You are on page 1of 9

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kahulugan ng tagumpay.
B. Nailalahad at naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa sanaysay.
C. Nakapagbibigay ng mga simbolo ng iba’t-ibang propesyon at na ipapaliwanag ang
kaangkupan nito.
D. Nakapagbabahagi ng sariling karanasang kaugnay ng paksa.
E. Nakalalahok nang buong husay sa talakayan at pangkatang gawain.
F. Nabibigyang-halaga ang mensahe mula sa sanaysay.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
Magtatagumpay Ka Rin! ni Greg Laconsay (Sanaysay).
B. Sanggunian
Yaman ng wika at panitikan VIII, dd 60-61
C. Kagamitang Panturo
Kopya ng teksto, kagamitang biswal, mga larawan white board at marker.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Aktibiti
Isa-isang pupunta sa unahan ang
sampung mag-aaral upang pumili ng
larawan na iuugnay ninyo sa
pagtatagumpay sa buhay.

1. Orasan

Maiuugnay ko ang orasan sa pagtatagumpay


sa buhay sa pamamagitan ng tamang pag-
gamit ng oras upang hindi ito masayang sa
walang kabuluhang bagay. Ilalaan ko nalang
ito sa pag-aaral ng mga leksyon sa
paaralan.
2. Larawan ng Pamilya

Ang larawan ng aking pamilya ay maari


kong iugnay sa pagtatagumpay sapagkat
sila ang nagsisilbing inspirasyon upang
pagbutihin ko pa lalo ang aking pag-aaral.
3. Libro

Sa pamamagitang ng libro magkakaroon


ako ng mga kaalaman na maari kong
magamit upang makamit ko ang aking mga
pangarap.
4. Alkansya

Maari akong makapag-ipon ng pera upang


matugunan ang mga pangangailangan sa
pag-aaral na magiging daan para makamit
ko ang tagumpay.
5. Manibela

Maari ko itong maiugnay sa pagtatagumpay


sapagkat ako mismo ang may kakayahang
magdala at magdesisyon kung anong landas
ang aking tatahakin.

Pagpapalawak ng talasalitaan
Panuto: Ayusin ang mga ginulong na letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salita.
Gamitin ito sa pangungusap.
1. Iwinaksi A I I S L N
2. Papaglibayin A K P A N LW I A L A
3. Mamiso A Y B R A
4. Bulayin I I N P I S
5. Tigib O U P N
6. Nakikiamot I T N I K H I A A K
7. Aba I A H R P
8. Sakatero M S G K A A A S A
9. Landas N A D A
10. Sapat O T U S H

1. Inalis
2. Palalawakin
3. Barya
4. Isipin
5. Puno
6. Nakikihati
7. Dukha
8. Magsasaka
9. Daan
10. Husto
B. Analisis

Batay sa larawang ito, tungkol


saan kaya ang ating tatalakayin?

Batay sa larawan ang ating


tatalakayin ay tungkol sa pag
tatagumpay.

Ano ang kahulugan ng tagumpay?

Ang tagumpay ang pagkamit ng mga


bagay na pinapangarap natin sa buhay.

Ang pagkakaroon ng magandang


resulta sa mga bagay na ating
pinaghihirapan at pinagsisikapan ang
maituturing kong tagumpay .
Tatalakayin natin ngayon ang sanaysay
ni Greg Laconsay na pinamagatang
“Magtatagumpay Ka Rin!”

Bakit sinasabing ang tamad at litong


isip ay madaling tumigas katulad ng
isang semento?
Sinasabing ang tamad at litong isip ay
madaling tumigas katulad ng isang
semento dahil nakokontento na lamang
sila sa mga bagay na mayroon sila.
Hindi nila ito pinag-iisipan at umaasa
lamang sa maaaring mangyari.
Ipaliwanag ang pahayag na “Ang
aktibong isip ay katulad ng agos na
laging masigla sa paghahanap ng
landas patungo sa dagat”.
Isinasaad sa pahayag na kapag gusto
mo talagang marating ang iyong mga
hinahangad sa buhay, gagawin mo
ang lahat ng paraan upang maabot
mo ito.
Sa paanong paraan magkakaroon
ng pangarap o ambisyon ang mga
taong tamad at lito ang isip?
Magkakaroon ng pangarap ang litong
isipan sa pamamagitan ng mga taong
nakapaligid sa kanya na maaaring
makapagpapabago sa pananaw at gawi
nito sa buhay.
Bakit may tao na napakarunong
at marami ang tinapos na kurso ngunit
hindi naman nagtatagumpay?
May mga taong napakarunong at
marami ang tinapos na kurso ngunit
hindi naman nagtagumpay sapagkat
karamihan sa kanila ay hindi ginagamit
sa tama ang kanilang pinag-aralan at
hindi nagawa ng paraan upang
makahanap ng oportunidad na
magdadala sa tagumpay.

Sumasang-ayon ka ba sa sinabi ng may


akda na wala sa “kapalaran” o “kapanganakan”
ang dahilan ng iyong pagtatagumpay?

Sumasang-ayon ako sa sinabi ng may-


akda na wala rito ang dahilan ng
pagtatagumpay dahil kung magsisikap
tayong mabuti ay tiyak na makakamit
natin ang sinasabing tagumpay.
Hadlang nga ba ang kapansanan o kakulangan
sa pagtatagumpay?
Hindi ito hadlang upang magtagumpay
sapagkat ito ang magsisilbi nilang
lakas at inspirasyon upang makamit
ang mga hangarin sa buhay.
Ayon sa may-akda, may dalawang uri
ang isip ng tao. Tukuyin at ipaliwanang
ang mga ito.
Ang dalawang uri ng isip ng tao ay ang
positibong isip o mabuti at ang
negatibong isip o masama. Ang una
ang maaaring magdala sa tuktok ng
tagumpay samantalang ang ikalawa
ang maaring maging sanhi ng
pagkabigo
Paano magkakaiba ang matagumpay
na tao sa mayamang tao?
Nagkakaiba ang matagumpay na tao sa
mayamang tao sa paraan ang una ay
nagsumikap at naghirap upang
marating ang kanyang mga pangarap
sa buhay samantalang ang mayamang
tao ay sadyang isinilang na may
subong kutsarang pilak sa bibig
o nakaangat na talaga sa buhay.
Bakit laging naghahanap ng masisisi
ang mga taong bigo?
Laging naghahanap ng taong
masisisi ang mga taong bigo dahil
ayaw nilang tanggapin na sila ang
naging dahilan kung bakit sila hindi
nagtagumpay.
Sa paanong paraan nalalampasan ng taong
matagumpay ang mga suliraning kanyang
kinakaharap?
Nalalampasan ng mga taong
matagumpay ang mga suliraning
kanyang kinakaharap sa pamamagitan
ng paggawa ng karapatang solusyon
sapagkat nakayanan nga niyang
maabot ang nais niya sa buhay na mas
higit na mahirap.
C. Abstraksyon
Sa tulong ng concept cluster,nais kong
magbigay kayo ng mga katangian upang
ang tao ay magtagumpay o maabot nila
ang kani-kanilang pangarap.

magnegosyo
magtipid
magtiyaga

magsipag
magpakababa

Pagtatagumpay Mag-aral nang


maging yy mabuti
matatag
y
Maging
magtiwala
positibo
sa sarili
manalig sa ang ispan
maging
Panginoon
madiskarte

Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda


sa kanyang sanaysay?
Ang mensaheng nais iparating ng may-
akda ay kailangan nating maging
pursigido sa anumang bagay na ating
ginagawa. Huwag tayong susuko sa
ating ginagawa. Huwag tayong
panghinaan sa mga problema at hamon
na dumadating sa ating buhay dahil
tiyak na ating malalampasan natin ito
kung tayo’y hindi padadaig.
Pagsikapan nating makamit ang ating
ninanais.
D. Aplikasyon
Gumuhit kayo ng isang bagay na sumisimbulo
sa mga nais ninyong propesyon sa hinaharap
at sabihin ninyo ang mga gagawin ninyo upang
matupad ito. Ibabahagi ito sa harapan ng ilan sa inyo.
Ang libro ang sumisimbolo sa aking
propesyon sa pagiging isang guro.
Isa ito sa pinagkukunan ng kaalaman
na mahalaga sa pagtuturo ko sa mga
mag-aaral.

PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang mga salitang bubuo sa mga siniping pahayag mula sa sanaysay.
Isulat ito sa patlang.

takbo tamad balak


tigib sulok patutunguhan
dagat kapansanan kapanganakan
sisidlan agos butas
kapintasan

1. Ang at litong isip ay madaling tumigas katulad ng semento.


2. Walang ang tamad at litong isip. Walang pangarap o ambisyon.
3-4 . Ang aktibong isip ay katulad ng na laging masigla sa paghahanap ng landas
patungo sa .
5. Ang aktibong isip ay maraming . May ambisyon. tigib ang pangarap.
6. Ang isip ay hindi isang na kailangang punuin kundi upang papaglibayin.
7. Nasa sarili mo rin ang lihim niyan. Wala sa “kapalaran” o na madalas nating
idahilan kapag abang-aba na tayo sa ating kalagayan.
8. Ang bigong tao ay naghahanap lagi ng para sa kanyang kabiguan sisisihin
niya ang lahat maliban sa kanyang sarili.
9. Ang mabubuti nilang katangian ay lalong pinag-iigi, at ang mga nila’y
pinagsisikapang iwaksi o lampasan.
10. Kapag nahuli mo na ang ng iyong pagiisip,makapagsisimula ka nang
paunlarin ang iyong pag-iisip upang magtagumpay ka sa iyong mga pangarap.

Sagot:
1. tamad
2. patutunguhan
3. agos
4. dagat
5. balak
6. sisidlan
7. kapanganakan
8. butas
9. kapintasan
10. takbo

IV. TAKDANG ARALIN


Pagganyak na tanong: Maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo para
mapasaya ang taong mahal mo?

Basahin at unawain ang maikling kwentong “Ang Aguinaldo ng mga Mago” na salin ni
Rufino Alejandro.

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa maikling kwento? Ilarawan ang bawat isa.
2. Ano ang mga bagay na isinakripisyo ng mga pangunahing tauhan mapaligaya lamang ang
kanilang minamahal?
3. Bakit kailangan nilang ilagay sa kahon o itago ang mga ibinigay nilang Aguinaldo para sa
isa’t isa?

Sanggunian
Wika at Panitikan II
dd 240-243

You might also like