You are on page 1of 16

 8







Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


Edukasyon sa Pagpapakatao–Baitang Walo
Developed Division Initiated - Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 7: Responsibilidad at Huwarang Pamilya sa Lipunan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace B. Lamdagan
Editor: Cristy R. Temple, Elma C. Palen
Tagaguhit: Rogin Alrea Mae T. Palermo
Tagalapat: Rogin Alrea Mae T. Palermo
Tagasuri: Mary Ann S. Recoco, Cristy R. Temple, Elma C. Palen
Management Team:
Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Allyn G. Gonda, PhD
Clemencia G. Paduga

Inilimbag sa:

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Adress: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Pricessa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Adress: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

iii
Edukasyon sa Responsibilidad at Huwarang
Pagpapakatao Pamilya sa Lipunan
Unang Markahan
Ikapitong Linggo

MELC:
a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay
sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). (ESP8PB-Ig-
4.1)

b. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at


pampolitikal na papel nito. (ESP8PB-Ig-4.2)

Tiyak na Layunin:
a. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang papel na
panlipunan at politikal nito;

b. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin; at

c. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa papel na panlipunan (hal:


pagmamalasakit sa kalikasan) at pampolitikal ng pamilya (hal. pagtatakda ng
mga pamantayan sa pagpili ng mga lider)

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang-papel.

Para sa tanong 1
“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at
pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta
sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”

1
1. Ano ang implikasyon ng pahayag o pangungusap na nasa loob ng kahon?
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan
at tungkulin nito.
b. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa
pamilya; hindi kailangang sumabay sa mga pagbabagong ito ang pamilya.
c.Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na
ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga karapatan nito.
d.Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at
nabibigyang proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng
pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting
kapaligiran.

2. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?


a. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
b. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
c. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin.
d. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin
ng pamilya kung hindi nito alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin
nito

3. May magandang plano si Juan sa kanilang pamayanan at nais niya itong


imungkahi sa kanilang lider upang makahingi ng tulong sa pagpapatupad nito.
Ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ng maayos.
Ano ang inalis kay Juan?
A. Dignidad B. Pagkatao C. Lakas-loob D. Karapatan

4. Alin sa sumusunod na institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at


pangunahing yunit ng lipunan.
A. Pamilya B. Barangay C. Paaralan D. Pamahalaan

5. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa


isang lugar?
A. Panlipunan B. Pampolitikal C. Pangkalusugan D. Pansimbahan

6. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang sumusunod sa mga batas na


nagproprotekta sa karapatang pantao?
A. Panlipunan C. Pansimbahan
B. Pampolitikal D. Pangkalusugan

7. Diniktahan si Jenny ng kaniyang kapatid sa pamamaraan ng kaniyang


pagpapalaki sa kaniyang mga anak sapagkat katuwiran nito ay sobra itong
makaluma. Anong karapatan ang inalis kay Jenny?
A. Palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon.
B. Makapagsilbi sa anak hanggang gusto nito.
C. Maayusan ang anak ayon sa kaniyang nais.
D. Maitaguyod ang mga anak ng sariling sikap.

2
8. Paano maipakikita ang pagtulong sa kapuwa na hindi naghihintay ng kapalit?
A. Pagtulong sa kapwa dahil inutusan ng magulang.
B. Pagtulong ng bukal sa kalooban at hindi pagbabalat-kayo lamang.
C. Pagtulong sa mga matatandang tumatawid sa kalsada upang sumikat.
D. Pagtulong sa mga nangangailangan upang dumami ang boto sa susunod
na eleksiyon.

9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng pamilya?


A. Paglahok sa clean-up drive.
B. Pagtanggap ng tulong mula sa 4P’s.
C. Pagkakaroon ng proteksiyon mula sa awtoridad.
D. Pamimigay sa mga senior citizen ng honorarium mula sa DSWD.

10. Batay sa iyong sagot sa unang bilang, anong karapatan ng pamilya ang
itinataguyod?
A.Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong
sa pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya.
B. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay
pamilya.
C.Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
D. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal,
panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad

Ating Alamin at Tuklasin


Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu. Siya ay isang
panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o
mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang
tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao. (Sheen, isinalin mula sa Education in Values:
What, Why and For Whom ni Esteban, 1990).

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa


pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw-
araw. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang
mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. Sa
loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan.
Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga
may pagkakataon na hindi nagiging positibo ang pagiging labis na makapamilya ng
mga Pilipino. Sa halip na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakani-
kaniya ang nililikha nito. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring
3
mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng
pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga
posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang.
Ang nangyayari ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya.

Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa


pamamagitan ng pakikialam sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa
pagtiyak na ang mga batas at ang mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa
halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya ang mga natural at legal na karapatan
nito. Dapat din na pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi
magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

Ang sumusunod ang mga karapatan ng pamilya:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng


lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon
ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.

2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap


ng buhay at pagtuturo sa mga anak.

3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.

4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng


kasal.

5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at


pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon,
pananampalataya, pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga
kailangang kagamitan, pamamaraan, at institusyon.
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad.

8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.


9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o
asosasyon), sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga
usaping pang-ekonomiya, panlipunan, o kultural.
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at
samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas
karapat-dapat at madali.
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga
institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo,
at iba pa.
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa
pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya.

4
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
kamatayan.
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhunan.

Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng
Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang
tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig,
at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo. Kaya nga ang pagkakaroon ng legal na
karapatan sa pagmamay-ari ng alinman sa mga elementong ito ay dapat na may
kalakip na paalala na ang mga ito ay kaloob ng Diyos at hindi likha ng tao.

Samakatuwid, ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na


isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao sa paggamit nito.

Ang hangin at tubig sa ating himpapawid at mga karagatan ay hindi dapat na


abusuhin ng ilang tao, o maging ng mga industriya o korporasyon na karaniwang
pag-aari ng ilang mayayamang pamilya; bagkus dapat na gamitin para sa kabutihan
ng lahat ng tao sa mundo. Kaya nga, walang karapatan ang mga industriya na
dumihan ang hangin ng maruming usok na galing sa kanilang mga pagawaan at
dumihan ang mga ilog at dagat ng polusyong nakalalason sa tubig at pumapatay ng
mga nabubuhay dito. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang
likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito,
nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan
tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng
pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na
basura, ang 3Rs
(reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang
iba.

5
Tayo’y Magsanay
Gawain 1: Tambalan!

Pagtambalin ang mga suliraning makikita sa Hanay A sa mga maaring maging tulong
na makikita sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

Hanay A Hanay B

1. residenteng apektado ng pag- A. pansamantalang patuluyin sa bahay


baha ang kapitbahay na naapektuhan ng
2. gumuhong bahay ng iyong pagbaha.
kapitbahay dahil sa lindol B. matalinong pagbuto o pagpili ng
3. kaklaseng walang papel uupong politiko
at pangmatrikula C. boluntaryong makiisa sa tree-
4. matandang mag-asawang planting
nanlilimos sa kalye D. pahiramin ng papel
5. pagguho ng lupa tuwing luma- E. magbigay donasyon tulad ng
lakas ang ulan. pagkain at pinansyal
6. paglaganap ng sakit na F. lumahok ng bayanihan sa
dengue pagkumpuni o paggawa ng bahay
7. korupsyon ng mga nanunung- G. magpadala ng pormal na liham sa
kulan kinauukulan na maglunsad ng
8. mga nangyayaring aksidente proyekto sa paglilinis
sa daan H. pagsunod sa batas trapiko
9. pang-aabuso I. tumutulong sa paglilinis ng coastal
10. pagkasira ng yamang dagat area
J. Pag-papaalam sa pagputol ng
punong kahoy
Gawain 2. Taglay ko ito!
Basahin at unawain ang mga pahayag/pangungusap sa ibaba. Isulat ang MK kung
ang pahayag/pangungusap ay nagpapakita ng kilos o gawi na dapat taglayin ng
isang pamilyang may maayos na komunikasyon. Isulat naman ang RM kung ang
pahayag/pangungusap ay nagpapakita ng gampaning tinataglay ng isang
responsableng mamamayan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

1. Binibigyang halaga ang mga payo ng magulang.

2. Pamilyang sabay-sabay na nagdarasal.

3. Pagiging maligaya sa kaligayahan ng iba.

4. Tulong-tulong sa mga gawaing bahay.

5. Pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.

6. Pakikilahok sa mga asembleya at pagpupulong sa pamayanan.


6
7. Nagsasabi ng po at opo sa tuwing sasagot sa mga nakatatanda.
8. Pagiging matapat sa salita at gawa.

9. Pinag-uusapan sa loob ng tahanan ang problemang nararanasan ng bawat isa.


10. Pagpasok nang maaga sa kaniya-kaniyang trabaho ayon sa pamantayan ng
gobyerno.

Ating Pagyamanin

Gawain 3. PUNAN MO AKO


Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita na nasa loob ng kahon at isulat ito
sa iyong sagutang-papel.

Anak Pamilya Panlipunan

Pananampalataya Kabataan Paniniwala

Buhay Pangangailangan
Pampolitikal

Batas
1. Ang lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng _________ at
magkaroon ng sapat na panustos sa mga nito.

2. Ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng at pagtuturo sa


mga _________________.

3. Ang mga sa pamamagitan ng mga institusyon at , laban sa


mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa.

4. Sa at pagpapahayag ng at pagpapalaganap nito.

5. Ang mga may sakit, na magtamo ng pisikal, , , at pang-


ekonomiyang seguridad.

7
Gawain 4. PICTOWORD

Panuto: Tukuyin ang mga larawan sa ibaba at ibigay ang papel na ginapampanan
sa pamayanan.

nhcphistoristicsites.blogspot
.com

Pamantayan sa Pagmarka

Nangangailanga
Pamantayan Napakahusay Mahusay n
(10 puntos) (7 puntos) ng Pag-
unlad
Nilalaman Nasagutan nang Nasagutan nang May sagot
(4
ng Tamang pahayag ang Tamang pahayag sa
puntos)
sag bawat larawang pang ngunit hindi tanong
ot institusyon na gaanong tugma bagaman
kumakatawan sa ang sa larawang malayo sa ang
maunlad pang institusyon tinutukoy sa
Kabuoang pahayag.
puntos

8
Panuto: Isulat sa iyong sagutang-papel ang antas ng bawat gampanin o
responsibilidad sa lipunan gamit ang hugis palaso na may apat na makukulay na
kahon.

Pamilya Panlipu Pampolitika Pananamp


nan l alataya
Pananampa
lataya

Nangangailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay ng Pag-unlad
(10 puntos) (7 puntos) (4 puntos)
Nilalaman ng Nasagutan nang Nasagutan nang May sagot sa
sagot tamang pahayag at Tamang pahayag bawat antas
responsibilidad sa ngunit kulang ngunit hindi
lipunan ang bawat ang mga malinaw at
antas ng bawat nabanggit na malayo ang
gampanin responsiilidad sa ideya sa bawat
bawat antas antas
Kabuoang
puntos

9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang-papel.
1. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa
isang lugar?

A. Panlipunan C. Pampolitikal
B. Pansimbahan D. Pangkalusugan

2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng pamilya?


A. Paglahok sa clean-up drive.
B. Pagtanggap ng tulong mula sa 4P’s.
C. Pagkakaroon ng proteksiyon mula sa awtoridad.
D. Pamimigay sa mga senior citizen ng honorarium mula sa DSWD.

3. May magandang plano si Juan sa kanilang pamayanan at nais niya itong


imungkahi sa kanilang lider upang makahingi ng tulong sa pagpapatupad nito.
Ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ng maayos. Ano
ang inalis kay Juan?
A. pagkatao B. dignidad C. karapatan D. lakas-loob

4. Alin sa sumusunod na institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at


pangunahing yunit ng lipunan?
A. pamilya B. barangay C. paaralan D. pamahalaan

5. Paano maipakikita ang pagtulong sa kapuwa na hindi naghihintay ng kapalit?


A. Pagtulong sa kapwa dahil inutusan ng magulang.
B. Pagtulong ng bukal sa kalooban at hindi pagbabalat-kayo lamang.
C. Pagtulong sa mga matatandang tumatawid sa kalsada upang sumikat.
D. Pagtulong sa mga nangangailangan upang dumami ang boto sa susunod
na eleksiyon.

10
Gabay sa Pagwawasto

11
Sanggunian
Aklat:

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaňo, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay
T. Paras, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikawalong Baitang, Modyul Para sa
Magaaral, 2013. Pasig City.

Dy, M. (2011). Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang at Pakikipagkapwa.

Esteban, E. (1990). Education in values: what, why and for whom. Manila: Sinagtala
Publishers Inc.

Quito, E. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C and E Publishing Inc.

Gabay sa Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng


Edukasyon Sekundarya (SEC) 2010, Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya,
Kagawaran ng Edukasyon. Pasig City

Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng mga Guro sa 2010 Secondary


Education Curriculum. Pasig City: Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya.

Hanguang Elektroniko:

Ang Papel na Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya. Prezi.com. Accessed,


September 30, 2014. https://prezi.com/zshz6tqh3t3j/ang-papel-na
panlipunan-at-pampolitikal

http://www.academia.edu/34167705/Modyul_4_ANG_PAPEL_NA_PANLIPUNAN_A
T (accessed May 25, 2020)

Peligrino, Ani. academia.edu.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

13

You might also like