You are on page 1of 5

R EP U B LI C OF T H E P H I LI PP I N E S

D EP A R T M E N T OF E D U C AT I O N
R E G I O N III
S C H OO L S D I VI S I O N O F F I C E OF B A TA A N
BATAAN SCHOOL OF FISHERIES

LESSON PLAN
ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN
Migrasyon

I. Mga Layunin
Sa loob ng 45-minuto ang mga mag-aaral ay:
1. nauunawaan mo ang kahulugan at konsepto ng migrasyon;
2. natatalakay ang iba’t ibang perspektibo ng migrasyon; at
3. napahahalagahan ang mga sakripisyo ng migrante dulot ng globalisasyon.

II. Paksang Nilalaman


Paksa: ARALIN 3: Migrasyon
Nilalaman: Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Sanggunian: MODYUL 2: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA
(Kagawaran ng Edukasyon ) Pahina 220 - 245
Kagamitan: Laptop, Projector, cartolina, ppt.,
Pagpapahalaga: Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning
dulot ng migrasyon.

III. Pamamaraan

A. PANIMULANG GAWAIN
i. Pagbati
ii. Pagaayos ng Silid
iii. Panalangin
iv. Pagtala ng Liban
v. Pagbabalik Aral

Gawain: Anong REACT-syon MO?

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Itaas ang finger heart plakard kung
ang pahayag ay nagpapakita ng positibong kalagayan o sitwasyo at angray face plakard
kung neagatibo naman ang inilalahad ng pahayag.

B. PAGGANYAK
Gawain: Larawang Suri
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba.
Mga gabay na tanong.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Batay sa iyong pagmamasid paano nakaaapekto ang migrasyon sa buhay ng isang
pamilya?
3. Paano makatutulong ang migrasyon sa ekonomiya ng bansa?

C. PAGLALAHAD/PAGTATALAKAY

1. Pagtalakay sa Migrasyon: Konsepto at Konteksto.


2. Pagtalakay sa pagkakaiba ng flow at stockfigures.
3. Pagtalakay sa pangkalahatang obserbasyon ukol sa mga isyu sa
migrasyon
4. Pagtalakay sa mga Isyung Kalakip ng Migrasyon

D. PAGLALAHAT
Gawain: Suri- Realidad
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng video presentation sa aktwal na pag-alis
ng isang magulang patungo sa ibang bansa at mga kalagayang ng pamilya na
naiwan.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Magkakatutulad ba ang naging reaksiyon ng mga anak na ang mga
magulang ay naghahanapbuhay sa ibang bansa?
2. Pinatunayan ba nito na ang isyu ng Migrasyon ay nararanasan ng
maraming Pilipino?
3. Batay sa inyong nakalap na mga impormasyon, higit bang nakabubuti o
nakasasama sa pamilya ang pangingibangbansa ng mga magulang?
4. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa
ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot

a. Paglalapat
Gawain: Approved Ako!
Panuto: Ang mga magaaral ay papangkatin sa apat na grupo. Mula sa
inihandang katanungan ng guro ang bawat pangkat ay magbibigay ng
solusyon o komento sa mga surilanin inilahad.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’
sa mga bansang pinagmumulan nito?
2. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa
ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa Kanlurang Asya?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng
mga manggagawa nito sa ibang bansa?
4. Sa konteksto ng Pilipinas, sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang
mabigyang seguridad ang mga manggagawa nito sa ibang bansa?
Pangatuwiranan

IV. Pagtataya
Gawain:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.
1. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga
mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan

2. Suriin ang pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang


obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito

I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.

A. Globalisasyon ng migrasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Migration transition

3. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga


sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

A. Hanapuhay B. Turismo C. Edukasyon D. Tirahan

4. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante
na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.

B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.

C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya

D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga
ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos.

V. Takdang-Aralin
Gawain: Pagsulat ng Critical Analysis Paper
Upang lubos na makatulong sa pagharap sa hamon sa mga isyung pangekonomiya
ay sumulat ng isang Critical Paper Analysis tungkol sa isyu na may kinalaman sa
migrasyon.
Patnubay sa paggawa ng Critical Analysis Paper

Panimula (Introduction) Maikling pagsasalaysay o paglalahad ng


nilalaman ng Analysis Paper.
Suliraning Pang-ekonomiya Paliwanag sa suliraning pangekonomiyang
susuriin. Ilalahad dito ang salik at dahilan ng
pagusbong ng suliraning ito.
Paglalahad at pagsusuri ng datos Paglalahad at pagsusuri mga datos. Ang mga
(Analysis) datos ay batay sa mga impormasyong nakalap sa
mga gawain ng yunit na ito
Konklusyon (Conclusion) Pagbibigay konklusyon sa mga datos upang
makabuo ng mga pahayag na magiging batayan
ng solusyon.
Solusyon (Solution) Kauukulang solusyon o alternatibo na
makatutugon sa suliranin o hamong
pangekonomiyang sinuri.
Rubric sa pagmamarka ng analysis paper

Eksperto (4) Mahusay (3) Nagsisimula (2) Baguhan (1 )

Kalinawan at Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong


komprehensib analysis paper ay analysis paper ayanalysis paper ay analysis paper
o ng ideya lubos na na hindi malinaw ay walang
nakapagpahayag nakapagpahayag na nakapagpaha naipahayag na
ng malinaw at ng malinaw na -yag ng malinaw ideya at
komprehensibon ideya at na ideya at konsepto na
g ideya at konsepto na konsepto na magdadala
konsepto na nagdala ng magdadala sana sana sa
nagdala ng pagkaunawa sa sa pagkaunawa pagkaunawa
pagkaunawa sa bumabasa nito. sa bumabasa sa bumabasa
bumabasa nito. nito. nito.
Paglalahad at Maayos at Maayos na Nakapaglahad ng Walang
pagsusuri ng sistematikong nailahad ang mga datos at nailahad na
datos nailahad ang mga kaugnay impormasyon datos at
kaugnay (relevant) na tungkol sa impormasyon
(relevant) na datos at paksang sinuri. tungkol sa
datos at impormasyon paksang
impormasyon tungkol sa sinuri.
tungkol sa paksang sinuri.
paksang sinuri.
Komprehen Komprehensibo Komprehensibo Nakabuo ng Walang
sibo at lohikal at lohikal ang ang nabuong konklusyon. konklusyong
na konklusyon nabuong konklusyon. nabuo.
konklusyon.
Kaakmaan at Nakapagmungka Nakapagmungka Nakapagmungka Walang
kalinawan ng hi ng akma at hi ng akmang hi ng solusyon naimungkahin
solusyon malinaw na solusyon sa sa isyung sinuri. g solusyon.
solusyon sa isyung sinuri.
isyung sinuri.

Inihanda ni: Checked by:

JOCELYN D. ROXAS ROSALINDA S. PASCUA

Teacher II Head Teacher VI- RSD

You might also like