You are on page 1of 8

PAARALAN Lagro High School BAITANG AT PANGKAT 8-Apricot

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA Ikaapat na


PANGALAN NG GURO Adrian Maverick A. Sarte MARKAHAN
PAGTUTURO Markahan
ASIGNATURA Kasaysayan ng Daigidig PETSA AT ORAS
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa,proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng
rehiyonal at ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig
Code ng bawat kasanayan na galing sa AP8AKD-IVb-2
learning module)

D. Pang Araw-araw na Layunin (Galing sa • Masuri ang mga dahilang nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
guro) • Mailahad ang mga mahahalagang kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig
• Bumuo ng isang adbokasya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't ibang panig ng mundo.
II. NILALAMAN
A. Yunit MODYUL 4: ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANG
SA KASALUKUYAN): MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA
PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA,
PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN
B. Aralin Aralin 1
C. Paksa Unang Digmaang Pandaigdig
D. Pangunahing Tanong Paano ka makakatulong
upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran?
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro A.P. Gabay sa Pagtuturo pp.: 180-182
2. Mga Pahina sa Kagamitan Pang-Mag- Modyul para sa Mag-aaral pp.: 424-430
aaral
● Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al
3. Mga Pahina sa Teksbuk
● Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal na Learning Source
● Laptop
B. Iba pang Kagamitang Panturo ● Websites
● Applications
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Pagkuha ng Liban at Balitaan ukol sa mga nakaraang pangyayari sa ibang panig ng mundo na naging sangkot sa krisis dulot ng gyera.
Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa
loob ng kahon.

1. Panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa mahinang bansa


IMP___AL__M_
2. Ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito
K_L__YA__SM_
B. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
3. Isang organisadong pagbabago sa lipunan.
pagsisimula ng bagong aralin
R _ B _ _ U S _ _N
4. Ang malawakang pagbabago patungo sa pagiging isang lipunang industriyal para makamit ang kaunlaran, pagsulong at kasaganaan sa
lipunan.
_ N D _ _ T R _ _ _ L _ S A_ S _ O _
5. Pagmamahal sa bansa isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at
pagpapahalaga.
_A_SYO___I_MO
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ang guro ay magbibigay ng bahagyang pagtalakay ukol sa nakaraang aralin at ito ay ihahambing sa bagong aralin na tatalakayin.
bagong aralin (Pagganyak) Pagkatapos nito ay magprepresenta ng isang larawan upang maihambing ng mga mag-aaral ang ang nakaraan at sa kasalukuyan.

Dahil sa rebolusyong industriyal na ating tinalakay sa nakaraang aralin, doon ay natutunan natin ang mabilis na pag usbong ng
makinarya at iba pang imbensyon upang mapadali ang buhay ng mga tao. Ngunit sa mga daang siglo na lumipas sa kasaysayan ng ibat
ibang sibilisasyon, may nagbago kaya sa paglipas ng panahon?
Ngayon ay magprepresenta ako ng mga larawan na naging transisyon sa pagusbong ng makabagong panahon. At inyong ibahagi sa
klase kung ano ang inyong ideya ukol sa mga binigay na litrato.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinaka-ungang napansin mo sa mga larawang ipinakita?
2. May pagkakaiba ba o pagkakahalintulad ang mga litratong iprinisenta?
3. Sa iyong palagay, mayroon bang naging pagbabago sa paglipas ng panahon?
• Masuri ang mga dahilang nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
D. Paghahabi sa layunin ng aralin • Mailahad ang mga mahahalagang kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig
• Bumuo ng isang adbokasiya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't ibang panig ng mundo.
Magbibigay ang guro ng link sa klase upang panoorin ang video patungkol sa naganap na “Christmas Truce” noong Unang Digmaang
Pandaigdig. Dito ay mabibigyang pagkakataon ang mga estudyante na magbigay ng kanilang sariling opinion ukol sa aksyong ginawa
ng dalawang pwersang naglalaban sa digmaan.

https://youtu.be/6KHoVBK2EVE
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kaya naisipan ng magkalabang pwersa na pansamantalang itigil ang digmaan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng video na iyong napanood?
3. Kung ikaw ay isa sa mga sundalo sa panahong naganap ang digmaan, ikaw ba ay magtitiwala sa iyong kalaban tulad ng ginawa nila?

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Pagtapos nito ay
sisimulan na ng guro ang pagtalakay ng mga naging pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa Unang Digmaang
Pandaigdig.

paglalahad ng bagong kasanayan # 2 Pamprosesong Tanong:


1. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magiging aksyon upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang mga digmaan sa
iba't ibang panig ng mundo?
2. Ano ang na dapat isaalang alang para mapanatili ang kapayapaan?
Tama o Mali: Sagutan ang mga sumusunod na pangungusap ng Tama o Mali. Tama kung ang pangungusap ay nagsasabi ng totoo, at
Mali naman kung ito ay nagsasabi ng di totoo.

________1. Ang pag-angkin sa posisyon ni Archduke Fancis Ferdinand ang naghudyat ng Unang Digmaang Pandaigdig.

________2. Ang Europa ang naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig.


G. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)
________3. Ang mga bansang Latvia, Estonia,Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania ay naging malalayang bansa
pagtapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.

________4. Triple Entente ay ang alyansang binubuo ng bansang Great Britain, France at Russia.

________5. Triple Alliance ay ang alyansang binubuo ng bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy.
Magprepresenta ang Guro ng isang awiting pinamagatang “Imagine” ni John Lennon upang pakinggan ng nga estudyante. Pagkatapos,
suriin ang nilalaman nito at iugnay sa Unang Digmaang Pandaidig upang masagot ang mga pamprosesong tanong.

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit?


H. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw 2. Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyong pansin? Bakit?
na buhay 3. Paano mo ilalarawan ang isang bagong daigdig batay sa awitin?
4. Sa iyong palagay, posible kayang magkaroon ng tunay na pagkakaisa,
kapayapaan at pagtutulungan ang mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng
pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang bansa?
Magbibigay ang guro ng link sa klase upang tumungo sa Padlet. Dito ay ibabahagi nila ang kanilang ideya ukol sa epekto ng Unang
I. Paglalahat ng Aralin
Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng pulitika, ekonomiya, at lipunan.
J. Pagtataya ng Aralin 1. Ito ang pagmamahal sa bansa isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at
pagpapahalaga.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
D. Alyansa

2. Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang
Europeo.

A. Militarismo
B. Nasyonalismo
C. Alyansa
D. Imperyalismo

3. Ito ang tawag sa isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang programa, paniniwala o
pananaw.

A. Militarismo
B. Alyansa
C. Imperyalismo
D. Nasyonalismo

4. Ito ang paraan ng Europe upang mapangalagaan ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagbuo ng mahuhusay at malaking
hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng
armas.

A. Alyansa
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
D. Imperyalismo
5. Anong taon nagsimulang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?

A. 1896
B. 1914
C. 1903
D. 1623

6. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers


B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,
Rusya, at Ottoman

7. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Ekonomiya?

A. Bumaba ang mga bilihin dahil naging masagana ang pamumuhay pagkatapos ng digmaan.
B. Yumaman ng sobra ang mga bansang nanalo at humirap ang mga natalo sa digmaan.
C. Madaming ari-arian ang nasira at naapektuhan ang lahat ng bansang napabilang sa digmaan, ito ay nagresulta ng kawalan ng bilyong-
bilyong dolyar mula sa pagpondo sa digmaan.
D. Nagkaroon ng ideya ang mga tao na magbenta ng mga armas dahil maganda itong pagkakitaan kapag may digmaan.

8. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Pulitika?

A. Mayroong mga bansa at estado ang naghiwalay ngunit maraming bansa rin ang naging malaya.
B. Naging matagumpay ang paglutas sa isyung pangkapayapaan at tuluyang natahimik ang mga bansang kasangkot sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
C. Nagbago ng pananaw ang Germany at umayon sa ipinataw na parusa para sa kabutihan ng lahat ng bansa.
D. Itinigil ang pagbuo ng alyansa upang maiwasan ang pagsiklab muli ng panibagong Digmaang Pandaigdig.
9. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Lipunan?

A. Maraming gusali ang ipinatayo upang makapag handa sa maaaring susunod na Digmaan.
B. Madaming tao ang naging masagana ang buhay dahil nalutas ang digmaan ang sigalot ng mga bansa
C. Wala sa nabanggit
D. Milyon-milyong mga tao ang binawian ng buhay sa pakilipaglaban at namatay sa gutom dahil sa nangyaring digmaan.

10. Ano ang naging magandang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Napag-ayos nito ang mga bansang nagkaroon ng hidwaan.


B. Hindi kailanman nagkaroon ng magandang dulot ang digmaan sa kahit anong aspeto, ito lamang ay pagdanak ng dugo ng mga
inosenteng tao at kawalan sa lahat ng bansang mapabilang dito.
C. Mas mapapalakas ang pwersang sandatahan ng mga bansa.
D. Ito ay nagbibigay oportunidad sa mga negosyante na pumondo para sa mga armas at digmaan dahil malaki ang kanilang kikitain
mula dito.
K. Karagdagang gawain para sa takdang Magpangkat-pangkat at bumuo ng isang adbokasiya na maglalayon ng pagpapanatili ng kapayapaan sa iba't ibang panig ng mundo.
aralin o remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking MT, Head,
punong guro o superbisor?
G. Anong kagamitanng panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa kong guro?

You might also like