You are on page 1of 3

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: Ikalawang Markahan Grade Unang Baitang


Week: Unang Linggo Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao
Nov.9, 2022
MELCs: Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang

Day Objectives Topic/s Classroom-Based


Activities
2 Nakapagpapakita ng Pagpapakita ng Isagawa ang mga sumusunod:
Nov. 9 pagmamahal at Pagmamahal at a. Panalangin
paggalang sa mga Paggalang sa b. Mga Pamantayan sa loob ng silid-aralan
magulang Pamilya c. Pag-tsek ng attendance
d. “Kumustahan”

A. Balik-Aral
Sabihin ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapamilya at
Mali naman kung hindi.
1. Pagpapakain sa tatay na may sakit.
2. Pag-aalaga sa maysakit na kapatid.
3. Hindi pagpansin sa tawag ng nanay habang ito ay nagluluto.
4. Pagtulong sa nanay sa pagpapaligo sa lola na matanda na at
mahina.
5. Panonood ng telebisyon habang abala si tatay sa pagdidilig ng
halaman.

B. Pagganyak
Isang biyayang maituturing ang pagkakaroon ng mga
magulang o kapamilya. Mapalad ang isang batang katulad mo na
may matatawag na nanay, tatay, ate, kuya, lolo o lola. Sila ay may
tungkulin na pangalagaan at mahalin ka. Ituturo rin nila sa iyo ang
kabutihang–asal katulad ng mga nasa larawan sa ibaba. Sabihin
kung ano ang ipinapakita sa bawat larawan.

C. Pagtalakay ng mga Konsepto


Ang paggalang at pagmamahal sa magulang o kapamilya ay
tanda ng pagmamahal mo sa kanila. Ito ay maituturing na
kagandahang–asal. Taglay mo kaya ang mga mabubuting asal na
nabanggit? Ang pagiging magalang at mapagmahal ay
kinagigiliwan ng nakararami. Naipakikita ito sa pamamagitan ng
salita, kilos o gawa. Malamang ay hindi mo kinulayan ang ikatlo at
ikalimang puso dahil hindi tama ang mga iyon. Sa iyong murang
edad, dapat mo nang matutuhan ang mga ito. Paano mo nga ba ito
magagawa? Maipakikita mo ang paggalang at pagmamahal sa
kasapi ng pamilya gamit ang mga nasa ibaba.
Alin-alin sa mga nakasulat sa mga bilog ang ginagawa mo na?
Alin-alin naman ang kailangan mo pang gawin? Higit mo pang
maipakikita at maipadarama ang pagmamahal. Araw–araw mo
itong isapuso at isabuhay. Tuklasin pa ang ibang pamamaraan.

D. Paglinang sa Kabihasaan
Lagyan ng tsek (✓) ang mga kilos o salitang may paggalang at
pagmamahal. Lagyan naman ng ekis (X) kung walang paggalang at
pagmamahal mula sa nakasaad sa kuwentong binasa. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
_____1. Agad na sinusunod ng magkakapatid ang
iniuutos ng kanilang magulang.
_____2. “Inay, maaari ko na po bang hipan ang kandila
ng aking keyk?”
_____3. “Salamat po, inay at itay. Masayang-masaya po
ako sa araw na ito.”

E. Paglalapat
Tukuyin ang mga pahayag na may paggalang at pagmamahal sa
mga kasapi ng pamilya. Isulat ang letra ng pangungusap sa loob ng
kahon.
Paglalahat
Ang ating mga magulang ang ating sandalan kung tayo ay may
problema. Sila ang ating kasama sa lahat ng pagsubok sa buhay.
Sila ang gumigising sa atin tuwing umaga. Sila ang
naghahanapbuhay para tustusan ang pangangailangan natin sa araw-
araw. Si nanay ang madalas na naghahanda ng pagkain para sa
umaga, tanghali at gabi habang si tatay naman ang
naghahanapbuhay . Gagawin nila ang lahat para tayo ay mabigyan
ng magandang buhay. Sa kanilang pagsasakripisyo, nararapat
lamang na sila ay parangalan. Sila ang tunay na bayani sa bawat
tahanan, at mananatili sila sa puso, isip at diwa ng kanilang
pamilya.

F. Pagtataya
Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng pagmamahal at paggalang sa magulang at Mali kung hindi.
1. Sinisigawan ko ang aking nanay kapag hindi ako binibigyan ng
baon.___________
2. Lumalakad ako nang marahan lalo na kung sila ay natutulog.
___________
3. Nakikipag-usap ako sa aking mga magulang na may
katamtamang lakas ng boses. ___________
4. Nagmamano ako sa aking magulang. ___________
5. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang lalo na kapag
binibilhan nila ako ng bagong gamit. ___________

Prepared by:
ROCHELLE R. RESENTES
Teacher I
Noted by:
LORNA N. PLATON
Principal I

You might also like