You are on page 1of 9

PAARALAN Lagro High School BAITANG AT PANGKAT 8-Apricot

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA Adrian Maverick A. Ikaapat na


PANGALAN NG GURO MARKAHAN
PAGTUTURO Sarte Markahan
ASIGNATURA Kasaysayan ng Daigidig PETSA AT ORAS
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa,proyekto sa antas ng komunidad at
bansa na nagsusulong ng rehiyonal at ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig
(Isulat ang Code ng bawat AP8AKD-IVb-2
kasanayan na galing sa learning
module)
D. Pang Araw-araw na Layunin • Masuri ang mga dahilang nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
(Galing sa guro) • Mailahad ang mga mahahalagang kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig
• Bumuo ng isang adbokasya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't ibang panig ng
mundo.
II. NILALAMAN
A. Yunit MODYUL 4: ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANG
SA KASALUKUYAN): MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA
PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA,
PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN
B. Aralin Aralin 1
C. Paksa Unang Digmaang Pandaigdig
D. Pangunahing Tanong Paano ka makakatulong
upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran?
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro A.P. Gabay sa Pagtuturo pp.: 180-182
2. Mga Pahina sa Kagamitan Modyul para sa Mag-aaral pp.: 424-430
Pang-Mag-aaral
● Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al
3. Mga Pahina sa Teksbuk
● Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal na Learning Source
● Laptop
B. Iba pang Kagamitang Panturo ● Websites
● Applications
IV. PAMAMARAAN
Pagkuha ng Liban at Balitaan ukol sa mga nakaraang pangyayari sa ibang panig ng mundo na naging sangkot
A. Panimulang Gawain
sa krisis dulot ng gyera.
Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng
pagpupuno ng wastong letra sa loob ng kahon.

1. Panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa mahinang bansa


IMP___AL__M_
2. Ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito
B. Balik-aral sa nakaraang aralin
K_L__YA__SM_
at/o pagsisimula ng bagong
3. Isang organisadong pagbabago sa lipunan.
aralin
R _ B _ _ U S _ _N
4. Ang malawakang pagbabago patungo sa pagiging isang lipunang industriyal para makamit ang kaunlaran,
pagsulong at kasaganaan sa lipunan.
_ N D _ _ T R _ _ _ L _ S A_ S _ O _
5. Pagmamahal sa bansa isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,wika,
kultura,kasaysayan at pagpapahalaga.
_A_SYO___I_MO
Ang guro ay magbibigay ng bahagyang pagtalakay ukol sa nakaraang aralin at ito ay ihahambing sa bagong
aralin na tatalakayin. Pagkatapos nito ay magprepresenta ng isang larawan upang maihambing ng mga mag-
aaral ang ang nakaraan at sa kasalukuyan.

Dahil sa rebolusyong industriyal na ating tinalakay sa nakaraang aralin, doon ay natutunan natin ang mabilis na
pag usbong ng makinarya at iba pang imbensyon upang mapadali ang buhay ng mga tao. Ngunit sa mga
daang siglo na lumipas sa kasaysayan ng ibat ibang sibilisasyon, may nagbago kaya sa paglipas ng panahon?

Ngayon ay magprepresenta ako ng mga larawan na naging transisyon sa pagusbong ng makabagong


panahon. At inyong ibahagi sa klase kung ano ang inyong ideya ukol sa mga binigay na litrato.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin (Pagganyak)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinaka-ungang napansin mo sa mga larawang ipinakita?
2. May pagkakaiba ba o pagkakahalintulad ang mga litratong iprinisenta?
3. Sa iyong palagay, mayroon bang naging pagbabago sa paglipas ng panahon?
• Masuri ang mga dahilang nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
• Mailahad ang mga mahahalagang kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig
D. Paghahabi sa layunin ng aralin
• Bumuo ng isang adbokasiya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't ibang panig ng
mundo.
Magbibigay ang guro ng link sa klase upang panoorin ang video patungkol sa naganap na “Christmas Truce”
noong Unang Digmaang Pandaigdig. Dito ay mabibigyang pagkakataon ang mga estudyante na magbigay
ng kanilang sariling opinion ukol sa aksyong ginawa ng dalawang pwersang naglalaban sa digmaan.

https://youtu.be/6KHoVBK2EVE
E. Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong
Pamprosesong Tanong:
kasanayan # 1
1. Bakit kaya naisipan ng magkalabang pwersa na pansamantalang itigil ang digmaan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng video na iyong napanood?
3. Kung ikaw ay isa sa mga sundalo sa panahong naganap ang digmaan, ikaw ba ay magtitiwala sa iyong
kalaban tulad ng ginawa nila?

Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa


daigdig. Pagtapos nito ay sisimulan na ng guro ang pagtalakay ng mga naging pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.
F. Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong
Pamprosesong Tanong:
kasanayan # 2
1. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magiging aksyon upang mapanatili ang kapayapaan at
maiwasan ang mga digmaan sa iba't ibang panig ng mundo?
2. Ano ang na dapat isaalang alang para mapanatili ang kapayapaan?
Tama o Mali: Sagutan ang mga sumusunod na pangungusap ng Tama o Mali. Tama kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng totoo, at Mali naman kung ito ay nagsasabi ng di totoo.

________1. Ang pag-angkin sa posisyon ni Archduke Fancis Ferdinand ang naghudyat ng Unang Digmaang
G. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Pandaigdig.
sa Formative Assessment)
________2. Ang Europa ang naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig.

________3. Ang mga bansang Latvia, Estonia,Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania ay naging
malalayang bansa pagtapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
________4. Triple Entente ay ang alyansang binubuo ng bansang Great Britain, France at Russia.

________5. Triple Alliance ay ang alyansang binubuo ng bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy.
Magprepresenta ang Guro ng isang awiting pinamagatang “Imagine” ni John Lennon upang pakinggan ng
nga estudyante. Pagkatapos, suriin ang nilalaman nito at iugnay sa Unang Digmaang Pandaidig upang
masagot ang mga pamprosesong tanong.

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit?


H. Paglalapat ng aralin sa pang
2. Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyong pansin? Bakit?
araw-araw na buhay
3. Paano mo ilalarawan ang isang bagong daigdig batay sa awitin?
4. Sa iyong palagay, posible kayang magkaroon ng tunay na pagkakaisa,
kapayapaan at pagtutulungan ang mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng
pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang bansa?
Magbibigay ang guro ng link sa klase upang tumungo sa Padlet. Dito ay ibabahagi nila ang kanilang ideya ukol
I. Paglalahat ng Aralin
sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng pulitika, ekonomiya, at lipunan.
1. Ito ang pagmamahal sa bansa isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang
relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at pagpapahalaga.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
J. Pagtataya ng Aralin D. Alyansa

2. Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at


pag- unlad ng mga bansang Europeo.

A. Militarismo
B. Nasyonalismo
C. Alyansa
D. Imperyalismo

3. Ito ang tawag sa isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang
programa, paniniwala o pananaw.

A. Militarismo
B. Alyansa
C. Imperyalismo
D. Nasyonalismo

4. Ito ang paraan ng Europe upang mapangalagaan ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagbuo ng
mahuhusay at malaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng
armas.

A. Alyansa
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
D. Imperyalismo

5. Anong taon nagsimulang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?

A. 1896
B. 1914
C. 1903
D. 1623

6. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,
Rusya, at Ottoman

7. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Ekonomiya?

A. Bumaba ang mga bilihin dahil naging masagana ang pamumuhay pagkatapos ng digmaan.
B. Yumaman ng sobra ang mga bansang nanalo at humirap ang mga natalo sa digmaan.
C. Madaming ari-arian ang nasira at naapektuhan ang lahat ng bansang napabilang sa digmaan, ito ay
nagresulta ng kawalan ng bilyong-bilyong dolyar mula sa pagpondo sa digmaan.
D. Nagkaroon ng ideya ang mga tao na magbenta ng mga armas dahil maganda itong pagkakitaan kapag
may digmaan.

8. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Pulitika?

A. Mayroong mga bansa at estado ang naghiwalay ngunit maraming bansa rin ang naging malaya.
B. Naging matagumpay ang paglutas sa isyung pangkapayapaan at tuluyang natahimik ang mga bansang
kasangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig.
C. Nagbago ng pananaw ang Germany at umayon sa ipinataw na parusa para sa kabutihan ng lahat ng
bansa.
D. Itinigil ang pagbuo ng alyansa upang maiwasan ang pagsiklab muli ng panibagong Digmaang Pandaigdig.

9. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Lipunan?

A. Maraming gusali ang ipinatayo upang makapag handa sa maaaring susunod na Digmaan.
B. Madaming tao ang naging masagana ang buhay dahil nalutas ang digmaan ang sigalot ng mga bansa
C. Wala sa nabanggit
D. Milyon-milyong mga tao ang binawian ng buhay sa pakilipaglaban at namatay sa gutom dahil sa nangyaring
digmaan.

10. Ano ang naging magandang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Napag-ayos nito ang mga bansang nagkaroon ng hidwaan.


B. Hindi kailanman nagkaroon ng magandang dulot ang digmaan sa kahit anong aspeto, ito lamang ay
pagdanak ng dugo ng mga inosenteng tao at kawalan sa lahat ng bansang mapabilang dito.
C. Mas mapapalakas ang pwersang sandatahan ng mga bansa.
D. Ito ay nagbibigay oportunidad sa mga negosyante na pumondo para sa mga armas at digmaan dahil
malaki ang kanilang kikitain mula dito.
K. Karagdagang gawain para sa Magpangkat-pangkat at bumuo ng isang adbokasiya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't
takdang aralin o remediation ibang panig ng mundo.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking MT, Head, punong
guro o superbisor?
G. Anong kagamitanng panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa kong
guro?

You might also like