You are on page 1of 7

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

San Jose, Antipolo City


PRELIMINARY TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-
iba ng mga bagay-bagay
a. Pagpili c. Isip
b. Puso d. Mabuting Pagpapasya

2. Ito ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa
iyong kagustuhan.
a. Pantasya c. Pangarap
b. Panaginip d. Pagpapasya

3. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:


a. S-specific M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – actionoriented
b. S-specific M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-
oriented
c. S-specific M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
d. S-specific M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable

4. Ito ay pamantayan ng mithiin kung saan nasusukat moa ng iyong kakayahan na kumuha ng
kursong nais mo.
a. Nasusukat c. Naabot
b. Angkop d. Tiyak

5. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?


a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Wala sa mga nabanggit

6. Ito ay nangyayari lamang sa iyong isip habang ikaw ay natutulog.


a. Pangarap c. Pantasya
b. Panaginip d. Mithiin

7. Ito ang pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais marating o punthan sa hinaharap.


a. Panaginip c. Panahon
b. Pantasya d. Mithiin

8. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang
magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong
a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong
pagsusuri
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo
d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami

9. Uri ng mithiin na maaaring magkamit sa loob ng isang araw, isang lingo o ilang buwan
lamang
a. Pangmatagalang mithiin c. Pangmadaliang mithiin
b. Pansamantalang mithiin d. Mabibigyan ng sapat na panahon
10. Pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya. Ito ang una nating
hinihingi upang makagawa ng pagpapasya sa anumang bagay na inaasahan sa atin.
a. Isip c. Damdamin
b. Panahon d. Pagpapahalaga

11. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-
igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o
pasya. (Hall, 1973)
a. Hilig c. Kakayahan
b. Pagpapahalaga d. Mithiin

12. Uri ng mithiin na maaaring makamit sa loob ng isang semester, isang taon, limang taon o
higit pa.
a. Pangmatagalang mithiin c. Pangmadaliang mithiin
b. Pansamantalang mithiin d. Mabibigyan ng sapat na panahon

13. Nagmumula sa loob ng sarili na maaaring batay o ayon sa pananaw at mga karanasan ng
tao o batay sa kolektibong pananaw ng pangkat kultural.
a. behavioral values c. work values
b. absolute moral values d. career values

14. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang
makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas o
tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o kakayahang magisip.
a. Hilig c. Kakayahan
b. Pagpapahalaga d. Mithiin

15. Kinukunsulta rin natin ang ating ________ upang tiyaking kagustuhan nga natin ang
ginawang pagpili
a. panahon c. pagpapahalaga
b. isip d. damdamin

16. Sinasabing ito ang susi sa pagkakaroon ng magandang buhay o kinabukasan


a. mukha c. bahay
b. salapi d. pag-aaral

17. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang taong may pormal na edukasyon ay higit na may
kakayahang magtamasa pa ng higit na kaalaman at maging isang highly skilled na
manggagawa.
a. Ang taong nakatapos ng kolehiyo ay maaaring mag-aral pa ng ibang kurso o kaya’y
magtamo pa ng mas mataas na titulo
b. Ang taong may pormal na pag-aaral ay mas medaling makaunawa at makagawa ng
tamang pagpapasya
c. Ang taong hindi marunong bumasa at sumulat ay wala nang pag-asang umasenso
d. Ang isang taong hindi marunong bumasa o sumulat ay walang kakayahan upang
matanggap ang mga kaalaman at impormasyong pinalalaganap sa buong mundo sa
pamamagitan ng edukasyon

18. Mga instrumento na ginagamit sa proseso ng mabuting pagpapasya


a. Isip at Damdamin c. a at b
b. Panahon at Pagpapahalaga d. wala sa nabanggit

19. Kapag pipili ng kurso sa kolehiyo nararapat na ito ay naayon sa mga bagay na gusto mong
ginagawa. Anong salik ito?
a. Pagpapahalaga c. Kakayahan
b. Kapwa d. Hilig o interes
20. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
c. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o
pasahod
d. Lahat ng nabanggit

21. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?


a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing
tira.
d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

22. Sa pagtatakda ng mithiin dapat mo ring isipin kung gaano katagal mo kaya matutupad ang
iyong mithiin
a. Tiyak c. Naaabot
b. Nabibigyan ng sapat na panahon d. May angkop na kilos

23. Alin sa mga sumusund ang halimbawa ng Pangmatagalang mithiin?


a. Makatapos ng pag-aaral
b. Makagawa ng takdang-aralin
c. Maipasa ang quiz sa Matematika
d. makapasok ng maag sa paaralan

24. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?


a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin

25. Pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya


a. Panahon c. Pagpapahalaga
b. Damdamin d. Isip

26. Ito ay pamantayan sa pagtatakda ng mithiin kung saan ang mithiin ay makatotohanan,
maaabot at mapanghamon.
a. Naabot c. Nasusukat
b. Tiyak d. Angkop

27. Kung ang hilig mo ay pagguhit, anong angkop na kurso ang dapat mong kuhanin sa
kolehyo?
a. Criminology c. Doktor
b. Architecture d. Artista

28. Alina ng halimbawa ng Pangmadaliang Mithiin


a. Makapasa sa Grade 7 c. Makatapos ng pag-aaral
b. Maging guro sa isang pamayanan d. Maipasa ang takdang-aralin

29. Sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin dapat nakasisiguro ka na ito talaga


ang iyong nais mangyari sa iyong buhay
a. Tiyak c. Angkop
b. Naabot d. Nasusukat

30. Isa pang salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso o trabaho ay ang iyong talaento o
kakayahan. Ang kakayahan mo ay sa pagkukwenta. Ano ang nararapat sa iyo na trabaho?
a. Accountant c. Musician
b. Doktor d. Teacher
31. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
c. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
d. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

32. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan?”Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

33. Sa proseso ng mabuting pagpapasya, anong instrumento ang nagninilayan ng sitwasyon at


ito rin ang naghahanap ng mga impormasyon at tumitimbang ng mga kabutihan at
kakulangan sa ating mga pamimilian.
a. Damdamin c. Isip
b. Panahon d. Pagpapahalaga

34. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang
magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…
a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong
pagsusuri.
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami

35. Ayon sa Hakbang ng Proseso ng Pagpapasya , ano ang wastong hakbang sa mabuting
pagpapasya ?
1. Magnilay sa mismong aksiyon
2. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
Pag-aralang muli ang pasiya
Magkalap ng kaalaman
Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya

a. 2, 3, 5, 1, 4 c. 4, 2, 3, 1, 5
b. 3, 5, 4, 1 , 2 d. 5, 2, 1, 4, 3

36. Kapag ang nais moa ng ginagawa mo ibig sabihin ito ay hilig mo. Ano ang angkop na
trabaho sa iyo kung nais mong magluto ng mga pagkain
a. Chef c. Piloto
b. Seaman d. Pulis

37. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng taong may pangarap?


a. Nag-aaral kung kalian gusto
b. Hindi nadarama na maaabot ang pangarap
c. Handang kumilos upang maabot ito
d. Nawawalan ng pag-asa ng maaabot ang pangarap

38. Bakit kailangang tayain ang damdamain sa isasagawang pagpapasya?


a. Upang matukoy kung tama o mali
b. Upang makagawa ng maling desisyon
c. Upang matukoy kung magiging masaya ka ba sa iyong pasya
d. Upang maging padalos- dalos ka sa iyong pasya
39. Ang kahulugan ng pahayag na, “paligsahan ang merkado sa paggawa o job market” ay:
a. Maraming pare-parehong kasanayan ang nagpapaligsahan sa iilang trabaho
b. Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod sa mga ito ay nakadepende sa antas
ng pangangailangan ng mga kumpanya para sa kasanayang ito at ang bilang ng mga
mayroong ganitong kasanayan.
c. Maraming mga bagong job titles o trabaho sa ngayon ang walang katapat na
manggagawang may kasanayan para dito.
d. Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa ang pasahod dito.

40. Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot.
Siya ay nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila.
a. job market c. unemployment
b. labor market information d. job mismatch

41. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael Street.
Naisanla nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at kinailangang lumuwas ng
Maynila upang magtrabaho. Mag-iisang taon nang namumulot ng basura si Mang Juan para
kumita at makaipon upang muling makabalik ng probinsya.
a. job market c. unemployment
b. labor market information d. job mismatch
42. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayon at Pangkinabukasan

43. Maraming mga trabahong nakalathala ngayon sa peryodiko ang wala pa sa listahan ng
mga trabaho noong dekada 90.
a. job mismatch c. labor market information
b. unemployment d. job market

44. Si Mathew ay isang mahirap na bata, isa sa kanyang mithiin ay ang makapagtapos ng pag-
aaral hanggang kolehiyo, ano ang dapat niyang gawin?
a. Tumayo na lamang sa isang tabi at hintayiin ang biyaya mula sa iba
b. Magpursige sa buhay para makatamtan ang hinahangad sa buhay
c. Humanap ng mga kaibigang mayaman para matupad ang nais
d. Magalit sa magulang dahil sila ay mahirap

45. Pangarap mong maging sikat na manlalaro ng basketball subalit maliit ka lamang, magaling
ka sa paglangoy. Ano ang gagawin mo?
a. Magasasanay sa larong basketball
b. Uminom ng pamgpatangkad
c. Laging mag-ehersisyo
d. Tanggapin ang katotohan at gamitin ang ang talento sa paglangoy

46. Isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral o study habit ang pakikipag-usap sa guro
sapagkat…
a. Kailangan mo ring magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan
b. Tulad sa ano mang pakikipag-ugnayan ang komunikasyon ng guro at magaaral ay
nararapat na bukas at maayos
c. Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na tama ang
pagkaunawa sa mga takdang-aralin at sa paghahanda sa mga pagsusulit
d. Madalas mahirap kausapin ang guro
47. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b
d. wala sa nabanggit

48. Ang proseso ng mabuting pagpapasaya ay nakabatay sa ______________ , ginagamit


natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating
pasya.”
a. Panahon c. Pagpapahalaga
b. Damdamin d. Isip

49. Niayaya ka ng iyong kaibigan na manigarilyo. Ano ang iyong gagawin?


a. Sasamang Manigarilyo
b. Iiwasan na ang kaibigan
c. Maninigarilyo minsan at sa susunod ay hindi na sasama
d. Hindi na sasamang manigarilyo dahil alam kong makaksama ito sa akin

50. Lagi kang tinutukso ng iyong mga kamag-aaral dahil sa iyong pagiging maliit. Ano ang iyong
gagawin?
a. Magagalit sa kanila c. Pababayaan na lang sila
b. Gaganti sa kanila d. Sasabihin sa guro upang mapagsabihan

HONESTY IS THE BEST POLICY! GOOD LUCK!

Inihanda ni: Sinuri ni: Pinagtibay ni:

MARIA CATHLYN P. SANTOS MAYLYN S. FABILA DR. ROMMEL S. BELTRAN


Guro sa EsP 7 Dept. Chairman- EsP Principal IV
Answer Key:

1. C 26. A
2. A 27. B
3. C 28. D
4. A 29. A
5. A 30. A
6. B 31. B
7. D 32. B
8. A 33. C
9. C 34. A
10. B 35. A
11. B 36. A
12. A 37. C
13. A 38. C
14. C 39. B
15. D 40. D
16. D 41. C
17. D 42. B
18. A 43. C
19. D 44. B
20. B 45. D
21. C 46. B
22. B 47. C
23. A 48. C
24. D 49. D
25. C 50. D

You might also like