You are on page 1of 17

Holy Child High School

Kinoguitan Misamis Oriental


Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon:___________________


Bilang ng Gawain: 1 Petsa: Agosto 23-27, 2021
Paksa: Si Pymalion at Si Galatea
Mga Layunin:
1 Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya
2 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:
sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.
3 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
4 Paggamit ng angkop na pandiwa sa pagbuo ng pangungusap
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Masusing Pag-iisip, Wagas na Pag-ibig at Didikasyon

SIMULAN NATIN! Sagot:


Anong Alam mo sa
Mitolohiyang Griyego?

I. Mga Mahalagang Kaisipan


SI PYGMALION AT SI GALATEA
Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga
kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa
paglililok hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang
babae na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae.
Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana
ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-
alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na
pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig at kanyang
binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina
Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang
kanilang mga anak na sina Paphos at Metharme. Bilang pasasalamat sa
kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo
ni Aprodite.

Banghay
 Sa kuwentong sinuri, masasabing naging matalino ang may-akda sa pagsasaayos ng mga
pangyayari rito.
 Ang bawat senaryo ay konektado sa isa’t-isa at hindi naging mahirap para paghambing-
hambingin ang mga ito, maging ng mga mambabasang nasa murang edad pa lamang.
 Organisado ang daloy nito sapagkat magaling na napagkasunud-sunod ang mga pangyayari
magmula sa umpisa hanggang sa wakas.
 Nakapagdulot ito ng kasabikan sa mga mambabasa at hindi pagkabagot.
 May kasiguraduhan ang mga hakbang na ginawa sa pagsulat kaya’t hindi ito kakikitaan ng
anumang pagmamadali upang matapos.
Tagpuan
Ang tagpuang (lugar at panahon) ginamit sa kwento ay bumagay sa temang tinalakay dito. Mabilis na
nailarawan ng may-akda kung anong klase ng tema mayroon ang kwento. Sa pamamagitan ng
tagpuan agad na malalaman ng mga mambabasa na isang makaluma at tradisyunal na tema ang
ginamit sa kwento. Angkop din ang tagpuan sa karakter ng mga tauhan. Naaayon ang mga katangian
at pamumuhay ng mga tao sa ginamit na tagpuan. Maayos at naging maganda ang daloy at koneksyon
ng bawat isa.

Tauhan

Sa kuwentong si Pygmalion at Galatea, iba’t-ibang katangian at pag-uugali ang pinanghawakan ng


mga karakter. Ang mga tauhan ay sina:
Si Pygmalion na pangunahing tauhan sa akda, ay isang bihasa at mahusay na iskultor na
hinahangaan ng maraming kababaihan ngunit sa kabila nito, ay naging pihikan siya sa mga babae.
Para sa kanya, ang pakikipag-mabutihan sa mga kababaihan ay pag-aaksaya lamang ng oras at pare-
pareho ang kaniyang pananaw ukol sa mga ito. Iginugol niya ang kanyang oras sa paglililok hanggang
sa isang araw ay maiukit niya ang isang estatwang nagpakita ng lahat ng katangiang inaasam niya sa
isang babae. Ipinangalangan niya itong Galatea.

Si Galatea ang estatwang lubos na minahal ni Pygmalion at itinuring isang tunay na


kababaihan. Si Galatea ay nabigyang buhay ni Aphrodite.

Si Aphrodite ang ikinikilalang Diyosa ng pag-ibig sa akda na nagbigay daan sa wagas ng


pagmamahal ni Pygmalion para kay Galatea sa pamamagitan ng pagbibigay buhay nito sa estatwa
upang ang labis na pagmamahal nito ay masuklihan din ng pagmamahal na nararapat lamang para sa
kanya.  

Estilo ng Pagsulat
Sa kwentong, Si Pygmalion at Galatea maayos na naiparating ng may-akda ang mga kaganapan sa
kwento. Naaangkop ang mga salitang kanyang ginamit upang ilarawan ang kanyang mga tauhan at
ang mga pangyayari sa kwento. Gumamit siya ng mga bantas upang maiparating ang diyalogo ng
kanyang mga tauhan. Naaangkop din ang mga salitang ginamit niya upang maipakita na ang kwento
ay nangyari noong unang panahon. Maayos ang naging takbo ng kwento, nagkaroon ng magandang
interaksyon ang mga tauhan sa isa't isa . Hindi rin nagkahalo-halo ang diyalogo ng mga tauhan sa
pagsasalaysay ng may-akda sa mga pangyayari.

Konklusyon
Ang bawat tauhan sa akda at nagpakita ng malinaw na karakter/pagkatao upang maintindihan nang
maayos ang kwento base sa kanilang pagganap. Angkop ang tagpuan, lugar at panahon sa gustong
ipahiwatig ng akda. Sa daloy ng pangyayari, madaling maintindihan ng mambabasa ang kwento.
Maayos na naihabi ang bawat elemento at emosyon sa akda. Bagama't hindi na magkapareho ang
panahon natin sa noon, ang akdang ito galing sa mitolohiya ng mga Griyego, ay mabilis pa rin nating
maiintindihan at maiaangkop sa kasalukuyang panahon dahil sa nakapaloob na mensahe nito. Ang
magmahal nang lubos at totoo kahit anuman ang balakid na kahaharapin ay ang aral na matutunan at
matatandaan ng bawat mambabasa ng akda.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
a. Ang isang salita ay maring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, at tambalan.
Maaring maiugnay ang kayarian sa kahulugan nito. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa
kayarian at sa iba pang katangian nito.
_____________1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang dibdib? Ang
isa pang kahulugan nito’y pag-aasawa.
_____________2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may naiibang kasingkahulugan?
Isulat ito sa linya.
minamahal iniibig sinisinta hginahangaan
_____________3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na:
“Ligaya ang dulot ng muli naming pagtatagpo ng dati kong kaibigan.”
_____________4. Anong inuulit na salita ang puwedeng gamiting pamalit sa pararilang sobrang
minamahal o labis na iniibig?
_____________5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat ito
sa linya.

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 2-3 na pangungusap.)


1. Paano makikilala ang isang tunay at wagas na pag-ibig? Ano-ano ang maaring gawin ng isang tao
upang mapatunayang malinis at wagas ang kanyang pag-ibig?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
C. Paglalagom sa Konsepto (Bumuo ng 2-3 pangungusap bawat sitwasyon.)
Ang Bibliya ay may napakagandang pagpapakahulugan sa tunay na pag-ibig.
“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi
magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya niya
ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig mapagpatawad,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” 1 Corinto 13:4-7

Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, paano maipakikita ang tunay nap ag-ibig sa sumusunod na
mga sitwasyon:
 Sa iyong sarili: Umaabot ng mula apat hanggang anim na oras ang tagal ng paggamit mo sa internet at
computer o tablet araw-araw para sap ag-update ng iyong social media account, paglalaro ng video
games, panonood ng mga video sa YouTube, at iba pa. Lagi ka tuloy puyat at kapansin-pansin ang
kawalan mo ng sigla kapag nasa paaralan ka. Paano mo maipakikita ang paagmamahal mo sa sarili sa
sitwasyong ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
 Sa iyon pamilya: Ugali mong tumambay muna sa paaralan at makipagkuwentuhan sa iyong mga
kaibigan pagkatapos ng klase. Subalit alam mong nanay na pagod din mula sa trabaho ay
nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng inyong hapunan at iba pang Gawain sa bahay. Paano mo
maipakikita ang pagmamahal mo sa pamilya sa sitwasyong ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
 Sa iyong pamayanan o bansa: Mas gusto mo ng anumang bagay na imported kaysa sa mga bagay na
gawang Pinoy. Subalit alam mong ito ay may epekto sa taing mga mangagawa at sa ekonomiya. Paano
mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan o bansa sa sitwasyong ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Bilang ng Gawain: 1.1 Petsa: Agosto 23-27, 2021


Paksa: Pandiwa
Mga Layunin:
1 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
2 Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: (tagaganap, layon, pinaglalaaanan at kagamitan) sa
pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan; sa pagsulat ng paghahambing; sa pagsulat ng
saloobin; sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at isinulat na sariling kuwento
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Masusing Pag-iisip, Wagas na Pag-ibig at Didikasyon

I. Mga Mahalagang Kaisipan


Pandiwa- Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng aksiyon o kilos.

Uri ng Pandiwa
1. Payak- ay mga salitang kilos, galaw, o aksyon na ginagamit bilang simuno ng pangungusap.
Hal: Ang manlililok ay nabighani sa estatwa.
2. Katawanin- ay mga salitang kilos, galaw, o aksyon na ginagawa ng simuno.
Hal: Sina Pygmalion at Galatea ay ikinasal.
3. Palipat- ay mga salitang kilos na ginawa ng simuno at madalas itong pinangungunahan ng mga katagang
ng, mga, kay, at kina.
Hal: Si Pygmalion ay lumilok ng estatwa.

Aspekto ng Pandiwa- ay nagpapakita ng panahon o kung kailan ginawa, ginagawa, gagawin, o kung
ipagpapatuloy pa ang ginagawang kilos.
1. Aspektong Nagawa na o Perpektibo- Ito ay nagsasaad na natapos nang gawin ang kilos.
Ito ay ginagamitan ng mga unlaping nag- at um- , gitlaping -um- at -in-, at ng hulaping -an.
Hal: Natapos ng binate ang kanyang obra maestro.
a. Aspektong Perpektibong Kagagawa- Katatapos pa lamang gawin ang kilos at ito ay nasa aspekto pa rin
ng perpektibo. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat.
Hal: Katatapos lang gawin ng binate ang kanyang obra maestro.
2. Aspektong Ginagawa pa lamang o Imperpektibo- Ito ay nagsasaad na patuloy pa ring ginagawa ang
kilos.
Ginagamitan ito ng unlaping nag- at um-, gitlaping -um- at -in-, inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat at
kung minsan ay nilalagyan ng hulaping -an.
Hal. Araw-araw dinadalaw ni Pygmalion ang kanyang minahal na estatwa.

3. Aspektong Gagawin pa lamang o Kontemplatibo- Ito ay nagsasaad na gagawin pa lamang ang kilos o
hindi pa nasisimulan. Ginagamitan ito ng unlaping mag- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat. Maaari
ring inuulit lamang ang unang pantig ng salitang-ugat at durugtungan ng hulaping -an.
Hal: Magpapasalamat ang dalawang magkasintahan sa butihing diyosa ng pag-ibig.

Pokus ng Pandiwa- Ang pandiwa o salitang kilos o simuno ang paksa sa loob ng pangungusap.

Anim na Pokus ng Pandiwa:


1. Tagaganap o Aktor- Ang tagaganap ng pandiwa ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Hal: Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion.
2. Layon o Gol- Ang layon ang pokus ng pandiwa.
Hal: Pinag-usapan ng mga tao ang estatwang nilikha ni Pygmalion
3. Ganapan o Lokatib- Ang lugar ang paksa. Hal: Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego.
4. Tagatanggap o Perpektibo- Ang nakikinabag sa resulta ng kilos ang paksa ng pangungusap.
Hal: Ipinagdala nina Pygmalionat Galatea ng mga alay si Aphrodite.
5. Gamit o Instrumental- Ang pokus ng pandiwa ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos.
Hal: Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sap ag-ukit ng estatwa.
6 Sanhi o Kosatib- Ang dahilan o sanhi ng kilos ang pokus ng pandiwa.
Hal: Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni Pygmalion.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
Tukuyin ang uri, aspekto, at pokus ng mga pandiwang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat
ang pandiwa at ang mga detalye ukol ditto sa angkop na kahon sa talahanayan.
1. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea.
Pandiwa: Uri: Aspekto: Pokus:

2 Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.


Pandiwa: Uri: Aspekto: Pokus:

3.Ipinansulat nila ang pluma.


Pandiwa: Uri: Aspekto: Pokus:

4. Ang paksa ay pinag-iisipan ng mga manunulat.


Pandiwa: Uri: Aspekto: Pokus:

5. Pinupuntahan parin ng mga turista ang bansang Griyego.


Pandiwa: Uri: Aspekto: Pokus:

III. Paglalagom sa Konsepto


Ilahad ang iyong sariling bersyon ng pagpapakahulugan ng pandiwa.. Maging malikhain at bumuo
ng 2-3 pangungusapn lamang.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

“Ang wagas na pag-ibig ay tunay na makapangyarihan,


kaya nitong manaig sa anumang pagsubok o hadlang.”
High School
Kinoguitan Misamis Oriental
Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon:___________________


Bilang ng Gawain: 2 Petsa: Agosto 30- Septiyembre 3, 2021
Paksa: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Mga Layunin:
1 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan
at kagandahang-asal
2. Nahihinuha ang nilalaman, elemento, at kakayahan ng akda kung ito’y mangyayari sa kasalukuyang
panahon
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Masusing Pag-iisip, Wagas na Pag-ibig at Didikasyon

I. Mga Mahalagang Kaisipan


Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Ang parabulang ito ay tungkol sa sampung dalaga na dumalo sa isang kasalan. Ang kasalang ito ay
inihalintulad sa pagpasok sa kaharian ng langit. Ang sampung dalagang ito ay naatasang maging abay sa
kasalan. Sila ang sasalubong sa lalaking ikakasal na may dalang kani - kaniyang ilawan. Ang lima sa kanila
ay itinuring na mga hangal samantalang ang lima ay itinanghal na matalino. Ang unang lima ay nagdala ng
ilawan ngunit hindi nagbaon ng karagdagang langis para sa kanilang mga ilawan. Samantalang ang huling
lima ay may baong langis bukod pa sa nakalagay sa kanilang mga ilawan.
Sa pagkakaantala ng pagdating ng lalaki, inantok at nakatulog ang sampung dalaga. Nang hatinggabi
ay narinig nila ang pagsigaw hudyat na dumating na ang lalaking ikakasal. Ang lahat ng sampu ay
nagsipaghanda ngunit sa kasamaang palad tanging ang lima lamang ang may dalang dagdag na langis
upang mapanatili ang ningas ng kanilang ilawan. Nagmadaling bumili ang lima ng langis ngunit huli na
sapagkat nakapasok na ang lalaking ikakasal at ang limang dalagang may dalang dagdag na langis para sa
kanilang mga ilawan at sila ay naiwan sa labas. Bilang pagtatapos, nagbigay ang Diyos ng babala na
kailangan ng tao maging handa sa pagdating ng kanyang anak na si Hesukristo sa sanlibutan at tanging
yaon lamang mga nakahanda ang siyang makakapasok sa kanyang kaharian. -Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/847414#readmore

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa linya kung ang bahaging ito ay
nagsasaad ng katotohanan (KT), kabutihan o kagandahang-asal (K/K). Ipaliwanag sa mga linya kung bakit
ito ang napili mong kasagutan.
_______1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula sa pag-
uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
Ipaliwanag ang sagot:____________________________________________________________________
_______2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda o buoin ang
kanilang magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibgan sa isa’t isa.
Ipaliwanag ang sagot:____________________________________________________________________
_______3. Ang limang matatalinong dalaga ay nagging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang langis para sa
mga hindi inaasahang pagkakataon.
Ipaliwanag ang sagot:____________________________________________________________________
_______4. Ang paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang pangyayari ay makapagdudulot ng
suliranin at kabiguan.
Ipaliwanag ang sagot:____________________________________________________________________
_______5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal ang
limang hangal na dalaga.
Ipaliwanag ang sagot:____________________________________________________________________

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 3-4 na pangungusap.)


1. Ano ang ibinubunga ng pagiging laging handa? Ano naman ang maaring ibunga ng kawalan ng
kahandaan? Bakit mahalagang maging laging handa tayo sa mahahalagang pangyayari sa ating buhay?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Bilang ng Gawain: 2.1 Petsa: Agosto 30- Septiyembre 3, 2021
Paksa: Mga Berbal, Di Berbal, at Pasulat na Pakikipagtalastasan; Pang-uri
Mga Layunin:
1 Naipapakita ang kakayahan sa pakikipagtalastasan nang pasulat sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang mensaheng magpaparating ng iyong sariling pananaw
2 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa Pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy,
pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Masusing Pag-iisip, Malikhain, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan

Mga Berbal, Di Berbal, at Pasulat na Pakikipagtalastasan

Ang komunikasyon ay ang paraan ng pagpapalitan ng impormasyon. May dalawang uri ito,
komunikasyong berbal at di-berbal. Ang pakikipagtastsan ay isinasagawa natin araw-araw sa pamamagitan
ng kaisipan, pananaw, opinyon, reaksiyon, damdamin, at iba pa. Ito ay maaring berbal o passalita. di berbal,
at pasulat.

*Berbal o pasalita- Karaniwang isinasagawa nang harapan (face to face), telepono, makabagong
application ng teknolohiya tulad ng Facetime, Skype, at iba pa, gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng
radio o telebisyon.
*Di Berbal- Isinasagawa sa pag-aabot ng ensahe na hindi binibigkas tulad ng pagkumpas ng kampay,
pagtango, ngiti, titigsa kausap at iba pa.
*Pasulat- liham, e-mail, SMS o short messages

Pang-uri

Ang tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino ay ang pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig. Sa


pagsasalaysay ay madalas nagagamit ang pang-ugnay na pang-ukol at pangatnig. Higit na kilalanin ang mga
ito.

Pang-ukol- ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap


sa ng kay/kina alinsunod sa/kay para sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay hinggil sa/kay ukol sa/kay tungkol sa/kay

Pangatnig- tawag sa mga kataga/satag na-uugnay ng dalawan salita, parirala, o sugnay.

at ni o kaya maging sapagkat anupa sana


man saka pati dili kaya gayundin kasi sumakatuwid sakali
kung alin sa halip kung sino siya rin kung kaya sanhi kapag
Kung dapatwat subalit bagkus samantala palibhasa pagkat kundi
gayon
habang maliban bagaman kung sa bagay dahil sa sa madaling salita

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan (Bumuo ng isang talata lamang)
Magsalaysay tungkol sa kahangahangang pinoy sa taong 2019-2020 na nagbigay ng karangalan
sa bansang Pilipinas sa panahon ng krisis. Ang iyong pagsasalaysay ay dapat magkaroon ng mahusay na
simula, maayos na daloy ng mga pangyayari, at epektibong pagwawakas na mag-iiwan ng marka o
kakintalan. Gumamit ng hindi bababa sa sampung pang-ugnay sa iyong pagsasalaysay.

____________________________________
Pamagat

Mahusay na simula
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Maayos na Pagdaloy ng mga Pangyayari
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Pagwawakas na Mag-iiwan ng Marka o Kakintalan
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 2-3 na pangungusap.)


1. Paano mo pahahalagahan ang komunikasyon/pakikipagtalastasan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

PAGTATASA SA SARILING KAALAMAN!

Panuto: Bilugan ang bilang kung anong lebel ng kaalaman mayroon ka


matapos mong pag-aralan ang paksa sa linggong ito. Pagkatapos
ay ilahad ang mga kaalamang tumatak saiyo.
Bilang 3 ang pinakamataas at bilang 1 naman ang pinakamababa.

1 2 3
Kaalaman: Kaalaman: Kaalaman:

“Mahalaga ang pagkakaroon ng kagandahan


Upang sa huli ay hindi ito pagsisihan.”
High School
Kinoguitan Misamis Oriental
Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon:___________________


Bilang ng Gawain: 3 Petsa: Septiyembre 6-10, 2021
Paksa:
Mga Layunin:
1 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan; at
2 Nakikilala ang Kasalungat ng Kahulugan
3 Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10; Academia
Pagpapahalaga: Masusing Pag-iisip, Malikhain, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan

Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya

“Ang Apat na Buwan ko sa


Espanya” ay ang sanaysay na sinulat ni
Rebecca de Dios. Isinalaysay niya ang
kanyang mga karanasan sa Espanya.
Inilahad niya na may katamtamang klima
at panahon ang Espanya sa Abril
hanggang Hunyo at ang buwan ng
Agosto ang tag-init sa kanila. Mayaman
ang kanilang kultura, mayroon silang
museo at mga teatro kung saan
masasalamin ang kanilang kasaysayan.
May isang tanyang na museo na
napuntahan ni Rebecca ang National Art
Museum Catalonia na gusali palang ay kahanga-hanga na. Bahagi rin ng kanilang kultura ang pagsasagawa
ng bullfight, kung saan ang lalaki ay nakikipagtagisa ng lakas sa toro. Ang mga tahanan at mga gusali ang
pinakamagandang bagay na nakita niya. Ilan sa mga ito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient
Rooftops, ang lumang bahay na hindi pa natapos “Basilica de la Sagrada Familia”.
Ang kanilang wikang pambansa naman ay Spanish o Castilian na tinatawag nating Espanyol. Sa
kanilang pananampalataya ay 80% hanggang 90% ang Katoliko. Kung pagkain naman ang pag-uusapan ay
sikat sa kanila ang Lechee Flan. Sikat din sa kanila ang isports na soccer. Mayroon silang soccer club na
tinatawag na Real Madrid. At hindi sila pahuhuli sa kanilang kasuotan. Mayroon silang dress code sa babae
na blusa, palda at bestida at sa lalaki naman ay damit na may-kuwelyong pang-itaas.
Maraming natutunan ni Rebecca sa lugar ng Espanya. Sa kabila ng 333 na taong pananakop nito sa
bansang Pilipinas ay maraming maganda at mabuti sa bansang kanyang napasyalan na ipinapasalamat niya
sa kanyang mga magulang sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
A. Tukuyin at bilugan ang titik ng salitang kapareho o kaugnay ng kahulugan ng salitang nakasulat nang
madiin sa pangungusap.
1. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang kasaysayang nag-uugat pa sa
malayong nakaraan.
a. naglalagi b. nagtataglay c. nagmumula d. naiiwan
2. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinasagawa nilang bullfight.
a. nakikipagtiyagaan b. nakikipagpaligsahan c. nakikipag-isa d. lumilitaw
3. Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin at hindi halos lumalapat sa sahig.
a. lumakad b. sumasayad c. sumasayaw d. lumilitaw
4. Ang isang kaugaliang natatangi sa mga Espanyol ay ang paglalaan nila ng tatlong oras para sa
pananalangin at pagsi-siesta.
a. naiiba b. nakadaragdag c. nakakapareho d. nagagwa
5. Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa tanghaliang tinatawag nilang La Cena.
a. prutas b. ulam c. kanin at tinanpay d. minamis

B. Basahin ang bawat pangungusap. Kilalanin mula sa iba pang salita sa pangungusap ang kasalungat
na kahulugan ng salitang nakaslungguhit. Bilugan ang salita.
1. Laganap parin sa bansang Espanya ang Katolisismo at hanggang ngayon ay kakaunti lamang ang
kabilang sa ibang sekta o relihiyon.
2. Sa mga unang buwan ng aking pagbisita ay nakaranas ako ng katamtamang panahon subalit pagsapit ng
Hunyo ay naging napaka-init ng panahon.
3. Maraming maaring matutunan sa tanyag na si Antoni Gaudi ang mga di kilalang arkitekto sa ating
panahon.
4. Umasa akong nasimhot nila ang pagkaing nasa pinggan subalit nang tignan ko ay marami pala ang natira.
5. May mga kaugalian silang nahahawig sa atin subalit mas marami ang naiiba dahil sa kultura nati’y bunga
ng iba’t ibang impluwensya at ng katutubo nating paniniwala.

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 2-3 na pangungusap.)


1. Bakit mahalaga ang pagiging bukas at ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga lahi at mga tao? Ano ang
maaring ibunga nito sa relasyon ng mga bansa sa isa’t isa? Ano Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Bilang ng Gawain: 3.1 Petsa: Septiyembre 6-10, 2021


Paksa: Napapanahong Isyu
Mga Layunin:
1 Natatalakay ang mga bahagi ng binasa na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig
2 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyu sa Pilipinas at sa buong
mundo
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Makabansa, Masusing Pag-iisip, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan

PH, Number One sa dami ng kaso ng COVID-19

August 11, 2020 Filed under PAGTANAW AT PANANAW Posted by Balita Online Balita RSS RSS Feed
TUMITINDI ang pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Habang sinusulat ko ito,
halos 130,000 na ang kaso ng pandemya sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinakamaraming tinatamaan ng
COVID-19 ang taga-National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

Ito ang dahilan kung bakit inirekomenda ng IATF kay Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na muling ilagay sa
Moderate Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila mula sa pagiging General
Community Quarantine (GCQ).

Kung ang paniniwalaan ay ang mga report, nangunguna na ngayon ang PH sa Southeast Asian Nations sa
pagkakaroon ng pinakamaraming kaso ng pandemic. Dinaig pa natin ang Indonesia na higit ang laki at lawak
ng populasyon kaysa bansa natin.

Maraming eksperto at dalubhasa sa medisina at kalusugan ang nagtataka kung bakit patuloy ang pagdami
ng bilang ng nagpopositibo sa ‘Pinas ng coronavirus na nanggaling sa Wuhan City, China. Parang mas
marami pa yata ang kaso ng ating bansa sa China na pinagmulan ng COVID-19.

Napakadali at napakasimple lang naman ang payo o tagubilin ng Department of Health (DOH) upang
maiwasan ang pagkakaroon ng karamdamang ito na hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang bakuna
o gamot. Una, laging maghugas ng mga kamay, ikalawa, gumamit ng facial mask, at pangatlo ay panatilihin
ang tamang agwat sa kasunod na tao o physical-social distancing. Of course, kung hindi mahalaga, manatili
na lang sa bahay.

Ito ba ay mahirap na sundin? Aba, kung ikaw ay nahihirapan dito, tiyak na mahahawa ka ng COVID-19 at
kapag namatay ka (hindi nasawi), agad kang susunugin (cremation) at walang pagkakataon ang mga mahal
mo sa buhay na ikaw ay masilayan pa ng ilang araw sa huling sandali dahil bawal ang burol.

Nakikiramay kami sa pamilya ni ex-Manila Mayor Alfredo Siojo Lim na namatay sa edad na 90. Matagal din
siyang naging alkalde ng Maynila. Kung hindi pa ninyo alam, si Mayor Lim ay taga-San Miguel, Bulacan, lahi
ng pamilya Siojo. Hindi ba ninyo napapansin ang kanyang punto o diction kapag nagsasalita? Puntong
Bulakenyo. Ginagamit niyang salitang “dangkasi” na gamit ng taga-San Miguel.

Kaugnay ng pagkamatay ni Lim na dating Alkalde, Senador, DILG Secretary, nagpapaalala si Manila Mayor
Isko Moreno, dating vice mayor ni Lim, sa publiko na pag-ingatan ang sarili dahil walang kinikilala o
sinasanto ang COVID-19. Ayon kay Yorme, si Lim ay tinamaan ng COVID bagamat ang pamilya niya ay
walang sinasabing dahilan ng kanyang pagyao.

Kinilala ni Yorme Moreno ang mga kabutihan nagawa ng yumaong alkalde hindi lamang sa Maynila kundi sa
buong bansa na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng mga mamamayan. Natatandaan ko noon na
maraming taga-San Miguel ang nagsasabi na madalas daw umuwi sa aming bayan si Mayor Lim.
Dumadalaw sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala.

Malapit na ang Agosto 24, ang takdang petsa ng pagbubukas ng mga klase sa bansa (2021). May mga tao o
grupo na hindi sang-ayon na ituloy ang pagbubukas nito sapagkat baka raw manganib ang kalusugan ng
mga mag-aaral. Gayunman, sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na nakahanda sila sa
reopening of classes at iingatan nila ang kalusugan ng mga estudyante bukod pa sa pagkakaroon ng
mahusay na pamamaraan ng pagtuturo kahit walang face-to-face classes, tulad ng dati.
-Bert de Guzman

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
a. Ilahad ang mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan na binanggit sa news editorial. Gumamit ng
mapang konsepto sa paglalahad.

b. Italakay ang mga bahagi ng news editorial na binasa.

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 2-3 na pangungusap.)


1. Ano ang ipinaparating sa tekstong binasa?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
C. Paglalagom sa Konsepto
. Bumuo ng opinion gabay ang editorial cartoon.
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Bilang ng Gawain: 3.2 Petsa: Septiyembre 6-10, 2021


Paksa: Pangunahing Paksa
Pantulong na mga Ideya at Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw
Mga Layunin:
1 Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media at;
2 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Pagtulong sa kapwa, Makabansa, Masusing Pag-iisip, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan

Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya

Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga


pangungusap na magkaugnay. Ito ay binubuo rin ng
Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye / Pangunahing
Kaisipan (PD). Paksa

Pangunahing Paksa (main idea) - ito ang sentro o Pantulong


Pantulong Pantulong Pantulong
pangunahing tema sa talata. Kadalasan ay makikita sa na Ideya
na Ideya
na Ideya na Ideya
unang pangungusap (imply) at huling pangungusap
(kongklusyon). Sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan ang
talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng gusting ipaabot ng
talata?”

Pantulong na Detalye / Kaisipan (supporting details / information) - ito naman ang mga mahahalagang
kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap. Madalas ginagamitan
ang pantulong na ideya ng mga hudyat na una, kasunod, pagkatapos at sa wakas.

Mga Pahayag ng Sariling Pananaw


Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling
pananaw o opinion. Kailangang matutunan mo kung gayon ang mabisang paraan pagsasagawa nito.
Mababasa sa ibaba ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw.
 Ang masasabi ko ay…
 Ang pagkakaalaman ko ay…
 Ang paniniwala ko ay…
 Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/ balita...
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
 Para sa akin…
 *Kung ako ang tatanungin…
 Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…

Ang Ilang Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw


 Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan na walang kinakampihan. Laging
tandaan ang kasabihan sa Ingles na “You can disagree without being disagreeable.”
 Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Ipakita mo ang interes at paggalang mo.
 Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig saiyong pananaw.
 Mas magiging matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o paniningdigan iyong
ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan o kaya’t sinusuportahan ng datos.
 Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
Basahing mabuti ang talata sa ibaba. Maaring ang lahat ng ito ay isinagawa ni Rebecca bago siya
lumipad patungong Espanya at nararapat mo ring tandaan kapag ikaw naman ang magbi-biyahe.
Salungguhitan mo ang pangunahing paksa at isa-isa mong lagyan ng bilang ang bawat pantulong na ideya.
Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Narito ang mga dapat tandaan kapag magbi-biyahe sa labas ng bansa. Una, mahalagang
magsaliksik ka tungkol sa bansang pupuntahan mo. Alamin mo ang kanilang mga batas tulad ng mga
bagay na ipinagbabawal, kaugalian, gayundin ang mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa
kanilang relihiyon. Pangalawa, alamin mo ang klima o panahon ng iyong pagbisita upang
makapaghanda ka ng angkop na kasuotan. Mahalagang alam mo rin ang kanilang pagkain at mga
lugar doon na hindi ligtas puntahan ng mga turistang tulad mo. Ang isa pa sa pinakamahahalagang
dapat mong ihanda ay ang iyong mga dokumento sa pagbibiyahe tulad ng iyong pasaporte, visa
(kung kinakailangan), ticket sa eroplano, gayundin ang iba pang ID, at ang iyong credit card. Mas
mabuting may kopya ka ng iyong mga dokumento para kung saka-sakaling mawala ay mas madali
mo itong mapapalitan. Huwag mo ring kalimutang ihanda ang iyong itinerary o listahan ng mga lugar
na iyong pupuntahan, ang pangalan at address ng iyong hotel, at iba pa. Makabubuti rin kung
mayroon kang travel insurance para may sumagot sa mga pangyayaring hindi inaasahan.

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 1-2 na pangungusap.)

 Bakit mo nasabing ang sinaungguhitan mo ang pangunahing paksa ng talatang ito?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
 Angkop ba ang mga nakalahad na pantulong na ideya para sa sinalungguhitan mong
pangunahing paksa? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

C. Paglalagom sa Konsepto

Napatunayan na ng naraming Pilipinong naglakas sumubok na ang pagtatayo ng maliit na


negosyo ay isang alternatibong paraan para kumita para sa pamilya nang hindi na kailangang
lumayo o mangibang-bayan bukod sa nakatutulong pa upang makapagbigay ng hanapbuhay sa
mga kababayan.
Baon ang kaisipang ito, maglahad ng sarili mong pananaw at kumbinsihin ang mga kapwa mo
kabataan na ikonsidera ang pagtatayo ng maliit na negosyo kaysa sa pangingibang-bansa pagdating
ng araw. Makatutulong kung mananaliksik ka upang makapaglahad ng datos na higit na
makakukumbinsi sa makababasa o makaririnig ng iyong pnanaw. Bumuo ng isang talata gabay ang
pangunahing paksa at pantulong na ideya.

“Mahalaga ang pagkakaroon ng kagandahan


Upang sa huli ay hindi ito pagsisihan.”
Holy Child High School
Kinoguitan Misamis Oriental
Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon:___________________
Bilang ng Gawain: 4 Petsa: Septiyembre 13-17, 2021
Paksa: Mula sa Epiko ni Gilgamesh
Mga Layunin:
1 Natatalakay ang mga bahagi ng Epiko at;
2 Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang emosyon ng mga tauhan sa epiko.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Makabansa, Masusing Pag-iisip, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan


 Mula sa Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
    
Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala
kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk,
na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at
ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at
abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa
kaniyang pang-aabuso, patuloy na
nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan
na nawa’y makalaya sila sa kaniya.
Tinugon ng diyos ang kanilang dasal.
Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop
sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa
bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni
Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong
nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang
diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan
upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro.
Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat
mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.
Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya
sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng
kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin.
Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng
galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong
ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang
bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng
agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay
ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang
Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik
Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at
luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang
katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na
maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay,
mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging
mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at
tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang
mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y
inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng
mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at
nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-
iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”
Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at
pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang
umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang
pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang
nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at
nakatatakot na panaginip. Kailangan itong
paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding
kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay
paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya
ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”
Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala
nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng
buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni
Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-
mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos
di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung
araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang
labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh,
“Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad
kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni
Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi.
Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutunan
Suriin ang mga suliraning pinagdadaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko.

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 2-3 na pangungusap.)


1. Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning ito? Pangatwiranin.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Bilang ng Gawain: 4.1 Petsa: Septiyembre 13-17, 2021
Paksa: Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo
Mga Layunin:
1 Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang pling tauhan sa
mga epiko.
2 Napangangatuwiran kung bakit mahalaga ang akdang pandaigdig.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1; Academia
Pagpapahalaga: Makabansa, Masusing Pag-iisip, at Positibong Pagpapahayag

I. Mga Mahalagang Kaisipan


Alam mo ba na...
 
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa? Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at
pakikidigma.
 
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego epos na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y
tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.
 
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang
hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak
at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakahaharap,
lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong
makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutuna
Magbigay ng paghihinuha kung bakit itinuring na bayani sa kani-kanilang lugar at kapanahunan
ang sumusunod na mga tauhan ng mga epiko.

Si Crtomir ng epikong Ang Pagbibinyag sa Savica


ay maituturing na isang bayani dahil
_________________________________________
_____________________________________
Ang kasintahan ni Crtomir na si
Bogomila ay maituturing na isang Si Achilleus ng epikong Iliad ay
bayani dahil maituturing na isang bayani dahil
___________________________ ___________________________
Mga Epiko sa
___________________________ ___________________________
Iba’t Ibang Panig
________________________ ng Daigdig ________________________

Si Odysseus nh epikong Odysey


Si Si Beowulf ay maituturing na
ay maituturing na isang bayani isang bayani dahil
dahil __________________________
__________________________ __________________________
Si Deucalion ng epikong
__________________________ Metamorphoses ay _______________________
maituturing na isang
__________________________
bayani dahil
_____________________
_____________________
_____________________

B. Gabay na Tanong (Bumuo ng 1-2 na pangungusap.)


Pangatwiran mo ang dahilan kung bakit itinuturing na mahalaga ang akdang pandaigdig.
1. Ano ang Epiko? Paano ito naiba sa iba pang akdang pampanitikan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa pangkalahatan, sa anong panahon naisulat o nabuo ang mga epiko? Bakit maituturing na
mahalaga ang panahong ito sa larangan ng panitikan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko? Bakit kailangang pag-aralan ito
maging sa makabago o modernong panahon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ano-anong bagay ang masasalamin sa mga epiko patungkol sa pinagmulan nitong lahi, bansa, o
rehiyon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
“Pagpalain ka ng Poong Maykapal!”

You might also like