You are on page 1of 10

K

Kindergarten
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang Aking Pamilya (Set A)
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Aking Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/
Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE Manunulat: Krizhia A. Dela Cruz

Editor: Joana Aillen S. Roquid


Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)
Tagasuri: Nenita R. Soberano
Department of Education – Schools Division Office of Makati City
Tagalapat: Theo Arsenia S. Pedrezuela at
Neil Vincent C. Sandoval
Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862 Pandibisyong Tagamasid, LRMS
E-mail Address: makati.city@deped.gov
Nenita R. Soberano
Pandibisyong Tagamasid, Kindergarten
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda at sinuring mabuti upang magkaroon ka ng pang-unawa at


pagpapahalaga sa iyong pamilya. Ito ay isang hakbang na ginawa upang lubusan mong makilala
ang miyembro ng iyong pamilya at ang mga tungkulin ng bawat isa. Ang mga pagsasanay at
gawain sa modyul na ito ay nakaayos ayon sa bagong Most Essential Learning Competencies na
inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon para sa Taong Pampanuruan 2020–2021.

Nakapaloob sa modyul na ito ang mga sumusunod na aralin para sa ikalawang linggo ng Ikalawang
Markahan:

a) Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya.


b) Natutukoy ang mga gampanin ng bawat kasapi ng pamilya.

3
Subukin
Panuto: Ikahon ang larawan ng hinahanap na miyembro ng pamilya.

1. ate 4. nanay

2. bunso 5. kuya

3. tatay

4
Balikan
Panuto: Piliin ang larawan na nagpapakita ng masayang pamilya at kulayan ito.

5
Aralin
Ang Aking Pamilya
2
Tuklasin
Basahin sa bata ang tula at gabayan ito sa pagsusuri at pagsagot sa katanungan.

Ang Aking Pamilya


ni: Krizhia A. Dela Cruz Sagutin Natin

Ang aking pamilya, • Sino-sino ang mga


miyembro ng
mahal namin ang isa’t isa.
pamilya ang
Nandiyan si nanay at tatay binanggit sa tula?
laging gumagabay. • Paano mo
Pati narin si ate, bunso at kuya, maipapakita ang
walang sawang nagpapasaya. pagmamahal sa
Sa hirap at ginhawa, iyong pamilya?
kami ay sama-sama.

6
Suriin
Ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak. Mayroon ring mga pamilya na ama o
ina lamang ang kasama ng mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay kailangang magkaroon ng
pagkakaisa at pagmamahalan upang maging masaya ang kanilang pamumuhay.

Ang tatay ang haligi ng tahanan. Tinutugunan niya


ang kaligtasan at pangunahing pangangailangan ng
pamilya.
Mga Tala para sa Guro
Hikayatin ang mga mag-
aaral na alamin kung
sino-sino ang miyembro
Ang nanay ang ilaw ng tahanan. Katuwang niya ang
ng kanilang pamilya.
tatay sa pangangalaga at pagtugon sa Maaaring alamin ang
pangangailangan ng pamilya. kanilang pangalan at
iba pang detalye sa
pamamagitan ng
pakikipag-usap.

7
Ang kuya ay ang nakatatandang kapatid na lalake.
Tinutulungan niya ang tatay at nanay sa mga gawaing
bahay.

Ang ate ang nakatatandang kapatid na babae.


Tinutulungan niya rin ang tatay at nanay sa mga
gawaing bahay.

Ang bunso ang pinakabatang miyembro ng pamilya.


Siya ang nagbibigay saya sa pamilya.

Iba Pang Mga Miyembro ng Ating Pamilya

8
Ang lolo at lola ang mga pinakamatandang miyembro ng
ating pamilya. Sila ang magulang ng ating mga nanay at
tatay. Inaalagaan nila tayo kapag may trabaho o umalis
ang ating mga magulang.

Ang tito at tita ay mga kapatid o pinsan ng ating nanay at


tatay. Sila ang nag-aalaga sa mga bata kapag wala ang
ating mga lolo at lola. Ang tawag natin sa mga anak ng
ating tito at tita ay mga pinsan.

9
Tingnan ang mga larawan. Ano ano sa mga larawan ang maaari mong gawin na kasama ang mga
miyembro ng iyong pamilya sa panahon ng pandemya? Bilugan ang mga ito.

10

You might also like