You are on page 1of 13

7

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 1- Modyul 1
Talento mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin

(Husay at Galing, Kaya kong Paunlarin)


KARAPATANG SIPI ©2020

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Kwarter 1 – Modyul 2 Talento mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
(Husay at Galing, Kaya kong Paunlarin)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang


aangkin ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay gagamitin upang
pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit,


kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa
ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng
nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda
ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Gladys M. Silvio – Vinzons Pilot High School


Editor: Veronica O. Bolaňos – Basud National High School
Tagasuri ng Nilalaman:
Sheila C. Bulawan – EPS II , Regional Office V
Dario I. Cabanela – EPS II, Division of Camarines Norte
Amy V. Dumail – EPS I, Division of Camarines Norte
Nagdisenyo ng Pahina: Flordeliza B.Siguenza
Panimula

Sinasabing ang pinagyamang talento o


kakayahan, husay at galing kapag pinanday ng
diwa at sariling kaisipan, ito ay magiging tanglaw
ng sambayanan magpakailanman. Naniniwala ka
ba sa pahayag na ito? Kung oo ang sagot mo,
paano mo ito maisasabuhay?

Napatunayan mo sa mga nakaraang modyul


ang kahalagahan ng pagtuklas at paglinang sa
talento at kakayahan. Ngunit higit na mas
magiging mabunga, makatotohanan ang
magkakaroon ng tunay na diwa kung ito ay iyong
gagawin nang may paghahanda, pagpaplano at
pagsasabuhay. Halika at sabay nating unawain
kung paano.

1
Layunin

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng mga


sariling talento at kakayahan.

Paunang Pagtataya

Handa ka na ba?

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot na iyong naipili sa iyong sagutang papel.
______ 1. Ito ay tumutukoy sa isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-
unlad ng sarili.
a. Personal na pahayag ng Misyon sa Buhay
b. Plano sa Pagpapaunlad ng sarili
c. Plano para sa Pangarap
d. Timeline

______ 2. Ayon sa kanya ang tunay na trahedya ay ang trahedya ng isang taong
hindi kumilos upang paunlarin ang kanyang sarili.
a. Professor Erikson
b. Dr. Manuel Dy Jr.
c. Sean Covey
d. Michaelangelo

______ 3. Bakit mahalagang magkaroon ng Plano sa Pagpapaunlad ng sarili?


a. Dahil mabisa itong paraan upang masimulan ang daan sa pagpapa-unlad
sa sarili.
b. Upang magkaroon ng kasiyahan
c. Upang sukatin ang kakayahan
d. Wala sa nabanggit

2
_______ 4. Ayon kay _______ ‘”Always begin with the end in mind’.
a. Professor Ericson c. Dr. Howard Gardner
b. Sean Covey d. Bryan Green

_______ 5. Si Maria ay isang nars sa isang pampublikong hospital, kahit alam


niyang mahirap at delikado ang kanyang susuungin ay pinili pa rin niyang maging
instrumento sa pagtulong sa mga maysakit dahil naniniwala siya na ang kanyang
talento at kasanayan na kaloob sa kanya ng Diyos ay nararapat na gamitin sa
dakilang gawain. Ano katangian ang ipinapakita ni Maria?
a. Naniniwala siya sa kanyang talento at kakayahan kaya masaya siyang
napaglilingkuran ang kanyang kapwa.
b. Masaya siya na pinaglilingkuran ang kanyang kapwa.
c. Matulungin sa kapwa si Maria
d. Lahat ng nabanggit

Paglinang sa Kaalaman, Kakayahan, at Pang-unawa

Gawain 1

Panuto: Balikan ang mga nagdaang taon nung nasa elementary


ka pa lamang. Ano anong mga hakbang na ang ginawa mo na
kaugnay sa pagpapaunlad ng iyong mga talento at kakayahan? .

Hal. Nilimitahan ko na ang panonood ko ng telebisyon at paglalaro ng cellphone


para mas mabigyan ng sapat na oras ang pagkanta.

Ikaw naman:
1.___________________________________________________
2.___________________________________________________
3.___________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

3
1. Ano ang iyong naging motibasyon o dahilan sa paggawa mo ng mga gawaing
angkop gaya ng paghahanda at pagpaplano kaugnay sa pagpapaunlad ng
iyong mga talento at kakayahan?
___________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________

2. Nakatulong ba ang mga gawaing ito upang mapaunlad ang iyong sariling
talento at kakayahan? Sa paanong paraan?
___________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga gawain na magpapaunlad sa iyong


sariling talento at kakayahan? Ipaliwanag.
___________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________

Gawain 3
Pagnilayan at sagutan ang mga tanong sa loob ng kahon.

Source: https://www.brainyquote.com/quotes/thomas_carlyle_156155

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mensahe o kaalaman ang pumukaw sa iyo ng kasabihan ni Thomas


Caryle “A man without a goal is like a ship without a rudder”?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sumasang-ayon ka ba sa mensahe na nakalap mo,oo o hindi?Bakit?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

4
3. Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagpapalalim

Bilang tao, nasa kalikasan natin ang paghahangad na


umunlad at malampasan ang ating mga kahinaan. Ayon kay Sean
Covey (7 Habits of Highly Effective Teens, 1998), ang pag-unlad ng mga kakayahan
ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kanya ang tunay na trahedya ay ang
trahedya ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang kanyang sarili. Mapalad
ang maraming kabataan ngayon at marami ang mga babasahin na
nagbibigay gabay kung paano ito gagawin. Isa dito ang aklat ni Covey.

Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng


sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni
Covey “begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawang Plano
sa Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ang Plano sa
Pagpapaunlad ng Sarili ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo
sa pag-unlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin (goal) tungo sa
pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng ating sarili na
dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang
kailangang matutuhan at mga kakayahang kailangang sanayin.

Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili.


Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano ang ating
mga kalakasan at kahinaan.
Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong
aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.
At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga pamamaraan kung paano
isasagawa ang pagbabago. Maaring ang pinakamahirap na bahagi nito
ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung
magagawa natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi.

Kung ating I-Gogoogle ang salitang talento, karaniwang mababasa natin sa


mga resulta na ito ay isang biyaya. Isa sa mga resulta ng search engine na ito ay

5
ang Parable of Talents. Sinasabi sa maikling anekdotang ito na dapat nating gamitin
ang ating talento. “Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya at
magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kaniya ay aagawin pa.”
Ito ay isang linya sa Parable of the Talents na binitiwan ng amo sa kaniyang alipin
na binigyan niya ng talento ngunit ibinaon ito at walang ginawa upang ito ay
magamit. Katulad mo ba ang katulong na ito na di ginagamit ang biyayang talento na
ipinagkaloob ng Diyos?

Ngayon, nakahanda ka na ba sa pagtataya ng iyong sarili kaugnay ng


konseptong iyong natutuhan sa aralin sa modyul na ito?

Source: Edukasyon sa Pagppakatao 7 kagamitan ng Mag-aaral , 32-57

Pagsasapuso

Gawain

Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong.

Anong hindi makakalimutang karanasan sa buhay ang maituturing kong


makabuluhan dahil sa paggamit o pagpapakita ko ng aking angking talento at
kakayahan?

Halimbawa: Ipinakita ko ang galing ko sa pagguhit kahit sa gitna ng krisis sa Covid


kaya mas marami pa akong taong napabilib, natulungan at napasaya.

Ikaw naman:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________
Paalala: Ang bahaging ito ay sasagutan mo sa iyong kuwaderno. Maaaring
mong ipasa ang iyong awtput sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagpili ng paraang
angkop sa kasalukuyan mong kalagayan ng pag-aaral (modalities). Ang nasabing
pamamaraan ay nasa ibabang bahagi ng gawaing ito.

Nararapat na ipaalam sa guro gamit ang alinman sa sumusunod upang


maitala ang naging partisipasyon mo sa gawaing ito.

6
PARAAN KUNG PAANO MASAGUTAN ANG GAWAIN O MAIPASA ANG
KASAGUTAN

On-line Face to face Modular

I upload ang Maaring gumawa ng Maaring ipamahagi


iyong repleksiyon isang Reflection Tree sa ng guro ang sipi ng modyul
gamit ang messenger isang bahagi ng klasrum na ito upang magamit at
o facebook page ng kung saan maaring ipaskil maiuwi mo sa bahay. Ito ay
inyong klase sa EsP. ng bawat mag-aaral ang kung wala kang pwedeng
kanilang mga sagot gamit magamit na cell phone, o
Kunin ang
ang post it paper. Sa internet connection sa
detalye sa guro kung
ganitong paraan ay bahay. ibabalik ang mga
paano kayo
mapapanatili pa rin ang modyul at kasagutan sa
magkakaroon ng
social distancing sa loob ng mga gawain depende sa
komunikasyon gamit
silid aralan. itinakda ng guro at inyong
ang internet o link
napagkasunduang araw.
kung saan ka maaring
pumunta upang
maipasa ang mga
gawaing nasagutan.

Pagsasabuhay
Panuto : Kompletuhin an mga sumusunod na kahon upang maipakita mo ang
iyong Plano sa Pagpapaunlad ng sarili o Personal Development Plan.

PLANO SA PAGPAPAUNLAD SA SARILI

Ang Aking Nakalaang Kalakasan Kahinaan Mga Paraan Mga


Mga Oras Upang Kasanayang
Tunguhin Malampasan Kailangang
(Goal) ang mga Matutunan at
Tungo sa Balakid Sanayin
Pagpapa
unlad
Sa Sarili

7
Hal. 10 taon Kasipagan Sobrang Lilimitahan ko Sisipaganko pa
Makapagta Katatagan Pagkahiligs na ang ang pag-aaral
pos ng Pagiging a paggamit paggamit ng CP lalo na sa
Kolehiyo Matiyaga ng TV at at panonood ng akademiko
cellphone TV

Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong


sagutang papel.

_______1. Ito ay tulad sa isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad


ng sarili.
a. Personal na Pahayag sa buhay
b. Diary
c. Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili
d. Timeline

_______2 Ayon sa kanya ang tunay na trahedya ay ang trahedya ng isang taong
hidi kumikilos upang paunlarin ang sarili.
a. Sean Covey c. Brian Green
b. Michaelangelo d. Dr. Howard Gardner

_______3. Ano ang tawag sa paniniwala sa sariling kakayahan?


a. Pagmamahal sa sarili c. Kasipagan
b. Tiwala sa sarili d. Masigasig

_______4. Sa panahon ng krisis at oras ng pangangailangan makikita ang


pagkakaisa at malasakit ng bawat isa. Si Maria isang nars sa isang pribadong

8
hospital kahit alam niyang ang hirap na susuungin ay pinili niyang maging
instrumento sa pagtulong sa mga maysakit dahil naniniwala siya sa kanyang
talento at kasanayan .Ano katangian ang ipinapakita ni Maria?
a. Matulungin sa kapwa si MAria
b. Masaya siya na pinaglilingkuran ang kanyang kapwa.
c. Naniniwala siya sa kanyang talento at kakayahan kaya masaya siyang
napaglilingkuran ang kanyang kapwa.
d. Lahat ng nabanggit

_______5. Si Mildred ay sinabihan siya ng kanyang kaklase na pangit kaya ayaw


niya ng humarap sa
tao. Ano ang ugaling ipinapakita ni Midred?
a. Pagiging palakaibigan c. Pagiging Mahiyain
b. Kawalan ng Tiwala sa Sarili d. Wala sa nabanggit

9
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya
1. B
2. C
3. A
4. B
5. D

Pangwakas na Pagtataya

1. C
2. A
3. B
4. D
5. B

10
Sanggunian

References:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Bahagi), Unang


Edisyon, 2012

11

You might also like