You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 8
Pagbibigay-kahulugan
sa Talinhaga ng Tula
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga,
eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula
ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling pinag-aralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito
na magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at
pakikipagtalastasan

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman,kasanayan at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong lawak ng pagkatuto
sa bagong aralin.

2
Aralin Pagbibigay-kahulugan sa
1 Talinhaga ng Tula

Inaasahan
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang :
 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinhaga, eupemistiko o masining na
pahayag na ginamit sa tula ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan.

Unang Pagsubok

Basahin at unawain ang nasa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot

SA AKING MGA KABATA


Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
- Dr. Jose Rizal

1. Ang binasa ay isang halimbawa ng _____


A. salawikain B. tula C. parabola D. sawikain
2. Alin sa mga sumusunod ang simbolikal na kahulugan ng salita?
A. saknong B. taludtod C. denotasyon D. konotasyon
3. Ano ang kasalungat ng “kaloob” na matatagpuan sa ikalawang taludtod?
A. binawi B. ibinigay C. parusa D. masama
4. Ang salitang nakasalungguhit sa ikalawang taludtod ay
nangangahulugang_____
A. ulap B. hangin C. Panginoon D. pamahalaan
5. Alin sa mga sumusunod ang mensahe ng huling dalawang taludtod?
A. Masaya sa pakikipagsapalaran.
B. Mabilis na paglipas ng panahon.
C. Lumilipad na isip sa himpapawid.
D. Maging magsinlaya ng ibong lumilipad sa langit

3
Balik-Tanaw
Bago tayo tumungo sa bagong aralin, halina’t balikan muna natin ang iyong
natutuhan sa nakaraang paksa, ang Paggamit ng Paghahambing.

Panuto : Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng paghahambing batay sa


hinihingi sa larawan.

NOON NGAYON

Pangungusap:

JEEP NI JUAN

Pangungusap:

PAARALAN BAHAY

Pangungusap:

Maikling Pagpapakilala Sa Aralin


Ang tula ay isa sa mga uri ng panitikan na hitik sa talinghaga.
Kinakailangan itong masuri upang maunawaan ang tunay na simbolikal na
kahulugan ng isang tula. Sa araling ito, iyong malilinang ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga talinhagang matatagpuan sa tula.
Ang talinghaga ay isa sa mga elemento ng tula na bibigyang pansin sa
araling ito. Kung bakit nagkakaroon ng hugis, ganda ang isang tula ay dahil sa
paggamit ng talinghaga. Ang paggamit ng mga tayutay o mga salitang may
malalalim na pakahulugan. Ayon kay Virgilio Almario, ang talinghaga ay ang utak
ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at pagpili ng salita.
https://slideplayer.com/slide/15515728/

Ito ang dahilan kaya mahalagang masuri ang isang tula. Sa pagtuklas ng
kahulugan ng mga talinhaga sa tula, makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman

4
sa mga pangyayari sa panahon kung kailan ito naisulat, karanasan ng may-akda
at ang paraan nang pagkakagamit ng salita sa bawat taludtod.

Halimbawa
Handang ialay lahat nang
Walang mahalagang hindi inihandog
mahalagang bagay para sa
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, bayan maging ang sariling
buhay.
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Mamatay

Ang tulang susuriin ay ilang mga piling saknong mula sa Pag-ibig sa


Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio.
• Una, ang tulang ito ay isinulat sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas.
• Ikalawa, ito ay isinulat ni Andres Bonifacio na kilala bilang Ama ng
Katipunan.
Siya ay isa sa mga bayaning gumamit ng lakas at dahas upang mapalaya
ang Pilipinas sa kamay ng mga mananakop.

Ano kaya ang mensaheng nais iparating ng tulang ito? Halina’t ating tuklasin!

Mga Gawain
Sa bahaging ito, kinakailangan mo ng tulong maaari ng iyong magulang o
kapatid o kahit sinong kasama mo sa bahay, upang makatuwang sa ating gawain.

Pagbasa sa Tula
Panuto :Basahin at suriin ang tula, at sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio

1 3
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa pagkadalisay at pagkadakila sa tapat na puso ng sino’t alinman,
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? imbit taong gubat, maralita’t
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. mangmang nagiging dakila at
iginagalang.
2
Ulit-ulitin mang basahin ng isip 4
at isa-isahing talastasing pilit Pagpupuring lubos ang nagiging
ang salita’t buhay na limbag at titik hangad sa bayan ng taong may dangal
ng isang katauhan ito’y namamasid. na ingat, umawit, tumula, kumatha’t

5
sumulat, kalakhan din nila’y ang inaasahang araw na darating
isinisiwalat. ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
5
Walang mahalagang hindi inihandog 11
ng pusong mahal sa bayang At ang balang kahoy at ang balang
nagkupkop, dugo, yaman, dunong, sanga na parangniya’t gubat na kaaya-
katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting aya sukat ang makita’t sa alaala
magkalagot-lagot. ang ina’t ang giliw lampas sa saya..
25
6
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
kahoy niyari ng buhay na nilanta't
na hinahandugan ng buong pag kasi
sukat ng bala-balakit makapal na
na sa lalong mahal kapangyayari
hirap muling manariwa’t sa
at ginugugulan ng buhay na iwi.
baya’y lumiyag.
7
26
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
Kayong mga pusong kusang inuusal
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ng kawili-wiling liwanag ng araw
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
na nagbibigay init sa lunong katawan.
agawin sa kuko ng mga sukaban.
8
27
Sa kanya’y utang ang unang
Kayong mga dukhang walang tanging
pagtanggap ng simoy ng hanging
sikap
nagbigay lunas, sa inis na puso na
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
sisinghap-singhap, sa balong malalim
ampunin ang bayan kung nasa ay
ng siphayo’t hirap.
lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa
9 lahat.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
28
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa mga dugo’y ubusang
hanggang sa katawan ay mapasa-
itangis
libingan.
kung sa pagtatanggol, buhay ay
10 mapatid ito’y kapalaran at tunay na
Ang nangakaraang panahon ng aliw, langit.

Gawain 1

1. Isulat ang mga saknong sa loob ng kahon na nagpapakita ng pag-ibig sa


tinubuang lupa at sa hugis puso naman ay ang iyong pagkaunawa sa saknong.

6
https://www.pinterest.ph/pin/110408628349510676/

2. Isulat ang saknong na nagpapakita ng pag-asam ng pag-asa at ipaliwanag.

Saknong Paliwanag

https://steemit.com/poetry/@tinkerrose/tula-poetry-13-kabataan-kayo-ay-pag-asa-pag-gunita-ngayong-hunyo-dose

3. Isulat ang saknong na nagpapakita ng pag-aalay para sa bayan, at ipaliwanag.

http://andreamwinn.com/offerings/hyhtm/

Gawain 2

Panuto : Suriin ang mga piling saknong na nagpapahayag ng talinghaga. Isalin ito
sa literal na pakahulugan at ibigay ang kasalungat nitong
kahulugan.(Mapanuring Pag-iisip)

Literal na kasalungat na
kahulugan kahulugan
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
http://www.clipartbest.com/clipart-niBGA6eLT

7
https://www.clipartsfree.net/clipart/801-writing-pad-clipart.html

Literal na kasalungat na
kahulugan kahulugan
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Literal na kasalungat na
kahulugan kahulugan
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Tandaan
Tinatawag na talinhaga ang mga salita at pahayag na mayroong natatagong
kahulugan. Madalas na makikita ang mga ganitong uri ng salita sa iba’t ibang uri
ng panitikan tulad ng tula. Ang tula ay maaaring magkaroong nang higit sa isang
kahulugan dahil sa mga talinhagang ito. Matutukoy na ang isang parirala ay
nagkakaroon ng talinhaga kapag ito’y binasa nang literal ay maaaring magkaroon
ng malabong pagpapakahulugan. Nangangahulugan na nangangailangan ng
mapanuring pag-iisip upang matukoy ang mensahe ng isang talinhaga.

8
Pag-alam sa mga Natutuhan
Gawain 1

Panuto : Balikan ang tulang Pag-ibig sa tinubuang lupa at punuan ang tsart batay
sa hinihingi ng mga pahayag :

Bilang ng Paliwanag at halimbawa batay sa Kasalukuyang


saknong panahon/ sitwasyon

Nagpaantig sa
iyong damdamin

Pagiging
makabayan

Pagtulong sa
kapwa/ bayan

Gawain 2

Panuto : Mula sa larawan ay bumuo ng isa o dalawang saknong na na may


matalinghagang pahayag. Ibigay mo rin ang kasingkahulugan nito at
kasalungat na kahulugan.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/06/05/1821664/editoryal-dati-nang-problema-bumulaga-sa-pasukan

Kahulugan Sariling likhang Saknong Kasalungat na kahulugan


___________________ _______________________________ ___________________________
___________________ _______________________________ ___________________________
___________________ _______________________________ ___________________________
___________________ _______________________________ ___________________________

9
Pangwakas na Pagsubok
Panuto : Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ano ang tinutukoy na tinubuang lupa sa tula ni Andres Bonifacio?


A. Lungsod
B. Kabundukan
C. Bayang sinilangan
D. Lupang tinatamnan
2. Batay sa tula, alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na uri ng pag-ibig?
A. Pag-ibig sa bayan
B. Pag-ibig sa kaibigan
C. Pag-ibig sa kasintahan
D. Pag-ibig sa kayamanan
3. Bakit mahalagang magsakripisyo para sa tinubuang lupa?
A. Sapagkat mayroon itong malaking bahagi sa ating pagkatao.
B. Sapagkat katuwang ito ng Diyos upang mapanatili tayong buhay.
C. Sapagkat saksi ito sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay.
D. Lahat nang nabanggit.
4. Paano makikita ang pinakamataas na antas ng pag-ibig sa kasalukuyan?
A. Pagbili ng mga bagay na kinahihiligan.
B. Pag-aalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak.
C. Pagtatrabaho nang mabuti upang kumita ng malaki.
D. Pagsasakripisyo ng mga frontliner ng kanilang kaligtasan upang malabanan
ang Covid.
5. Paano maiuugnay ang tula sa naging tatak ni Bonifacio sa kasaysayan?
A. Pagtatanggol sa bayan gamit ang lakas at dahas.
B. Paggawa ng batas na papabor sa mga Pilipino laban sa mga Kastila.
C. Pagpunta sa ibang bansa upang makipagkasundo sa mga dayuhan.
D. Pagsulat ng isang nobelang pupukaw sa damdamin ng mga Pilipino.

Para sa bilang 6-8, piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga sumusunod na


salitang nakasalungguhit at kasalungat naman sa bilang 9 at 10.

A. kapighatian B. makita C. kaawa-awa D. alala

1. Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
2. Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
3. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

10
A. nabawasan B. nadagdagan C. mapagmahal D. taksil

4. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,

5. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto : Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa mga sumusunod?

Diyos Magulang Paaralan Frontliners

Sanggunian
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-
regime-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html
http://www.joserizal.ph/pm18.html
https://slideplayer.com/slide/15515728/

BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL


Manunulat: Faye N. Fuentes
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Museta Delos Reyes- Dantes, PSDS
Tagaguhit: Faye N. Fuentes
Tagalapat: Ma. Jeremia D. Nuñez
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa AD

11
FILIPINO 8
UNANG MARKAHAN
Susi sa Pagwawasto Modyul 3

Unang Pagsubok
1. B
2. D
3. B
4. C
5. D
Balik-Tanaw
(Diskresyon ng Guro)
Pangwakas na Gawain
1. C
2. A
3. D
4. D
5. A
6. B
7. A
8. D
9. D
10. B

12

You might also like