihintay
E. Panonood ng TV sa
buong araw
F. Pagsasabi ng totoo sa
lahat ng oras

FILIPINO 2
G. Pagmamano sa mga
nakatatanda

H. Pagligo bago
pumasok

FILIPINO 2
A. aralin D. karanasan
B. bagong E.
C. buhay kaugnayan

Araw-araw ay nakabubuo tayo ng mga


______________ karanasan kung saan
tayo ay natututo ukol sa
_____________.
FILIPINO 2
A. aralin D. karanasan
B. bagong E.
C. buhay kaugnayan

Ang mga karanasang ito ay maiuugnay


sa mga _______________ sa paaralan.

FILIPINO 2
A. aralin D. karanasan
B. bagong E.
C. buhay kaugnayan

Maaaring may maituro sa klase na


hawig sa ating mga naging
_______________.
FILIPINO 2
A. aralin D. karanasan
B. bagong E.
C. buhay kaugnayan

Mas magiging madali ang pagkatuto


kapag nalaman natin ang
_______________ ng mga aralin sa
ating mga karanasan.
FILIPINO 2
Sa ating buhay
bawat araw ay
nagkakaroon tayo ng
mga bagong
karanasan.
FILIPINO
ARALING 2 2
PANLIPUNAN
Mula sa mga
karanasang ito
natututo tayo ng mga
katotohanan sa buhay.

FILIPINO
ARALING 2 2
PANLIPUNAN
Ang lahat ng mga ito
ay magagamit natin
sa ating pag-aaral

FILIPINO
ARALING 2 2
PANLIPUNAN
Basahin ang sumusunod.
Piliin ang letra ng mabuting
katangian o tamang gawin sa
bawat situwasyon na
karaniwang nararanasan ng
batang tulad mo. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
FILIPINO 2
1. Nakita mong nalaglag ang
beinte pesos mula sa bulsa ng
isang batang naglalakad sa
unahan mo, dinampot mo ito
at ibinalik sa kaniya.
a. masipag
b. matapat c. matiyaga
d. Masaya
FILIPINO 2
2. Bago ka matulog ay
nagdarasal ka muna upang
magpasalamat sa Diyos.
a. matiyaga
b. masunurin
c. madasalin
d. masayahin
FILIPINO 2
3. Mahilig kang magpatawa
at magsabi ng jokes sa iyong
mga kausap.
a. masayahin
b. masunurin
c. masipag
d. matapat
FILIPINO 2
4. Habang papasok ka sa
paaralan nakasalubong mo
ang iyong guro na maraming
bitbit na gamit. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalagpasan ang guro.
b. Sasabayan ang guro sa
paglalakad.
FILIPINO 2
c. Iiwas ng daan upang hindi
makasalubong ang
guro.

d. Tutulungan ang guro


sa pagbitbit ng iba nitong
mga gamit.
FILIPINO 2
5. Nahihirapan ka sa
takdang-aralin na ibinigay
ng inyong guro. Ano ang
gagawin mo?
a. Tutulugan ang takdang-
aralin.
b. Hihinto kapag nahirapan
na.
FILIPINO 2
c. Hihingi ng tulong sa nanay
o nakatatandang
kapatid na kasama sa bahay.
d. Ipagagawa sa kapatid ang
takdang-aralin
habang ikaw ay naglalaro.

FILIPINO 2
Kwarter-3

Filipino
Week 6
Day 3
Magbigay ng
iyong sariling
karanasan sa
paaralan?
FILIPINO 2
May mga karanasang
nananatiling malinaw sa
ating alaala kahit matagal
na itong nangyari.
Mayroon din namang
madaling makalimutan.

FILIPINO 2
Bagong Taon

Sa kalaliman ng gabi, bago mag ika-1


ng Enero ay biglang ginising si
Michelle at inayang lumabas ng bahay
ng kaniyang ina. FILIPINO 2
"Anak, tingnan mo ang
langit," malambing na
sabi ng ina kay Michelle.
Bagamat hilo pa sa
antok ay lumabas si
Michelle kahit madilim.

FILIPINO 2
Tuwang-tuwa siya sa
kaniyang nakita. Tila may
mga kumpol na bituin na
may iba’t ibang kulay ang
sumasabog sa langit
kasabay ng malalakas na
tunog.
FILIPINO 2
“Wow!” Nagulat siya sa
dami ng handa sa kanilang
hapagkainan. May iba’t
ibang uri ng mga bilog na
prutas, sarisaring
minatamis, litsong manok at
sinigang na baka
FILIPINO 2
May binili rin palang
torotot ang kaniyang
Kuya Raymond na
maaari nilang gamitin
sa paglikha ng ingay.

FILIPINO 2
May dala ring lusis at
iba pang mga pailaw
ang kaniyang Ate
Dulce. Masayang-
masaya si Michelle.

FILIPINO 2
"Nay, ang saya palang magdiwang ng
Bagong Taon. Palagi ko na po itong
aabangan." ani Michelle sa kaniyang
ina.

FILIPINO 2
1. Tuwing kailan
ipinagdiriwang ang
Bagong Taon?

a. Disyembre 24
b. Enero 1
c. Pebrero
FILIPINO 2
2. Sino ang ginising ng
kaniyang ina?

a. si Ate Dulce
b. si Kuya
Raymond c. si Michelle
FILIPINO 2
3. Ano kaya ang nakita ni
Michelle sa kalangitan?
a. mga bituin
b. mga ibon
c. mga pailaw

FILIPINO 2
4. Alin sa sumusunod ang
hindi kabilang sa handa
sa kanilang hapagkainan?

a. bilog na mga
prutas

FILIPINO 2
b. litsong manok at
sinigang na baka

c. malagkit na
mga kakanin

FILIPINO 2
5. Alin sa mga naging
karanasan ni Michelle ang
katulad ng iyong
karanasan?

a. Mag-ingay gamit
ang torotot.
FILIPINO 2
b. Maghanda ng mga bilog
na prutas at iba’t ibang
pagkain.

c. Masayang
pagsalubong sa Bagong
Taon kasama ang buong
pamilya. FILIPINO 2
Maraming mga pangyayari ang
nagaganap sa araw-araw. Maging ito
ay maganda o hindi maganda,
inaasahan o biglaan, kapupulutan ito
ng mahahalagang aral.
FILIPINO 2
Ang Kalikasan ay Dapat
Alagaan

Mahalagang pangalagaan
natin ang ating kalikasan.
Marami tayong
pangangailangan na ibinibigay
nito.
FILIPINO 2
Dapat nating iwasang gumawa
ng mga bagay na makasisira
sa ating kalikasan upang
patuloy nating
mapakinabangan ang
biyayang ito na bigay ng
Maykapal.
FILIPINO 2
Sa iyong kapaligiran,
ano-ano ang nakikita
mong ginagawa ng mga
tao na nakasisira sa
kalikasan?
FILIPINO 2
Maraming mga aralin
kung saan maaari nating
maiugnay ang ating mga
karanasan. Sa simpleng
paglalaro,

FILIPINO 2
pakikipagkuwentuhan,
paggawa ng mga gawaing
bahay, lahat ng ito ay
maaring maiugnay sa
mga napag-aralan.

FILIPINO 2
Panuto: Pumili ng limang (5)
gawain ng tao na nakasisira sa
kalikasan. Isulat ang letra sa
sagutang papel.
FILIPINO 2
A. Pagtatanim ng puno sa
kagubatan
B. Pagtatapon ng patay na
hayop sa ilog
C. Pagsisiga ng basura
D. Paghihiwalay ng
nabubulok at di nabubulok
na basura
FILIPINO 2
E. Pamimilantik ng ibon
F. Pagtatapon ng basura
kahit saan
G. Paglilinis ng mga kanal
H. Pagsusunog sa kagubatan

FILIPINO 2
Kwarter-3

Filipino
Week 6
Day 4
Ano ang
karanasan?

FILIPINO 2
Ang mga karanasan ay
maaari nating mabuo mag-
isa o kasama ang pamilya,
mga kalaro at kaibigan,
kamag-aral, guro at iba
pang tao sa paligid

FILIPINO 2
Sa Tulong Mo, Ama

Sa tulong Mo,
kami’y laging lumalapit.
Panalangin namin ay sa
ngalan Mo nasasambit.
Hindi maaaring ipaglihim
tunay na saloobin,
FILIPINO 2
Sapagkat nababatid Mo,
maging ang mga puso namin.
Sa tulong Mo, kami’y
makaaahon,
Sa hirap ng buhay, kami ay
babangon.

FILIPINO 2
Biyayang ibibigay,
ibabahagi rin sa iba,
Upang ang kabutihan ay
patuloy na madama.

FILIPINO 2
Paano mo maiuugnay ang
iyong sariling karanasan sa
tulang iyong binasa?
A. Sa lahat ng pagkakataon
C. Paminsan-minsan
B. Madalas
D. Hindi pa nararanasan

FILIPINO 2
1. Nagdarasal ang buong
pamilya pagsapit ng ika-
6:00 ng gabi.

2. Nagbibigay ng pagkain o
limos sa batang lansangan.

FILIPINO 2
3. Hinahatian o binibigyan
ang kamag-aral na walang
baon.

4. Pinahihiram ang
kamag-aral na nakalimot sa
lapis nito.

FILIPINO 2
5. Nagsisimba o
sumasamba na kasama
ang buong
pamilya

FILIPINO 2
Si Lala

Isang masayahing bata si Lala.


Marami siyang kaibigan. Araw-araw
ay sabay-sabay silang naglalakad
papasok sa kanilang paaralan.
FILIPINO 2
Masaya silang nag-aaral at
nagkakantahan kasama ang kanilang
guro. Tuwing walang pasok ay
nagkikita-kita sila sa parke upang
maglaro.

FILIPINO 2
Ngunit isang araw ay
may narinig silang balita.
Sinabihan sila ng
kanilang mga magulang
na kailangan nilang mag
home quarantine.

FILIPINO 2
Ibig sabihin nito ay
kailangan nilang
manatili sa bahay.
Hindi muna sila
maaaring pumasok sa
paaralan at maglaro
sa parke.

FILIPINO 2
Hindi muna sila
maaaring pumasok sa
paaralan at maglaro sa
parke.
Nagtanong si Lala sa
kaniyang mga magulang
tungkol dito.

FILIPINO 2
Ipinaliwanag sa
kaniya na may
kumakalat na
nakahahawa at
delikadong sakit
na tinatawag na
COVID-19.
FILIPINO 2
1. Ano ang dapat gawin ni
Lala?

a. Ayain ang mga


kaibigan sa kanilang
bahay upang maglaro.
FILIPINO 2
b. Magpahatid at
magpasama sa mga
magulang sa parke.

c. Sumunod sa bilin
ng magulang na huwag
lalabas ng bahay.
FILIPINO 2
2. Aling pangyayari, tulad kay
Lala, ang nagagawa mo noong
wala pang Corona virus?

a. Maglakad papasok sa
paaralan kasabay ang mga
kaibigan.
b. Makipagkita at
makipaglaro sa mga kaibigan
sa parke tuwing walang pasok.

c. Masayang mag-aral
at umawit kasama ang guro sa
paaralan.
3. Ano ang iyong bagong
karanasan ngayong nagkaroon
ng Corona virus?

a. Maglaro ng habulan
at taguan kasama ang mga
pinsan.

FILIPINO 2
b. Mamasyal sa labas
kasama ang buong pamilya.

c. Manatili sa loob ng
bahay habang nag-aaral.

FILIPINO 2
4. Alin sa mga sumusunod ang
maaari mo pang gawin bilang
isang mag-aaral habang
mayroong Corona virus?

a. Basahin ang mga araling


inihanda ng guro sa pisara.
b. Basahin at sagutan ang mga
gawaing ipinadala ng guro sa
bahay.

c. Kumanta at sumayaw sa
labas kasabay ang mga
kamag-aral.
5. Sa iyong palagay bilang
isang bata, paano ka
makatutulong sa pagtigil ng
paglaganap ng virus na ito?
a. Magsuot ng face mask at face
shield sa tuwing maglalaro sa
labas.

FILIPINO 2
b. Manatili lamang sa loob
ng bahay at mag-aral.

c. Panatilihin ang social


distancing kapag pupunta sa
mataong lugar.

FILIPINO 2
Ang ating mga sariling
(karanasan, pangarap) ay
nagdudulot sa atin ng kasiyahan,
kalungkutan, takot at marami
pang iba.
FILIPINO 2
Ang iba’t ibang karanasang ito ay
(maiuugnay, maiguguhit) natin sa
mga (pangyayari, tauhan) na
naganap sa nabasang teksto o
kuwento.
FILIPINO 2
Ito ay nagtuturo sa atin ng mga
(awit, aral) upang lalong maging
mahusay at (matatag, payapa) ang
ating buhay. Ito ay dapat nating
pahalagahan.
FILIPINO 2
Bilang bata, nakabubuo tayo ng
maraming karanasan habang tayo ay
lumalaki. Ang mga ito ay dadalhin
natin hanggang sa ating pagtanda.

FILIPINO 2
Buoin ang mga
pangungusap
batay sa iyong
karanasan.
FILIPINO 2
1. Ako ay masaya noong
_________________________
_________________________
_________________________
_____________________.
2. Ako ay natakot noong
_________________________
_________________________
_________________________
_____________________.
3. Ako ay nagulat noong
_________________________
_________________________
_________________________
_____________________.
4. Ako ay nagalit noong
_________________________
_________________________
_________________________
_____________________.
5. Ako ay nalungkot
noong___________________
_________________________
_________________________
_____________________.

You might also like