You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY


SOUTH LA UNION CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union
Sample Format/Content of a Lesson Plan
Name of Teacher:Jaquelyn M.Naoe Date:April 21,2021
Subject:Integrative Method of Teaching Social Studies in Basic Education Schedule : MF
Grade & Section: Bse ss 3-5b

I.Layunin: Pagkatapos ng apatnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
 Natutukoy ang kahulugan at iba’t ibang uri ng Migrasyon.
 Nasusuri ng may katalinuhan ang mga dahilan at epekto ng Migrasyon.
 Naipapahayag ang mga saloobin patungkol sa Migrasyon sa pamamagitan ng
repleksyong papel.
Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Migrasyon
II. NILALAMAN:
A. Paksa:“Migrasyon:Kahulugan,Dahilan at Epekto ng Migrasyon”
B. SANGUNIAN: E-Book:
Department of Education.”Araling Panlipunan mga dahilan at epekto ng Migrasyon.
Unang Edisyon, 2020.
Websites:
Retrieved from
https://asnhs.net/images/modules/grade10/AralingPanlipunan/PDF//AP10_Q2_Mod3_Mg
a-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL__revised.pdf .26,April 2021
Websites
April 21,2021 Txausdeux.”Migrasyon: Pag-asa nga bang maituturing sa mga  Pilipino?
Retrieved from https://txausdeuxepektongmigrasyon.wordpress.com/

KAGAMITANG PANTURO: Graphic Organizers, pictures at Blackboard


III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid aralan
 Paglilista ng mga lumiban
B. Pagbabalik Aral
Magbalik aral patungkol sa nakaraang aralin patungkol sa issue ng mga
manggagawa.
Magsasagawa ng palabunutan gamit ang kahon na naglalaman ng pangalan
ng mga mag-aaral.Ang mabubunot na pangalan ang siyang sasagot sa
katanungan.
Ang mga mag-aaral aykukuha ng tig-isang salita sa sisidlan at sasagutin ang
mga sumusunod.
1. Paano mo maiuugnay ang salitang iyong napili sa isyu ng mga
mangagawa?
2. Sa papaanong paraan ito nagiging suliranin ng mga mangagagwa?
3. Ano ang isyu ng mga manggagawa sa sektor na iyong napili?
Pagganyak
Para sa paunang Gawain,hahatiin ang klase sa dalawang grupo.Ang bawat grupo ay
magpapaligsahan sa pagbuo at pag -sasaayos ng mga salita sa nararapat nitong
ayos.Ang unang grupo na maraming mabubuong salita ay siyang mananalo sa laro.

Gawain:”Jumbled Words”
Mga salitang dapat buuin

R A S M I G Y O N
E E E F R G U
I N K A B K N U S A N
L I P A T G A P
R A B I N N A R D I
B A H O R A T
G A P - S I L A
Y A M I L A P
E P R A
O R A B A
G A N G A M G A W A
T I G A P S I I T

C.
a.Paglalahad:
Katanungan sa mga mag-aaral
 Pagkatapos ng pagganyak na Gawain,Ano sa inyong palagay ang magiging
sentro ng ating talakayan?Ano ang ugnayan ng ating Gawain sa ating
magiging paksa sa araw na ito?
Ilalahad ang paksang tatalakayin: :
 “Migrasyon:Kahulugan,Dahilan at Epekto ng Migrasyon”
b.Pagtatalakay
Bilang pag-uugnay sa talakayan:
Ang mga mag-aaral ay maglalahad ng tig-isang salita base sa mga napiling
salita sa pagganyak na Gawain. Hihimukin ang mga mag-aaral na bumuo ng
kanilang sariling kahulugan ng Migrasyon sa pamamagitan ng mga salita na
kanilang nabanggit upang makabuo ng sariling kahulugan ng Migrasyon maari
silang magdagdag ng iba pang salita o pangungusap.

Kahulugan at konsepto ng migrasyon


Bibigyang kahulugan at ipapaliwanag ang konsepto ng Migrasyon
Pagtatalakay sa uri ng Migrasyon gami ang Ilustrasyon ng Mapa ng Pilipinas at
Mapa ng Mundo
o Bilang aktibong partisipasyon,hihikayating magbahagi ng lugar na
kanilang gustong pagbakasyunan at pagtrabahuan gamit ang dalawang
illustrasyon
o Matapos,hihimukin ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang
obserbasyon sa pagkakaiba ng paggalaw o pag-alis base sa nagging
ilustrasyon
Ipapaliwanag ang pagkakaiba ng uri ng migrasyon
Ipapaliwanag ang iba pang konsept na nakapaloob sa migrasyon gamit ang
graphic organizer
KAHULUGAN
NG
MIGRASYON
Katanungan para sa Aktibong Talakayan
Salik ng Migrasyon
o Ano ang mga negatibong bagay na nag-uudyok sayo para lisanin
ang iyong bayan?
o Ano ang mga positibong bagay na nag-uudyok sayo para pumunta
ka ssa ibang bayan?
Uri ng Migrante
o Sino-Sino ang may mga kapatid o kakilala na naninirahan o
namamalagi sa ibang bansa?Magbahagi.
o Ano ang buhay ng mga irregular na migrante?San mo ito nalaman?
Magbahagi
Para sa talakayan sa Dahilan ng Migrasyon
o Hihikayatin ang mga mag-aaral na Ipaliwanag ang pagkakaiba ng
Dalawang salik ng migrasyon
o Ang mga mag-aaral ay inaasahang tukuyin kong anong angkop na salik
ng Migrasyon ang pinapakita ng larawan.
Ipapaliwanag ang Epekto ng Migrasyon gamit ang graphic organizer
c. Paglalahat/pagbubuod
Swot Analysis Chart Presentation
Gawain: Matapos ang masusing talakayan sa Dahilan at Epekto ng Migrasyon,ang mga
mag-aaral ay may layuning masuri ang mga epekto ng migrasyon sa pamamamgitan ng
pagbabasa at pagsusuri ng isang artikulong tumatalakay sa epekto ng migrasyon.Ang datos
o impormasyon na kanilang nakalap ay iprepresenta sa pamamagitan ng Swot Analysis
chart.Article:Txausdeux.”Migrasyon: Pag-asa nga bang maituturing sa mga Pilipino?
Retrieved from https://txausdeuxepektongmigrasyon.wordpress.com/

1. Hahatiin ang klase sa tatlong grupo


2. Babasahin ng mga mag-aaral ang isang artikulo sa loob ng 3 minuto at
3 minuto naman sa paggawa ng kanilang Swot Analysis chart
3. Ibabahagi ng mga mag –aaral ang kanilang Swot Anlysis chart sa loob
ng 3 minuto.
4. Maaaring gamitin ang anumang mga kagamitan sa paggawa ng swot
analysis chart
Mga dapat suriin:
o Mga dahilan bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino.
o Mga epekto ng pangingibang bansa ng mga Pilipino.
o Itatala lamang sa loob ng Swot Analysis chart ang mga Epekto ng
pangingibang bansa ng mga Pilipino.
o Ibabahagi lamang sa klase ang mga naitalang dahilan ng pangingibang
bansa ng mga Pilipino
Mabuting aspekto(Strength) Negatibong aspekto(Weaknesses)

Opportunidad(Opportunity) Panganib o banta(Threats)

d. Paglalapat
Bilang paglalapat ang mga mag-aaral ay inaatasang gumawa ng isang
repleksyong papel base sa nabasang artikulo
Pamprosesong tanong
o Ano ang iyong saloobin patungkol sa artikulong nabasa?Tunay nga bang ang
migrasyon ay pag-asa ng mga Pilipino?
o Bilang isang Mag-aaral ano ang iyong maimumungkahi sa pamahalaan upang
maiwasan ang pangingibang bansa ng mga Pilipino?

e. Ebalwasyon
Maikling Pagsusulit:
Panuto:Basahin mabuti ang bawat katanungan.Piliin lamang ang titik ng tamang sagot

1.Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal


patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
a.Ransportasyon b.Migrasyon c.Globalisasyon d.Refugee
2.Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon
a.Stockfigures b.Inflow c.Rate d. Flow
3.Ito ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan
a.Flow b. Inflow c.Stock
d.Outflow
4.Tawag sa tao na umalis sa bansa ng kanyang pagkamamamayan dahil sa takot ng
panguusig dahil sa kanyang / kanyang lahi, relihiyon, nasyonalidad, pagiging miyembro ng
isang partikular na panlipunang grupo o pampulitikang opinyon
a.Refugee b.Expatriate c.OFW d.Persona non grata
5.Nagbalik bayan si Ana sapagkat natapos na nito ang tatlong taong kontrata nito sa sa
Dubai.Sa iyong palagay anong urio ng migrante si Ana?
a.Refugee B.Temporary c.Irregular D.Permanent

II.Enumerasyon.Magtala ng mga sumusunod:


3 dahilan ng Migrasyon
2 Epekto ng Migrasyon
4.Takdang aralin
Magsaliksik kung ano ba ang Perspektibo at pananaw ng Migrasyon.Gamit ang
sariling pananalita,ipaliwanag kung aano ang kahulugan ng bawat pananaw na ito

You might also like