Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City
PANUTO: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang pinakatamang sagot at isulat titik sa inyong
sagutang papel.
EsP7PS-Ia-1.1- Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyang
aspetong:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
c. Asal sa lipunan at pakikipagkapwa
d. Kakayahang makagawa ng maingat na pag papasya
1. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat
isa ang kanyang gawi?
Hinahayaan ni Michael na talunin ang takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
Palaging sinasabi ni Reena sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pagkakamali ay mayroong siyang matutuhan.
Hindi natatakot si Jessa na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.
Hinahasa ni Adrian ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga
pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
A. Tapang C. Tiwala sa sarili
B. Positibong pagtingin D. Talento at kakayahan
2. Saang aspeto ng pagbabago nabibilang ang pag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer?
A. Pandamdamin C. Panlipunan
B. Moral D. Pangkaisipan
3. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata?
A. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
C. Upang mapatunayan na lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa
kanyang kasing edad
D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kanya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya.
EsP7PS-Ia-1.2- Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
4. Ikaw bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon sa iyo ng kasintahan
(girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
B. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging
handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
EsP7PS-Ib-1.3-Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kilos at kakayahan sa
panahon ng pag dadalaga/pagbibinata ay nakakatulong sa:
a. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
b. Paghahanda sa susunod na yugto ng buhay (paghahanda sa hanapbuhay,pag-aasawa/pag papamilya)
c. Pagiging mabuti at mapanagutang tao.
5. Si Leslie ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa
paaralan dahil sa takot na hindi ito maging katanggap-tanggap sa ibang mga mag-aaral. Kung ikaw ay
kaibigan ni Leslie paano mo ipaliliwanag sa kanya ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili?
A. Sasabihin ko sa kanya na huwag na lamang niyang ipakita sa iba ang kanyang talent.
B. Sasabihin ko kay Leslie na hindi niya dapat pansinin ang sasabihin ng iba upang magkaroon siya ng
tiwala sa kanyang sarili.
C. Sasabihin ko sa kanya na mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili upang magkaroon siya ng
tiwala sa kanyang kakayahan.
D. Sasabihin ko sa kanya na ang tiwala sa sarili ay makatutulong upang maipakita aniya ang kanyang
talent sa iba.
6. Si Jomar ay iskolar sa isang pribadong paaralan. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aaral
nababalisa siya sapagkat hindi niya alam kung paano makikisabay sa mga ito sa maraming bagay.
Humingi siya ng payo sa kanyang ama. Kung ikaw ang kanyang ama paano mo ipaliliwanag na kailangan
niyang harapin ito para sa susunod na yugto ng buhay?
A. Sasabihin ko sa kanya na ganyan talaga ang buhay ng tao, hindi pantay-pantay.
B. Sasabihin kong huwag siyang matakot na harapin ito sapagkat ang mga ito ang magtuturo sa kanya na
harapin ang mas mabigat pang hamon ng buhay sa hinaharap.
C. Sasabihin ko sa kanya na makisama na lamang siya sa kanyang kamag-aaral, mayaman man o
mahirap.
D. Sasabihin kong magpakatotoo siya
EsP7PS-Ib-1.4- Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
7. Handa kang ipaalam sa lahat ang iyong talento at ipakita kung sino ka talaga. Masasabi bang ganap ang
iyong pakikipag-ugnayan kung ganito ang iyong gagawin?
A. Opo, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
B. Opo, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
C. Hindi po, dahil sa mali na ipakita sa iba ang talento at kung sino ako talaga
D. Hindi po, dahil mahalaga na magkaroon ng limitasyon.
EsP7PS-Ic-2.2 -Natutukoy ang mga aspeto sa sarili kung saan siya kulang ng tiwala at nakikilala ang mga
paraan kung paano lal ampasan ang mga ito.
8. Sa murang edad ay dapat ng matukalas ang talent at kakayahn upang mahaba ang panahon ng
pagpapaulad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talent at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talent katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal.
C. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
D. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent.
9. Nakasanayan ni Justine ang pagsasalita ng Ingles dahil sa ibang bansa siya nagkaisip at lumaki kaya hirap
siya sa asignaturang Filipino. Palaging mababa ang marka niya sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon
ng lakas ng loob na makisabay sa talakayan sa klase dahil hirap din siyang magsalita ng Filipino. Ano ang
maaaring maging solusyon ni Justine sa kanyang suliranin?
A. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
B. Tukuyin kung anong nais niyang matutunan upang ito ay mapaunlad
C. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan as
pagsasaliata at pagsulat sa Filipino.
D. Lahat ng nabanggit
Inihanda ni:
WILMA E. DE GUZMAN
Guro sa Asignatura Iwinasto at Binigyang Pansin ni:
DIANA M. CAMACHO
Panunumparang Pinuno