You are on page 1of 3

University of San Agustin

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Sambag, Jaro, Iloilo City
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
Plano ng Pagkatuto sa Araling Panlipunan (Kontemporaryong Isyu)

Guro: Mrs. Nesell Oribe Petsa: Oktubre 11-15, 2021


I. Inaasahang Bunga 1. nalalaman ang konsepto ng migrasyon

2. natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon sa


loob at labas ng bansa

3. naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa


aspektong panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan

4. naiuugnay ang dahilan at epekto ng migrasyon


sa pag-usbong ng globalisasyon
II. Paksang Aralin Mga Isyu sa Migrasyon

Kagamitang Pangturo Powerpoint, Module, video, Frayer Model (graphic


organizer), Timbangan,
Sanggunian Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah de Guzman,
JO-ES Publishing House, Inc., 2017
Mga Kontemporaryng Isyu nina Francisco et.al, The
Library Publishing House, Inc., 2015
Mga Kontemporaryong Isyu nina Lopez, et.al,
Salesiana Books by Don Bosco Press, Inc., 2015
Taong mapagkunan ng Impormasyon OFW, manggagawa

Pagsanib ng Asignatura Filipino – magsusulat ng isang tulang Haiku.

Multiple Intelligence Interpersonal – dito maintindihan ng mga mag-aaral ang


dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino.
Pagpapahalagang Agustino Debosyon sa pag-aaral – – sa pamamagitan nito
napapaunlad ng mag-aaral at naipapahayag ang
damdamin tungkol sa mga dahilan ng migrasyon ng
Pilipino.
III. Gawain sa Pagkatuto
Pagdarasal
Pagbati
Mga Paalala
INTRODUKSIYON
 Pagbabalik –aral: Paano makakatulong ang pamahalaan at ang mga mamamayan sa mga
isyu at hamon sa sektor ng paggawa dulot ng globalisasyon?

 Online Quiz (gamit ang app na Kahoot) upang malaman ang pag-unawa ng mga mag-
aaral sa nakaraang aralin.

 Ipapaalam sa mga mag-aaral ang tiyak na layunin ng bagong aralin.

 Itanong sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong: Ano ang epekto ng migrasyon sa
Pilipinas?
INTERAKSIYON
 Magpakita sa mga mag-aaral ng video clips tungkol sa mga dahilan ng migrasyon.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga video clips?
2. Ano ang kaugnayan ng mga video clips sa aralin natin ngayon?
3. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong makapanirahan sa ibang bansa, pipiliin
mo bang umalis ng Pilipinas? Bakit?
4. Sa iyong palagay, bakit kaya may mga Pilipinong ninais na manirahan sa ibang
bansa?
5. May epekto ba sa Pilipinas ang pandarayuhan ng mga Pilipino sa ibang bansa? Bakit?
 Gamitin ang Frayer Model na graphic organizer upang maunawaan ang kahulugan ng
Migrasyon. (Think –Pair-Share). Ibahagi sa klase ang ginawa. Talakayin ang tungkol sa
migrasyon.

 Cause and Effect Organizer


Kahulugan Kaugnay na Pangyayari .
Migrasyon

Halimbawa Hindi Halimbawa

Ipapaliwanag ng bawat magakapareha ang binuong graphic organizer na magpapakita ng


mga sanhi at bunga ng migrasyon ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Pagkatapos
ng takdang oras, pagsama-samahin ang tatlo o apat na magkapareha upang makabuo ng
maliliit na pangkat na may anim hanggang walong miyembro. Ibabahagi ng bawat
magkapareha ang kanilang binuong graphic organizer. Sila ay magtatanong at
magbibigay komento tungkol sa mga sagot ng kanilang mga kamag-aral.
INTEGRASYON
 Timbangan ng Katarungan. Isusulat ng mga mag-aaral sa magkabilang bahagi ng
timbangan ang mabuti at hindi mabuting epekto ng migrasyon.Susuriin kung aling bahagi
ng timbangan ang mabigat.

 Collaborative Writing/Talk. Ipangkat ang mga mag-aaral sa tatlong grupo at


ipaliliwanag ang epekto ng migrasyon larangan ng panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan. Ibabahagi sa pag-uulat ang positibo at negatibong epekto ng migrasyon
at ang kaugnayan nito sa globalisasyon.
Larangan o Positibong Negatibong Kaugnayan ng Solusyon sa
Aspekto Epekto Epekto dahilan at Suliranin ng
epekto ng Migrasyon
migrasyon sa
Globalisasyon
Panlipunan
Pampolitika
Pangkabuhayan
 Ipabuo ang mga pangungusap:
Ang pinakamatinding sanhi ng migrasyon ng mga Pilipino ay _______________.
Ang pinakamalalang epekto ng migrasyon ng mga Pilipino ay __________________.
 Muling itanong sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong: Ano ang epekto ng
migrasyon sa Pilipinas? Paano maiiwasan ang negatibong epekto ng migrasyon?
Bakit sa kabila ng nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay ninanais pa
rin ng mga ito na magtrabaho sa ibang bansa? Paano tinitugunan ng pamahalaan
ang pang-aabusong nararanasan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa?
 Poems. Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng isang Haiku – isang tula na may tatlong
taludtod na binubuo ng labimpitong pantig – upang mailahad ang kanilang natutunan sa
klase.

 Bilang paglalahat, tapusin ang pangungusap gamit ang mga isinulat sa timbangan.
Ang migrasyon ay (nakabubuti/hindi nakabubuti) dahil
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
kaya dapat na __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

IV. Ebalwasyon
Antas ng Pagtataya

Kaalaman Maikling pagsusulit


Proseso Paggawa ng concept map
Pag-unawa
Produkto/Pagganap Pag-uulat tungkol sa epekto ng Migrasyon sa
Pampulitika, Panlipunan at Pangkabuhayang Aspekto.
Takdang-Aralin/Pagpapalawak
Magsaliksik tungkol sa pinakabagong datos tungkol sa
kawalan ng trabaho sa Pilipinas.

V. Puna

Prepared by: Checked by:

NESELL D. ORIBE
Field Study – Resource Teacher

You might also like