You are on page 1of 7

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Ika-6 Linggo

Pilyego ng mga Gawaing


Pampagkatuto

Mga Dahilan at Epekto ng


Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________

Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: 10
Kwarter: Ikalawa
Kasanayan sa Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot
Pampagkatuto: ng globalisasyon.
Koda:
Buwan: Pebrero, 2021
Linggo: Pebrero 8- 12, 2021 (Ika-anim na Linggo)
Pamagat ng mga Gawain: Gawain 1: Datos: Ipaliwanag Mo!
Gawain 2: Ano ang Hinuha Mo?
Gawain 3: Sulat-tula
Mga Kagamitan: papel at bolpen
Mga Layunin: 1. Nakapagsusuri ng mga solusyon kung paano
mahadlangan ang migrasyon;
2. Nakapagsasabi ng mga positibong epekto ng
migrasyon dulot ng globalisasyon; at
3. Nakapagsusuri sa ibang bansa kung ano ang
epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.
Aralin:

Positibo at Negatibong Epekto ng Migrasyon

May mabuti at masamang epekto ang migrasyon. Ilan sa positibong


epekto ng migrasyon ay nagbibigay ito ng magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kabuhayan ng mga economic migrants na hindi nakahanap ng
trabaho mula sa lugar na pinanggalingan. Napatatag nito ang ekonomiya ng
bansang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng remittances. At nagdudulot
rin ito ng positibong epekto para sa mga mayayamang bansa sapagkat napupunan
ang kanilang kakulangan sa lakas-paggawa. Sa larangan ng edukasyon, ang mga
nakapag-aral sa labas ng bansa ay natuto ng mga makabagong teknikal na
kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

At para sa mga refugee naman, na lumikas sa kanilang sariling bayan


upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng

1
kalamidad, ang migrasyon ay nagbigay sa kanila ng pagkakataon na mamuhay ng
tahimik at payapa malayo sa magulong lugar na pinanggalingan.

Sa indibidwal, lalo na sa pamilya, ang masamang epekto ng migrasyon ay


maaaring magkahiwalay ang kanilang miyembro. Dahil dito ay maaaring lumaki
ang mga anak nang walang magulang. May mga anak na napababayaan at
napagkakaitan ng sapat na patnubay ng mga magulang. May mga anak ding
napababayaan ang kanilang pag-aaral. Kung sa isang komunidad ay nagkaroon ng
migrasyon, lumiliit ang populasyon ng iniwang lugar, samantalang lumalaki
naman ang populasyon ng tao sa nilipatang lugar.

Dagdag pa rito, may mga migranteng namamatay, nasasadlak sa sapilitang


pagtatrabaho, at nagiging biktima ng trafficking. Marami sa mga domestic worker
ang napupunta sa maayos na trabaho pero marami rin ang nahaharap sa ibat-
ibang uri ng pang-aabuso tulad ng hindi pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa
bahay ng kanilang amo, hindi pagkain, sobrang trabaho, at ilang kaso ng
matinding psychological, pisikal, at sekswal na pang aabuso.

Migration Rate ng Iba’t ibang Bansa

Ayon sa ulat ng United Nations sa taong 2019, ang mga sumusunod ay ang
mga nangungunang bansa batay sa dami ng emigrants at immigrants.

Immigrants- tawag sa mga migrants sa pinuntahang bansa


Emigrants- tawag sa mga migrants sa iniwang bansa

2
Mga Gawain:

Gawain 1: Datos: Ipaliwanag Mo!

Panuto: Batay sa datos na nasa talangguhit, sagutan ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano-anong bansa ang may mataas na bahagdan ng emigrants? Sa iyong


palagay, bakit mataas ang bahagdan ng mga emigrants dito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano-anong bansa naman ang may mataas na bahagdan ng immigrants? Sa


iyong palagay, bakit mataas ang bahagdan ng mga immigrants dito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Magbigay ng mga salik o dahilang nakaiimpluwensya sa mga manggagawa


sa pagpili ng bansang kanilang pupuntahan at pangatuwiran ito.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
Gawain 2: Ano ang Hinuha Mo?

Panuto: Batay sa binasang teksto na positibo at negatibong epekto ng migrasyon,


ibigay ang iyong sariling paghihinuha sa mga sumusunod na katanungan. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang positibo at negatibong epektong migrasyon dulot ng


globalisasyon? Sa iyong palagay, sa anong paraan maiiwasan ang
negatibong epekto ng migrasyon?

Positibong Epekto ng Negatibong Epekto ng


Migrasyon Migrasyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Para sa akin, maiiwasan ang negatibong epekto ng migrasyon sa


pamamagitan ng _________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano mapipigilan ang pagdagsa ng mga kababayan nating Pilipino na


pumupunta sa ibang lungsod o bansa upang doon maghanapbuhay?
Magbigay ng iyong sariling mungkahing solusyon.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain 3: Sulat-tula

Panuto: Gumawa ng isang malayang taludturan na tula tungkol sa positibong


epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Maaari mong ilahad sa tula ang
sariling karanasan ukol dito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

4
Batayan sa Pagmamarka/Rubrik:

Rubrik sa Gawain 1, 2, at Konseptong Natutunan:

Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi Puntos


(5) Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang
(4) Inaasahan Inaasahan
(3) (2)
Nilalaman Naglalaman ng Naglalaman ng Naglalaman ng Kulang ang
komprehensibo, tama at mga tamang ipinapakitang
tama at kalidad na kalidad na ideya at mga ideya at
mga ideya at mga ideya at impormasyon impormasyon

impormasyon impormasyon
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata May Hindi
bawat talata dahil ay may sapat kakulangan sa nadebelop
sa husay na na detalye detalye ang mga
pagpapaliwanag at pangunahing
pagtalakay tungkol ideya
sa paksa.
Organisayon Detalyado, maayos Maayos at Madaling Hindi
ng mga Ideya at madaling madaling maintindihan gaanong
maintindihan ang maintindihan ang maintindihan
pagsasalaysay ng ang pagsasalaysay ang
ideya. pagsasalaysay ng ideya. pagsasalaysay
ng ideya. ng ideya.

Kabuuan

Rubrik para Gawain 3: Sulat-tula

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Puntos


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan
(10) (7) Inaasahan (1)
(4)
Kaugnayan Napakalinaw, Malinaw, Malinaw, Hindi malinaw at
sa Paksa tumpak at tumpak at tumpak at walang
nakatuon sa nakatuon sa nakatuon sa kaugnayan sa
paksa ang paksa ang paksa ang ibang paksa ang sinulat
lahat ng lahat ng nilalaman ng na tula
nilalaman ng nilalaman ng tula
tula tula
Paggamit ng Gumamit ng Gumamit ng Hindi gaanong Malabo at hindi
Wika at angkop na angkop na gumamit ng angkop ang mga
Mekaniks salita o salita o angkop na salita ginamit na salita
terminolohiya; terminolohiya; o terminolohiya; o terminolohiya
walang mali sa walang kalimitang palaging
balarila, gaanong mali nagkakamali sa nagkakamali sa
baybay at sa balarila, balarila, baybay balarila, baybay
gamit ng baybay at at gamit ng at gamit ng
bantas gamit ng bantas bantas
bantas
Kabuuan

5
Konseptong Natutunan:

Panuto: Sagutan ang katanugan sa paraang pasanaysay. Gumawa ng tatlong


talata ukol dito. Isulat ito sa sagutang papel.

Sa palagay mo, bakit umaalis o patuloy na nangingibang bansa ang mga


Pilipino sa kabila ng pagtitiis na malayo sa kanilang mahal sa buhay? Maaring
maglahad ng karanasan na magpapatunay nito.

Sanggunian:

1. Kontemporaryong Isyu Learning Material (DepEd)


2. De Guzman, Micah Jens. Mga Kontemporaryong Isyu: Mga Hamon ng
Kasalukuyang Panahon. Valenzuela City: JO-ES Publishing House,
Inc.,2020. Page 156-159

Susi sa Pagwawasto:

Maaaring magkaiba-iba ang sagot

Maaaring magkaiba-iba ang sagot

Gawain 1: Datos: Ipaliwanag Mo!


Gawain 2: Ano ang Hinuha Mo?

Maaaring magkaiba-iba ang sagot

Gawain 3: Sulat-tula

Manunulat: JUNEL D. LAPINID


Paaralan: Malapong National High School- Buenavista NHS Annex
Purok: Buenavista District V
email address: junel.lapinid@deped.gov.ph

You might also like