You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin

Sa Araling Panlipunan
Ikasampung-Baitang
I. Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga perspektibo at pananaw tungkol sa migrasyon;
B. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa gampanin ng kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan; at
C. Nakagagawa ng bubble map tungkol sa perspektibo at pananaw sa migrasyon.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
B. Saggunian: Araling Panlipunan Learner’s Material
C. Estratihiya: Discussion/Lecture Method
D. Kagamitan: Powerpoint presentation at Laptop.
E. Pagpapahalaga:

Napapahalagahan ang gampanin ng kababaihan sa lipunan.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

Magandang umaga, klas!


Magandang umaga rin po, Guro.
Bago kayo umupo ay siguraduhing
nakalinya ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat.
(Aayusin ang upuan)
Sekretarya ng klase, may lumiban ba sa
araw na ito?
Wala po, Guro.
Mabuti sapagkat lahat ay matututo
ngayong araw na ito.

2. Balik-Aral
Bago tayo magsimula, sino ang
makapagbibigay sa akin kung ano ang
inyong naging talakayan noong nakaraan?

Maaari mo bang subukan _____?


Tungkol po sa kalagayan ng mga
manggagawa sa iba’t ibang sektor, Guro.
Mahusay!

3. Motibasyon
Klas, magkakaroon tayo ng gawain at
pinamagatan itong 4 pics and 1 word.
Magpapakita ako ng larawan at huhulaan
ninyo kung ano ang pinahihiwatig nito.
Maliwanag ba klas?
Opo, Guro.
Maari niyo bang sabihin sa akin kung ano
ang ipinapakita ng larawan?

Subukin mo nga ________.


Migrasyon po, Guro.
Tama! Ipinapakita ng larawan ang tungkol
sa migrasyon.

Para sa ikalawang larawan, sino ang


makapagsasabi sa akin kung ano ito?

Subukin mo nga ________.


Globalisasyon po, Guro.
Mahusay! Ang ikalawang larawan ay
ipinapakita ang Globalisasyon.

Para sa ikatlong larawan, sino ang


makapagsasabi sa akin kung ano ito?

Subukin mo nga ________.


Entrepreneur po, Guro.
Magaling! Batid kong handang-handa na
kayo sa ating talakayan ngayong araw.

3. Paghahawan ng Balakid
Klas, magkakaroon ulit tayo ng gawain at
pinamagatan itong Match Me!

Pakibasa ang panuto klas.


Panuto: Maglabas ng isang buong papel.
Piliin ang tamang kahulugan ng mga
salita na nasa Hanay A mula sa mga
kahulugan na nasa Hanay B. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot.
Maliwanag ba ang panuto, klas?
Opo, Guro.
Bibigyan ko lamang kayo ng dalawang
minuto upang matapos ang gawain.
Maaari na kayong magsimula.
(Hahanapin ng mga mag-aaral ang
tamang kahulugan ng mga salita na nasa
Hanay A mula sa mga kahulugan na nasa
Hanay B.)
Klas, tapos na ang inyong dalawang
minuto. Makipagpalit ng papel sa katabi at
tingnan natin kung tama ang inyong mga
naging kasagutan.
Migrasyon- tumutukoy sa proseso ng
pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa iba pa
maging ito man ay pansamantala o
permanente.
Globalisasyon- proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon
Refugee- isang tao na umalis sa bansa ng
kanyang pagkamamamayan para sa takot
na inuusig dahil sa kanyang lahi,
relihiyon, nasyonalidad, pagiging
miyembro ng ng isang particular na
panlipunang grupo o pampulitikang
opinion.
Tama ba ang inyong mga naging
kasagutan?
Opo, Guro.
Matapos bigyan kahulugan ang mga salita,
inaasahan kong mas maiintindihan ninyo
ang ating magiging talakayan sa araw na
ito.

B. Paglilinang ng Gawain

1. Paglalahad
Klas, magkakaroon tayo ng isang gawain
na tinatawag na Decoding? Pamilyar ba
kayo sa Decoding klas?
Hindi po, Guro.
Simple lamang ang decoding klas, inyong
hahanapin sa talahanayan na nasa T.V.
screen ang kaakibat na letra ng mga
numerong ibibigay ko sa inyo. Maliwanag
ba ang panuto klas?
Opo, Guro.
Kung gayon, i-decode ninyo ang mga
numerong ito 13,9,7,18,1,19,25,15,14,27,
0,16,5,18,19,16,5,11,20,9,2,15,0,1,20,0,16,
1,14,1,14,1,23. Ang unang makakadecode
ng mga numero ay magkakaroon ng
karagdagang dalawang puntos. Maaari na
kayong magsimula.
(Magdedecode ang mga mag-aaral)
Sino ang unang nakadecode ng mga
numero?
Ako po, Guro. At ang nadecode ko po ay
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
Mahusay! At dahil diyan mayroon kang
karagdagang dalawang puntos sa iyong
papel.

2. Pagtatalakay
Klas, sino rito ang may kamag-anak sa
ibang bansa?
Ako po, Guro.
Ano ang trabaho ng iyong kamag-anak sa
ibang bansa?
Siya po ay isang nars, Guro.
Kung isa siyang nars siya ay kabilang sa
mga specialists.

Klas, nandarayuhan ang mga tao bilang


manggagawang manwal, highly qualified
specialists, entrepreneur, refugees o bilang
isang miyembro ng pamilya.

Sa kabila ng masalimuot na daloy ng


migrasyon ay nakapagtala sila ng mga
‘pangkalahatang obserbasyon’. Pakibasa
nga ang una, klas.
1. Globalisasyon ng migrasyon

Tumataas ang bilang ng mga bansang


nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas
puntahan o dayuhin tulad ng Australia,
New Zealand, Canada at United States ay
patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan
ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga
bansang pinagmumulan nito. Malaking
bilang ng mga migrante ay mula sa mga
bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas
dayuhin ang mga bansang nabanggit sa
binasang teksto? Ipahayag ang iyong
saloobin. Maaari mo bang subukin _____?
Madalas dayuhin ang mga bansang
nabanggit sapagkat ang mga bansang ito
ay mauunlad kung kaya’t mataas ang
opurtunidad na makahanap ng
magandang trabaho na may magandang
sweldo at magandang buhay.
Mahusay! Palakpakan natin siya klas.
Pakibasa nga ang ikalawa.
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan
ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig.
Ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit
patuloy ang pagtaas ng pandarayuhan sa
iba’t-ibang rehiyon ng daigdig? Maari mo
bang subukin_____?
Sa tingin ko po Guro ito ay dahil sa
opurtunidad na kayang ibigay ng isang
bansa sa tao na hindi kayang ibigay ng
sarili nitong bansa. Halimbawa, ang
trabaho po Guro. Nandarayuhan ang mga
tao sapagkat walang trabaho sa kanilang
bansa at ito naman ay natatagpuan nila sa
ibang bansa.
Tumpak! Bigyan natin siya ng tatlong
bagsak.

Pakibasa nga ang ikatlo, klas.


3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon

Hindi lamang iisang uri ng migrasyon


ang nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May
mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging
ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay. Bukod sa nabanggit, mayroon
pang tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants. Ang irregular
migrants ay ang mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa
bansang pinuntahan.

Temporary migrants naman ang tawag sa


mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at manirahan
nang may takdang panahon.. Ang ilan sa
halimbawa nito ay mga foreign students
na nag aaral sa bansa at mga negosyante
na maaari lamang manirahan
pansamantala ng anim (6) na buwan.
Samantala, angpermanent migrants ay
mga overseas Filipinos na ang layunin sa
pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng
paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
Klas, magpapakita ako ng talahanayan na
naglalahad ng bilang sa tatlong uri ng
migrasyon ng mga Overseas Filipinos ng
taong 2012-2013.
2012 2013
1.07 1.16
Irregular Migrants
Million Million
4.22 4.21
Temporary Migrants
Million Million
4.93 4.87
Permanent Migrants
Million Million

Batay sa talahanayan, ano ang may


pinakamaraming uri ng migrasyon noong
taong 2012?
Permanent migrants po, Guro.
Mahusay! Ano naman ang may
pinakamaraming uri ng migrasyon noong
taong 2013?
Permanent migrants din po, Guro.
Magaling! Batay sa estadistika, dumarami
ang mga Koreans na pumupunta sa
Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo. Sa
anong uri kaya ng migrasyon sila
nabibilang at bakit?
Temporary migrants po, Guro. Sila po ay
may kaukulang permiso at papeles upang
manirahan nang may takdang panahon..
Halimbawa na nga po niyan ang mga
foreign students na nag aaral sa bansa.

Tama! Palakpakan natin siya, klas.

Pakibasa nga ang ika-apat, klas.


4. Pagturing sa migrasyon bilang
isyung politikal

Malaki ang naging implikasyong


politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping pambansa,
pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal
at maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay naaapektuhan
ng isyu ng migrasyon.

Kaya naman, higit kailanman


kinakailangan ang higit na kooperasyon
at ugnayan sa pagitan ng mga bansang
kasangkot sa usaping ito.
Bakit sa tingin ninyo itinuring bilang
isyung politikal ang migrasyon? Maari mo
bang subukin_________?
Itinuring bilang isyung politikal ang
migrasyon sapagkat may mga
mandarayuhan na may hatid na banta sa
seguridad ng isang bansa. Halimbawa
nito ay ang mga mandarayuhan na may
mga dalang ipinagbabawal na gamot
patungo sa ibang bansa. Ang iba naman
ay may banta ng terrorismo.
Tumpak! Pakibasa nga ang pang-lima,
klas.
5. Paglaganap ng ‘migration transition’

Ang migration transition ay nagaganap


kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t
ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland,
Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Republic at Turkey.
Kailan nagaganap ang migration
transition, klas?
Ito po ay nagaganap kapag ang
nakasanayang bansang pinagmumulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa
at refugees mula sa iba’t ibang bansa..
Mahusay! Pakibasa nga ang pang-anim,
klas?
6. Peminisasyon ng migrasyon

Malaki ang ginagampanan ng


kababaihan sa usaping migrasyon sa
kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang
labour migration at refugees ay binubuo
halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang
1960, naging kritikal ang ginampanan ng
kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang
kababaihan ng Cape Verdians sa Italy,
Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at
Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
Klas, magpapakita ako ng talahanayan na
naglalahad ng daloy ng migrasyon ng mga
Pilipino batay sa kasarian mula 2005
hanggang 2014.
Year Male Female Total Sex/Ratio
2005 27,333 41,695 69,028 65M/100F
2006 32,259 50,708 82,967 64M/100F
2007 30,877 49,722 80,599 62M/100F
2008 27,839 42,961 70,800 65M/100F
2009 31,793 47,925 79,718 66M/100F
2010 36,287 49,788 86,075 73M/100F
2011 34,563 48,847 83,410 71M/100F
2012 34,076 49,564 83,640 69M/100F
2013 31,288 46,940 78,228 67M/100F
2014 32,368 48,321 80,689 67M/100F
TOTAL 318,683 476,471 795,154 67M/100F
Annual
31,868 47,647 79,515 67M/100F
Average

Batay sa talahanayan, anong taon


mayroong pinakamaraming babaeng
umalis ng bansa?
2006 po, Guro sapgakat mayroong
50,708 pong babae ang umalis.
Magaling! Anong taon naman mayroong
pinakaunti ang babaeng umalis sa bansa?
2005 po, Guro sapagkat mayroong
41, 695 lamang ang babaeng umalis.
Mahusay! Anong taon naman mayroong
pinakamaraming lalake ang umalis sa
bansa?
2010 po, Guro at mayroon pong 36,287
na lalake ang umalis sa bansa.
Tama! Anong taon naman mayroong
pinakakaunti ang lalake na umalis sa
bansa?
2005 po, Guro at mayroong 27,333 na
lalake ang umalis sa bansa.
Tumpak! Napakagaling niyo klas.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Upang malaman ko kung gaano kalalim
ang inyong pagintindi sa ating paksa,
magtatanong ako.

Ano ang anim na pangkalahatang


obserbasyon tungkol sa migrasyon?
Globalisasyon ng migrasyon, Mabilisang
paglaki ng migrasyon, Pagkakaiba-iba
ng uri ng migrasyon, Pagturing sa
migrasyon bilang isyung political,
Paglaganap ng ‘migration transition’, at
Peminisasyon ng migrasyon po, Guro.
Magaling! Ano ang irregular migrants,
klas?
Ang irregular migrants ay ang mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang pinuntahan po,
Guro.
Mahusay! Ano naman ang temporary
migrants, klas?
Temporary migrants naman ang tawag sa
mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at manirahan
nang may takdang panahon po, Guro.
Tama! Ano ang permanent migrants, klas?
Ang permanent migrants ay mga
overseas Filipinos na ang layunin sa
pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng
paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship po,
Guro.
Tumpak! Kailan naman nagaganap ang
migration transition, klas? Maari mo bang
subukin _____?
Ang migration transition ay nagaganap
po, Guro kapag ang nakasanayang
bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula
sa iba’t ibang bansa.
Mahusay! Napakagaling niyo klas, batid
kong marami kayong natutunan sa araw na
ito. Palakpakan ang inyong mga sarili.

2. Pagpapahalaga
Nabanggit sa ating pagtatalakay kanina na
sa kasalukuyan ay mas maraming mga
babae na ang nangingibang bansa, kung
ang iyong ina ang mangingibang-bansa,
papayag ka ba? At bakit? O kung nasa
ibang bansa ang iyong ina, ayos lang ba sa
iyo, na nandoon siya?
Hindi po ako papayag Guro na
mangibang bansa ang aing ina sapagkat
mas maganda kung nasa aking tabi ang
aking ina at ginagabayan ako at
inaalagaan.
Maraming salamat sa pagbabahagi, kaya
klas kung kapiling ninyo ang inyong ina at
nasa tabi niyo siya, maswerte kayo
sapagkat marami ang mga kabataan
ngayon ang lumalaki na walang gabay ng
kanilang ina sapagkat sila ay nasa ibang
bansa at naghahanapbuhay para sa inyong
kinabukasan. Maliwanag ba klas?
Opo, Guro.
IV. Ebalwasyon

Batid kong marami kayong natutunan sa


araw na ito. At dahil diyan, bibigyan ko
kayo ng isang pagsusulit. Maglabas ng
isang buong papel. Maari niyo bang
basahin ang panuto, klas.
Panuto: Punan ang anim na
pangkalahatang obserbasyon ukol sa
migrasyon sa pamamagitan ng bubble
map.
Maliwanag ba ang panuto, klas?
Opo,Guro.
Maaari na kayong magsimula.

Pangkalahatang
obserbasyon
Tapos na ba, klas?
Opo, Guro.
Kung gayon, pakipasa ang papel sa
harapan ng tahimik.

V. Kasunduan
Klas, may katanungan pa ba kayo? Kung
gayon, kopyahin niyo na ang inyong
gagawin. Pakibasa nga, klas.
Basahin ang pahina 232-235 ng inyong
Learner’s Material at ang paksa ay Mga
Isyung Kalakip ng Migrasyon.
Kung wala ng katanungan paalam, klas!

Approach: Direct/ Teacher-Centered Approach- is teacher/centered/controlled; teachers transmit


information directly to the learner.
Method: Lecture Method: Lecture is a teaching procedure for clarifying or explaining a major
idea cast in the form of question or problem (Bossing). This is very effective when the lecturer
has the information or materials which pupils do not have; thus, imparts information and
develops critical thinking, largely by the use of the verbal message, with minimal class
participation. This is also considered as the most authoritative method of teaching.
Strategy: Socratic- question and answer used by Socrates. It can be used at any grade level and
with all subject areas, and lessons can be adapted to fit a changing society.

You might also like