You are on page 1of 7

Sto.

Rosario National High School


Minalin, Pampanga
Masusing Banghay Aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ika-11 na Baitang
Ikatlong Semestre
S.Y. 2019-2020

Pebrero 17,2020

I. Abot-Tanaw
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nabibigyang kahulugan ang dula;
b. nakapagbabahagi ng mga aral na kanilang napulot sa dulang Sa Pula, Sa puti;
c. nakatatanghal ng isang dula ayon sa tema.

II. Paksang Aralin: Barayti ng Wika


www.google.com, Panitikan ng Filipino,
Metodolohiya: Pangkatang gawain

Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, ginupit na larawan

III. Pamamaraan: Paglalahad at pag-uulat ng mga mag-aaral

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Paghahanda

 Pagdarasal
 Pagsisiyasat sa mga lumiban sa
klase
 Pagsisiyasat sa silit aralan

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po.

Kamusta naman kayo ngayong umagang ito? Mabuti naman po.

Masaya akong marinig iyan.

Ngayon, handa na ba kayo sa bago nating paksang


aralin na tatalakayin ngayong umagang ito? Opo!

Kung gayon ay ipakita ninyo sa akin na kayo ay (gagawin ng mga mag-aaral)


handa na. Ayusin ninyo ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga
mesa at upuan.

Bago ang lahat ay nais kong ipakilala ang aking


mga alituntunin:

1. Makinig ng mabuti
2. Iwasang makipagdaldalan sa katabi.

3. Marunong rumespeto at makipagtulungan


sa mga Gawain.

Maliwanag ba? Opo!

I. Balik-Tanaw

Bago tayo dumako sa ating paksa, paki buod (ibubuod ng mag-aaral ang huling napag-aralan)
ang ating hulin pinag-aralan ?

II. Lusong Kaalaman

Maglaro tayo!

Basahin ang panuto.

Panuto: Mahahati ang klase sa dalawang grupo.


Magtalaga ng tag-lilimang representante para sa
Tema: Sa Sabungan, Pustahan inyong gagawin at ang gawain na itoy tatawagin
nating “123 ACTION”

(magtatanghal ang mga mag-aaral)

III. Lusong Kaisipan

Base sa inyong ginawa at nakikitang


larawan sa harapan, ano ang nahihinuhang (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
pag-aaralan natin sa araw na ito?

Ayon po sa aming ginawang Pagtatanghal ang pag-


aaralan natin sa araw na ito ay Dula.

Alamin nga natin. Iyong hugutin ang nasa (huhugutin ng mag-aaral ang kagamitan)
pisara.

Mahusay!
Pakibasa ng sabay-sabay.

Ang pag-aaralan natin sa umagang ito ay


dula ngunit isang halimbawa at ito ang
dulang Sa Pula Sa Puti ni Francisco “Soc”
Rodrigo.
IV. Gaod Kaisipan

Ano nga ba ang dula? (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ito ay ang pagtatanghal ng isang kwento.

Magaling!
Magbigay pa ng isang katuturan? Ito ay binubuo ng mga karakter na siyang gaganap
sa kwento. Ganun din na ito ay may tagpuan.

Mahusay!

Ang dula nga ay isang uri ng panitikan na


nahahati sa ilang tagpo na maraming
yugto na itinatanghal ng mga karakter sa
kwento..

Sabay-sabay basahin ang mga gabay na Gabay na Tanong


tanong grupo ng pula upang lalo nating 1. Sino ang pangunahing tauhan sa dula?
maunawaan ang ating paksa. 2. Ano ang mapupulot na aral sa dula?
3. Paano mo ito mai-uugnay sa tunay na
buhay.

Ating panoorin ang Sa Pula Sa Puti at


pagkatapos ating aalamin ang mga (manunuod ang mga mag-aaral)
kasagutan ng ating gabay na tanong.

Ano ang inyong nahihinuhang magiging (sasagot ang mga mag-aaral)


wakas ng dula, Para sa akin po ay maiwawasto na ni Celing
Magtalaga ng isang mag-aaral para sa ang pagka adik ng kanyang asawa sa sugal.
grupo ng pula, at isang mag-aaral para sa
grupo ng Puti.

Mahusay! Sa grupo naman ng Puti. Maiiwasan na ni Kulas ang sabong dahil sa


palagi niyang pagkatalo.

Sino ang pangunahing tauhan? (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ang pangunahing tauhan ay sina Kulas at


Celing.

Opo.
Tama ba?

Magaling!
Sila nga ang pangunahing tauhan.

Ano ang mapupulot na aral sa dulang sa


pula sa puti? (sasagot ang mga mag-aaral)

Ang mapupulot po na aral ay huwag ma adik sa


masamang bisyo tulad nalang ng sabong.
Isa pa po na mapupulot na aral ay wag ayunan ang
asawa sa kanyang masamang bisyo tulad nalamang
ng ginawa ni Celing kay Kulas.

Magaling!
Ngunit hindi lang sa sabong kundi sa lahat
ng bagay ay huwag kang masyadong
mahumaling dahil ito ay makapag-dudulot
lamang ng masama sa iyong pamumuhay
hindi lamang sa iyo kundi pati sa pamilya
mo. Katulad na lamang ng MMK noong
sabado na mayroon silang magandang
buhay dahil may negosyo silang
pinagkukunan ngunit dahil sa pag-adik ng
pangunahing tauhan sa sabong ay nawala
lahat ng pangarap ng kanilang pamilya pati
naring ang pangarap ng kanyang anak
sapagkat isinugal din niya ang pang tuition
ng kanyang anak, kayat ating
pakakatandaan na lahat ng sobra ay
nakapagdudulot ng masama tulad na
lamang ng palaging pagbabasa ng wattpad
nakakalabo ito ng paningin.

Ngayon ayon sa grap na ito bigyang


kahulugan ang mga nasa loob ng kahon
batay sa pagkakagamit sa dula.

MGA SANGKAP NG DULA MGA SANGKAP NG DULA


1. Tauhan- Ang mga kumikilos at
GITNA nagbibigay buhay sa dula.
SIMULA WAKAS 2. Tagpuan- Ang panahon at pook kung
saan naganap ang mga pangyayaring
isinasaad.
TAUHAN KASUKDULAN 3. Sulyap sa Suliranin- Pagpapakilala sa
problema ng kwento. Pagsasalungatan
TAGPUAN TUNGGALIAN ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng
tauhan na sarili niyang likha o gawa.
SULYAP SA 4. Saglit na Kasiglaan-Ito ay ang saglit na
SAGLIT NA
SULIRANIN paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
KASIGLAHAN suliraning nararanasan.
5. Tunggalian -Maaaring sa pagitan ng
mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang
sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
KALUTASAN isa o patung-patong na tunggalian.
6. Kasukdulan- Sa puntong ito nasusubok
ang katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso ang
KAKALASAN damdamin o ang pinakakasukdulan ng
tunggalian.
7. Kakalasan-Ang unti-unting pagtukoy
sa kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian.
8. Kalutasan- Dito nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula.
B. Layag Diwa

Tumayo ang pinaka una at pinaka huli sa bawat Ang ating pinag-aralan sa araw na ito ay
grupo at magsagawa ng dugtungang paglalahat tungkol sa dulang sa pula sa puti, na
kapupulutan ng aral na huwag maadik sa
sugal o kahit ano paman sapagkat ito
lamang ay makapagdudulot ng masama
napag-aralan din natin ang mga sangkap
ng dula ito ay ang mga sumusunod:
Tauhan- Ang mga kumikilos at nagbibigay
buhay sa dula.Tagpuan- Ang panahon at
pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinasaad.Sulyap sa
Suliranin- Pagpapakilala sa problema ng
kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o
kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang
likha o gawa.Saglit na Kasiglaan-Ito ay ang
saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan
sa suliraning nararanasan.Tunggalian
-Maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan
laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong
na tunggalian.Kasukdulan- Sa puntong ito
nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso ang
damdamin o ang pinakakasukdulan ng
tunggalian.Kakalasan-Ang unti-unting
pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian.Kalutasan-
Dito nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula.

Magaling!!!

V. Salok-Dunong

Kumuha ng kalahating bahagi ng papel at sagutin


ang mga sumusunod.Isulat ang tamang sagot bago
ang bilang.

_________1. Ang mga kumikilos at nagbibigay Tauhan


buhay sa dula.
_________2. Ang panahon at pook kung saan Tagpuan
naganap ang mga pangyayaring isinasaad.
_________3. Pagpapakilala sa problema ng Sulyap sa Suliranin
kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y
suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
_________4. Ito ay ang saglit na paglayo o Saglit na Kasiglaan
pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
_________5. Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, Tunggalian
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa
o patung-patong na tunggalian.
_________6. Sa puntong ito nasusubok ang Kasukdulan
katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at
pinakamabugso ang damdamin o ang
pinakakasukdulan ng tunggalian.
_________7. Ang unti-unting pagtukoy sa Kakalasan
kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian.
_________8. Dito nawawaksi at natatapos ang mga Kalutasan
suliranin at tunggalian sa dula.
_________9. Pamagat ng dulang napag-aralan. Sa pula sa puti
_________10. Ito ay ang pagtatanghal ng isang Dula
kwento.

C. Lambat-Likha
Kung ihahalintulad natin ang pag-aaral ng Ang mga mag-aaral ay maglalahad ng kanilang mga
Dula sa Philippine Politics and hinuha.
Governance,anu ano ang mga
pagkakahalintulad ng mga ito at ilahad.

VI. Daong Kamalayan

Maghagilap ng isang dula na nagtatampok ng


temang tungkol sa pag-aaruga sa
kalikasan.Ilahad ang Sangkap ng dula ayon sa
napiling dulagamitin ang sumusunod na Grap

Pamagat ng napiling Dula

Simula Gitna Wakas


Tauhan: Kasukdulan: Kalutasan:

Tagpuan: Tunggalian: Kakalasan:

Sulyap sa Saglit na
Suliranin: kasiglahan:
Maraming salamat at Paalam. Maraming salamat din po at Paalam.

Inihanda ni:

G. Ronald Francis S. Viray


Guro sa Senior High School/SSTII

Siniyasat ni:

Gng Ma. Cristelyn M. Paner


Master Teacher II

Gng. Mildred D. Lim


Master Teacher I

Binigyang Puna:

G. Cornele L. Tayag
Punong Guro III

You might also like