You are on page 1of 6

Davao de Oro State College

New Bataan Branch


New Bataan, Davao de Oro

Semi-Detailed Lesson Plan for


Final Demo-Teaching

SSED 27 – Production of Social Studies Instructional Materials

Prepared by:
April Joy M. Pulido
BSED Social Studies 3A
Davao de Oro State College
New Bataan Branch
Purok 1 Cabinuangan, New Bataan, Davao de Oro
Taon ng Paaralan 2022-2023
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X
Unang Markahan
Disyembre 01, 2022

I. Mga layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang konsepto at saklaw ng globalisasyon;
b. naiuugnay ang iba’t-ibang pananaw at perspektibo ng globalisasyon; at
c. nakapagbibigay ng solusyon sa mga dahilan sa mabagal na pag-usad
ng globalisasyon upang tumugon bilang isa ito sa mga isyung
panlipunan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Globalisasyon: Konsepto at
Perspektibo
B. Sanggunian : *Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon, Batayang Aklat IV.
2012. pp. 420-421
*Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat III. 2012. pp.
398-399
C. Kagamitan : Visual Aids, Telepono at 3D
Model
D. Kodegong Numero : AP10IPE-Ig-17
E. Pamantayang Nilalaman : Sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung
pang-ekonomiya tungo sa
pagkamit ng pambansang
kaunlaran.
F. Pamantayan sa Pagganap : Nakakabuo ng programang
pangkabuhayan (livelihood
program) batay sa mga
pinagkukunang yaman na
matatagpuan sa pamayanan
upang makatulong sa paglutas
sa mga suliraning
pangkabuhayan ng mga
mamamayan.
G. Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang konsepto
ng globalisasyon.
H. Pokus sa Halaga : Pagkaunawain, Kakayahang
tumugon at Responsable
I. Pinagsamang ng Kurikulum : ESP – Nabibigyang halaga
ang mga ibinigay na gawain at
napaiiral ang mga natutunan
sa totoong buhay.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtali ng lumiban sa klase
4. Pagsasaayos ng silid aralan
5. Pagsusuri

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Ang mag-aaral ay pipili ng isang letrato na may kaugnayan sa
konsepto ng globalisyon mula sa isang 3D model. Ang letratong napili
ay kailangang ilarawan at ipaliwanag ng mag-aaral sa harap ng kanyang
kapwa mag-aaral.
2. Pagsusuri
1. Batay sa gawain, anong konsepto ang maiuugnay sa mga
larawan at mga paliwanag?
2. Ano sa tingin ninyo ang paksang tatalakayin natin ngayong
araw?

3. Paghahalaw
• Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t- ibang panig ng
daigdig (Ritzer, 2011).
• Proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa o samahang pandaigdigan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon.
• May mga pangyayaring nakakapagpabagal ng proseso
Mga Perspektibo ng Globalisasyon
Una, ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. – Nayan
Chanda (2007)
Pangalawa, ang globalisayon ay isang mahabang siklo ng pagbabago.
– Scholte (2005)
Pangatlo, ang globalisayon ay may anim (6) na “wave” o epoch o
panahon. – Therborn (2005)
1. Ika-4 na siglo hanggang ika-5 siglo
- Globalisasyon ng Relihiyon
2. Huling bahagi ng ika-5 siglo
- Pananakop ng mga Europeo
3. Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-
19 na siglo
- Digmaam sa pagitan ng mga bansa sa Europa
4. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
- Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
5. Post-World War II
- Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersa ng
ideolohikal
6. Post-Cold War
- Pananaig ng Kapitalismo bilang sistemang pang-
ekonomiya
Pang-apat, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa kasaysayan.
Panglima, ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan
ng ika-20 siglo.

4. Paglalapat
Pinoy Henyo!
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dalawang pangkat. Bawat
pangkat ay dapat may dalawang kalahok sa palaro. Ang isang kalahok
ang siyang huhula kung ano ang salitang nakalagay sa kanyang nuo
habang ang pangalawang kalahok ang siya namang magsasabi kung
wasto ba ang hula. Kapag ito ay nahulaan na, ilalagay ng kalahok ang
papel sa larawang angkop na nasa pisara. Ang bawat miyembro naman
ay salitan sa paglarawan at pagpapaliwanag sa bawat tamang sagot o
hula. Kung ano ang kinalaman ng larawan at mga salita sa paksang
tinalakay. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang bawat pangkat upang
maglaro.
• 2020 COVID-19 Pandemic • Inflation
• Russia and Ukraine War • Refugees
• Human Trafficking • Food Insecurity
• International Terrorism • Unemployment

IV. Pagtatasa
Sa isang buong papel, gumawa ng isang mapa ng konsepto na
nagpapaliwanag ng proseso ng pagdaloy o paggalaw ng globalisasyon.

Takdang Aralin:
Sa isang buong papel, gumawa ng isang tsart ng talahayan at itali ang
mga institusyon na gaganap sa proseso ng globalisasyon, sa kabilang hanay
naman ay isulat ang gampanin ng bawat institusyon sa proseso ng
globalisasyon.
Pamantayan 10-8 7-4 3-1
Organisayon ng mga Mahusay ang May naipakitang Hindi masyadong
Ideya pagkakasunod- debelopment sa organisado ang
sunod ng mga pagbuo ng mga pagkakalahad ng
ideya gamit ang ideya. bawat ideya.
mga transisyunal
na pantulong
upang may
kalinawan sa mga
ideya.
Nilalaman ng Detalye Lohikal at May sapat na May kakulangan
makabuluhan ang kahulugan sa sa pangunahing
detalye upang paghayag ng ideya at sa
maipahayag ang bawat ideya. paghayag ng
ideya. detalye.
Mekaniks at Gamit Wasto lahat ang Halos tama ang Mali ang
paggamit ng mga paggamit ng mga paggamit at
bantas at walang bantas at ang pagkakalagay ng
pagkakamali sa estruktura ng mga mga bantas at
estruktura ng mga pangungusap. hindi maayos ang
pangungusap. estruktura ng
mga
pangungusap.
Kabuuang Marka

You might also like