You are on page 1of 17

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan Modyul 2:
Ang Pamilya Bilang
Natural na Institusyon ng
Lipunan
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 2: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jasmin Aguan-Lariba
Editor: Albert R. Antipuesto
Tagasuri: Luzvisaminda B. Dequit
Tagaguhit: Lorna O. Galiste at Jasmin A. Lariba
Tagalapat: Gay C. Dulay
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V Assistant Regional Director
Omar A. Obas CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin P.Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug REPS, ADM
Cynthia Diaz -REPS, Subject Area Supervisor
Meilrose B. Peralta, Ed.D- CID Chief
Hazel G. Aparece, Ed.D- Division EPS In Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr.- Division ADM Coordinator
Vicentina A. Acuña- Division Subject Area Coordinator
.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN
Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

iii
Paunang Salita

Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag- aaral sa kanilang pag- ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag- aaral ng mga mag- aaral sa kani- kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag- aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag- ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa
paaralan.

ii
Alamin

Ang mga magulang ay may pananagutang


magtulungan bilang mag- asawa na may pantay na
pananagutan. Ito ay upang matustusan ang espirituwal,
emosyonal, intelektuwal, at pisikal na mga
pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya.
Ang mga mag-asawa ay dapat manguna sa
pagpapakita ng pagmamahalan at paggalang para sa
kanilang mga anak kapwa sa salita at gawa. Dapat

pakitunguhan ng mga magulang ang kanilang mga


anak nang may pagmamahal at paggalang, matatag
ang pasiya ngunit mabait sa kanila.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay inaasahan
na magampanan ang
tungkulin nito upang
magiging matatag ito sa
kahit na anumang problema
o pagsubok na mararanasan.
Kinakailangan ang tunay na
pagmamahalan at pagtutulungan upang ang layunin nito ay
maisasakatuparan hindi lamang para sa kabutihan ng
sariling pamilya kundi pati na rin sa lipunan.
Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit itinuturing na natural na
institusyon ang pamilya? Handa ka na ba? Halina! Sabay tayong maglakbay
patungo sa kaibuturan ng ating pamilya.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon


ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya

3
Subukin

Paunang Pagtataya (Pretest):


Tatayahin ko ang iyong kaalaman at pang-unawa tungkol sa pamilya.

A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad na likas ang
pamilya bilang institusyon at MALI naman kung hindi. Kung ang sagot ay MALI,
pangatwiranan:

____1. Ang pamilya ay hindi nilikha para sa kapakanan ng mga miyembro


lamang, kundi para sa tungkuling panlipunan din nito.

_____2. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na


gabayan ang anak upang lumaki at umunlad itong may pagpapahalaga
at pananampalataya.
_____3. Ang pamilyang nagkakaunawaan ay magkakaroon din ng di- maayos na
lipunan.

_____4. Ang pamilya ay pinagtibay ng pagmamahalan magkalayo man sila sa

_____5. Ang pagkakaroon ng anak ang una at pinakapangunahing pamantayan


sa paghubog ng isang pamilya.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naisasagawa ang mga angkop
na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya at MALI naman kung hindi. Kung ang sagot ay MALI,
patunayan:
______6. Pagpapaliban sa inutos ng inay dahil pagod ka galing sa paaralan.

______7. Pagkakaroon palagi ng mga bagong usong gamit tulad ng sapatos o


cellphone.

______8. Pakikinig sa mga aral ng mga magulang lalo na kung nakagawa ng


pagkakamali.

______9. Pag- upo at panonood ng telebisyon buong hapon dahil sa wala namang
pasok sa paaralan.

______10. Pagsasabi ng totoo sa kapatid dahil nabasag mo ang tempered glass ng


kanyang cellphone.

4
Aralin
Ang Pamilya Bilang Natural
2 na Institusyon ng Lipunan
Sa araling ito ay makikilala mo ang mga dahilan kung bakit tinawag na
natural na institusyon ang pamilya. Tatalakayin din sa araling ito kahalagahan ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa.

Balikan

Ano ang masasabi mo sa larawan?

Ang larawan ay nagpapamalas ng isang masaya at kumpletong pamilya.


Nakapagdudulot ito ng seguridad at kasiyahan ng loob kahit anong mangyayari sa
buhay. Ang mga oras na ginugugol sa bawat isa ay nagpapakita ng kahalagahan
ng pag-ibig, pagpapahalaga, at bukas na komunikasyon sa bawat miyembro nito
na siyang nakapagpapatatag sa samahan ng pamilya. saloobin ng bawat isa
sa m
Tanong: miyembro nitonakroteksyon at
1. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan?
2. Sa paanong paraan ka nakatulong upang mapatatag ang samahan ng
iyong pamilya?

5
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: May mga larawan akong inihanda, nais kong suriin mo ang mga ito at
sagutin ang mga katanungan.

1. 2. 3.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?


2. Tungkol saan ang mga larawang ito?
3. Sa mga larawan na nasa sa itaas, ilan sa mga ito ang katangiang taglay
mo? Pangatwiranan.
4. Saan mo natutunan ang mga magagandang katangiang ito?

Rubriks para sa pagpapaliwanag:

Kraytirya Napakagaling Magaling (3 Di- gaanong


(5 puntos) puntos) magaling
(2 puntos)
Nilalaman Sapat at tamang Tamang May iilang maling
impormasyon impormasyon impormasyon
ngunit hindi sapat
Organisasyon Maayos at malinaw Hindi gaanong May kalabuan ang
ang pagkakabuo at maayos at malinaw pagkakabuo at
pagkakalahad ng ang pagkakabuo at pagkakalahad ng mga
mga ideya pagkakalahad ng ideya
mga ideya

6
Gawain 2:

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag, pagkatapos isulat ang iyong


pagpapatunay kung bakit ang pamilya ay likas na institusyon. (Bigyang pansin
ang mga patunay bakit likas na institusyon ang pamilya.)

Pahayag Pagpapatunay
1.Napapansin sa loob ng ating pamilya na ang Halimbawa:
unang una nating nilalapitan sa tuwing Sagot: Maipapakita dito na ang
nagkakaproblema ay ang ating ina at ama o pamilya ay itinatag bilang isang
kapatid upang humingi ng payo o tulong malapit na komunidad ng buhay at
upang maibsan ang pighati na ating pagmamahal.
nararamdaman.
2. Araw-araw pinapayuhan ni Senador
Manny Pacquiao na paghuhusayan ang pag-
eensayo ni Jimuel na kanyang panganay na
anak na nagbabalak na sundin ang yapak
niya na maging boksedor.
3. Isang huwarang pamilya ang pamamarisan
mo sa tahanang ito. Ang magandang
pakikitungo ng ama o ina sa kaniyang mga
anak. Ang pag- uunawaan na nakikita ng mga
anak sa kanilang magulang. Kapag maayos
ang samahan ng pamilya sa loob ng tahanan,
mas magiging madali para sa isang anak ang
makitungo sa kanyang kapwa.

4. Kapansin- pansin ang kanya- kanyang


pamamaraan sa pagsamba ng pamilyang
Pilipino. Subalit magkaiba- iba man ang
relihiyon na sinasamba ay iisa pa rin ang
layunin nito na mapalapit sa iisang
Panginoon.
Sagot: Sa pamilya unang nahuhubog ang
pananampalataya.

Ang pamilya ay pundasyon ng lipunan. Dito hinuhubog ang mga katangian ng


bawat miyembro nito kung saan ay magagamit sa makabuluhang pakikipagkapwa.
Halimbawa ng mga katangiang ito ay ang pagtutulungan, pagbibigayan, at pananalig
sa Panginoon.

7
Suriin

Suriin ang mga larawan at mga isinasaad ng sanaysay:


Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na
pinagbuklod sa pamamagitan ng pagpapakasal na kapwa
nangakong magsasama hanggang wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan sa pag-aaruga at pagtaguyod ng edukasyon ng
mga anak.
Pinatunayan din sa video na ang pamilya bilang likas na
institusyon ang mga sumusunod halaw sa ESP8 Modyul ng
mag-aaral:
1. Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isang lipunan
ay nakasalalay sa ugnayang umiiral dito. Ito ay mayroong misyon na bantayan,
ipakita at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit sa
komunidad ng buhay at pagmamahal.
2. Nilikha ng Diyos ang tao bunga sa Kaniyang
pagmamahal at kasabay nito siya rin ay tinawag upang

3. Ang bawat sanggol na ipinanganak sa mundo ay


nagmumula sa isang pamilya. Dito unang nagsisimula
ang bawat mamamayan na magiging mahalagang bahagi
tor ng
lipunan.
4. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao
niya, natalakay na sa taas na likas na sa tao ang pagmamahal. Ang
ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit tinuturing ang
kapamilya bilang parang sarili, may dignidad at may karapatang
mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon
siya.

5.Ang pamilya ang pinakaepektibong paraan


upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan.
6. Ang pamilya ay nilikha dahil may
tungkulin ito sa lipunan kung saan ito ay isang
mahalagang bahagi. Halimbawa nito ang
pagbubukas ng tahanan sa kapwa (hospitality),
pagtulong sa mga pangangailangan ng
kapwa.Kasama sa panlipunan tungkulin nito ang
gampaning politikal.
7.Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang mga magulang na
gabayan ang anak upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at
maisasabuhay ang misyon ng Diyos para sa kanya.

8
Tanong:
1. Ano kaya ang kahihinatnan ng isang anak kung walang magulang na
gumagabay?

2. Naniniwala ba kayo na ang labis na pagmamahal, pag- aaruga at


pagkalinga ay nagdudulot ng kapariwaraan ng anak? Pangatwiranan.

3. Bakit mahalaga na makita ng mga anak ang respeto, pagmamahalan


at pagbibigayan sa pamilya?

Rubriks para sa pagpapaliwanag:


Kraytirya Napakagaling Magaling Di- gaanong
(5 puntos) (3 puntos) magaling
(2 puntos)
Nilalaman Sapat at tamang Tamang May iilang maling
impormasyon impormasyon impormasyon
ngunit hindi sapat
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan ang
malinaw ang maayos at pagkakabuo at
pagkakabuo at malinaw ang pagkakalahad ng
pagkakalahad ng pagkakabuo at mga ideya
mga ideya pagkakalahad ng
mga ideya

Pagyamanin

Sa bahaging ito, palawakin natin ang kaalaman at pag- unawa


tungkol sa pamilya, narito ang ilan pang mga gawain.

Panuto: Ilarawan ang mga kilos na ipinakita sa mga


larawan na nasa ibaba at ibigay ang kahalagahan nito.

1. Ayon sa Karapatan ng Bawat Batang Pilipino, ang bata


ay magkaroon ng tahanan at pamilyang magaaruga sa
kanya. Makikita ba ang isinasaad ng karapatan sa
larawang ito? Bakit?

2. Ang pamilya ay may tungkulin sa hindi lamang sa


pamilya pati na rin sa lipunang kanyang kinagagalawan.
Isa na rito ang pakikisangkot sa mga gawain kasama na
rito ang gampaning pampolitikal. Bakit kinakailangan
natin pumili ng taong manunungkulan sa pamahalaan
tulad ng Mayor at Kapitan?

9
3. Ang mga magulang ang nagsisilbing huwaran ng mga
anak sa kanilang pananampalataya. Ito ay
nakapagpapatatag sa isang pamilya. Ano kaya ang
mangyayari sa isang pamilya kung ang ama ay kulang sa
pananalig sa Diyos?

4. Ang kompletong pamilya ay nakapaghahatid sa bawat


miyembro nito ng seguridad at kaginhawaan. Dito
masasalamin ang pagmamahalan upang maging matatag
ang isang pamilya. Ano ang kahihinatnan kung nagiging
pabaya ang isang ina sa kanyang resposibilidad?

5. Likas sa pamilyang Pilipino ang pagiging


matulungin. Naipapakita nito ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kapwa. Bilang isang mag-aaral,
paano mo maipapakita ang pagiging matulungin sa
kapwa? Magbigay ng isang sitwasyong nagpapakita
nito.

Tanong:

1. Ano- ano ang natutunan mo sa pagbuo ng isang pamilya? Ipaliwanag.


2. Bakit sinasabing ang pamilya ay likas na institusyon? Pangatwiranan.
Rubriks para sa pagpapaliwanag:
Kraytirya Napakagaling Magaling (3 Di- gaanong
(5 puntos) puntos) magaling
(2 puntos)
Nilalaman Sapat at tamang Tamang May iilang maling
impormasyon impormasyon impormasyon
ngunit hindi sapat
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan
malinaw ang maayos at malinaw ang pagkakabuo
pagkakabuo at ang pagkakabuo at at pagkakalahad
pagkakalahad ng pagkakalahad ng ng mga ideya
mga ideya mga ideya

10
Isaisip

Ngayon mas naging malinaw na sa iyo kung bakit natural na institusyon


ng lipunan ang pamilya. Sa pamilya nahuhubog ang katangian ng bawat
miyembro nito na kung saan ay nagagamit sa pakikitungo ng mabuti sa kapwa.
Tinuturuan ng mga magulang ang anak ng mabuting ugali tulad ng pagmamahal
sa kapwa, pakikisangkot sa gawaing panlipunan, pananampalataya, at pagiging
matulunging indibidwal. Pakatandaan natin na dito unang nagsisimula ang bawat
mamamayan na magiging mahalagang bahagi ng isang lipunan. Ang bawat kasapi
ng pamilya ay gumagalaw dala ang pagmamahalan at pagtutulungan na siyang

pangalagaan at pahalagahan ito dahil ito ang bumubuo sa lipunan.

A. Panuto: Ibigay ang mahalagang konsepto na natutunan sa mga nagdaang


gawain sa pamamagitan ng isang graphic organizer.

ay ____________ at

na ng

B. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa kahon ang angkop na kilos batay sa
sitwasyon na makikita sa unang kulom.

Sitwasyon Angkop na kilos

1. Hindi mo sinadya na mahulog ang


cellphone ng iyong ate at nabasag ang
tempered glass nito.

2. Pagod ka galing sa paaralan dahil


nagkasabay- sabay ang mga guro na
nagbigay ng pagsusulit. Pagdating mo sa
bahay ay inutusan ka pa ng iyong ina.

11
Rubriks para sa pagbibigay ng angkop na kilos:
Kraytirya Napakagaling Magaling Di- gaanong magaling
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)

Nilalaman Sapat at tamang Tamang impormasyon May iilang maling


impormasyon ngunit hindi sapat impormasyon

Organisasyon Maayos at malinaw Hindi gaanong maayos May kalabuan ang


ang pagkakabuo at at malinaw ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng pagkakabuo at pagkakalahad ng mga
mga ideya pagkakalahad ng mga ideya
ideya

Mahalagang Aral:

Ang pamilya kailanman ay hinding- hindi mapapalitan ng kahit na anong


bagay sa mundo. Taglay ng pamilya ang pagiging matapat, paggalang pagkakaisa
at higit sa lahat maging sentro ang Panginoon upang mapatatag ang
pagmamahalan at pagtutulungan. Kung taglay ng isang pamilya ang

magiging makabuluhan ang bawat miyembro hindi lamang sa sariling pamilya nito
kundi pati na rin sa lipunan. Nararapat na mapangalagaan ang bawat pamilyang
Pilipino dahil ito ang pinakamahalagang yunit na bubuo sa lipunan.

12
Isagawa

Tayo ay nasa huling gawain sa ating aralin. Magkakaroon tayo ng dalawang


bahagi ng gawain na may magkatulad ang nilalaman. Ito ay pagkilala sa
kalakasan at kahinaan ng pamilyang Pilipino at sa sariling pamilya at sundan mo
ang ginawa KO.

A. Pamilyang Pilipino
AKO muna:
KALAKASAN KAHINAAN OPORTUNIDAD BANTA
Ako muna:
Napatutunayan Hindi maiiwasan na Sa panahon ng Marami sa mga
ng mga Pilipino may mga tao na krisis lumilitaw pamilyang Pilipino
ang pagiging bumabatikos pa rin din ang mga taong ang nababahala sa
matulungin sa sa pamahalaan sa may ginintuang malaking epekto na
pamamagitan kabila ng tulong na puso na nag-abot dala ng COVID- 19
ng pag- aabot natanggap nila tulad ng tulong sa pandemya. Ilan sa
ng tulong sa na lamang sa epekto na hatid ng mga ito ay ang
mga mas programang Social COVID-19 kawalan ng trabaho
naapektuhan Amelioration pandemya. na nagreresulta ng
ng COVID-19 Program. gutom sa maraming
pandemya. pamilyang Pilipino

IKAW naman:
1.

2.

3.

13
B. Sariling Pamilya
AKO muna:
KALAKASAN KAHINAAN OPORTUNIDAD BANTA
Halimbawa: Ako
muna:
Hindi naging May panahon na Naging mas Kung may isa sa
balakid sa aming hindi makontrol malapit ang loob aming kasapi ng
magkakapatid na ang emosyon pamilya na
magtulungan sa halimbawa ang pagkatapos na magkakasakit.
oras na may boses ng bawat isa masulosyunan o
problema o kapag nagbibigay natapos ang isang
pagsubok. ng paliwanag na pagsubok tulad na
humahantong lamang noong
minsan sa samaan nawala ang aming
ng loob. kuya.
IKAW naman:
1.

2.

3.

Ang pamilya ay may mahalagang papel sa bawat sanggol na magiging


bahagi ng lipunan. Ang pagmamahalan na may kalakip na paggalang na
pinapangunahan ng mga magulang ang siyang magiging gabay upang maging
mapanagutan ang bawat kasapi ng pamilya. Ang pagganap sa tungkulin ng bawat
isa ay naipadadama ang kahalagahan nito upang mas magiging malapit ang
samahan ng pamilya. Hindi rin dapat maisawalang bahala ng bawat miyembro ng
pamilya ang magkaroon ng pananalig sa Panginoon sa pamamagitan ng sama-
samang pagsamba upang mas mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan
sa pamilya.

14
Tayahin

Panapos na Pagtataya (Post Test)

A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad na likas ang
pamilya bilang institusyon at MALI naman kung hindi. Kung ang
sagot ay MALI, pangatwiranan:

_____1. Ang pagkakaroon ng anak ang una at pinakapangunahing pamantayan sa


paghubog ng isang maayos na pamilya.

_____2. Ang pamilya ay hindi nilikha para sa kapakanan ng mga miyembro


lamang, kundi para sa tungkuling panlipunan din nito.

_____3. Ang pamilyang nagkakaunawaan ay magkakaroon din ng di- maayos na


lipunan.

ay buo pa rin ang pagtitinginan.

_____5. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na


gabayan ang anak upang lumaki at umunlad itong may pagpapahalaga at
pananampalataya. isa.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naisasagawa ang mga angkop
na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya at MALI naman kung hindi. Kung ang sagot ay MALI,
patunayan:

______6. Pakikinig sa mga aral ng mga magulang lalo na kung nakagawa ng


pagkakamali.

______7. Pag- upo at panonood ng telebisyon buong hapon dahil sa wala namang
pasok sa paaralan.

______8. Pagpapaliban sa inutos ng inay dahil pagod ka galing sa paaralan.

______9. Pagsasabi ng totoo sa kapatid dahil nabasag mo ang tempered glass ng


kanyang cellphone.

______10. Pagkakaroon palagi ng mga bagong usong gamit tulad ng sapatos o


cellphone.

15
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang kanais- nais at di- kanais- nais
na katangian na makikita sa loob ng pamilya.

Kanais-nais Di-Kanais-nais

Magkapamilya

Magkapareha

B. Panuto: Sumulat ng liham pasasalamat para kay nanay at tatay. Isulat ang
lahat ng mensaheng nais iparating sa kanila.

Rubriks para sa pagsulat ng liham:


Kraytirya 3 2 1
Nilalaman Lubusang Nagpakita ng Simpleng
naipakita ang pasalamat at pasasalamat at
pasasalamat at pagpapahalaga pagpapahalaga
pagpapahalaga para sa magulang. para sa magulang
para sa magulang. ang naipakita.

Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan ang


malinaw ang maayos at pagkakabuo at
pagkakabuo at malinaw ang pagkakalahad ng
pagkakalahad ng pagkakabuo at mga ideya.
mga ideya. pagkakalahad ng
mga ideya.
Kalinisan at Wastong- wasto at May 1- 2 bura/ Hindi mabasa at
kaayusan napakalinis ng dumi sa may 3 o higit na
pagkasulat. pagkasulat. bura/ dumi sa
pagkasulat.

16

You might also like