You are on page 1of 32

ESP 3

Third Grading
Week 1

VIVIEN T. RIGOR
Pembo Elem. School
Yunit III
Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin

Kaakibat sa pag-unlad ng bayan ang


pagbabago.Dapat mong panatilihin,
mahalin, at ipagmalaki ang iyong
mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa
kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan at daigdig.
Gumupit o gumuhit ng bituin. Masdan ang mga kahong nasa ibaba.
Bawat kahon ay may mga aksyon na maaari mong ginagawa o
sinasalita. Lagyan ng bituin ang kahon kung ito ay iyong ginagawa o
sinasalita.
Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na
nasa kahon?

Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?

Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong


gamitin? Bakit?
Sa limang pangkat na nabuo ng inyong klase, bawat
pangkat ay bibigyan ng sitwasyon upang pag-usapan
kung paano maipakikita ang magandang kaugaliang
Pilipino.Pagkatapos itong pag-usapan, isadula ito sa
klase. Gamitin pamantayan na nasa ibaba.
Sitwasyon 1
Isang gabi, dumating sa inyong bahay
ang mga kaibigan ng inyong Nanay na
sina Aling Cora, Aling Belen, at Aling
Mila. Kilala ninyo sila, subalit kayo pa
lang magkakapatid ang naroon. Hindi
pa dumarating mula sa trabaho ang
inyong Nanay at Tatay. Ano ang inyong
dapat gawin?
Sitwasyon 2
Isinama kayo ng inyong Tatay sa
isang piyesta sa kalapit baranggay.
Marami kayong gustong malaman
tungkol sa pagdiriwang na ito. Ano
ang gagawin ninyo at papaano ninyo
ito sasabihin?
Sitwasyon 3 Sabado ng hapon. Naglalaro kayong
magkakaibigan. Dumaan ang inyong guro sa
inyong harapan. Ano ang dapat ninyong gawin?

Sitwasyon 4 May hinahanap na lugar ang isang


matandang babae. Nagtanong siya sa
inyo. Ano ang inyong sasabihin at
gagawin?
Sitwasyon 5
Nagkaroon ng family reunion ang
inyong pamilya. Dumating ang
inyong mga Tiyo at Tiya. Ano ang
inyong gagawin?
pagmamano
Pagsasabi ng
mga
magagandang Paggamit ng
pananalita sa
Mga po at opo
kapwa
Kaugaliang
Magiliw na Pilipino
Close
pagtanggap famlily
sa bisita ties
Paggamit sa mga
katawagan tulad
ng ate
kuya,ditse,diko
Isulat sa metacards kung saan at
kanino mo ginagawa o
sinasalita ang sumusunod na
kaugaliang Pilipino. Ilagay sa
tsart ang inyong mga kasagutan.
Tandaan Natin
Isa sa kaugaliang Pilipino na
dapat nating mahalin at
panatilihin ay ang pagmamano,
paggamit ng “po” at “opo”, at
paggamit ng iba pang magagalang
na salita.
Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang
magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng
ate,kuya, diko, ditse, manong, manang at iba
pa sa ating mga nakatatandang kapatid ay likas
din sa ating mga Pilipino. Wala itong katumbas
na salita sa ibang wika.May mga bayan sa ating
bansa na hindi gumagamit ng mga salitang ito
ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila
magalang.
Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang
sa kapuwa. Bawat tao ay ating iginagalang
anuman ang katayuan niya sa buhay.Iba’t iba
ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na
sa mga nakatatanda sa atin. Ang pagmamano
ay isang pagpapakita ng paggalang na tanging
sa mga Pilipino lamang natin makikita.
Dapat natin itong panatilihin at huwag
iwaksi sa ating buhay. Ang pagpapakita
ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga
nabanggit ay sadyang napakasarap
pakinggan at nagpapakita ng respeto sa
bawat isa.
Gawain 1
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng
magagandang pag-uugali. Alin sa mga ito ang kaugaliang
Pilipino? Bakit?
Gawain 2
Magkaroon ng isang telesuri. Suriin ang isang programa sa
telebisyon sa loob ng isang buwan. Itala ang mga
kaugaliang Pilipino na ipinakita sa programa.
Isang Telesuri sa Programang ______________________
PETSA KAUGALIANG PARAAN NG TAMA BA ANG KUNG HINDI
PILIPINO PAGPAPAKITA PARAAN? PAANO ITO
DAPAT
IPAKITA?
Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakita
sa bawat sitwasyon.

1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na


bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano.
2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay.
Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay
iyong pinatuloy.

3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para


maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing
“Magandang tanghali po Lolo.
Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.”
4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana.
Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan,
ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling
Susan nang pasigaw na parang galit.

5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay


galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa
kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil magaaral
pa siya ng kaniyang mga aralin.
SALAMAT SA
PAKIKINIG….

-Teacher Vien

You might also like