You are on page 1of 10

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 – Week 3
Weekly Learning Activity Sheet
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN
NG KILOS AT PASYA

WLAS ADN
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 2 Week 3

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA


PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN
NG KILOS AT PASYA

Pangalan: ________________________________________ Pangkat: ____________________

Most Essential Learning Competency (MELC)

A. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao


sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya
B. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos
dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi.

Learning Objectives:

A. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao


sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya.(ESP10MK-IIc-6.1)
B. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos
dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi.
(ESP10MK-IIc-6.2)

Time Allotment – Isang Linggo

Key Concepts: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul Para sa Mga Mag-aaral,


pahina 83-104

Exercises / Activities

BALIKAN MO!

Bago mo simulan ang pagtuklas ng iyong dapat malalaman sa araling ito,


gamit ang graphic organizer sa ibaba isulat mo kung ano ang iyong natutunan
tungkol sa makataong kilos at pananagutan ng tao na siyang napag-aralan mo sa
nakaraang aralain.

MAKATAONG KILOS
TAMA O MALI!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA


kung ang ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang
ipinapahayag ay mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng


kaalaman na dapat taglay ng tao.

__________2. Kung ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamamagitan ng


isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin,
walang kapanagutan sa kanyang kilos.

__________3. Ang masidhing damdamin ay normal na damdamin kaya walang


pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos.

__________4. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang


labanan nang mas mataas na kakayahan-ang isip upang mawala ang
sidhi ng damdamin.

__________5. Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang


kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip ng
wasto, ang pananagutan ay nawawala.

__________6. Nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa


takot.

__________7. Ang karahasan ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin


ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-
loob at pagkukusa.

__________8. Hindi maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may


impluwensiya ng karahasan.

__________9. Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa


kahihinatnan ng makataong kilos.

__________10. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nawawala ang
pananagutan ng isang tao.

BASAHIN AT UNAWAIN!

Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos

Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging


ordinaryong kilos ng tao dahil sa salik na nakaapekto rito. Ang mga salik ay
direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos
lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maari ring mabawasan ang pananagutan ng
makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na
nakaaapekto sa makataong kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin,
takot, karahasan at gawi.
1. Kamangmangan.

Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng


tao.Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig (invincible).

a. Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang


gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung
gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.

b. Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay maaring kamangmangan dahil


sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman.
O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa
sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba. Naibigay na ang lahat na paraan
upang maitama ang kamangmangan. Kung walang paraan upang maitama ang
kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang
pananagutan sa bahagi ng gumawa.

Halimbawa: Ang gawa ng isang taong wala sa matinong pag-iisip. Hindi siya
mapapanagot sa sirkumstansiyang ito.

Ngunit kung ang kamangmangan na kayang baguhin sa pamamagitan ng


isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may
kapanagutan na siya sa kaniyang kilos.Maaari lang itong makapagbawas ng
kapanagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisiskap na malabanan ang
kamangmangan.

Halimbawa: Ang isang tao na baguhan pa lang ay lumuwas ng Maynila.


Tumawid siya sa kalsada kung saan ipinagbabawal ang pagtawid. Ang
kapanagutan sa ginawa niya ay hindi direktang makikita dahil sa kawalan niya ng
kaalaman tungkol sa batas na jaywalking.

2. Masidhing Damdamin.

Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng


kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o
hirap.
Halimbawa:
1. Pag-ibig 7. Pagnanasa
2. Pagkamuhi 8. Depresyon
3. Katuwaan 9. Kapangahasan
4. Pighati 10. Pangamba
5. Pagkasindak 11. Galit
6. Pagkasuklam 12. Pagnanais

Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos


(tendency) o damdamin.Maitutuing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa
isip – para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang
kaysa sa dikta ng isip.

Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang


tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kanyang emosyon at damdamin
dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao.
Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang
labanan nang mas mataas na antas na kakayahan-ang isip- upang mawala ang
sidhi ng damdamin.

Halimbawa, sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa niya sa Bar


Exam ay bigla niyang nayakap ang katabi niyang babae.

3. Takot.

Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng


damdamin.

Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng


pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.

Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o


pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kanyang kalooban.

Kung minsan sa ating buhay dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang
bagay. Sa ganitong sitwasyon, hindi nawawala ang pananagutan ng tao sa kilos na
ginawa kundi nababawasan lamang.

Halimbawa, ikaw ay nakakita ng ng pambubulas (bullying). Dahil takot ka


sa mga sigang mag-aaral, pinili mo na lamang manahimik sa pag-usisa ng guro
dahil sa takot sa pangyayaring nakita mo. Nabawasan ang kapanagutan sa
pagsisinungaling mo sa sitwasyong ito.

Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang


kaguluhan ng isip at nawala ang kakayahang mag-isip nang wasto, ang
pananagutan ay nawawala.

4. Karahasan.

Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao
na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.

Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya


ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan upang labanan
ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na
puwersa.

Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panglabas na kilos ngunit


ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunit kailangan maglapat ng ibang paraan
sa gitna ng karahasan bago masabing hindi ka mapanagot.

Halimbawa:
Isang kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng pagkain sa canteen.
Binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa
pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa
pagkakataong ito, hindi ka mapapanagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan
mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.
5. Gawi.

Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng


sistema ng buhay sa ara-araw ay itinuturing na gawi (habits).

Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang


pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala.

Halimbawa nito ay ang pagmumura (pamalikas) na naging pang-araw-araw


ng ekspresyon ng isang tao. Mapapanagot ka pa rin dahil nagsimula ito bilang
kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang.

Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa


kahihinatnan ng makataong kilos.

Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act
of man) dahil sa pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilos-
loob.

Sanggunian: ESP Learners’ Module, pp. 99-102

TUKUYIN MO AKO!

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Gabay ang pormat, tukuyin ang mga
salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan
kung bakit naging mahina ang tauhan sa pagpili ng mabuting
opsiyon at hindi naging mapanagutan ang kanyang kilos.

Sitwasyon 1
Si Elie ay laging huli sa klase Salik Pananagutan ng
dahil tumatawid pa siya sa main Tauhan
highway sa kanilang lugar _____________
Sitwasyon ______________________
papunta sa paaralan.
______________________
______________________
___

Sitwasyon 2
Pananagutan ng
Nakasanayan ni Nite ang mag-
Salik Tauhan
inat at humikab. Isang araw,
habang nagtuturo ang kanilang ____________ ______________________
guro ay napalakas ang paghikab ______________________
niya, kaya nagalit ang kanilang ______________________
guro. _____________ _

_____________
Sitwasyon 3
Nagkaroon ng fire drill sa
paaralan. Sa lahat ng mag- Salik Pananagutan ng
aaral sa silid-aralan. Si Liam Tauhan
_______________
lamang ang hindi dumaan sa
______________________
pintong dapat daanan ng
______________________
mga mag-aaral kaya
_____________ ______________________
ipinatawag siya ng kanyang ___
guro. Napag-alaman na hindi _____________
pala siya dumalo sa
ginawang orientation para sa
gaganaping fire drill sa
paaralan.

Sitwasyon 4
Papauwi na galing sa paaralan si
Aurea nang hinarang siya ng Salik Pananagutan ng
mga tambay at sapilitang kinuha Tauhan
ang kanyang pera. Sa sobrang _______________
nerbiyos ay naibigay niya ang ______________________
perang nasingil mula sa ______________________
kontribusyon nila para sa isang _____________ ______________________
proyekto.
_____________

Sitwasyon 5
Naglalakad pauwi si Mace ng Pananagutan ng
tangkaing kunin ng snatcher ang Salik Tauhan
bag niya. Hindi niya ito ibinigay at
siya’y nanlaban. Bigla niyang ______________
naisip na sumigaw at humingi ng
saklolo habang nakikipag-agawan
ng bag sa snatcher. _____________

_____________
Sitwasyon 6
Pananagutan ng
Nagsauli ng mga proyekto ang Salik
Tauhan
guro ni Eros sa kanilang klase.
Nang Makita niya ang kanyang _______________
mataas na marka ay bigla siyang
napayakap sa kanyang kaklaseng
babae. _____________
Sanggunian: ESP Learners’ Module, pp. 88-90
_____________
Sagutin ang mga tanong:

1. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at


pagpapasiya? Ipaliwanag.

2. Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kaniyang kilos na


makapagpasiya ng mabuting opsiyon tungo sa makataong kilos?

BUUIN MO AKO!

Panuto. Mayroong mga jumbled na salita sa bawat bilang. Ito ang iyong
magiging sagot sa tanong, buuin ang mga ito. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang


tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at
pagkukusa.
K A T O T

2. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay


ng tao.
N A G A K A N A M N GM

3. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng


kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng
sakit o hirap.
MASGDIHIN MADNIMAD

4. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng


sistema ng buhay sa ara-araw.
I A G W

5. Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng


pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.

A S A N H A K A R
GUNITAIN MO!

Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao
kang nasaktan (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa
pansariling kabutihan lang ang inisip mo). Isulat ang mga sitwasyong
ito at ang kapwang nasaktan sa una at ikalawang kolum.

Magtala sa ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga


pagkakataong may nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan
mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay.

Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan Mga Hakbang upang


may nasaktan akong (Halimbawa: Magulang at aking ayusin ang mga
kapwa iba pa) ugnayan

Sanggunian: ESP Learners’ Module, pp. 104


References

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600,
pp. 83-104

Photo Credits:

Ayo, Eduardo Jr. “Children Playing”. Butuan City, 2020

Answer Key:

BALIKAN MO! TUKUYIN MO AKO!


 Ang sagot ay iba-iba  Ang sagot ay iba-iba
base sa opinyon at base sa opinyon at
ideya ng mag-aaral. ideya ng mag-aaral.

TAMA O MALI
BUUIN MO AKO!
1. Tama
1. Takot
2. Mali
2. Kamangmangan
3. Mali
3. Masidhing Damdamin
4. Tama
4. Gawi
5. Tama
5. Karahasan
6. Mali
7. Tama
8. Mali
9. Tama GUNITAIN MO!
10. Mali
 Ang sagot ay iba-iba
base sa opinyon at
ideya ng mag-aaral.

Author: Jona Rose D. Inocente


School/Station: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email address: jonarose.densing@deped.gov.ph

You might also like