You are on page 1of 3

Lesson Plan in Filipino 3

Layunin:
Napapahalagahan ang tula sa pamamagitan ng pagbasa nang mabuti at pagsagot sa mga
katanugan.

Paksang-Aralin: Pagbibigay-halaga sa tula sa pamamagitan ng pagbasa nang mabuti at pagtugon sa mga


katanungan.
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Panuto: Isaayos ang ginulong titik sa loob ng kahon upang mabuo ang kasing-kahulugan ng salitang
nakasulat na madiin. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
t_ _ _ y 1. Ang siyang haligi ng tahanan. Nagbibigay ng angkop na tulong at nagsisilbing lakas ng buong
pamilya. Ito rin ang siyang nagbibigay ng kaukulang pag-akay at puspusang nagbibigay payo sa mga anak upang
hindi malihis ang mga landas nito.

aatty

g__o 2. Nagsisilbing pangalawang magulang ng mga kabataan. Nagbibigay ng kaukulang kaalaman upang
maikintal sa mga mag-aaral ang tama at sapat na kaalaman na kakailanganin nila para sa kani-kanilang kinabukasan.

ugro

l _ _ o 3. Itinuturing na pangalawang ama at tagapaggabay ng mga kabataan. Sila ang siyang nagtuturo
ng magagandang asal gayundin sila ay nagiging katuwang din ng mga magulang ng mga kabataan sa
pagpapalaki sa mga ito.
olol

n____ 4. Ang siyang ilaw ng tahanan. Nag-aalaga at pumipirmi sa bahay upang gabayan ang mga
bata tungo sa tamang landas. Sila rin ang puspusang humahasa at nagpapayabong sa kakayahan at
natatanging kaalaman ng mga bata upang sila ay mailagay sa tamang pagdidisiplina at pagpapalaki.
anany

l _ _ _ 5. Itinuturing na pangalawang ina ng mga bata. Dito sila pangalawang nabusog sa


pagmamahal at pag-aalaga. Dito nila pangalawang natutunang ang magagandang payo at pagmamahal
na una nilang nakuha sa kani-kanilang mga magulang. Malaking parte ang kani-kanilang ginagampanan
sa kung anong mayroong pag-uugali at uri ng pagpapalaki ang mayroon sa mga kabataan.
alol

2. Paglalahad

Pagpapalawak ng talasalitaan
Magalang
Sinuman
Alituntunin
Nanay
Pamayanan
Akin
Piliin sa loob ng kahon ang salitang magkatugma sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________ 1. tatay
_____________ 2. magulang
_____________ 3. saanman
_____________ 4. sundin
_____________ 5. simbahan
_____________ 6. bilin

Mula sa naging mga kasagutan, pumili ng isang pares ng mga salitang magkatugma at gamitin ito sa
pangungusap.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Babasahin ng guro ang tula at ipabasa ng sabay-sabay sa mga mag-aaral.
“Ang Bilin Sa Akin” ni Malou M. De Ramos

Ang bilin sa akin nina nanay at tatay


Maging magalang; sumusunod sa magulang
Ang batang ganito ay kinatutuwaan
Ng lahat ng tao sa pamayanan.
Ang bilin naman nina Lolo at Lola
Ibigay ang kay bunso, ang kina ate at kuya
Huwag mag-aangkin ng pag-aari ng iba
Sinuman at saanman ay katutuwaan ka
Ang guro kong mahal may bilin din sa akin
Alintunin sa paaralan dapat laging sundin
Simbahan at anumang lugar ay igalang natin
Ang pamayanan ay alagaan at mahalin.
Ang bilin ay laging susundin
Gagawin ang makakaya upang ito tuparin
Ipamamalas kabutihan, kanino man at saan man
Upang maging mamamayan.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Ano-ano ang bilin nina nanay at tatay? Nina lolo at lola? Ng guro?
3. Bakit mahalagang sundin ang bilin nila?
4. Ano ang aral na natutunan ninyo sa tulang binasa?
5. Kung kayo ang bata na nasa tula, susundin niyo ba ang mga bilin nila?
4. Pagpapayamang Gawain
Bumuo ng apat na pangkat. Bigyan ng kopya ang bawat pangkat. Babasahin nang mabuti ng bawat
pangkat ang tula at pagkatapos ay iuulat ng isang represantante ng bawat grupo ang kanilang natutunan
tungkol sa tula.
Rubriks sa Pag-iskor
Mga Abilidad ng iskoran 3 2 1
1. Nakuha at
napailawanag ng
maayos ang
mensahe ng tula.

2. Nabigkas ng
represantante nang
may damdamin at
pagpapahalaga ang
tula.
3. Naisakatuparan ng
magkakapangkat ng
may pagkakaisa
ang itinakdang
gawain.

Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

Karagdagang Pagsasanay
Magbasa ng iba pang tula na maaaring kapupulutan ng mahahalagang aral at bigkasin ito sa klase sa
susunod na pagkikita.

You might also like