You are on page 1of 13

KAY CELIA

PAGHAHANDOG NI BALAGTAS

ISIPIN: USO PA BA ANG


PAGTITIIS PARA SA
TAONG IYONG
MINAMAHAHAL?

PAKINGGAN ANG AWIT


Kung Mawawala ka
ni Ogie Alcasid

NANGYAYARI PA RIN BA ITO


SA KASALUKUYAN ?
IBAHAGI MO ANG IYONG
KARANASAN O NG IYONG
KAKILALA HINGGIL SA
PAGSASAKRIPISYO DAHIL SA
PAG-IBIG

KUNG MAWAWALA KA

SA LOOB NG 4 NA MINUTO.
MAG-UUNAHAN AT
MAGPAPARAMIHAN ANG
BAWAT PANGKAT SA
PAGTATALA KUNG BAKIT
DAPAT MAGTIIS ANG ISANG
TAO
maaaring gawin sa popplet

KOLABORATIBONG GAWAIN

TUNGKOL SAAN
ANG ATING
ARALIN?
MAGBIGAY NG
INYONG
NALALAMAN
UKOL SA ATING
ARALIN

MAY KINALAMAN KAYA ITO


SA ATiNG TATALAKAYiN?

KAY CELIA/SELYA
Isang Paghahandog

Pagbasa sa Aralin

Isalaysay ang pangyayari sa aralin gamit ang


mga salita mula sa word pool

Anu-anong mga alaala ang bumabalik sa isipan


ni Balagtas tungkol sa pag-iibigan nila ni Celia?

Ilarawan ang mga malulungkot na gunitang ito.


Paano niya pinapawi ang ganitong damdamin?
Bakit isang paghahandog ang mga saknong na
pinag-aralan?

SAGUTIN NATIN

Pansinin ang mga Tayutay na ginamit sa akda.


Sinasabing isa sa pinakayaman na bahagi ng Florante at Laura
ang bahaging ito ng akda (Kay Celia.)
Matayutay ang paglalahad na ginawa ni Balagtas upang
maipahayag niya ang nagpupuyos niyang damdamin.
Sinasadyang lumaya ang makata sa pangkaraniwang paggamit ng
salita/pananalita. Sa tulong ng mga tayutay nagiging mas
masining, kaakit-akit at mabisa ang pahayag. Ito ang ilan sa mga
ginamit ng may-akda sa bahaging ito ng awit.

MGA TAYUTAY!

Personipikasyon- nagsasalin ng kilos, talino o


katangian ng isang tao sa mga bagay na walang
buhay sa tulong ng pandiwa.
-pansinin ang saknong 21

Ekslamasyon- Pagbubulalas ito ng isang


masidhing damdamin sa isang pahayag.
-pansinin S13, T3-4

Metapora- Itoy paghahambing nang tuwiran ng


dalawang bagay na magkaiba ng uri. Itoy maaring
ipahayag sa paraang paglalapat ng katangian,
tawag o pangalan ng isang bagay sa
pinaghahambingang bagay.
-pansinin ang saknong 9, taludtod 3-4 at S22, T1

Apostrope- Itoy pagtawag o pakikipag-usap


nang may lakip na masidhing damdamin sa
tao o bagay, karaniwang hindi kaharap ng
nagsasalita.
-pansinin S20

You might also like