You are on page 1of 3

ESP 7 – Summative Test

Week 5-8

Pangalan:_______________________________ Petsa:_______________
Taon at Pangkat:_______________________ Guro:________________

I. Panuto: Salungguhitan ang bahagi ng mga pahayag sa ibaba na maituturing na palatandaan ng mapanagutang paggamit

ng kalayaan.

1. Buong pusong ginagampanan ni Thea ang kaniyang gawain bilang tagapaglinis ng bakuran sapagkat alam niya na ito ay

makatutulong sa kalinisan ng paligid.

2. Sinabi pa rin ni James ang katotohanan kahit na sinuhulan siyang upang manahimik na lamang.
3. Nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 si Leah. Ipinagbigay-alam niya agad ito sa iba upang makapag-ingat sila.
4. Kahit may kakapusan sa mga pangangailangan, ibinalik ni Dondie sa may-ari ang napulot na pitaka na may lamang pera.
5. Sinabi ni Bert ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Limuel. Siniguro niyang hindi siya makasasakit sa kaniyang pananalita.

II. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.
__________1. Bago gumawa ng pasya si Diane ay nananalangin muna siya upang gabayan ng ating Panginoon. Anong
hakbang sa pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa ni Diane?
A. Paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin
B. Pagsasabuhay ng moral na panuntunan.
C. Pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya.
D. Pag-iisip sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya.
__________2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mapanagutang paggamit ng kalayaan ayon kay Esteban (1990)?
A. Pagkilos na hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral.
B. Kahandaang harapin ang anomang kahihinatnan ng pasya
C. Pagkilos nang walang pumipigil sa mga bagay na gusto mo.
D. Pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili at panlahat.
__________ 3. Hindi magawa ni John na lumabas ng bahay sapagkat ayon sa ipinatutupad na ordinansa ng barangay ay huhulihin
at ikukulong ang mahuhuling 15 taong gulang pababa. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita rito?
A. Panlipunang kalayaan C. Pansariling kalayaan
B. Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan
__________ 4. Mas pinipili ni Aya na tulungan ang mga nakababatang kapatid sa paggawa ng gawaing pampaaralan kaysa
maglaro ng mga online games. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita rito?
A. Panlipunang kalayaan C. Pansariling kalayaan
B. Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan
___________5. Itinabi ni Christopher ang balat ng candy sa kanyang bulsa kaysa itapon ito kung saan lang dahil sa wala siyang
makitang malapit na basurahan. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita rito?
A. Panlipunang kalayaan C. Pansariling kalayaan
B. Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan

III. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_________________1. Kalayaan ng tao na nakabatay sa kaniyang makatwirang pagkagusto.

_________________2. Ito ay kalayaan sa pagtukoy kung ano ang kaniyang nanaisin.

_________________3. Ito ay ang uri ng kalayaan na naapektuhan ng mga salik na nakaiimpluwensiya sa tao kasama

ang mga tao sa paligid.

___________________4. Ito ang kalayaan ng tao na piliin kung nanaisin niya o hindi ang isang pagpili.

___________________5. Ayon kay ______________, ang kalayaan ay “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang

kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.”
IV Panuto:. Kilalanin ang mga sitwasyon sa ibaba kung ito ay nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng kapwa. Isulat ang salitang

TAMA sa patlang kung Oo at MALI naman kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

___________1. Binigyan ni Carl ang pulubi na nakahiga sa gilid ng kalsada.

___________2. Sinigawan ni Marie ang kanyang ina mahina ang pandinig dahil siya ay ayaw ng pinagsasabihan nito.

___________3. Binato ni George ang mga batang palaboy sa lansangan na kaniyang nadaanan.

___________4. Inilibre ni John ang kanyang kaklase sa kantina dahil wala itong baon.

___________5. Inalalayan ni Mela ang matandang tumawid sa kalsada.

___________6. Pinagtawanan nila Leo at James ang kanilang kaklase na may kapansanan.

___________7. Inabutan ng makapatid na Yeye at Prince ang matandang babae na humihingi ng limos sa gilid ng simbahan.

___________8. Ginagaya at tinutukso ni Clint ang kapitbahay nilang binggot.

___________9. Pinandidirian ni Abby ang taong grasa na kanyang nakasalubong sa kanyang paglalakad sa gilid ng kalsada.

__________10. Binabato ni Raffy ng malalaking bato ang bahay ng kaniyang kapitbahay na nagpositibo sa COVID-19.

V Panuto: Basahin at pag-aralan ang sumusunod na saloobin at paniniwala. Lagyan ng tsek (/) kung ang mga ito ay
nagpapahayag ng pangangalaga sa dignidad ng tao at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. Kailangan ang pag-iingat sa pananalita. Anumang salitang lumabas sa bibig ng tao ay maaaring makapagbigay

_____2. Ibinibigay lamang ang mabuting pakikitungo sa mga taong nagpapahalaga sa iyo.

_____3. Itinataguyod ang paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal anuman ang katayuan sa lipunan.

_____4. Ang diginidad ay naaayon lamang sa mga taong may maayos na katayuan sa lipunan.

_____5. Iniingatan ang sariling dignidad laban sa makamundong pagnanasa sa mga material na bagay .

Good Luck and God Bless!

You might also like