You are on page 1of 5

\]

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION V - BICOL
SCHOOLS DIVISION OF LEGAZPI
LEGAZPI CITY SCIENCE HIGH SCHOOL
BITANO, LEGAZPI CITY

Baitang /
Paaralan LEGAZPI CITY SCIENCE HIGH SCHOOL 8
Antas
Gurong Asignatura AP
ANNA MARIE M. MILLENA
Nagsasanay
DETAILED LESSON 7:30 - 8:30 8 – Pasteur
PLAN Petsa / Oras March 4, 2024 Markahan 3
(Masusing Banghay Aralin) (Lunes)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa naging transpormasyon
tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng
paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo
ng pandaigdigang kamalayan.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa


kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

C. MELC Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at


Rebolusyong Industriyal.

Mga tiyak na layunin:

1.Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko.


2.Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko at;
3. Napapahalagahan ang mga naging pamana ng Rebolusyong
Siyentipiko.
II. NILALAMAN REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
III. KAGAMITANG PANGTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral Pahina 342-344

3. Mga Pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo
1. Laptop
2. Slide Deck Presentation
3. TV
IV. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Pagbabalik-aral

Guro: Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan natin ang tungkol sa mga


naging epekto ng unang yugto ng imperyalismo. Tama ba? Mag-aaral 1: Opo.

Guro: Ano-ano nga ulit yung mga naging epekto ng Unang Yugto ng Mag-aaral 1: Mas lumakas po ang kapangyarihan ng mga Europeo at sa panig
Imperyalismo at Kolonisasyon? naman po ng maga sinakop na bansa ay nawalan po sila ng kassarinlan o
Kalayaan na gawin ang mga bagay na nais nila sa kanilang bansa.

B. Pagganyak
Guro: Sa pagsisimula ng ating gawain, nais kong unawain niyo ang quote
na ito.
”All truths are easy to understand once they are discovered; the point is to
discover them.”
Guro: Ang kasabihang ito ay winika ni Galileo Galilei. May ideya ba kayo
kung ano ang ibig ipakahulugan ng kasabihang ito? Kung gayon, punuan
niyo ang pangungusap na ito:

Para sa akin ang quote na ito ni Galileo Galilei ay nangangahulugan


na________. Mag-aaral 2: Para sa akin ang quote na ito ni Galileo ay nangangahulugan na
kailangan lamang nating palawakin ang ating pagtuklas at pag-intindi sa mga
bagay bagay upang lubos nating maunawaan ang katotohanan.

Guro: Magagaling! Maraming salamat sa inyong mga kasagutan. Mag-aaral 3: Para sa akin ang quote na ito ni Galileo ay nangangahulugan na,
Mahalaga nga naman na magkaroon tayo ng sapat na kakayahan upang discovery is the key to understand things better.
tumuklas ng mga bagay upang mas mabilis nating maintindihan ang
katotohanan.Paano nga naman natin maiintindihan ang isang bagay kung
wala tayong effort na alamin o tuklasin ito, hindi ba?

Guro: Ngayon dahil sa nabanggit natin si Galileo Galilei at ang kanyang


winikang kasabihan, ano kaya sa tingin niyo ang ating pag-uusapan?

Mag-aaral 4: Tungkol po siguro sa mga scientists noong unang panahon.

Guro: Ang mga sinabi niyo ay tama, kahit hindi ganoon katugma ay Mag-aaral 5: Sa tingin ko naman po ay tungkol sa mga nadiskubreng teknolohiya
nasasaklaw pa rin siya ng ating paksa sa araw na ito. ng iba’t ibang scientists noon.
Ang pag-aaralan natin ay tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko o ang
tinatawag nating Scientific Revolution.

C. Paglalahad ng mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng Rebolusyong


Siyentipiko.
2. Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko.
3. Napapahalagahan ang mga naging pamana ng Rebolusyong
Siyentipiko.
D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1
Guro: Alamin na natin ngayon ang mga pangyayaring kaugnay ng
Rebolusyong Siyentipiko.

Guro: Ano nga ba ang Rebolusyong Siyentipiko? Pakibasa po ng nasa Mag-aaral 6: Ang Rebolusyong Siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng
slide. pagkakaroon ng mga bagong siyentipikong kaalaman sa pamamagitan ng
sistematikong pag-eksperimento, masusing pagmamasid at pagsasaliksik sa
kalikasan at sa sansinukob.

Alam niyo ba na ang agham o science ay hindi lamang sa panahon ng


Rebolusyong Siyentipiko naimbento? Noon pa man ay ginagamit na ito ng
mga Greek bilang scientia na ang kahulugan ay kaalaman. Pero wala
pang konsepto ng science bilang isang disiplina at wala rin sila noong
tinatawag na mga siyentista.

Guro: Ang ika-16 at ika-17 siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng


Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisisyasat sa
pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
sansinukob. Nagsimula ito kay Nicolaus Copernicus. Sino nga ba itong si Mag-aaral 7: Si Nicolaus Copernicus ay isang iskolar, mathematician at
Copernicus? Pakibasa nga po ng nasa slide. astronomer mula sa Poland. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog taliwas sa
naunang paniniwala na ito ay patag. Sinabi rin niya na umiikot ang mundo sa sarili
nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang
nasa sentro ng sansinukuban at ang mundo at iba pang mga planeta ay umiikot
dito.
Guro: At ang tawag sa teoryang iyan ay ang Teoryang Heliocentric.
Taliwas ito sa itinuturo noon ng simbahan na ang mundo ang sentro ng
sansinukuban o ang Geocentric Model na batay naman sa teorya ng
sinaunang astronomong si Ptolemy. At itong si Copernicus ay hindi niya
kaagad inilathala ang paniniwala niyang ito dahil pag-iinitan siya noon ng
Simbahan na nangangahulugan ng persecution, excommunication, at
inquisition.

Guro: Noong 1543 bago siya pumanaw, doon lamang nailathala ang
kanyang aklat na On the Revolutions of the Celestial Spheres , at siyang
naging basehan ng mga masusing pagsasaliksik sa astronomiya at
masasabing nagpasimula ng panahon ng Rebolusyong Siyentipiko.

Guro: Dito naman tayo kay Galileo Galilei. Pakibasa po ng nasa slide. Mag-aaral 8: Si Galileo Galilei ay isang italyanong astronomo at matematisyan,
marami siyang ambag sa larangan ng astronomiya at physics dahil sa pag-aaral
niya sa law of motion, inertia at ang pagbibigay-diin niya sa paggamit ng
eksperimento bilang tamang paraan upang tuklasin ang katotohanan tungkol sa
mga batas ng kalikasan. Ang teleskopyo ay ang kanyang imbensyon at nagbigay
daan sa pagdiskubre niya sa kalawakan.
Guro: Dahil nga sa mga natuklasan ni Galileo, mas pinaniwalaan at
pinatotohanan niya ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus. Ang
kanyang aklat na Dialogue Concerning the Two Chief World Systems,
Ptolemaic and Copernican na mas sumusuporta sa teorya ni Copernicus
ang dahilan upang isalang siya sa inquisition o sa paglilitis ng mga pinuno
ng simbahan.
Sa huli napilitan siyang bawiin ang ibang resulta ng kaniyang mga pag-
aaral. Matapos ang pagbawi niya ay nagpatuloy pa rin siya sa mga
siyentipikong pagtuklas hanggang sa kanyang kamatayan noong January
8, 1642.

Guro: Dumako na tayo sa susunod, si Johannes Kepler. Basahin ang Mag-aaral 9: Si Johannes Kepler ay isang Aleman at mahusay ring astronomo at
nasa slide. matematisyan ang nakabuo ng matematikal na pormula at kalkulasyon tungkol sa
“Laws of Planetary Motion”. May gawa ng teoryang ellipse.

Guro: Itong Laws of Planetary Motion ay ang paggalaw ng mga planeta sa


ating solar system. Diba may 3 laws of planetary motion tayo which are,
Law of Orbits, Law of Areas, and Law of Periods. So, si Kepler ang
bumuo ng formulas at calculations para sa tatlong batas na ito.

Guro: Base sa ating tinalakay, paano binago ng bagong kaisipan nina


Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa daigdig? Mag-aaral 10: Sa tingin ko po, nabago po yung kaisipan ng mga tao tungkol sa
daigdig dahil sa mga ginawang imbensyon nina Kepler at Galileo. Katulad po nung
telescope na inimbento ni Galileo, dahil doon, marami siyang naobserbahan sa
kalawakan, katulad ng marami pa palang ibang celestial bodies ang nasa
kalawakan at hindi talaga ang planetang earth ang sentro ng universe.

Mag-aaral 11: Para sakin naman po, pareho lang po sa sinabi ng naunang nag-
recite. Parang dahil po sa pagsasaliksik at pagtuklas po nina Kepler at Galileo
tungkol sa daigdig, hindi po tayo nagrely nalang sa kung ano-anong pamahiin ng
Simbahang Katoliko. Mas namulat po sa katotohanan yung mga tao.

Guro: Mahuhusay! Maraming salamat sa inyong mga kasagutan. Tama


ang kanilang mga sinabi, kung hindi dahil sa mga imbensyon at pagtuklas
na ginawa nina Kepler at Galileo, mananatili pa rin tayong bulag sa
katotohanan. Siguro hanggang ngayon, maniniwala pa rin ang lahat na
ang planetang earth ang sentro ng kalawakan.
E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2

Guro: Ngayon tuklasin natin kung sino pa ba yung iba’t ibang mga
personalidad sa Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Pero sa
pagkakataong ito, kayo naman ang magbabahagi sa klase tungkol sa
kanilang mga naging ambag sa Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko.
Pumunta sa inyong mga kagrupo at magtungo sa harap ang leader ng
bawat grupo at bubunot kayo sa ating palabunutan para sa mga
siyentistang inyong iuulat sa klase. (pupunta sa harap at bubunot ang pinuno ng bawat pangkat para malaman ang
nakatakdang siyentista na kanilang ibabahagi sa klase)

Guro: Sa loob ng 15-minuto ay isusulat niyo sa inyong manila paper ang


mga naging ambag ng mga siyentistang napunta sa inyo sa panahon ng
rebolusyong siyentipiko. Maaari kayong gumamit ng mobile phones para
makapag-search, pero pagkatapos ng gawain ay itatago niyo na ito.
Maliwanag ba? Mga mag-aaral: Opo.

(magse-set ng timer ang guro at hahayaang gumawa ang mga mag-aaral) (pagkatapos ng 15 minuto ay magbabahagi na ang bawat grupo)

Guro: Pakinggan natin ang unang grupo, pumunta na sa harap ang mag- Taga-ulat (G1): Magandang umaga sa inyong lahat, ako ang reporter ng unang
uulat. pangkat at ang napunta sa amin ay si William Harvey at si Anton Van
Leeuwenhoek. Unahin po natin si William Harvey. Siya ay isang Ingles na
mangagamot na nakatuklas ng tungkol sa sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao
kung saan sinabi niyang ang puso ang taga-bomba ng dugo patungo sa iba’t
ibang bahagi ng katawan. Noong 1628, nailathala ang kanyang aklat na An
Anatomical Study of the motion of the Heart and of the Blood in Animals.
Si Anton Van Leeuwenhoek naman po ay Isang siyentista mula sa Olandes,
gumawa ng mas malinaw na microscope at ginamit niya ito upang pag-aralan ang
mga bacteria, protozoa, molds, at marami pang microscopic na bagay.
Yun lamang po at maraming salamat sa pakikinig.
Guro: Maraming salamat group 1 sa inyong ibinahagi sa amin. Okay,
batay sa ulat ng unang pangkat, ano yung mga ambag nina William
Harvey at Anton Van sa rebolusyong siyentipiko? Mag-aaral 12: Si William Harvey po yung nakadiscover ng function of the heart at
ng circulation of the blood.

Mag-aaral 13: Nadiscover naman po ni Anton Van Leeuwenhoek ang microscope.

Guro: Maraming salamat sa inyong mga kasaguutan. Ngayon, pakinggan Taga-ulat (G2): Good morning po sa inyo. Ang nabunot naman po ng aming
naman natin ang ikalawang pangkat. pangkat ay si Francis Bacon at si Rene Descartes. Si Francis Bacon po ay isang
Ingles na nagsimula bilang abogado ngunit mas nakilala bilang pilosopo. Isa sa
mga ambag niya sa agham ay ang pamamaraang Baconian kung saan ang tuon
ay sa Inductive Method sa siyentipikong pag-aaral.
Si Rene Descartes naman po ay isang French na pilosopo at mathematician.
Ipinaliwanag niya na ang mga suliranin na agham at pilosopiya gamit ang
Guro: Bigyan ng tatlong bagsak ang group 2. Isa, dalawa, tatlo! Maraming pamamaraang matematikal. Naniniwala rin siya na ang katwiran ang susi sa
salamat. Ang naging pamana naman ng dalawang scientists na nabanggit pagkamit ng kaalaman.
nila ay ang…
Ikatlong pangkat, tumungo na po sa harapan. Taga-ulat (G3): Magandang umaga po. Batay sa aming ginawang pagsasaliksik,
si Isaac Newton ay ang unang english mathematician na ibinase ang pananaliksik
sa mga naunang pag-aaral nina Copernicus, Galileo, Brahe, Kepler at iba pa.
Natuklasan niya din ang Law of Gravity bilang paliwanag sa paggalaw ng mga
planeta.
Pinasimulan naman ni Edward Jenner ang paniniwala na ang bawat bahagi ng
katawan ay may sariling halaga at tungkuling dapat gampanan. Ang
pinakamahalagang natuklasan niya ay ang bakuna na panlaban sa sakit.
Guro: Okay, so isa sa pinakatanyag na scientist sa buong mundo ay si
Isaac Newton. Marami siyang naging ambag sa rebolusyong siyentipiko
na talaga namang pinanginabangan ng mga tao pati sa kasalukuyan.
Maraming salamat group 3, maaari na kayong umupo.
Pakinggan naman natin ang huling pangkat, ang group 4.
Taga-ulat (G4): Mapagpalang araw sa lahat! Kami ang ikaapat na pangkat at nais
naming ibahagi sa inyo ang mga naging kontribusyon at ambag nina Louis
Pasteur, Augusto Weisman, at Antoine Lavoiser sa Panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko.
Unahin na natin si Louis Pasteur, natuklasan niya na ang mikrobyo ang dahilan ng
mga sakit na maaaring patayin ng gamot na tinawag niyang antibiotic.
Guro: Maraming salamat group 4. Ano naman ang nabanggit ng group 4 Si August Weismann naman
na mahahalagang ambag ng mga siyentista na kanilang ibinahagi sa atin?

Mag-aaral 14: Ang kay pasteur po ay ang antibiotic at pasteurization, kay August
Weismann naman ay ang germplasm theory at chemical change ang kay Antoine
Lavoiser.

Guro: Maraming salamat. Ngayon, mas naunawaan natin ang iba’t ibang
ambag ng mga kilalang personalidad noong panahon ng rebolusyong
siyentipiko. Marami silang nadiskubreng bagong mga kaalaman at
paniniwala. Ano naman sa tingin niyo yung mga naging epekto ng
rebolusyong siyentipiko? May ideya ba kayo? Mag-aaral 15: Siguro po mas gumaan po yung pamumuhay ng mga tao dahil sa
iba’t ibang imbensyon at mga paniniwalang nadiskubre ng mga scientists.

Mag-aaral 16: Sa tingin ko naman po, mas umunlad ang kakayahang mag-isip
ang mga tao.

Guro: Tama kayo dyan! Narito ang mga epekto ng panahon ng


rebolusyong siyentipiko. Una, napalitan daw ng bago ang lumang
pananaw ng mga tao ukol sa sansinukob sa pamamagitan ng agham. Mag-aaral 17: Opo, dahil po kasi sa science, mas marami pang nadiskubre yung
Sang-ayon ba kayo dito? mga tao, mas lumawak yung pagtingin nila sa mga bagay bagay.

Guro: Tama ka dyan, dahil sa mga inobasyon at imbensyon noon sa


Rebolusyong Siyentipiko, nabigyan ng pagkakataon ang mga tao na
tumuklas pa ng ibang bagay. Mag-aaral 18: Naitatag ang mga paaralang pang-agham.
Ano naman ang pangalawang epekto, pakibasa po.
At ang panhuli naman ay, naging pangunahing dahilan sa kamalayan ito
ng mga taga-kanluran.
F. Paglinang sa kabihasaan

Guro: Ngayon, ang tanong. Bakit humina ang dating napakalakas na Mag-aaral 19: Humina po yung impluwensiya ng simbahan noon dahil sa mga
impluwensya ng simbahang Katoliko? paniniwalang natuklasan at nagbigay daan upang maging mulat ang tao sa
katotohanan.

May nais pa bang sumagot sa tanong ko? Mag-aaral 20: Ako naman po, parang very traditional pa po kasi ng mga
paniniwala nila noon kaya nung narealize ng mga tao na mali yung mga
pinaniwalaan nila, agad po silang nagswitch sa kung ano yung natuklasan nila sa
pamamagitan ng mga siyentistang nabanggit.

Guro: Bakit naman kaya nagkaroon ng Rebolusyong Siyentipiko? Mag-aaral 21: Dahil po maraming mga opinyon at kaalaman ang mga tao sa
agham kaya sila nakatuklas ng iba’t ibang bagay noon.

Guro: Maraming salamat sa inyong mga kasagutan.

G. Paglalapat ng aralin tungo sa pang-araw-araw na buhay

Ang rebolusyong siyentipiko ay nagbigay daan upang mas lalong


umunlad ang ating mundo. Dahil sa iba’t ibang imbensyon ng mga
eksperto ay mas naging madali sa atin ang paggawa ng mga bagay
bagay sa ating araw araw na pamumuhay.

H. Paglalahat ng aralin

Guro: Ano nga ulit yung mga teorya na nabanggit ko kanina? Mag-aaral 1: Teorya ng Geocentrism, Heliocentrism, at Ellipse po.

Guro: Magbigay ng mga kilalang tao noong Rebolusyong Siyentipiko.


Mag-aaral 2: Nicolaus Copernicus, Galileo Galilei, at Johannes Kepler po.

Guro: At ano-ano naman yung mga epekto ng Rebolusyong Siyentipiko?


Mag-aaral 3: Pagkakaroon ng mga paaralang pang-agham.

Mag-aaral 4: Nabago ang pananaw at paniniwala ng mga tao dahil sa agham.

Guro: Maraming salamat sa inyong lahat! Very good! Mag-aaral 5: Naging pangunahing dahilan sa kamalayan ng mga taga-kanluran.

I. Pagtataya ng aralin

Ngayon kumuha ulit kayo ng sangkapat na papel at sagutan ang mga


sumusunod.

Siyentista Kaisipang Siyentipiko o ambag


_________________1. Bumuo ng Teoryang Heliocentric na nagsasabing
ang araw ang sentro ng sansinukob o sistemang solar.
_________________2. Bumuo ng pormulang matematikal ukol sa pag-
ikot nang parabilog o ellipse ng mga planeta sa paligid ng araw.
_________________3. Gumawa ng sariling disenyo ng teleskopyo na
ginamit niya sa pagsusuri ng kalawakan.
_________________4. Natuklasan niya ang tungkol sa sirkulasyon ng
dugo kung saan ang puso ang taga bomba nito paikot sa katawan ng tao.
_________________5. Inobserbahan at pinag-aralan niya ang bacteria,
protozoa at iba pang microscopic na bagay.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pangunahing konsepto at
kaganapan sa Rebolusyong Siyentipiko. Gawin ito sa short bond paper at
ipasa bukas.
Criteria sa Pagmamarka:
Relevance to the theme – 10
Creativity and Neatness – 10
Originality – 10
TOTAL – 30
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na maaaring masolusyunan


na tulong ng aking punung-guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong


ibahagi sa mga kapwa ko guro?

PREPARED BY: CHECKED BY:

ANNA MARIE M. MILLENA HONEYLET B. ARANDIA ELEANOR A. GARCIA


STUDENT TEACHER DEPARTMENT COORDINATOR SECONDARY SCHOOL PRINCIPAL II

You might also like