You are on page 1of 4

Learning Area Filipino 8

Paaralan: Rizal College of Taal Baitang: VIII


Lesson
Exemplar Guro: Kenny A. Guia Asignatura: Araling Panlipunan
Petsa: Pebrero 2 7 - 2 8 , 2022 Markahan: Ikatlong
Bilang ng Araw: Markahan
1-3 araw

I. LAYUNIN Naipaliliwanag ang mga dahilan o salik ng Rebolusyong Siyentipiko,


panahon ng Enlightenment at rebolusyong industriyal
Natatalakay ang mahahalagang kaganapan sa Rebolusyong
Siyentipiko, panahon ng Enlightenment at Rebolusyong
Industriyal
Nakagagawa ng isang poster na nagpapakita ng sariling pag-unawa
tungo sa isang mabuti, mapayapa at maunlad na pamayanan.
II. NILALAMAN Aralin 3
Rebolusyong Siyentipiko, Panahon ng
Enlightenment at Rebolusyong Industriyal
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian APtek 8
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa Powerpoint, marker, at mga larawan
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid aralan 4
4. Pagtatala ng liban
5. Balitaan
6.Pagbabalik-aral
B. PAGGANYAK “Kahon Ko, Ipasa Mo!”

Pagpapasahan ng klase ang isang kahon habang may


ipinatutugtog na musika sa klase. Kung kanino nahinto ang kahon
kapag huminto ang musika ang siyang bubunot ng isang larawan sa
loob ng kahon at sasagot sa inilaang tanong ng guro.

1. Alin sa mga bansang ipinakita ang nais mong marating?


Ipaliwanag.
2. Paano mo nakilala ang bawat bansa?
2. Paano mo masasabi na ang isang bansa ay maunlad at
industriyalisado?

C. PAGLALAHAD NG LAYUNIN Matapos ang aralin, inaasahang magagawa ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:

a) Naipaliliwanag ang mga dahilan o salik ng Rebolusyong


Siyentipiko, panahon ng Enlightenment at rebolusyong
industriyal
b) Natatalakay ang mahahalagang kaganapan sa Rebolusyong
Siyentipiko, panahon ng Enlightenment at Rebolusyong
Industriyal
c) Naiisa-isa ang mga epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
panahon ng Enlightenment at Rebolusyong Industriyal sa
paglakas ng kapangyarihan ng Europa.
D. AKTIBITI “Think to Win It!”

Panuto : Gamit ang mga larawan ay bumuo ng panibagong


salita.
Mayroong mga

E. ANALISIS

Pamprosesong tanong :

1. Alin sa mga salita ang pamilyar sa iyo?


2. Batay sa mga nabuong salita, ano kaya ang paksang tatalakayin?

F. ABSTRAKSYON “Poster Natin!”

Panuto : Papangkatin ang klase sa tatlo at ang bawat pangkat


ay inaasahang makagagawa ng isang poster na nagpapakita ng
pag-unawa tungkol sa isang mabuti, mapayapa, at maunlad na
pamayanan na kung saan makikita ang paggamit ng mga makinarya
na siyang nagpapabilis ng mga gawain.

G. APLIKASYON “Sukat-sukat!”

Panuto : Sukatin ang lalim ng iyong pag-unawa sa aralin at


punan ang talahanayan ng mga hinihingi. Ang paraan ng
pagsagot sa Gawain ay ipinakita sa isang halimbawa. Gawin ito
sa sagutang papel.

H. PAGTATAYA Panuto : Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat


pahayag. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

____________1. Ano ang tawag sa kilusang naglalayong


baguhin ang nakasanayang paniniwala at aral ng
simbahan?
____________2. Sino ang nagpakilala sa sistematikong
pamamaraan o scientific method ng pag-aaral ng agham?
____________3. Ano ang instrumenting ginamit upang
mapabilis ang pagtatrabaho ng mga manghahabi?
____________4. Sino ang sumulat ng aklat na Leviathan?
____________5. Sinong siyentipiko ang nagbigay-diin sa
kahalagahan ng edukasyon para mapanatili ang
kabutihang taglay ng tao?

I. Takdang Aralin Panuto : Magbigay ng tiglilimang mabubuti at hindi kabutihang dulot


ng Rebolusyong Siyentipiko, Industriyal at Enlightenment.

You might also like