You are on page 1of 16

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Filipino 8

FILIPINO 8: MGA PANITIKANG PAMBANSA AT FLORANTE


AT LAURA

Ikatlong Kwarter

Iba’t ibang Tekstong Popular

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng
multimedia (social media awareness campaign).

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


1
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 3: IBA’T IBANG TEKSTONG POPULAR
LINGGO NILALAMAN/ARALIN MGA GAWAIN PAHINA SA
MODYUL
UNANG LINGGO -Panimula  Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Lawak ng aking
-Grapikong Pantulong sa nalalaman
Aralin  Pagsasanay B: Mapa Pahina 4-5
-Inaasahang Kasanayan ng konsepto ng
-Panimulang Pagtataya Pagbabago
-Pagtuklas
IKALAWANG LINGGO -Paglinang Gawain 1: Suki ng
- Kamalayang Pangwika media
- Panitikang Popular  Gawain 2: Salain
-Scaffold for Transfer 1 ang impormasyon Pahina 6-7
 Gawain 3: Pagsusuri
Andamyo sa
Pagganap 1
IKATLONG LINGGO -Pagpapatuloy ng  Gawain 4:
Paglinang Radyorific na hatid
- Kontemporaryong  Gawain 5:
Panradyo Salitamentaryo
- Scaffold for Transfer 2  Gawain 6: Pahina 7-9
Talasalitaan Pagbabalangkas
Andamyo sa
Pagganap 2
 Maikling Pagsusulit
IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 7:
 Pagsusuri Radyomentaryo
 Komentaryo  Gawain 8:
Telementaryo Pahina 9-10
 Gawain 9:
Matalinong
Panonood
IKAANIM NA LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 10:
 Guided Pinatnubayang
Generalization Paglalahat
 Pormatibong  Gawain 11: Suring
Pagtataya Pelikula Pahina 11-13
 Mapa ng konsepto ng  Pormatibong
Pagbabago Pagtataya
 Mapa ng konsepto
ng Pagbabago
IKAPITONG LINGGO -Paglipat  Gawain 12: Think
Pahina 13-14
 Performance Task before you Click!
IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


2
UNANG LINGGO
MODULE No. 3: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular
Alam mo ba?
Hindi natin maitatatwa ang katotohanang malayo-layo na rin ang ating paglalakbay sa mga nagdaang panahon.
Naaalala mo pa ba ang ating pagbabalik-tanaw sa panahon ng pananakop? Sa kwarter na ito, atin namang bibigyang-
pansin ang panitikan sa kasalukuyang panahon at ang maaaring naghihintay na mundo sa hinaharap.
Makikita mo sa kabanatang ito ang gradwal o dahan-dahang pagbabago at pag-unlad ng mundo. Mababanaag
mo ang mga transisyong ito sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikang nalimbag at pinagtibay upang maging
salamin sa kontemporaryong pamumuhay ng mga Pilipino kaugnay sa kultura at panitikang popular.
Saksi ka sa kasabihang “ang panulat ay higit na makapangyarihan kaysa anumang tabak at espada” na siya mong
nabatid sapagkat naabot ng iyong kaalaman ang mga pahiwatig ng panitikan mula sa nagdaang panahon patawid sa
kasalukuyan.
Yaman din at pinasok na tayo ng mundo ng internet na kung saan ay nasasakop ang malawak na bahagi ng mundo,
mas pinadali ang paraan ng pakikipagtalastasan at koneksyon ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa kabila ng makabuluhang pagbabagong ito, huwag mong iwaglit sa iyong isipan ang pokus na tanong na
“Bakit mahalagang maipamalas ang makabuluhang pag-unawa sa panitikang popular bilang bahagi ng
panitikang Pilipino?”

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin Magagawa mong…
Kontemporaryong  mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.
Panitikan tungo sa Kultura  maihambing ang panitikang nababasa, napapanood at napakikinggan.
at Panitikang Popular  mapag-iba-iba ang katotohanan sa hinuha at personal na interpretasyon.
 Mga popular na  maisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag mula sa ginamit na
babasahin teksto.
 Kontemporaryong  mailahad nang wasto at maayos ang pansariling pananaw, opinyon at
Panradyo saloobin.
 Dokumentaryong  mailahad sa lohikal na paraan ang pananaw at katuwiran.
Pantelebisyon  masuri ang napanood na pelikula batay sa paksa, layunin gamit ng salita,
 Pelikula pagpapahalaga at kamalayang panlipunan.
Gramatika  matukoy ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon.
 magamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw.
 magamit nang wasto ang mga hudyat ng kaugnayang lohikal.
 matukoy ang wastong gamit ng mga alituntuning gramatikal.
Kaalaman at Kasanayan sa  magamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
Pananaliksik pagsulat ng mga komentaryo at iba pa.
 makapagsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon para sa pagbuo ng
isang social media awareness campaign.
 makapagsaliksik ng mga hakbang sa pagbuo ng isang social media
awareness campaign.
 maisa-isa at maipakita ang mga hakbang sa pagbuo ng isang social
awareness campaign.
Grapikong Pantulong sa Aralin
KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA
KULTURA AT PANITIKANG POPULAR
(QUARTER 3)

Mga Kontemporaryong Kaalaman at kasanayan sa


Kaalamang
Panitikan Pananaliksik
Pangwika

Tungo sa pagbuo ng isang social media awareness campaign

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


3
INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawaing pampagkatuto:
1. napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa at napakinggan
2. nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
3. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsaalang-alang mga detalye
4. naiuugnay ang akda sa totoong sitwasyon sa kasalukuyan
5. nasusuri ang akda batay sa elemento nito
6. nailalahad ang sariling pananaw
7. nakabubuo ng sariling pangangatwiran
8. napauunlad ang pagpapahalaga sa panitikang popular
9. nakalilikha ng isang social media awareness campaign
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot
sa panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sa tingin mong
tamang sagot. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Hindi na ito
ipapasa.
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.
techie cybernetics global village e-learning google
multimedia hypermedia world wide web internet computer
1. Ito ay agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa sa makina at buhay
na nilalang.
2. Ito ay internasyonal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal na nasa iba’t
ibang panig ng mundo.
3. Ito ay isang sistema ng magkakabit na mga dokumento na makukuha sa internet.
4. Ito ay isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektonikong paraan.
5. Ito ay ang paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon.
6. Siya ay isang taong eksperto sa teknolohiya.
7. Ito ay uri ng komunidad na nasasaklawan ang buong mundo.
8. Ito ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video, graphics, plain
text, at hyperlinks.
9. Ito ay isang makina o aparato na nagsasagawa ng mga proseso, kalkulasyon at operasyon batay sa
mga tagubilin na ibinigay na isang software o hardware program.
10. Isang search engine sa internet na gumagamit ng isang proprietary algorithm na idenisinyo upang
maibigay ang pinaka may katuturan at mapagkukunan ng posibleng data.

Binabati kita! Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong.
Ngayon ay maaari mo nang simulan ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul na
ito. Subukin mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.
Alam kong handa ka na para sa iyong matatamong mga pagkatuto.

Pagsasanay A: Lawak ng aking nalalaman

Sa araw-araw na pagpasok mo sa mundo ng internet, ano-anong mga magagandang bagay ang iyong
napupulot mula rito? Nagdudulot ba ito sa iyo kaligayahan?
Tingnan natin kung hanggang saan ang lawak ng iyong nalalaman sa makabagong panahon.
Panuto: Tunghayan mo ang Frayer Model sa susunod na pahina. Ibigay mo ang mga hinihinging
impormasyon sa bawat kahon.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


4
Kahulugan ng Kontemporaryong Panitikan Uri ng Programang Pantelebisyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
KONTEMPORARYONG
Uri ng Panitikang Nakalimbag Uri ng panitikang napakikinggan
PANITIKAN
1.
1.
2.
2.
3.
3.

Napakahusay naman ng iyong mga nilagay na mga impormasyon. Tunay ngang ikaw ay may kamalayan
sa kontemporaryong panitikan. Ipagpatuloy mo ang iyong masigasig na pag-aaral.

Pagsasanay B: MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO


Sa ibaba ay makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na Anticipation Reaction Guide (ARG).
Basahin ang pahayag na nasa gitna ng talahanayan. Pagkatapos, punan lamang ang unang talahanayan sa ilalim
ng Bago ang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalagay mo ng tsek sa ibaba ng salitang “sumasang-ayon” kung
sang-ayon ka sa pahayag o “tumututol” kung di ka sumasang-ayon sa pahayag. Tandaan na ang iyong maging
sagot ay maaaring magbago habang o pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito. Ito ay magsisilbi mong gabay
upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto.
ANTICIPATION REACTION GUIDE
Bago ang Pag-aaral Pagkatapos ng Pag-aaral
MGA PAHAYAG
Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon
1. Ang panitikang popular ay
nakatulong sa mabilis na
koneksyon ng tao sa kanyang
paligid.
2. Ang kontemporaryong
panahon ay higit na
mapanghamon sa buhay ng mga
Pilipino.
3. Itinuturing na isang mekanismo
ng pagbabago ng kulturang
Pilipino ang mass media sapagkat
may kakayahan itong baguhin
ang paniniwala at pagpapahalaga
ng isang tao.
4. Isang paraan ang panitikang
popular para sa kamalayang
panlipunan.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Magaling! Nagawa mo ang mga panimulang gawain sa linggong ito. Ngunit hindi mo na
ipapasa ang Pagsasanay B. Itabi mo na lamang ito at muli mong tingnan kung malapit ka nang
matapos sa iyong learning module.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


5
IKALAWANG LINGGO

Kumusta?
Ikaw ngayon ay nasa ikalawang linggo na ng yunit na ito. Ang kasalukuyang panahon ninyong
mga kabataan ay sumasabay na sa panahon ng digital age. Tanungin mo nga ang iyong sarili kung
ilang bahagdan ang ginugugol mo sa pagtutok sa iyong facebook account?
Kung gano’n, ikaw nga ay isang “fan” ng makabagong mundo. Handa ka na ba sa bago mong
matutuhan? Tara, magsimula na tayo!

Simulan natin ang linggong ito sa pamamagitan ng isang gawain. Ngunit bago ka magpatuloy, pansinin mo muna ang
mga sumusunod na pahina sa iyong batayang aklat. Bisitahin mo ang mga sumusunod na pahina
A. pahina 157-159 C. pahina 176-178
B. pahina 167-169
Matapos mong basahin ang bahaging iyan, dumako ka na sa gawain sa ibaba.

Gawain 1: Suki ng media

Panuto: Mula sa iyong binasa, tukuyin mo ang paksa, layunin at pananaw ng tatlong uri ng kontemporaryong
panitikan. Ipakita mo ang iyong sagot sa loob ng isang talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.

Batay sa: Panitikang nababasa Panitikang napapanood Panitikag napakikinggan

A. Paksa A. A. A.
B. Layon B. B. B.
C. Pananaw C. C. C.

Sa pagpapatuloy mo sa yunit na ito, pansinin mo ang iba’t ibang kabatiran para sa kaalamang pangwika. Alamin mo
ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na pahina.
A. para sa impormal na komunikasyon, pahina 160-161. C. para sa hudyat ng sanhi at bunga, pahina 179
B. para sa konsepto ng pananaw, pahina 170.
Muling magpatuloy.

Ang isa sa pinakamadaling maabot na anyo ng media ay ang radyo. Ito ay naghahatid ng balita, nagpapatugtog ng
musika, at nagtatanghal ng mga dulang panradyo.

Gawain 2: Salain ang impormasyon

Panuto: Balikan mo ang komentaryong panradyo sa pahina 167-169 sa iyong batayang aklat. Sa iyong pagbabasa,
tukuyin ang mga impormasyon para sa katotohanan laban sa opinyon o personal na interpretasyon ng nagsasalita.
Kopyahin ang grapikong pantulong sa ibaba upang paglagakan ng iyong sagot. Gawin ito sa papel ng sinundang
gawain.

Opinyon Katotohanan

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


6
Gawain 3: Pagsusuri

Sitwasyon (Andamyo sa Pagganap 1)


Sa patuloy na paggamit ng tao ng internet, hindi nila namamalayan ang naglilipanang mga “fake news” o mga balita at
impormasyong walang tunay na basehan. Marami ang nabibiktima sa ganitong uri ng balita, lalo na ang mga kabataan.
Naalarma ang Department of Information Communication Technology sa ganitong senaryo sa mundo ng internet. Kaya’t bilang
isang social media user, hinihimok kang makabuo ng isang social media awareness campaign para sa pagpapaalaala at pagpuksa
ng mga ganitong uri ng balita.
Para sa iyong inisyal na preparasyon, suriin mo ang isang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong upang maging
gabay at magbigay kabatiran sa iyong isasagawang kampanyang panlipunan sa hatirang pangmadla.
Paglaganap ng ‘fake news’ posibleng lumala habang papalapit ang Halalan 2022 ayon sa eksperto
Joyce Balancio, ABS-CBN News
Posted at Jul 01 2021 06:48 AM
Nagbabala ang isang eksperto na habang papalapit ang Halalan 2022 mas titindi umano ang mga pag-aatake sa
malayang pamamahayag sa Pilipinas. Sa isang online forum ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates, sinabi
ni Gilbert Andres ng Center for International Law na posibleng lumala ang problema ng paglaganap ng fake news
para mai-set ang agenda sa mga botante. Inaasahan aniya na mas lalaganap din ang mga “troll army” na siyang
makinarya umano para atakehin ang mga kritiko sa gobyerno. "If you look at the history of our press, especially last
2016, there was a rise in the false information and that might be the case also in 2022,” ani Andres. May mga legal na
paraan umano para atakihin ang media. “We have seen how the administration deals with critical organizations, such
as the ABS-CBN, as well as Rappler, so expect that the administration might resort not only to cyber libel but, well, as
provisions, on different crimes under the Anti-Terrorism Act," paniwala ni Andres. "So you can see that there are legal
mechanisms, a lawfare that might be used on critical reportage.”
https://news.abs-cbn.com/news/07/01/21/paglaganap-ng-fake-news-posibleng-lumala-habang-halalan-2022-
papalapit-eksperto
Para sa iyong pagsusuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Anong nakikitang suliranin ang tinalakay sa balita?
2. Mayroon bang batayan o pinagbatayan ang ulat na ito? Patunayan.
3. Makatotohanan ba ang mga inilatag na impormasyon? Patunayan.
4. Mayroon bang nabanggit na solusyon para sa suliraning ipinahayag? Ipaliwanag.
Tulad ng nabanggit sa sitwasyon, ikaw ay lilikha ng social media awareness campaign. Ang mga tanong na iyong
sinagot ay nagdulot sa iyo ng mga kabatiran na siya mong magagamit sa sunod na paghahanda kaugnay pa rin sa
pagbuo ng isang kampanya para sa maling balita o impormasyon.

Ano-ano ba dapat ang iyong kabatiran sa bahaging ito?


1. Alamin ang napapanahong isyu sa lipunan.
2. Sumangguni sa pinagkakatiwalaang mga website o resources.
3. Itala lamang ang pinakamahalagang detalye.
4. Alamin kung sino ang sangkot sa isyu.
5. At higit sa lahat, dapat ay nagdudulot ng kapakinabangan sa madla.
Magagamit mo ang mga iyan sa pagbuo mo ng isang kampanya para sa pagbibigay kamalayan sa lipunan.

IKATLONG LINGGO
Kumusta munting mag-aaral? Muli mo akong makakasama sa linggong ito. Tatalakayin natin sa
bahaging ito ang isang uri ng panitikang popular, ang kontemporaryong programang panradyo.

Mayroon ka bang inaabangang tinig sa ere? Nawiwili ka ba sa kanyang boses? Sumasang-ayon ka ba sa kanyang
sinasabi? Kung gano’n, magagamit mo ang mga bagay na ‘yan sa gawaing nakalaan sa ibaba. Simulan na natin.

Gawain 4: Radyorific na hatid

Panuto: Basahin mo ang usapan ng tauhan sa pahina 167-168 mula sa iyong batayang aklat. Pagkatapos
ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong mula sa iyong binasang teksto. Gawin ito sa isang buong
papel.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


7
1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang komentaryong panradyo?
2. Ano ang bentaha (advantage) o disbentaha (disadvantage) ng RH Bill ayon sa binasang teksto?
3. Ano ang mungkahi ng komentarista upang maagapan ang suliraning maaaring kakambal ng batas sa antas
ng implementasyon nito?
4. Ano ang positibong pananaw o kaisipan ang nakita mo batay sa paksang tinalakay ng mamamahayag?
5. Ano ang negatibong pananaw o kaisipan ang nakita mo batay sa paksang tinalakay ng mamamahayag?
Pag-aralan mo rin ang pahina 191-196 mula sa iyong batayang aklat.

Gawain 5: Salitamentaryo

Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang may kaugnayan sa mundo ng pelikula. Maaaring gumamit
ng diksyonaryo o magtanong sa mga nakakaalam. Gawin ito sa isang buong papel.

FILM WORDS KAHULUGAN


lights
kamera
eksena
iskrip
action
aktor

Gawain 6: Pagbabalangkas

Tulad ng nabanggit na suliranin ng DICT sa mundo ng mass media kaugnay sa paglaganap ng fake news sa iba’t ibang
social networking services, hangad ng nasabing kagawaran na mahikayat ang mga social media user na tulad mo na
bumuo ng isang social media awareness campaign. Ito ay sa kadahilanang habang umuunlad ang mundo ng internet
ay mayroon namang banta para sa mga inosenteng social media user na mabiktima at ang malala pa’y mabilis itong
kumalat. Kaya sa puntong ito, bilang isang responsableng indibidwal, kailangang makalikha ka ng isang balangkas
ng iyong isasagawang kampanya. Sa inisyal mong paghahanda sa nakaraang linggo, sinuri mo ang isang balita at
tinuklas mo ang nakaambang suliranin para sa Eleksyon 2022. Kaya sa pagkakataong ito, hinihingi ng kagawaran ang
balangkas ng iyong isasagawang campaign material.
Sundin ang mga sumusunod na paraan sa iyong gawain:
1. Mag-isip ng isang isyung panlipunan na maaaring maging pagmulan ng fake news.
2. Tandaan na ang iyong bubuuing iskrip ay kailangang makatotohanan upang higit itong makahimok ng interes
ng taong makakikita, makababasa, o makaririnig nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.
4. Maging tiyak sa puntong nais bigyang-diin sa isasagawang diyalogo.
5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng iskrip.
6. Gawaing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na maging mabisa ang iskrip.
7. Pag-isipan kung anong pamamaraan ang gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya. Maaaring broadcast
media (voice recording), print media (blog, balita, editorial page, brochure at iba pa, at video technology
tiktok, video recording) kung broadcast media ang iyong napili mag-send ng sample voice record sa
messenger ng inyong guro.
Pansamantala mong isulat sa isang malinis na papel ang iyong iskrip. Ilagay na lamang sa bandang ibaba ng papel kung
anong paraan ang iyong pinili.

Maikling Pagsusulit: Tama o Mali


Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang tinutukoy ng salita may
salungguhit at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
________1. Ang komiks ay inilalarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa
mga mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman, at nagsulong ng kulturang Pilipino.
________2. Ang komedya ay isang uri ng programang pantelebisyon na kung saan ang mga nagsisipaganap ay
nagsasaad ng kasiyahan o lehitimong pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanilang bibig.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


8
________3. Ang magasin ay isang uri ng pahayagan na binubuo ng napakalawak na imahinasyon. Gumagamit
din ito ng mga imahe o di kaya’y teksto at impormasyong biswal sa pagpapahayag ng ideya at
paghahatid ng salaysay.
________4. Ang RH BILL ay isang batas na nagbibigay ng garantiya sa mamamayan na magkaroon ng access
sa mga metodo ng contraception, fertility control, sexual education at maternal care.
________5. Ang radyo ay isang uri ng midyum na paghahatid ng impormasyon sa lahat ng panig ng mundo.
________6. Ang pahayagan ay isang uri ng nakalimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas na
kadalasan ay naimprenta sa mababang halaga.
________7. Ang Cosmopolitan ay isang uri ng magasin na naglalaman tungkol sa balitang showbiz.
________8. Ang Entrepreneur ay isang uri ng magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
________9. Ang action ay bahagi ng pelikula na binubuo ng isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
________10. Ang kamera isang uri ng kagamitang ginagamit sa pagkuha ng larawan o bidyo ng isang tao o bagay
na gumaganap sa isang pelikula.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Binabati kita! Ganap mong napagtagumpayan ang mga gawain sa bahagi ng paglinang. Sana ay manatili sa iyong
isipan at pagkatao ang iyong mga nalaman. Muli tayong magkikita sa Ikalimang Linggo.

IKALIMANG LINGGO

Nakarinig ka na ba ng isang DJ sa inyong lokal na himpilan ng radyo? Ano ang madalas niyang pinapaksa sa ere?
Kung gano’n, nais mo bang maging katulad niya? Huwag kang mag-alala dahil sa’yo na ang mikropono. Tumungo
ka sa gawain sa ibaba.

Gawain 7: Radyomentaryo

Panuto: Pumili ka ng isang paksa sa nais mong talakayin bilang isang mamamahayag sa radyo.
Ilahad mo ang iyong maayos at wastong pansariling pananaw o opinyon batay sa iyong napiling
paksa. Ilahad ito sa loob ng isa hanggang dalawang talata.

Bakuna sa COVID-19 Political Dynasty


Modular
Distance
Learning
Ayuda mula sa
Health Protocol
pamahalaan

Kinahiligan mo ba ang manood at magtelebabad sa inyong telebisyon? Anong uri ng programang pantelebisyon
ang lagi mong inaabangan? Tama. Bilang isang mag-aaral, dapat ang mas tinatangkilik natin ay ang mga
programang nakapagdudulot sa atin ng mga kaalaman at kamalayan sa ating pang-araw-araw na buhay.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


9
Gawain 8: Telementaryo

Panuto: Bigyan mo ng tiyak na bahagdan o porsiyento ang mga programang pantelebisyon base sa
kung gaano kadalas mo itong panoorin. Hatiin mo lamang ang 100% sa mga ito.
Halimbawa: Koreanobela – 80%, Fantaserye-20%
Pagkatapos malagyan ng bahagdan bawat programa, suriin mo ang may pinakamataas na bahagdan at
alin naman ang may pinakamababa. Ilahad ang iyong sariling pananaw at katuwiran sa pamamagitan
ng paggamit ng ekspresyong ugnayang lohikal na dahilan at resulta. Itala mo ang mga ito sa iyong
sagutang papel.

KOREANOBELA - % EDUCATIONAL SHOW - %


ENTERTAINMENT SHOW - % TRAVEL SHOW - %
DRAMA/TELESERYE - % DOCUMENTARY SHOW - %
FANTASERYE - % REALITY SHOW - %
Programang Pantelebisyong may pinakamataas na bahagdan (%):
Dahilan ko kung bakit ito ang may pinakamataas Resulta sa aking pagkatao
Sagot: Sagot:
Programang Pantelebisyon na may pinakamababang bahagdan (%):
Dahilan ko kung bakit ito ang may pinakamababa Resulta sa aking pagkatao
Sagot: Sagot:

Gawain 9: Matalinong panonood

Panuto: Bilang isang (matelenong) matalinong manonood, ipakita ang iyong husay sa pagsuri para
sa uri ng programang pantelebisyong nakikita mo sa larawan. Suriin mo ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang buong papel.

A. B.

Figure
1https://www.google.com/search?q=probinsyano+fpj&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiJgtm9 Figure
o5nyAhULfnAKHRTIBkUQ_AUoAnoECAEQBA&biw=1366&bih=657#imgrc=Jq0nf5VBt-gieM 2https://www.google.com/search?q=encantadia&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjloL7Ko5ny
AhUG4GEKHdlaAigQ_AUoA3oECAEQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=Nd504A_t0G2fvM&imgdii=gV1OvC2R
V4O08M

MGA TANONG:
1. Saang uri ng mundo dinadala ang manonood ng dalawang programang pantelebisyong iyong nakikita?
a.
b.
2. Bakit nagkakaroon ng isang “fantaserye” sa mundo ng telebisyon? Ipaliwanag.
3. Nakaaapekto ba sa isipan at damdamin ng manonood na tulad mo ang ganitong uri ng palabas? Paano?
4. Kinakitaan mo ba ng panlipunang kamalayan ang ganitong uri ng palabas? Patunayan.
5. Sinasalamin ba ng naturang palabas ang kontemporaryong pamumuhay bilang mga Pilipino? Patunayan.
6. Ano-anong mga pagpapahalaga ang nakita mo sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” at “Encantadia”?
a.
b.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


10
IKAANIM NA LINGGO
Gawain10: Pinatnubayang Paglalahat

Sa bahaging ito ay tutulungan kitang palalimin pa ang iyong pag-unawa sa iba pang mga panitikang
popular. Dito ay susuriin mo ang piling mga akdang pampanitikan na iyong nabasa batay sa konteksto
nito.
Inaasahan din na mapalalalim mo pa ang iyong kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang maipamalas mo ang
makabuluhang pag-unawa sa panitikang popular bilang bahagi ng panitikang Pilipino?”
Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda sa bahaging ito.

Pinatnubayang Paglahat
Mahalagang Tanong Text 1 Text 2 Text 3
7 Sundays Ang Probinsiyano Balita (Panitikang
(Pelikula) (Programang Pantelebisyon) nababasa,
Mababasa ang buod nito Panoorin sa youtube ang isang napapakinggan o
sa pahina. 11-12. episodo nito: Cardo and his napapanood) Mababasa
family joyfully adorn Dalisay ang balitang ito sa
residence with Christmas pahina. 12.
decors | FPJ's Ang
Probinsyano
https://www.youtube.com/watch?v=yP_
DzH0Y7fQ

Bakit mahalagang Anong mga kaisipan ang Anong mga kaisipan ang Anong mga kaisipan
maipamalas mo ang nakapaloob sa pelikulang nakapaloob sa programang ito? ang nakapaloob sa
makabuluhang pag- ito? akdang ito?
unawa sa panitikang Maglahad ng patunay sa Maglahad ng patunay sa Maglahad ng patunay sa
popular bilang bahagi iyong sagot iyong sagot iyong sagot
ng panitikang Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito ay Paano mo masasabing
Pilipino? ay magpapatunay sa iyong magpapatunay sa iyong sagot? ito ay magpapatunay sa
sagot? iyong sagot?
Magkakaparehong ideya ng tatlong akda na nasa mga katuwiran:

Paglalahat/ Mahalagang Pag-unawa:

Text 1: 7 Sundays (Pelikula)


Ito ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio. Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan
ng kanilang barangay. Ang tanging kasama-sama lang sa bahay ay si Jun. Siya ay mayroong apat na anak na sina
Allan, Bryan, Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan, ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na
hindi makasama ang kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang
magagawa, may kanya-kanya ng buhay ang mga ito. Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigang doktor. Dito ay
napag-alaman niya na siya ay mayroong malubhang karamdaman (Lung Cancer). Ito ay dagli niyang ipinagbigay-
alam sa kanyang mga anak. Dumating ang kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang kinahaharap.
ng bawat miyembro sa bawat isa. Dito napag-alaman din na ang kanilang ama pala ay walang malubhang
karamdaman. Hindi na pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t siya ay humiling
sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng pitong linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, ang
mga anak at ang pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw ng linggo upang makapiling ang amang may
sakit. Masalimuot man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay naging maayos din kung kaya’t
ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi niya maamin na
nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang medikal. Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga
anak, lumabas ang mga hinanakit. Nagulat ang lahat at isa isang nagsialisan ang mga ito. Sa paglalabasan ng mga
hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang nagawa. Kung kaya’t pinasimulan ng panganay na anak
na si Allan na buuin uli ang pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan niya ang kapatid na si Bryan upang humingi
ng paumanhin at makipagkasundo. Nagkapatawaran ang magkakapatid at nagkasundo sila na puntahan ang iba
pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa pamilya. At sa huli, ang kanilang ama naman ang kanilang
pinuntahan. Nagkaroon ng pagkasundo-sundo ang bawat isa. Kaya’t ang suliranin na kanilang kinahaharap ay
FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022
11
nalutas na. Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito. Nagkaroon man nang di pagkakaunawaan sa pamilya,
kanila itong inayos upang sila ay magkasundo-sundo. Pagmamahal, pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat
miyembro ang siyang solusyon upang ang mabigat na suliranin ay malampasan.
http://lachicazhade.blogspot.com/2018/10/seven-sundays-buod-ito-ay-tumatalakay.html

Text 2: Ama, pursigidong magtrabaho para sa pamilya, 2 anak na may hydrocephalus


Mylce Mella, ABS-CBN News
Posted at Jun 17 2017 01:48 PM
RAGAY – Espesyal para sa 40 taong gulang na si Magno Samiñada ang araw na Biyernes. Ito kasi ang araw na
makakauwi siya sa kaniyang pamilya matapos mawalay ng isang linggo dahil sa trabaho. Sakay ng bisikleta,
tatlong oras siyang bumibiyahe mula Sipocot, Camarines Sur papunta sa bayan ng Ragay. Matapos ang 25
kilometrong biyahe ay maglalakad pa siya ng kalahating kilometro papunta sa kanilang bahay, kung saan
naghihintay ang lima niyang anak. Ang dalawang anak na lalaki na sina MacNeal, 13 taong gulang, at Jonel, 12
anyos, ay parehong may hydrocephalus.
Pag-uwi ay agad niya itong inaasikaso. Kamakailan lang ay nagkasakit ang mga ito.
Bagama’t ayaw ng asawa ni Samiñada na magpakita sa ABS-CBN News, kuwento niya ay sinubukan nilang
ipagamot sina MacNeal at Jonel noong bata pa ang mga ito. Maliban sa kahirapan, ang abiso sa kanila ay iikli
ang buhay ng mga ito. Ang bunso ni Samiñada ay anim na buwan pa lang, halos kaedad ng kanyang apo sa
panganay na si Janet. Ayon kay Janet, sa kabila ng kanilang sitwasyon, hindi niya narinig na magreklamo ang
ama kailanman. “Pagdating niya po, siya pa nag-aasikaso sa mga kapatid ko. 'Pag walang trabaho, naghahanap
siya. 'Di ko siya narinig magreklamo,” aniya. Ngayong mainit pa, sa construction ang trabaho ni Samiñada. Isa
siya sa nag-aayos ng simbahan sa Sipocot. Bilib din umano ang paring si Fr. Sam Bersabe sa kasipagan ni
Samiñada. Kahit Sabado o Linggo, nakikitrabaho ito, may maiuwi lang sa pamilya. At ngayon na papalapit na
ang tag-ulan, pangingisda naman ang plano niyang pasukin, may maitustos lang sa mga pangangailangan ng
kanyang pamilya. Simple lang ang kanyang pangarap ang maipagamot muli sina MacNeal at Jonel, at ang
makapag-aral ang kanyang mga anak, kahit mahirap at malabo pa ito sa ngayon. “Mahal na mahal ko ang mga
anak ko kahit anong mangyari. 'Di ko pwedeng pabayaan. Kahit ganon 'yon pinipilit ko mag hanapbuhay
mapaayos lang sila. Kahit sila may sakit, pinagpupuyatan ko talaga. Kahit ako puyat, trabaho pa rin,” ani
Samiñada. Ilang beses na niyang tinanggihan ang alok na magtrabaho sa Maynila, kung saan mas mataas sana
ang kita. Pero wala siyang plano na ipagpalit ang kahit linggo-linggong makita ang mga anak na kanyang lakas
at inspirasyon.

Gawain11: Suring-Pelikula

Basahin mo ang buod ng pelikulang “Alamat ng Lawin” sa iyong batayang aklat pahina 187-189. Sa pamamagitan
ng tsart sa ibaba, isagawa ang pagsusuring pelikula batay sa nakatala sa tsart sa ibaba. Gawin ito sa kaparehong
papel ng sinundang gawain.

Suring Pelikula: Alamat ng Lawin


1. Paksa/Tema
Sagot:
2. Layunin ng Pelikula
Sagot:
3. Gamit ng mga salita
Sagot:
4. Mga pagpapahalaga
Sagot:
5. Mga pangyayari sa pelikulang may kaugnayan sa pangyayari sa lipunan
Sagot:
1. 4.
2. 5.
3.

Napakahusay mo naman. Marami ka nang natapos na mga gawain. Natutuwa ako sa iyong ipinamalas.
Ngunit, tiyakin natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang pormatibong pagtataya.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


12
PORMATIBONG PAGTATAYA
Lagyan ng tsek ang kulay na sumusukat sa pagkaintindi sa paksang napag-usapan. PULA: Kung nangangailangan
pa ng pagsasanay, DILAW: 50% ng konsepto ay naunawaan at BERDE kapag naintindihan lahat at kayang
magamit ang natutuhan. Hindi na ito ipapasa.

Pula – nangangailangan pa ng pagsasanay


DILAW- higit 50 % ng konsepto ay nauunawaan
BERDE –naintindihan ang lahat ng konsepto at kayang magamit ang mga natutuhan

MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO


Balikan natin ang Anticipation Reaction Guide. Tingnan natin kung may kaibahan ang iyong sagot mula sa
“Bago ang Pag-aaral” tungo sa “Pagkatapos ng Pag-aaral”. Gamitin mo sa bahaging ito ang papel na ginamit
mo sa Pagsasanay B.
Panuto: Lagyan mo ng tsek ang katapat na pahayag sa ilalim ng “Sumasang-ayon” kung sang-ayon ka sa pahayag
at “Di sumasang-ayon” kung ikaw ay tutol sa pahayag.
ANTICIPATION REACTION GUIDE
Bago ang Pag-aaral Pagkatapos ng Pag-aaral
MGA PAHAYAG
Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon
1. Ang panitikang popular ay
nakatulong sa mabilis na
koneksyon ng tao sa kanyang
paligid.
2. Ang kontemporaryong
panahon ay higit na
mapanghamon sa buhay ng mga
Pilipino.
3. Itinuturing na isang
mekanismo ng pagbabago ng
kulturang Pilipino ang mass
media sapagkat may kakayahan
itong baguhin ang paniniwala at
pagpapahalaga ng isang tao.
4. Isang paraan ang panitikang
popular para sa kamalayang
panlipunan.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Binabati kita, natapos mo na ang mga gawain sa bahagi ng pagpapalalim. Inaasahang nagawa mong mapalalim ang iyong
pag-unawa tungkol sa iba’t ibang tekstong popular. Ang susunod ay ang katapusang bahagi ng modyul na ito kung saan
inaasahang matupad mo ang panghuling gawain.
Muli tayong magkikita sa ikapitong linggo.

IKAPITONG LINGGO

Ang layunin mo sa bahaging ito ay magampanan ang isang responsableng social media user sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang social awareness campaign. Dito mo mailalapat ang lahat ng iyong natamong pagkatuto sa mga
nagdaang linggo at gawain.
Balikan mo ang pokus na tanong na “Bakit mahalagang maipamalas ang makabuluhang pag-unawa sa
panitikang popular bilang bahagi ng panitikang Pilipino?”

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


13
Sa mga nagdaang linggo, nakagawa ka ng mga pangunahing preparasyon sa Andamyong Pagganap 1 at 2. At sa huling
linggo sa yunit na ito, isasakatuparan mo ang iyong lubos na pag-unawa at pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang kampanya para sa kamalayang ihahatid mo sa hatirang pangmadla (social media)

PERFORMANCE TASK: PAGBUO NG ISANG SOCIAL MEDIA AWARENESS CAMPAIGN


Sitwasyon:
Hinaharap ng mundo ang katotohanang malaki ang ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao.
Samu’t saring midyum ang nariyan upang ihatid sa tao ang mga impormasyon at pang-aliw sa buhay. Subalit
hindi mawawala ang banta ng mga impormasyong walang basehan o legal na batayan, o mas kilala sa tawag na
“fake news”, at ang mas nakakalungkot pa’y ito ang mas agad na kumakalat at pumapatok sa madla. Isa ito sa
patuloy na sinusugpo ng DICT, PNP, mga IT expert. Sa pamamagitan ng programang pangmedia na inilunsad ng
DICT, na may temang “Awtentikong impormasyon para sa masang Pinoy, itataguyod, isusulong”, hangad ng
kagawaran na mahimok ang tulad mo, bilang isang masugid na social media user, na lumikha ng isang social
media awareness campaign. Ipamalas mo ang iyong kampanya sa pamamagitan ng iba’t ibang midyum tulad ng
print media, broadcast media, o video technology. Ito ay tatangkilin ng maraming netizen, mga tagapakinig sa
inyong lokal na himpilan ng radyo, ipalalabas sa mga TV networks. Ang lilikahain mong kampanya ay
kinakailangang kakitaan ng bisa sa nilalaman, organisasyon at bisa ng wika.

Gawain 12: Think before you click

ANDAMYO SA PAGGANAP 3: PAGBUO NG ISANG SOCIAL MEDIA AWARENESS CAMPAIGN


Sa pagkakataong ito, maingat mong sundin ang mga sumusunod na hakbang para sa paglikha ng isang social
media awareness campaign. Magtanong sa iyong guro kung ikaw ay nalilito o nahihirapan.
Paano ako gagawa ng isang social media awareness campaign?
1. Mag-isip ng isang isyung panlipunan na maaaring maging paksa ng isang fake news.
Halimbawa: Maling impormasyon tungkol sa side effects ng bakuna kontra COVID.
2. Mula sa iyong naisip na isyu, bumuo ka ng isang paglalahad kung ano ang dapat at wastong impormasyon.
3. Ipakita mo sa iyong kampanya ang dapat at hindi dapat paniwalaan sa isyung iyong pinapaksa.
4. Upang maging makatotohanan ang iyong kampanya, sumangguni at magtanong sa taong may sapat na
kaaalaman sa paksang naisip, maaari ding magsaliksik sa pinagkakatiwalaang website o di kaya’y makinig
o manood ng balita.
5. Gumamit ng mga simplemg salita at alamin kung sinong pangkat ng tao ang dapat makabatid ng iyong
kampanya.
6. Upang mailathala mo ang iyong kampanya, ang maaari mong maging midyum dito ay: print media,
broadcast media, o video technology.
a. Para sa print media
 Pinakamadaling paraan ang pagggawa ng blog. I-sulat o i-print lang ito sa isang malinis na
papel.
b. Para sa broadcast media
 I-voice record ang iyong mga nakalap na impormasyon at i-send na lamang sa messenger
account ng iyong guro.
c. Para sa video technology
 Kunan ng video ang sarili habang ibinabahagi sa paraang pasalita ang iyong mga nakalap
na impormasyon. Sa katulad na paraan, i-send ito sa messenger o G-mail account ng iyong
guro.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


14
SUSI SA PAGWAWASTO:
Panimulang Pagtataya
1. cybernetics 3. world wide web 5. multimedia 7. global village 9. computer
2. internet 4. e-learning 6. techie 8. hypermedia 10. google

Pagsasanay A: Lawak ng aking nalalaman (marami pang posibleng sagot)


Kahulugan ng Kontemporaryong Pampanitikan Uri ng Programang Pantelebisyon
1. Tumutukoy sa uri ng panitikang makabago. Ilan sa mga kilalang 1. Teleserye
panitikang kontemporaryo ay yaong nakikita, nababasa, at naririnig na 2. Documentary Show
siyang pinalawig ng makabagong teknolohiya tulad ng internet at 3. Variety Show
telebisyon.
2. Sinasalamin nito ang pamumuhay ng kontemporaryong lipunanng
Pilipino.
3. Dito makikita ang mga sulatin o gawang sining na patungkol sa totoong
buhay.
Uri ng Panitikang nakalimbag Uri ng Panitikang Napakikinggan
1. pahayagan (marami pang posibleng mga
2. komiks sagot)
3. magasin 1. mga patalastas o panawagan
2. musika
3. balitang panradyo

Gawain 1: Suki ng Media (marami pang posibleng sagot)


Batay sa: Panitikang Nababasa Panitikang Napapanood Panitikang Napakikinggan
Paksa Mga napapanahong isyu Mga pangyayari tungkol sa mga musika napakikinggan
hinggil sa mga pangayari sa mga kabataan, mga tungkol sa pag-ibig,
lipunan. panlipunang kamalayan. tagumpay, panlilibak, mga
Magbigay ng kamalayan at paggalang pangkapaligiran.
kabatiran sa mga pang-araw-
araw na nagaganap sa
kapaligiran.
Layunin Magbigay ng bagong Magbigay ng mga totoong Mabigay ng aliw sa mga
kaalaman at maimulat ang impormasyon tugkol sa mga makabagong uri ng musikang
mga mamamayan tungkol sa pangyayari nagaganap sa napakikinggan.
mga napapanahong isyu sa iba’t ibang panig ng bansa.
lipunan.
Pananaw Mga panitikang naglalaman Mga impormasyong walang (Mga makabagong awitin)
ng katotohanan, kuro-kuro pinapanigan, kamalayan, Pansamantalang pagtakas sa
tungkol sa mga napapanahong kabutihan at katotohanan. realidad
isyu sa lipunan. Mga balitang nagbibigay ng
totoong impormasyon.

Gawain 2: Salain ang Impormasyon (Maaaring iba-iba ang sagot)


Opinyon Katotohanan
 Dapat mabusisi ang estruktura o sistemang ito,  Ang RH BILL ay mabuti at malaki ang maitutulong
baka naman sa salita lang magaling ang batas. sa mga Pilipino at makapagpapababa ng bilang ng
 Magbalangkas ang gobyerno ng sistema sa naghihirap na pamilya sa bansa.
pagbababatay sa pagsasakatuparan ng batas  Magandang kalidad ng buhay at pamumuhay ang
upang timbangin ang benepisyo kaysa perwisyo. maibibigay ng RH BILL sa bawat isisilang na sanggol
 Dapat pag-ingatan ang batas na ito, dahil ito ang at magandang kalusugan din para sa nanay.
magpapahintulot sa distribusyon ng family  Magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga
planning devices tulad ng birth control pills at iba mamamayan sa pagbuo ng isang masaya at malusog
pa. na pamilya.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


15
Gawain 4: Radyorific na Hatid (Marami pang posibleng sagot)
1. Ang pinag-usapan sa binasang komentaryong panradyo ay tungkol sa RH BILL.
2. Bentaha (Advantage)
 Pagpaplano ng mabuting pamilya sa pamamagitan ng mga access sa mga metodo ng contraception, fertility
control, sexual education at material care upang mapababa ang bilang ng mahihirap na pamilya sa bansa.
Desbentaha (Disadvantage)
 Maraming mga politiko ang hindi sang-ayon dito at nangangamba sa implementasyon lalo na sa pagpopondo
nito sa gobyerno at pribadong sektor.
3. Magbalangkas ang gobyerno ng sistema sa pagbabantay sa pagsasakatuparan ng batas na ito upang makarating
sa mga mamayan ang benepisyo.
4. Ang positibong pananaw batay sa paksang ito ay magkaroon ng kaalaman ang mga mamamayan sa pagpaplano
ng mabuting pamilya upang maging malusog at upang mabawasan ang kahirapan sa bansa.
5. Ang mga negatibong pananaw batay sa Una – maaaring mapunta ang pondo sa mga korap na opisyal ng
gobyerno at hindi mapunta sa mga mamamaya. Ikalawa – May mga mamamayan ang nakatira sa mga liblib na
lugar dahilan upang hindi makarating sa kanila ang tulong at benepisyo tungkol sa RH BILL.
Gawain 5: Salitamentaryo (Marami pang posibleng sagot)
1. Kamera – isang uri ng kagamitang ginagamit sa pagkuha ng larawan o bidyo ng isang tao o bagay na
gumaganap sa isang pelikula.
2. Iskrip – isang manuskripto ng isang audio-visual na materyal na nakasulat sa bersyon ng mga salitang dapat
sabihin, mga mensahe na dapat ipabatid, gabay ng tagaganap, direktor, tagaayos ng tunog at musika.
3. Aktor – tumutukoy sa isang tao na gumaganap sa isang pelikula. Isang karakter na gumamaganap upang
kumatawan sa buhay ng isang paksa.
4. Action – isang uri ng genre ng pelikula kung saan ang isa o higit pang mga bida ay sumasailalim sa isang serye
ng mga hamon na nangangailangan ng pisikal na katangian.
5. Eksena – ito ang bumubuo ng isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung
saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
6. Light - ito ay ang tumutukoy sa maliwanag o madilim na lugar sa loob ng kwadro at tumutulong likhain ang
kabuuang komposisyon ng bawat shot at gabay sa ating atensyon tungo sa tiyak ng mga bagay at kilos.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


16

You might also like