Professional Documents
Culture Documents
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
ANONAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan
3. Ang kinabukasan ng isang tao ay kailangan ng positibong paghahanda o plano para sa matagumpay at
maunlad na hinaharap. Ang paghahanda o pagpaplano ay isang palatandaan ng isang nagbibinata o
nagdadalaga tungkol sa pag-unlad niya sa anong aspeto?
a. Moral b. Pangkaisipan c. Pandamdamin d. Panlipunan
5. Ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay ay kailangan ng pagtanggap at pag-unawa. Ito ang inaasahang
kakayahan at kilos upang ______.
a. Mai-post mo sa social media c. Matamo ang kaayusan sa pamayanan
b. Malinang ang mga talento at kakayahand. Walang masabing negatibo ang kapwa sa iyo
Para sa bilang na 7-10. Basahin ang kwento at sagutin ang ang sumusunod na tanong.
Si Bianca Karina ay isang iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napapaligiran siya ng
mga mayayaman na kamag-aral. Ngunit kahit na marami siyang pagkakaiba sa kanyang kamag-aral hindi
nito naging balakid upang ipamalas niya ang kanyang kakayahan at talento. Dahil sa determinasyon at
pagsisikap ni Bianca Karina napaunlad niya ang kanyang sarili at nagkaroon siya ng maraming kaibigan sa
paaralan.
7. Paano nagkaroon ng kaibigan si Bianca Karina?
a. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
b. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya iskolar na mahirap din.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamg-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at s mga kapwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.
9. Sa paanong paraan hindi makakatulong kay Bianca Karina ang pilit na pagbabago?
a. Hindi niya makakamit ang respeto
b. Hindi tatagal ang mga kaibigan na puno ng pagpapanggap
c. Hindi niya magugustuhan ang pilit niyang pagbabago ng pagkatao niya
d. Hindi magiging kuntento si Bianca Karina dahil hindi siya kayang tanggapin ng kanyang kapwa
10. Ang mga paraang ito ay dapat gawin ni Bianca Karina para makapaghanda sa sumusunod na yugto ng
buhay, maliban sa isang paraang hindi nararapat.
a. Mag-aral nang mahusay
b. Magsanay sa mga talentoong akma sa taglay na kakayahan
c. Gampanan nang mabuti ang mga responsibilidad sa Diyos, sa kapwa at sa sarili
d. Uminom, kumain, at magsaya total ibang tao naman ang gumagawa para sa iyong pag-unlad
11. Ang pagpapasya ay kailangan ng masusing pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin at dapat ihanda ang sarili
sa iba’t ibang konsekwensiya anuman kapasyahan nagawa. Paano ka magkakaroon ng kakayahang
makagawa ng maingat na pagpapasya?
a. Labis na umasa sa mga magulang
b. Maghintay na lang ng pagkakataon. Bahala na
c. Huwag magsanggunni sa mga nakakaalam ng mabuting pamumuhay
d. Magsaliksik, sumangguni at pag-aralan ang advantage at disadvantage ng pinagpipiliang aksyon
12. Sa iyong masigasig na pag-aaral at tamang disiplina sa sarili iyong makakamit ang inaasam na tagumpay at
ito ay makapagtapos sa pag-aaral. Ang susunod na hakbang na iyong dapat gawin ay maghanda para sa
iyong hinaharap. Ano ang wastong paraan para makapaghanda sa paghahanap-buhay.
a. Magsariling-kalooban, di na kailangan ang payo ng kapwa
b. Huwag nang gawin ang mga trabahong hindi mo alam gawin
c. Iwasang magplano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na kukunin sa hinaharap
d. Magplano, sumangguni, sanayin ang kakayahan at hubugin ang tiwala sa sarili at maingat na
pagpapasya
13. Ang pagmamahal sa sarili ay katumbas ng pagtitiwala sa iyong sariling kakayahan at sa mga aral na
ibinahagi ng iyong mga magulang at guro. Ang kawalan ng tiwala sa sarili ay sanhi ng ______.
a. Paniniwala sa mga himala
b. Pag-aakalang mananalo sila sa paligsahan
c. Hindi sila nahihiyang ipakilala ang sarili sa madla
d. Takot na baka magkamali/pagalitan sila sa kanilang planong gawin
14. Ang bawat isang tao ay mayroong kani-kaniyang kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, na
makaunawa at makalutas ng mga suliranin, at ng kanilang karapatan na matamo ang kaligayahan at
mabigyan ng paggalang o respeto. Ano ang importansya ng pagmamahal mo sa sarili?
a. Magiging mayabang at mayaman ka
b. Matutututuhan mong magpahalaga sa ibang tao
c. Mahihirapan kang tanggapin ang tunay mong pagkatao
d. Matatanggap mo ang kahinaan mo, pero di ka magbabagong-buhay
15. Ang kakayahan ng isang tao ay nauuri ayon sa Multiple Intelligence ni Dr. Howard. Ito ay nagpapatunay na
________ ang uri ng katalinuhang taglay ng bawat tao.
a. iisa lang b. magkakaiba c. marami d. pareho-pareho
16. Si Mariano ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang kasamahan sa
team. Si Mariano ay may taglay na anong uri ng katalinuhan?
a. Bodily/Kinesthetic b. Musical/Rhythmic c. Mathematical/Logical d. Visual/Spatial
17. Lahat ng sitwasyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas. Ang mga taong nagtataglay ng bukod tanging
kakayahan at katalinuhan ay dapat na linangin at pagyamanin. Sa paanong paraan ito malilinang?
a. Hayaang panahon at ibang tao ang magtakda ng kakayahan
b. Humingi ng tulong sa taong mayroon ibang kakayahan at katalinuhan
c. Maglaan ng panahon upang ito ay tuklasin at magpursiging magsanay
d. Magbago ng pananaw sa buhay at tumuklas ng iba pang kakayahan at katalinuhan
18. Ang tao ay may mga likas na kakayahan at ito natutuklas sa iba’t ibang sitwasyong kinasusuungan. Ang mga
taong nagtataglay ng Interpersonal Intelligence ay natututo sa pamamagitan ng ____.
a. Pag-uulit, ritmo at musika
b. Damdamin, halaga at pananaw
c. Pagsisisyasat at pagi-imbento
d. Pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan
19. Ang buhay ng tao ay puno ng pagsubok na hahamon sa ating kakayahan at katatagan. Dapat bang
sumuko/mawalan ng tiwala sa sarili kung walang taglay na talent at kakayahan ang isang tao?
a. Opo, dahil wala na akong magagawa
b. Opo, dahil ganito lang akong nilikha ng Diyos
c. Hindi, dahil sasanayin ko ang pag-unlad ng aking talento
d. Hindi, dahil mahihintay ko ang panahon ng pag-usbong ng aking talent
20. Mayroong gaganaping paligsahan sa inyong paaralan at ikaw ang pinili ng iyong guro upang kumatawan sa
inyong klase upang sumali. Ano ang iyong gagawin?
a. Ako po ay lalahok sapagkat sinabi ito ng aking guro
b. Ako po ay lalahok sapagkat may tiwala ako sa aking kakayahanat talento
c. Ako po ay tatanggi sapagkat ako’y matatalo lamang dahil kulang aking nalalaman
d. Ako po ay tatanggi sapagkat hindi pa sapat ang aking kakayahan at tiwala sa aking sarili
21. Ang pagsisikap upang makamit ang mga pangarap sa sarili at para sa mga mahal sa buhay ay nagpapakita
na ikaw ay may tiwala sa magandang buhay na nakalaan para sa iyo. Upang ito ay maisabuhay ano ang
paraan na gagawin mo?
a. magtiwala na ibibigay ang lahat sa iyo kahit walang gawin
b. manalangin na ibibigay ang lahat sa iyo sa takdang panahon
c. linangin ang kakayahan, tiwala sa sarili at talento para mayroong magamit
d. hubugin ang kakayahan ng kapatid at isali sa paligsahan upang magkaroon ng magandang buhay ang
buong pamilya
22. Hindi hinahayaan ni Arianna na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan. Ano ang
mahuhubog kung ipagpapatuloy niya ang kanyang gawi?
a. tapang b. talento at kakayahan c. tiwala sa sarili d. positibong pagtingin sa sarili
23. Ang talentong taglay ng tao ay dapat pahalagahan at unawain. Ang mga taong nagtataglay ng Interpersonal
Intelligence ay natututo sa pamamagitan ng ____.
a. Pag-uulit, ritmo at musika c. Pagsisisyasat at pagi-imbento
b. Damdamin, halaga at pananaw d. Pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan
24. Ang isang paraan upang mapaunlad ang kakayahan at talento ay isali sa libangan ang mga kakayahan at
talento. Ang lahat ng mga katangiang sa ibaba ay kakayahan ng taong may Logical/Mathematical
Intelligence, maliban sa isa.
a. Magaling magsayaw at maglaro
b. Mabilis mangatwiran at maglutas ng suliranin
c. Marunong sa mga gawaing scientific at inventigative
d. Mahusay sa chess, computer programming, engineering
25. Ang paglinang sa kakayahan ay kailangan ng tamang gabay at motibasyon. Ang mga taong nagtataglay ng
Interpersonal Intelligence ay natututo sa pamamagitan ng ____.
a. damdamin, halaga at pananaw c. pag-uulit, ritmo at musika
b. pagsisisyasat at pagi-imbento d. pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan
26. Maaring gamiting basehan ang talento at kakayahan upang matukoy ang nais gawin sa hinaharap. Ang
taong may Visual/Spatial in Intelligence ay malabong magkainteres sa ganitong paksa.
a. Architectural Design c. Interior Design
b. Computer Animation d. Philippine Prose & Poetry
27. Si Jen Cyreen ay isang mag-aaral ng Grade 7-Sampaguita, sa tuwing ang klase ay may bakanteng oras
hinahayan ng kanilang guro na gawin ang kanilang gusto tulad ng paglalaro ng basketball o volleyball
subalit si Jen Cyreen ay ginugugul ang kanyang oras sa pagtatanim o pag-aalaga ng sunflower. Ang
pagtatanim na kinagigiliwang gawin ni Jen Cyreen ay _____.
a. Hilig b. Hiling c. Katangian d. Kakayahan
28. Ang pakikipaglaro sa kanyang kapitbahay ang libangan ni Mekayla tuwing sabado at linggo. Si Mekayla ay
may katangiang persuasive na ibig sabihin siya ay nasisiyahan sa _____.
a. Outdoor b. Mechanical c. Scientific d. Persuasive
30. Palaging kumakanta si Erica Mae at sa tuwina’y lagi siyang kumakanta kasama ang kanyang mga kaibigan.
Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. makakapag-unlad ito ng talento at kakayahan
b. magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain
c. makakatulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras
d. palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao
31. Si Christian Jake ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Christian
Jake?
a. Larangan: musical Tuon: tao
b. Larangan: musical,artistic Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical,literary Tuon: tao, datos, ideya
35. Kung naharap ka sa bagong gawain na hindi mo alam gawin, ganito ang dapat mong isipin:
a. Susubukan kong gawin kahit hindi ako tulungan o turuan
b. Iiwasan ko iyon, gagawin ko lang iyong alam kong gawin
c. Hingin ko muna ang tulong o turo ng nag-utos sa akin
d. Ipapasa ko sa ibang tao ang gawaing iyon
36. Nakita ni Jam Frexy na uso ang paglalaro ng spinner. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito
kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng spinner. Sinimulan niya ngunit hindi niya natapos. Makalipas
ang ilang buwan nakita naman niya nauuso ang metal puzzles kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina.
Makalipas ang dalawang araw ay nahinto na ang kanyang paggawa. Ano ang matuwirang gawin ni Jam
Frexy?
a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang pansin ang nauuso
c. Suriin ang kanyang saril upang mataya kung anong bagay ang kanyang gingagwa na makapagpapasaya
sa kanya
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang
nararapat na pagtuunan ng pansin
37. Kung ang hilig mo ay paglalaro ng badminton, alin sa mga ito ang nagsisilbing tuon mo sa tao?
a. Pag-iisip ng teknik o paraan upang huwag tumama sa net ang shuttle cock
b. Pagsisikap na makapagtala ng record sa badminton
c. Pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro ng badminton
d. Paggamit ng raketa ng badminton at shuttle cock
38. Ang tao ay maraming nais gawin at madiskubre tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran upang sa
hinaharap ito ay kanyang magamit sa kanyang tagumpay. Paano mo makakamit ang tagumpay gamit ang
iyong hilig?
a. gawing propesyon ang hilig
b. ituro sa iba ang hilig at maningil ng kabayaran
c. gawing rekreasyon ang hilig upang manumbalik ang sigla sa sarili
d. gayahin ang diskarte ng mga magulang kung paano sila umunlad gamit ang kanilang hilig
39. Sa pagtupad ng kabataan sa iba’t ibang mga tungkulin, importante na mapanatiling balanse ang pagganap
sa mga ito. Alin sa mga gawaing ito ang mga hindi makakatulong sa pagbalanse sa mga tungkuling
ginagampanan?
a. Paglilista ng “Things to Do Today”
b. Pokus sa pagtupad ng iisang tungkulin buong maghapon, magdamag
c. Pagsasaayos ng mga kagamitan/dokumento (organizing materials/files)
d. Paggawa ng schedule sa paggawa ng bawat tunkulin (time management)
40. Sa pagtupad ng kabataan sa iba’t ibang mga tungkulin, importante na mapanatiling balanse ang pagganap
sa mga ito. Alin sa mga gawaing ito ang mga hindi makakatulong sa pagbalanse sa mga tungkuling
ginagampanan?
a. Paglilista ng “Things to Do Today”
b. Pokus sa pagtupad ng iisang tungkulin buong maghapon, magdamag
c. Pagsasaayos ng mga kagamitan/dokumento (organizing materials/files)
d. Paggawa ng schedule sa paggawa ng bawat tunkulin (time management)
41. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walng sinuman ang namamatay, para sa sarili
lamang.” Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at kanyang kapwa
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarli para sa sa kanyang
kapwa
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang kakayahan na
makipagkapwa
43. Hindi mo mapapakilos sa pagtupad ng tungkulin ang ibang tao kung ikaw ay____.
a. Ikaw ay mapagmalasakit sa kanya
b. Ikaw mismo ay hindi niya nakikitang gumagawa tungkulin
c. Ikaw ay nagbibigay ng mga papuri sa kanyang mga ginawa
d. Ikaw ay nagturo ng mga paraan kung paano gawin ang tungkulin
44. Bilang konsyumer ng media, dapat magpakatalino ang kabataan sa pagsuri sa____bago niya at gamitin ang
produktong ipinapatalastas o iniendorso.
a. Presyo ng produkto c. Kalidad at epekto ng produkto
b. Ugali at buhay ng endorser d. Hitsura ng product endorser
45. Ang pagtitipid sa kuryente, pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid, at nagri-recycle ng mga bagay
na maari pa uling gamitin ay tungkulin ng kabataan_____.
a. sa kalikasan c. sa pamayanan
b. bilang kapatid d. bilang konsyumer ng media
46. Mahaga rin ba na ikaw, bilang kabataan, ay magbigay-halaga sa pagbuo ng magandang ugnayan sa iyong
mga magulang?
a. Opo, dahil nagkakapera ako sa kanila
b. Opo. Tinulungan nila ako kaya tinutulungan ko rin sila
c. Hindi. Suportado naman ako ng mga kabarkada ko
d. Hindi. Malaki ako. Kaya ko nang mamuhay nang wala ang magulang ko
47. Tungkulin ng mga magulang ang paghahanapbuhay para matustusan ang mga pangangailan ng pamilya.
Ikaw, bilang anak na nagdadasal/nagbibinata. Ito naman ang mga tunkulin mo sa iyong mga magulang.
a. Gastusin ang baon/allowance na binigay nila hanngang maubos
b. Gugulin sa mga bisyo at kalayawan ang yamang binigay ng magulang
c. Hindi na gagastos ng kahit na ano. Itatago na lang lahat ng pera/banko
d. Bilhin ang mga importanteng bagay, at ipunin ang sukli sa alkansya/banko
48. Ayon kay Apostol Pablo, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay. Kaya bilang
mananampalataya, alin sa mga ito ang hindi mo tunkulin?
a. Ipagmalasakit ang kapwa karelihiyon man o hindi
b. Usigin o i-bully ang paniniwala at relihiyon ng iba
c. Sambahin ang Diyos, sundin ang kanyang mg utos
d. Makaalam ng katotohanan sa pagtatamo ng kaligtasan
49. Lahat ng tao ay may layunin sa buhay. Bilang isang mag-aaral, ano ang pinakamakabuluhang layunin ng
isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanina ng kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
50. “Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng
walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
a. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang pagagalang ng lahat ng tao
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao
c. Maaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin
d. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kayang mga tungkulin ay walang maaring maipagmalaki
kaninuman
Inirekomenda ni:
CRISANTO S. DISPO
Ulongguro III
Inaprubahan ni:
EMMA E. SERVITO
Pununguro III