You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Ikatlong Markahan
Modyul 1
Unang Linggo
Pagmamahal sa mga kaugaliang Pilipino
Panuto: Basahin at unawain ang bawat gawain bago ito sagutan sa iyong
sagutang papel.

Balikan Natin
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang sumusunod na pahayag
ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng
pagdalaw at pag-aliw sa may karamdaman at ekis ( X ) naman kung
hindi.Gawin ito sa sagutan papel

_____1. Paghahandog ng isang masayang awitin sa lola na may


karamdaman.
_____2. Pagbibigay ng mga prutas sa kaibigang may sakit.
_____3. Pagkukuwento ng mga malulungkot na pangyayari sa kaklaseng may
karamdaman.
_____4. Pagbibigay ng get well soon card sa kaibigang may lagnat.
_____5. Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa may mga covid 19 na
pasyente.

Unawain Natin
Basahin at unawain ang maikling kwento.

Ang Mga Batang Magagalang

Ang magkapatid na Chelsea at Cheska ay magagalang na mga


bata. Sinusunod nila ang mga inuutos ng kanilang mga magulang at ang
mga tagubilin na laging gumamit ng “po at opo” sa tuwing makikipag-usap
sa mga nakatatanda.
Isang araw, habang nagkaklase si Gng. Alona B. Miano sa google
meet, nagtanong ang mag-aaral nito na si Czeska tungkol sa kanilang
modyul sa ESP. “Titser magandang umaga po! Ano po ang gagawin sa
bahaging Balikan Natin?”. “Magandang umaga rin Czeska, isusulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel batay sa panuto.” Tugon ng guro sa
bata. "Maraming Salamat po titser." Magalang na sambit ng bata. "Walang
anuman Czeska."

Dumating ang kanilang ina, “Mano po mama,” sambit ng


magkapatid. “Kaawaan kayo ng Diyos,” wika ng ina. Nagtungo na sa kusina
ang kanilang ina. Nagluto at naghanda na ito ng pananghalian at ang
mag-anak ay nagdasal muna bago kumain.

Sagutin ang mga katanungan

1. Sino ang dalawang bata sa kwento?

2. Ano ang mga magagandang kaugalian ng magkapatid ang nabasa


ninyo sa kwento?

3. Bilang isang bata sa ano pang paraan mo maipapakita na ikaw ay


magalang? madasalin? Magbigay ng 2 halimbawa.

Ilapat Natin

Basahin ang bawat sitwasyon at suriin kung paano

naipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino.

Sitwasyon 1: Isang umaga, dumating sa inyong bahay ang mga kaibigan ng


iyong ate na sina Chelsea at Franczeska. kilala ninyo sila, subalit kayo pa lang
magkakapatid ang naroon. Hindi pa dumarating mula sa trabaho ang
inyong nanay at tatay. Ano ang iyong dapat gawin?

Sitwasyon 2: Sabado ng hapon,naglalaro kayong magkakaibigan nang


dumaan si Gng. Alona Miano sa inyong harapan. Ano ang dapat ninyong
gawin?
Sitwasyon 3: Nagkaroon ng isang family reunion ang inyong pamilya.

Dumating ang inyong mga tiyo at tiya. Ano ang dapat mong gawin?

Sitwasyon 4: Isinama ka ng inyong tatay sa isang piyesta sa kalapit barangay.


marami kayong gustong malaman tungkol sa pagdiriwang na ito. Ano ang
gagawin ninyo at paano ninyo ito sasabihin?

Sitwasyon 5: May hinahanap na lugar ang delivery Man ng Lazada.


Nagtanong siya sa inyo. Ano ang inyong gagawin?

Tanong: Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na makaharap sa alin mang


sitwasyon? Ano ang iyong ginawa?

Suriin Natin

Gumuhit ng puso ( )sa ikalawang kolum at kulayan ayon sa


sumusunod na pamantayan:

Pula - Palagi kong gingawa

Dilaw - Paminsan-minsan kong ginagawa

Asul - Hindi ko ginagawa

1. Bumabati ako ng “magandang umaga,tanghali o


hapon” sa aking guro at kamag-aral.

2. Sinasabi ko ang salitang “paumanhin” kapag ako ay


may pagkakamaling nagawa sa aking kapwa.

3. Gumagamit ako ng salitang “po” at “opo” kapag ako


ay nakikipag-usap sa mga nakakatanda sa akin.

4. Bago ako pumasok sa ibang bahay ako ay


kumakatok muna ako sa pinto at sinasabi ko ang
salitang “tao po.”

5. Kapag may dumarating na panauhin sa aming bahay


ay sinasabi ko ang salitang ”tuloy po kayo.”
6.Magiliw kong tinatanggap ang aming bisita sa aming
tahanan.

7.Nagpapaalam ng maayos kung ako ay aalis ng


bahay.

8.Masaya kong pinauunlakan ang aming mga


panauhin.

9.Nagdadabog ako kapag pinaghahanda ko ng


meryenda ang aming panauhin.

10.Binubuksan ko ang pintuan ng kapitbahay namin


kapag gusto kong pumasok.

Tayain Natin

Gawain 1
Basahing mabuti ang pangungusap kung wasto ang isininasaad isulat ang
salitang Tama at kung di-wasto isulat ang salitang Mali sa patlang.

______1 .Pinakikitunguhan ko ng maayos ang aming panauhin galing ng


probinsya.

______2 .Lumalabas ako ng aming tahanan na walang paalam sa aking mga


magulang.

______3. Kapag nakikipag-usap ako sa mga nakakatanda sa akin gumagamit


ako ng po at opo.

______4. Humihingi ng paumanhin kapag nakagawa ng pagkakamali.

______5. Binabati ko ng magandang umaga ang aking guro sa tuwing siya ay


nakakasalubong ko sa umaga.

Gawain 2:

Sumulat ng 3 hanggang 4 na pangungusap tungkol sa natatanging


pag-uugali ng mga Pilipino at mga tagubilin ng nakatatanda
Rubriks sa Pagmamarka

Pamanatayan 5puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Nakasulat ng Nakasulat Nakasulat Nakasu Di-gaano Hindi
isang nang malinis nang lat ng ng nakasunod
malinis,maayos, at maayos malinis at malinis at maayos sa
may wastong gamit ang maayos maayos at malinis itinakdang
bantas,kaisahan wastong gamit ang ngunit ang pamantay
at bantas,may wastong may pagkakas an sa
magkakaugnay kaisahan at bantas,ngu kakulang ulat o pagsulat
ang mga pagkakaugn nit may an sa gawa ng
pangungusap. ay ang mga kakulanga gamit ng mga
pangungu n sa wastong pangu
sap kaisahan at bantas ngusap
pagkaka-u kaisahan
gnay ang at
mga pagkaka
pangungu ugnay ng
sap mga
pangu
ngusap

LIKHAIN NATIN

Pagtataya 1:Maraming mga mag-aaral sa kasalukuyan ang tila nakakalimot


na sa mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino. Upang ito ay muling
mapanumbalik bubuo kayo ng isang Tula na naglalaman ng kahalagahan
ng pag alam at pagsasabuhay ng mga magagandang katangian at asal ng
mga Filipino. Matapos gawin ang tula ay ipakita ito sa inyong magulang.

Sundin ang pamantayan sa ibaba.


Rubriks sa pagsulat ng tula

5 3 2

Pagkakabuo Angkop at wasto ang May ilang salitang Walang


mga salitang ginamit ginamit na hindi kaugnayan at
sa pagbubuo angkop at wasto hindi wasto ang
mga salitang
ginamit

Nilalaman Mabisang naipahayag Hindi gaanong Hindi


ang mensahe ng tula. naipahayag ng naipahayag
mabisa ang nang mabisa
mensahe ng tula ang nilalaman
ng tula

You might also like