You are on page 1of 4

LEZO INTEGRATED SCHOOL

Secondary Department
LEZO, AKLAN

Unang Markahang Pagsusulit sa EsP 8

NAME: __________________________________ YR. & SEC.: _______________________ DATE: ___________________

I.Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng iyong
sagot.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan b. Pamilya c. Pamahalaan d. Barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng 2 taong nagpasiyang magpakasal at magsama ng habangbuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay. Alin sa sumusunod na pahayag ang
naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa eskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kayat inaaruga nila ang kanilang mga
anak.

4. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya, siya rin ang lipunan.

5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.

6. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan.
b. Pagkakaroon ng mga anak d. Mga patakaran sa pamilya

7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang samasama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.

9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?


a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.

10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito sa isang
tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.

11. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan

12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay___________________.
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.

13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay
matagumpay na malampasan
c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos
upang paglingkuran at alagaan
d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang
mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito

14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga
anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga
gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga
pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.

15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng
magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.

16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya

17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa:
a. pagtanggap b. pagmamahal c. katarungan d. pagtitimpi

18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban
sa:
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya

20. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay
maisakatuparan

21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?

22. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang
seguridad
23. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung
ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

24. Ano ang implikasyon ng pangungusap?


“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil
maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at tungkulin nito.
b. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksyon sa lipunan, ang
bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran.
c. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya; hindi kailangang sumabay sa mga
pagbabagong ito ang pamilya.
d.Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ng pamahalaan ang pangangalaga sa

25. Suriin ang mga larawan. Iayos ang mga ito ayon sa maaaring maging pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

26. Sa iyong palagay, anong tanong kaugnay ng likas-kayang pag-unlad o sustainable development ang angkop na
itanong tungkol sa mga larawan sa bilang 25?
a. Ano ang epekto sa ating hinaharap ng mga basurang likha ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya?
b. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na basurang likha ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya?
c. Paano makatutulong ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa pagpapanatili ng mga likas na yaman ng
daigdig?
d.Ano ang epekto ng kawalan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya?

27 – 30. Paghambingin ang sumusunod:


a. Diyalogo at Monologo
b. I – Thou at I – It

Father And Mother I Love You!


Good Luck   
-Ma’am Cortez

You might also like