You are on page 1of 16

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikaapat na Markahan – Modyul 1

Mga Isyu Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan


at Pangangalaga sa Kalikasan

Pinasimpleng Modyul mula sa Kagamitan ng Mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon


(Simplified Module from the Learning Material issued by DepEd)
Ikaapat na Markahan

Modyul 1: Mga Isyu Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan


at Pangangalaga sa Kalikasan

Pinasimpleng Modyul ni:


Enrico J. Borras

Mga Tagasuri:
Feligena F. Bugay
Orven C. Danugrao
Jose Tala, EdD

Tagapamahala:
Leilani Samson Cunanan, CESO V
Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala, EdD
PANIMULA

Sa mga nakaraang modyul natutunan mo ang “Paghubog ng


Konsensya at Likas na Batas Moral” kung saan sinasabi na likas sa tao na
gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Dahil, ikaw ay nilalang ng Diyos
sa Kaniyang wangis at imahe, na mayroong kamalayan at kilos-loob na
makakatulong sa paghubog ng iyong sarili sa pagkamit mo ng tinatawag na
“personalidad.”

Ang tao bilang personalidad ay ang kabuuang pagkamit ng iyong


kabuuan, na resulta ng iyong pagpupunyagi sa pagbuo ng iyong pagkasino.
Ang taong itinuturing na personalidad ay may matibay na pagpapahalaga
at paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Kasama
rito ang paggalang at pagpapahalaga sa nakapaligid sa kaniya. Lahat ng
nilalang ng Maykapal bilang kabahagi ng tao ay kaisa niya upang mabuhay
sa mundo.

Sa modyul na ito inaasaang maipamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, pang-unawa at kakayahan:

a. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan.

b. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kalikasan.

c. Nakabubuo ng matatag na posisyon tugkol sa mga isyu sa paggamit sa


kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
Bago mo simulan ang pagtalakay sa mga paksang
susunod, mabuting sagutan mo muna ang maikling
pagtataya bilang sukatan ng iyong mga dating
kaalaman. Halika, simulan mo na!

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na nilikha ng Diyos ang may katangi-tanging kakayahan
na gumawa ng makabuluhang gawain at siya ay pinagkalooban ng isip at
kakayahang magpasya.
a. Kalikasan c. Halaman
b. Hayop d. Tao

2. Alin sa sumusunod ang tinutukoy nang makipagsabuwatan ang coach ni


Yuan sa ilang hurado ng paligsahan upang maibigay nang maaga ang mga
katanungan sa nalalapit na quiz bee.
a. Nepotismo c. Korapsiyon
b. Kolusyon d. Suhol

3. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na


pangalagaan ang kalikasan?
a. Sa Kalikasan nagmumula ang mga materyal na bagay na bumubuhay
sa kaniya.
b. Responsabilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang
gampanan.
c. Sa Kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang
taglay nito.
d. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa
kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
4. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pag-alis ng Graft and
Corruption?
a. Katapatan at takot sa Diyos c. Kasipagan
b. Pagkamasunurin d. Pagtitimpi
5. Ang pilit na pagbibigay ng pera ni Gabrielle sa isang opisyal upang mapabilis
ang pagproseso ng paglabas ng kaniyang lisensya na hindi dumadaan sa
tamang proseso ay tinatawag na _______.
a. Nepotismo c. Korapsiyon
b. Suhol d. Kolusyon
PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Ang tao kalianman ay hindi maaaring


mabuhay ng mag-isa. Kinakailangan niya ang
bawat nilalang ng Diyos dahil siya ay kabahagi ng
kabuuang disenyo ng mundo. Kaisa siya sa kung
ano, paano at bakit magkakaugnay ang lahat.

Panuto: Gumupit/gumuhit ng mga larawan o artikulo na mula sa mga magasin,


dyaryo o anumang babasahain na nagpapakita o nagsasaad sa mga paksang
makikita sa ibaba. Idikit ito sa iyong sagutang papel. Maglagay ng sariling caption
tungkol saan, kailan at ano ang nilalaman nito. Pumili lamang ng dalawang isyu
mula sa ibaba.

(larawan o artikulo) (larawan o artikulo)


A B

Nakakalbong Kagubatan Bribery o Suhol


_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________

C (larawan o artikulo) D (larawan o artikulo)

Global Warming Nepotismo

_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Ang tao bilang kabahagi ng mundong kaniyang


ginagalawan ay inaasahan na mayroon siyang maibabahagi
sa ginagalawang lipunan. Ngayong nagkaroon ka ng malinaw
na kaalaman sa paksa, atin namang subukin ang iyong
kakayahan at pang-unawa.

Panuto: Mula sa mga nagupit na mga larawan o artikulo sa magasin, dyaryo o


anumang babasahain na ginawa mo sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman, sa
bahaging ito ay sumulat ng tatlong (3) pamamaraan na iyong nais gawin para dito
at magbigay ng makabuluhang paliwanag sa bawat pamamaraan.

A Nakakalbong Kagubatan B Bribery o Suhol

(1) _______________________________ (1) ______________________________


_______________________________ ______________________________
(2) _______________________________ (2) ______________________________
_______________________________ ______________________________
(3) _______________________________ (3) ______________________________
_______________________________ ______________________________

C Global Warming D Nepotismo

(1) _______________________________ (1) ______________________________


_______________________________ ______________________________
(2) _______________________________ (2) ______________________________
_______________________________ ______________________________
(3) _______________________________ (3) ______________________________
_______________________________ ______________________________
Upang lubos mong mauunawaan ang mga isyu
tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan, ating tunghayan at
basahing mabuti ang mga konsepto nakapaloob dito.
PAGPAPALALIM
MGA ISYU TUNGKOL SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN

Naaalala mo pa ba ang pangungusap na ito? Nasubukan mo na bang


humawak ng tungkulin na sa iyong tingin ay mahirap gampanan? Totoo dahil
nangangailangan ito ng katapatan. Pag-aralan naman natin ang isyu na
hahamon sa iyong pagkatao na maging mapanindigan sa tungkuling
ipinagkatiwala sa iyo – ang isyu tungkol sa kapangyarihan.

Kapangyarihan:

Paano ba gagamitin sa mabuti o tungo


sa kabutihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya,
kapasidad upang makaimpluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha
ng panukala na makakabuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng
posisyon sa organisasyon at pagiging lider sa isang grupo.

Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan


Ano-ano nga ba ang mga isyung nakapaloob sa paggamit ng
kapangyarihan? Bakit nagkakaroon ng mga ito? Paano natin haharapin ang mga
ito nang may paninindigan at nang buong katapatan at integridad? Upang
masagot ang mga tanong na ito, kailangang balikan ang konsepto sa Baitang 9 sa
Lipunang Politikal.
Sa isang lipunan, kailangan ang pamahalaan – halimbawa, gobyerno o
estado (Plattel, Martin 1965). Ito ay dahil may pangangailangan ang tao na hindi
kayang makamit na mag-isa, tulad ng kaayusan at kapayapaan, pangkabuhayan,
mga bagay na kultural at iba pa. Kaya nariyan ang gobyerno upang gumawa ng
mga programa para sa ikauunlad ng bansa at para sa kabutihang panlahat. Upang
makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat na ipinaliwanag sa Baitang 9,
kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga tao – hindi ng ilan lamang kundi ng
lahat. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkamit at pagpapanatili ng
kabutihang panlahat.
Bakit laganap pa rin ang isyu ng tungkol sa kapangyarihan? Halina’t basahin
at unawain mo ang mga gawaing lumalabag sa tamang paggamit ng
kapangyarihan:
1. Korapsiyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.
Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa
anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang
tunay na karapat-dapat na magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa
pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya.

Si Eric ay miyembro ng isang grupo na humihingi ng donasyon sa


mga pribadong ahensya o tao upang makakalap ng sapat na pera dahil
gusto nilang makatulong sa mga nagangailangan lalo na ngayong
pandemya. Sa nakalap nilang pera, siya ay bumili ng mga pagkain at
gamit na ipamimigay sa mga mahihirap. Dahil sa magandang layunin ng
grupo, binigyan siya ng ilang pamilihan ng diskuwento. Nagulat siya nang
makita ang malaking halagang kaniyang natipid. Kaya ipinambili niya ito
ng mga personal niyang gamit.
Repleksyon: Ano ang masasabi mo sa pangyayari? Anong maling
kasanayan ang ipinakikita sa kilos ni Eric?
2. Pakikipagsabuwatan (Kolusyon). Hindi maililihim ang pagkakaroon ng
ganitong isyu sa ating lipunan. Ano nga ba ang pakikipagsabuwatan? Ito ay
iligal na pandadaya o panloloko. Halimbawa nito ay ang pagtatakda ng
presyo, limitahan ang oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback,
pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso
ng isang halalan at sa pagbibilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga
katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang gawaing
ganito dahil sa kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling
kapakanan.
Repleksyon: Bakit mali ang mga ganitong gawain? Paano kaya ito
maiiwasan?
3. Bribery o panunuhol. Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog
sa anyo ng pera o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Ang
mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang
taong may pwesto sa pamahalaan o ibang organisasyon. Ito ay isang krimen.
Ang iba pang mga halimbawa nito ay ang pagbibigay ng malaking tip, regalo,
diskwento(discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo, pamamasyal
sa iba’t ibang lugar, kickback/payback, paglalaan
ng malaking pondo sa isang proyekto,
magandang alok sa kontrata, donasyon, mga
kampanya para sa kontribusyon, fundraising at
sponsorship, lihim na komisyon at promosyon
(mataas na posisyon o ranggo).
Repleksyon: Bakit nga ba may nanunuhol at nagpapasuhol? Ano kaya
ang kani-kanilang dahilan kung bakit nila ito ginagawa?
Ikaw, nagawa mo na bang manuhol? May nakita ka na
bang kakilala o kapamilya na ginawa ito? Ano ang iyong
sinabi o ginawa?
4. Kickback. Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong
inilaan sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng sa
isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal
na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon ding
mga katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga pangyayaring
nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw na
repleksyon ng iba’t ibang pansariling katiwalian. Ang
pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao ay dapat
maging permanenteng bahagi ng ating
pakikipagkapuwa. Ito rin ay isang panghabambuhay na
proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo
sa ultimong kabutihan.
5. Nepotismo. Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng
kawani sa alin mang sangay o ahensiya, kabilang ang
mga korporasyon na pag-aari o kontrolado nito, na
igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa
tamang proseso.
Repleksyon: May kilala ka ba sa lipinunang ginagalawan mo na sila-sila
na lang ang nabibigyan ng pabor? Sila ba ay nararapat na
maging lider

PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Maraming mga pagmamaltrato at paglabag na


ginagawa ang tao na tuwirang taliwas sa
pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito
at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang
ka sa mga kabataan na gumagawa rin ng mga ito.

Mga Isyu sa Pangangalaga sa Kalikasan

1. Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan ng komersiyalismo at konsiyumerismo,


nagkaroon ang mga tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na
maaaring magamit. Resulta? Walang habas na ginagawang pagtatapon ng
basura kung saan-saang lugar na lamang.
2. Iligal na pagpuputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman na
siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga
upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Bukod pa rito, ang kanilang mga
ugat ay itinuturing tagapagdala at tagapag-ipon ng underground water na
siyang pinagmumulan ng malinis na inuming tubig na atin ring kailangan upang
mabuhay. Kapag ang mga punong ito na may mahalagang papel na
ginagampanan sa siklo ng materyal (cycle of materials) sa ating kapaligiran ay
nawala o kaya’y naubos, tiyak ang pagkakaroon nito ng malawakang epekto sa
mundo.
3. Polusyon sa hangin, tubig at lupa. Ang tatlong suliraning nabanggit ay
nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom
at kailangan ng kalikasan at lupang sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting
dumurumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang
polusyon na siyang nagpapabago ng kondisyon ng hangin, tubig at lupa na
kailangan ng tao upang mabuhay. Kadalasang nagdudulot ito ng respiratory
diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat at marami pang iba.
4. Pagkaubos ng natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Ang
Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang kagubatang
tropikal. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng halaman at mga hayop (flora &
fauna) na ang iba ay dito lang talaga makikita. Mapalad tayong mabigyan ng
ganitong kaloob ngunit sa panahon ngayon, ang diversity na ito ay unti-unti ng
nauubos. Maraming uri ng mga hayop at halaman ay unti-unting nawawala at
namamatay dahil sa malawakang pag-aabuso ng tao rito. Maraming uri ng
hayop at halaman ang nagiging threatened endangered at pinakamalala sa
lahat, ang kanilang extinction.
5. Mabilis at mapanirang pangingisda. Ang Pilipnas ay biniyayaan din ng
mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang
naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin ang umaasa sa
pangingisda bilang kanilang hanapbuhay. Subalit ang yamang dagat na ito ay
unti-unti ng nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing at
sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa
kanilang natural habitat o tirahan. Ang mabilis at mapanirang pangingisda ay
nagbubunga ng pagkawala ng mga likas na yamang kailangan ng mga tao
para sa kanilang ikinabubuhay.
6. Pagko-convert ng mga lupaing sakahan at iligal na pagmimina at quarrying.
Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas, asukal at iba pang
produktong mula sa mga magsasaka na ayon sa pangangailangan ng tao?
Dahil sa hindi mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan dahil
sa ginagawang subdivision, golf courses, mga hotels, expressways, at iba pa. Ang
mga ilog ay nasisira at bakit bumababaw ang dagat, bakit nagkakaroon ng
pagguho? Ito ay dahil sa maling sistema na patagong ginagawa ng mga
kompanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok upang makakuha ng
marmol, ang paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black
sand, ang pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto,
nikel at mga yamang mineral sa mga yamang tubig ng bansa.
7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik
na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima ay tinatawag na climate change. Ang
patuloy namang pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na
greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag
na global warming. Ang global warming ay nagdudulot ng climate change. Ito
ay sa paraang patuloy na pag-init ng panahon na nakaaapekto sa kondisyon
hindi lamang ng atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg na
lumulutang sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting
nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig
sa dagat, mga pagbaha at matinding pag-ulan. Ang global warming naman ay
nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El
Niño o kaya naman malawakan at matagal na pag-ulan o La Niña.
8. Komersyalismo at urbanisasyon. Ang komersyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali
ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng
pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga
pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng
mga bayan na maisalalarawan sa pagpatatayo ng mga gusali tulad ng mga
mall at condominium units. Ang dalawang ito ay maaaring iugnay sa
konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang
gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo.

Repleksyon: Dahil sa mga paniniwalang ito, nawawala sa isipan ng tao


ang pangangalaga sa kanilang kapaligiran. Sa pagdami ng mga
ninanais ng tao lalo na tungkol sa mga materyal na bagay,
nakakalimutan na niyang naaapektuhan ang kaniyang kapaligran at
kalikasan.

 Sino kaya ang dapat sisihin sa mga maling gawaing ito o


pagmamaltrato sa kaliksan?
 Sino ba ang patuloy na nagtatapon ng basura at patuloy na
pumuputol ng puno?
 Walang ibang dapat sisihin kundi tayo mismo! Bakit?
PAGHIHINUHA SA BATAYANG KONSEPTO

Mula sa mga impormasyong iyong natutunan sa katatapos


na mga gawain, tukuyin ang iyong mga naging
mahalagang pagkatuto.

Gawain 1
Panuto: Gamit ang concept map buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha
mula sa nagdaang gawain at mga babasahin. Gawin ito sa isang papel.

MGA ISYU SA
PAGGAMIT NG
KAPANGYARIHAN

MGA ISYU SA
PANGANGALAGA
SA KALIKASAN
PAGSASABUHAY SA PAGKATUTO

Panuto: Bumuo ng ISLOGAN o TULA sa isang long bond paper. Dito ipakikita ang
relasyon ng kapangyarihan ng tao sa pangangalaga sa kalikasan.

PAKSA: KAPANGYARIHAN NG TAO GAMITIN SA PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Mga tuntunin sa pagsasagawa ng tula:


1. Maaaring sulat-kamay or typewritten
2. May tatlong saknong
3. Malayang taludturan
Mga tuntunin sa pagsasagawa ng islogan:
1. May sampu hanggang labing limang salita
2. May kulay

Pamantayan sa Pagpupuntos ng Guro

Gawain 25% 15% 10% Iskor


Tula KABUUANG GUMAMIT NG NASUNDAN ANG
MENSAHE DINAMIKONG MGA TUNTUNIN
SALITA NA
UMIIKOT SA TEMA

Islogan KABUUANG GUMAMIT NG NASUNDAN ANG


MENSAHE MGA TAMANG MGA TUNTUNIN
SALITA AT TUGMA

Tayain ang Iyong Pag-unawa.


Gawain 1
Panuto: Basahin at suriing mabuti kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin
ang titik ng pinakawastong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang
papel.

A. Nepotismo B. Kickback C. Panunuhol (Bribery)

D. Korapsiyon E. Pakikipagsabuwatan (Kolusyon)

1. Habang nagmamaneho si Gabrielle kasama si Trishia, sila ay nahuli dahil sa


paglabag sa batas trapiko. Kinausap ni Gabrielle ang traffic enforcer at
inabutan dalawang daang piso para pangmeryenda ngunit hindi ito
tinanggap ng traffic enforcer.
2. Nanalo si Eugene sa eleksiyon. Sa kaniyang pagkapanalo agad niyang
binigyan ng mahahalagang posisyon ang kaniyang mga kamag-anak at
iginawad ang mga proyekto sa mga ito.
3. May isang proyekto sa lugar ni Beatriz upang maipatayo ng isang basketball
court para mailayo ang mga kabataan sa iba’t ibang bisyo. Ginawa niya ang
paglagay ng presyo sa proyektong ito na higit pa sa isinasaad ng kontrata.
4. Upang manalo sa halalan, kinausap ni Philip ang ilang mga tauhan ng mga
nagbibilang ng boto upang bilangin ang ibang boto para sa kaniyang
pangalan, para tiyak ang kaniyang pagkapanalo.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang video karera sa establisimyento, dahil dito
6. nauubos ang pera at oras ng mga kabataan imbes na mag-aral. Upang hindi
makumpiska ang mga ito, inalok ng mga may-ari ng halaga ang mga
awtoridad, hindi ito tinanggap ng awtoridad at tuluyan silang kinasuhan.
6. Pagkaraan ng maraming taong paninilbihan sa nasasakupang lalawigan, ang
namumuno ay nagbigay ng proyekto sa isang matalik na kaibigan na
nakatulong sa kaniyang pagkapanalo sa mga nagdaang eleksyon.
7. Kinausap ni Patrick ang kaibigang guwardiya ng kanilang kompanya at
kasama niya sa bahay sa plano niyang mag-tap ng iligal na koneksyon ng
kuryente mula sa kanilang opisina tungo sa kanilang inuupahang bahay.

Gawain 2
Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.
1. Tumutukoy sa malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa
panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang
sistema ng klima.
a. La Niña c. Global warming
b. Climate change d. El Niño
2. Isang pamamaraan ng pangingisda kung saan gumagamit ng kemikal sa
panghuhuli ng isda.
a. Muro-ami c. Cyanide fishing
b. Dynamite fishing d. Aquaculture
3. Ang sumusunod ay dahilan ng Global warming, MALIBAN sa:
a. Ang unti-unting pagkalusaw ng mga iceberg at glacier sa malalamig na
lugar tulad sa Antartika.
b. Ang walang habas na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.
c. Paglalabas ng malalaking pabrika ng kemikal o tinatawag na
greenhouse gasses.
d. Pagakakaroon ng mahabang tag-init na nauuwi sa malawakang
tagtuyot.
4. Alin sa sumusunod ang tatlong (3) pangunahing naaapektuhan ng
malawakang polusyon na nagdudulot ng pagkasira sa ating kapaligiran?
a. Hangin, atmospera at La Niña c. Tubig, hangin at El Niño
b. Hangin, tubig at lupa d. Tubig, lupa at Quarrying
5. Ang sumusunod ay dahilan kaya nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng
bigas, asukal at iba pang produktong mula sa mga magsasaka na ayon sa
pangangailangan ng tao, MALIBAN sa:
a. Pagsulpot ng maraming mall
b. Pagtatayo ng mga subdivision at hotels
c. Pagdami ng mga negosyo sa komunidad
d. Ang pagpapagawa ng mga expressways
6. Ano ang mahihinuha sa katagang ito “Earth Provides Enough to Satify Man’s
Needs but not Every Man’s Greed?”
a. Ang Inang Kalikasan ay hindi nagkukulang sa pangangailangan ng tao
bagkus parati lamang siyang nandiyan.
b. Bilang tao, ibalik natin ang pagpapahalaga sa Inang Kalikasan dahil
siya ang nagbibigay ng mga bagay kung kaya tayo’y nabubuhay.
c. Dahil sa kamunduhan at kasakiman ng tao, ang Inang Kalikasan ay
gaganti at sa huli tayo rin ang talo.
d. Kapag hindi natin pinakinggan ang bulong ni Inang Kalikasan, tayo ang
tuluyang maglalaho sa mundong ibabaw.
SANGGUNIAN:
K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC’s) pahina 107
K to 12 Learner’s Material in Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (pahina 209-232)
K to 12 Learner’s Material in Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (pahina 334-356)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kapangyarihan
https://www.microsoft.com/en-us/legal/copyright Bing Image Seacrh

SUSI NG PAGWAWASTO
Paunang Pagtataya
1. D
2. B
3. D
4. C
5. B
PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Batay sa sariling kasagutan at nabuong output ng mag-aaral
PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Batay sa sariling kasagutan at nabuong output ng mag-aaral
PAGHIHINUHA SA BATAYANG KONSEPTO
Batay sa Konsepto ng aralin
PAGSASABUHAY SA PAGKATUTO
Batay sa kasagutan at nabuong output ng mag-aaral

Tayain ang Pang-unawa


Gawain 1 Gawain 2
1. C 1. B
2. A 2. C
3. D 3. A
4. E 4. B
5. C 5. C
6. A 6. B
7. E

You might also like