You are on page 1of 15

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang

1
Ikalawang Markahan – Modyul 17: Tula: Sandalangin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carla C. Del Rosario, Albert R. Doroteo
Editor: Paul John S. Arellano, Josefina T. Salangsang
Tagasuri: Estelita R. Portillano
Tagalapat: Carla C. Del Rosario, Albert R. Doroteo
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Tula: Sandalangin
Manunulat: Carla C. Del Rosario, Albert R. Doroteo
Tagasuri: Estelita R. Portillano
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Tula: Sandalangin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Tula:Sandalangin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

5
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito:

Kasanayang Pampagkatuto:

• Nabibigyang interpretasyon ang tulang nabasa.


• Naihahambing ang mga anyo at elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo
ng tula.

Mga Inaasahang Layunin:

a. Natutukoy ang kahulugan ng piling taludtod na hango mula sa tulang nabasa.


b. Nailalagom nang maayos ang nilalaman ng mga tulang pinaghahambing
alinsunod sa elemento at anyo ng tula.
c. Nasusuri at naipaliliwanag ang pagkakaiba sa anyo at elemento ng tulang
binasa at ibang pang tula.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang mga kahulugan ng


mga salitang nakahilig sa Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

______1. Kapag basa ang papel ng isang A. nagsisi


tao ay wala nang magtitiwala
sa kanya.

______2. Huwag mo nang pulbusin ang B. baliw


dibdib niya para lamang siya
ay magbago. Kausapin mo
muna.

______3. Lubha siyang sising-alipin sa C. magbalik-loob


lahat ng kanyang kasalanan.

______4. Tila siya ay nasiraan ng ulo sa D. bugbugin


sari-saring kasamang kanyang
pinasok.

______5. Magsisi at magbalik-luhod sa E. reputasyon


Diyos ang tangi niyang
layunin.

6
BALIK-ARAL

Bago natin simulan ang susunod na aralin, sukatin muna natin


ang iyong natutuhan at nauunawaan sa mga elemento ng tula.
Buuuin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungan sa bawat bilang.

2. 3.

5.

4. U T

PAHALANG PABABA
1. I t o a y s a d y a n g p a g l a y o s a 2. Ito ang mga salita sa tula na may
paggamit ng mga kahulugan sa mapanuring isipan ng
pangkaraniwang salita upang mambabasa.
maging kaakit-akit at mabisa ang 3. Ito ang pagsama-sama ng mga
tula. katangiang nagpapatingkad sa
4. Ito ang bilang ng mga pantig sa katangian ng tula at pumupukaw sa
bawat taludtod ng saknong. mayamang imahinasyon ng
bumabasa.
5. Ito ang pagkakaroon ng pare-
parehong tunog sa dulong mga
panghuling salita sa taludtod.

7
ARALIN

Bago tayo tuluyang dumako sa ating aralin, atin munang kilalanin


ang may-akda ng tulang babasahin.

Joey A. Arrogante

Si Jose “Joey” Arrogante ay isang manunulat at propesor. Isa siya sa itinuturing na


dalubhasa sa pag-aaral ng wika. Siya ay manunulat ng iba’t ibang akdang
pampanitikan katulad ng tula, maikling kwento, nobela at iba pa.

Sandalangin
ni Joey A. Arrogante

1Heben, mulang ikosa Mo ako,
 kaya nagbabalik-luhod ako Sayo



sa pagkaklase ba.
 kahit basag na ang pula ko,

Pero nang magdisaper Ka,
 kahit basa na ang papel ko.
nagkawatak-watak lahat

Kasalanan ko!
 3Isangpakiusap
Sinira ng pagwawala ko
 pakinggan Mo sana:

ang pagtitiwala Mo
 pabawiin Mo naman ako,

Pati ng barkada
 minsang tsansa na lang ba?
kaya sising-alipin ako.
Ang laki ng naging kapalit
 4Itong-itona lang!
sa binalewala kong pakikisama Mo,
 kailangang-kailangan ko kasi
nasugapa lalo ang buhay ko,
 at wala na akong matatakbuhang iba
nasira pati ulo ko
 na makikinig,
sa kamalasan,sa problema;
 na makakaintindi.
naging demonyo ako,
 Ikaw lamang.
kaaway ng lahat-
ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.
 5Sige na naman!
Ayoko na! Pagbigyan Mo na ako
Hindi na kaya para naman mahulug-hulugan ko
ng aking konsiyensiya.
 ang mga atraso ko Sa’yo
Ang hirap palang wala Ka!
 at sa kanilang lahat.
Sori Among!
 Kung gusto Mo, para mabawasan ang
Patawad! galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko
2Alam kong di- mapipiyansahan ang nang maisuka ko na rin
mga atraso ko sa 'Yo.
 ang lason sa katawan kong ito.
Alam ko ring walang duda matutukso
pa ako
 6Maawa Ka na, Manong!
dahil di-mabunot-bunot ang mga Tulungan Mo ako!
damo Pagalingin Mo ako!
na tumubo at sumukal sa kalooban Baguhin Mo ako!
ko sa mundo ko
 Ang toyo’t talangka sa ulo ko
na nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,
 pakialis Mo!

8
Kahit papaano Susundin ang loob Mo,
makalakad lang uli ako nang diretso. Dito sa lupa… para ….
Patawad Diyos ko!
7Maawa Ka na, Manong!
T anggapn  Mo  uli ako kahit di
nakakosa,
Maski kakilala na lang basta.
Sige na naman!
Ibigay mo na sa ‘kin ang adres Mo
at hahanapin ko ang bahay Mo
at oras na makita ko
Ipinangangako ko sa Sayo:

8Sasambahinang ngalan Mo,


Kamusta ang iyong pagbabasa? Naramdaman mo ba ang emosyong
naghahari sa nagsasalita sa tula?

Kung inunawa mong mabuti ang akda, tiyak kong masasagutan mo


ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Piliin sa kahon ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Isulat


ang
letra ng tamang sagot sa patlang.

A. Sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Panginoon at pagbabagong-buhay.


B.Ito ay tumutukoy sa isang dalangin o dasal, ito ang pagkakataon natin upang makipag-
usap,
humiling ng taimtim o humihingi ng kapatawaran sa ating mga nagawang kasalanan
sa Panginoon.
C.Tanggapin siyang muli ng Panginoon sa kabila ng kanyang nagawa at tulungan siyang
magbagong-buhay.

D.Pinagsisihan na niya ang mga nagawang kasalanan at nais na niyang magbalik-loob sa

________1. Sino ang “among, boss, manong” na kausap ng nagsasalita sa


tula?

________2. Ano ang masidhi niyang dalangin?

________3. Bakit siya nananalangin nang ganito?

________4. Paano niya nais gawin ang pagbabago?

________5. Bakit ‘Sandalangin’ ang pamagat ng tula?

9
Pagsasanay 2: Tukuyin ang kahulugan ng piling taludtod. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.

_______1. Heben, mulang ikosa Mo ako,


sa pagkakaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko!
A. Pagtanggap sa kasalanan.
B. Paghingi ng gabay sa Poong Maykapal.
C. Pangungulila sa pagmamahal ng Diyos.
D. Pagbubunton ng mga suliraning naranasan sa Panginoon.

______2. Ang laki ng naging kapalit


sa binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko.
A. Pagsisisi sa mga kasalanang nagawa.
B. Paghingi ng tawad sa mga pagkakamali
C. Paninisi ng mga pagkakamaling nagawa.
D. Paggunita sa mga maling nagawa sa nakaraan.

______3. Alam kong di-mapipiyansahan ang


mga atraso ko Sa'yo
Alam ko ring walang duda
matutukso pa ako dahil di-mabunot-bunot
ang mga damo
na tumubo at sumakal sa kalooban
ko sa mundo ko.
A. Paghihintay ng kapatawaran mula sa Kanya.
B. Pagiging tapat sa mga pansariling kakulangan.
C. Pagtanggap nang taos-puso sa mga pagkakamali.
D. Paghingi ng gabay upang ituwid ang mga pagkakamali.

______4. Kung gusto Mo, para mabawasan


ang galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko
nang maisuka ko na rin
ang lason sa katawang ito.
A. Paghingi ng kapatawaran sa Diyos.
B. Pagiging handa sa mga kaparusahang ipapataw.
C. Pagmamalaki at paninisi ng mga problemang naranasan sa kanya.
D. Pagsusumamo na linisin ang kaluluwa mula sa mga kasalanang
nagawa.

10
______5. Maawa ka na, Manong!
Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako
Baguhin Mo ako!
Ang toyo't talangka sa ulo ko pakialis Mo!
Kahit paano makalakad uli ako nang diretso.
A. Paghingi ng tulong sa pagtamo ng kasagutan.
B. Pagsusumamo sa kapatawaran ng Poong Maykapal.
C. Pagtanggap sa mga kasalanan at paglapit sa Panginoon.
D. Pagtanaw ng utang na loob sa mga kabutihang nagawa ng Diyos.

Pagsasanay 3: Paghambingin ang tulang ‘Sandalangin at ‘Ang Guryon’.

Ang Guryon
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon



Na yari sa patpat at “papel de Hapon”

Magandang laruan pula, puti, asul

Na may pangalan mong sa gitna naroon.


Ang hiling ko lamang, bago paliparin,

Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

Ang solo’t paulo’y sukating magaling

Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.


Saka, pag umihip ang hangin, ilabas

At sa papawiri’y bayaang lumipad;

Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,

At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw



Ay mapapabuyong makipagdagitan;

Makipaglaban ka, subalit tandaan

Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.


At kung ang guryon mo’y sakaling madaig

Matangay ng iba o kaya’y mapatid;

Kung saka-sakaling dina mapabalik

Maawaing kamay nawa ang magkamit!


Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

Dagiti’y dumagit saan man sumuot…

O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,

Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!

11
Mga Mga
Uri ng Any Mga Halimba Halimbawa
Tula Suka Tugm o ng Halimba wa ng ng
Paksa wa ng Larawang Simbolism
t a Tula
Kariktan -Diwa o

Sandalang
in

Ang
Guryon

PAGLALAHAT

Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay wasto batay sa nilalaman ng


tulang ‘Sandalangin’. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag
at MALI kung hindi.

________1. Labis na nagsusumamo ang persona na iwaksi ng Diyos ang mga


suliraning nararanasan nito.
________2. Batid ng persona ang kanyang mga pagkakamali at pagkukulang
sa Diyos.
________3. Sinisisi ng persona ang Diyos sa mga panahong labis itong
nalugmok sa kahirapan.
________4. Piniling maglingkod sa simbahan ng persona upang linisin ang
kanyang kasalanan.
________5. May pagkakataon sa buhay ng persona na lubusan nitong
itinatwa ang Diyos.

12
PAGPAPAHALAGA

Bilang pagtatapos sa aralin na ito, pagnilayan at palawakin mo


ang mensahe ng tula iyong binasa.
Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag sa ibaba.

“Ang pagsisisi sa mga maling nagawa sa buhay


at pagbabalik-loob sa Diyos
ang susi ng kaligayahan at pagtatagumpay”

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang tulang Sandalangin ay tulang may ________.


a. sukat c. malayang taludturan
b. tugma d. may sukat at tugma

2. “Maawa Ka na, Manong!


Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako!
Baguhin Mo ako!
Ang toyo’t talangka sa ulo ko pakialis Mo!
Kahit papaano makalakad lang uli ako nang diretso.

Ang interpretasyon ng tula ay _______.


a. Pagalingin siya dahil may sakit.
b. Tulungan siyang makalakad nang diretso.
c. Humingi siya ng tulong sa pagbabagong-buhay.
d. Tumatawag na siya ay tulungan dahil sinaktan siya.

3. Sasambahin ang ngalan Mo, Susundin ang loob Mo


Ang taludtod ay may bilang na ______.
a. labinlima b. labing-anim c. labimpito d. labingwalo

13
4. Langit ang pakiramdam kapag mabuti ang iyong kalooban at wala kang
sinasaktang tao.
Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay ______.
a. malungkot b. masagana c. masaya d. mataas

5. Ang kabuuang mensahe ng tulang ‘Sandalangin’ ay ________.


a. Huwag makalimot sa Diyos na tanging lumikha.
b. Likas lamang sa tao ang nagkakamali at nariyan ang Diyos upang tayo
ay patawarin.
c. Sa tuwing tayo ay nagkakamali o naliligaw ng landas tayo lamang ay
magdasal sa Diyos.
d. Lahat ng tao ay nagkakamali at minsan naliligaw ng landas ngunit
mayroong pagkakataon upang humingi ng tawad sa Diyos at magbalik-
loob sa Kanya.

SUSI SA PAGWAWASTO

14
Sanggunian

Julian, Ailene B., Grace G. Del rosario and Nestor S. Lontoc. “Aralin 6/
Sandalangin.” Poem. In Pinagyamang Pluma, 316–25. Quezon City, Ph:
PHOENIX PUBLISHING HOUSE INC., 2014.

“2.6 PangGawain - TtaAsi Oks.” Scribd. Scribd. Accessed July 15, 2020.
https://www.scribd.com/document/421564669/2-6-PangGawain-
TtaAsi-Oks.

15

You might also like