You are on page 1of 4

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSASALING-WIKA

1. Suriin kung ang pangungusap ito ay Malaya o pormula. Malaya – paiba-iba ng


anyo

Halimbawa: Rizal started writing poems at an early age.

Salin:

 Bata pa lamang ay nagsimula na si Rizal sa pagsusulat ng mga tula.

 Si Rizal ay bata pa nang simulan ang pasusulat ng mga tula.


 Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng mga tula nang siya’y bata pa.

** He knows how to swim.

** Siya ay marunong lumangoy.

** Alam niya kung paano ang lumangoy.

2. Huwag ipagwalang-bahala ang maraming kahulugan ng salita, mag-ingat kung may


madadagdag na salita o parirala dahil maaaring makapekto sa kahulugan ng salita.

Halimbawa:

He is learned.

She was beautiful disaster

learned – marunong, natuto

** Siya ay marunong.
** Siya ay natuto.

Ingles: Subject + verb

Filipino: Panaguri + Paksa

Paksa + Panaguri

3.Suriin kung ang pangungusap ay idiyomatiko o kawikaan - katulad din ng pormula na


diwa ang isinasalin at hindi salita.

Hal: give thanks – magpasalamat

To give birth to – manganak

To give up to the enemy – sumuko sa kaaway

To give away – magpaubaya

To give ear – pakinggan

4. Ang salin ay dapat pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal.

5. Kunin ang pinakamalapit na kahulugan ng salita, parirala kung ang diwa ay


maisasalin nang literal.
7. Sundin ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan.
Pormula – hindi nagbabago ang anyoHalimbawa: How do you do?Salin: Kumusta Ka?

6. Isama ang pandiwa, pang-uri, pang-abay at pangngalan sa pagsasalin bagaman


maaaring mapalipat ng posisyon o kinalagyan sa pangungusap.

Hal: jumped –tumalon jumping-tumatalon

mountains – mga bundok

mountain- bundok

8.Sikaping maging maugnayin (consistent) o isang salin lamang ang gamitin sa bawat
salitang tinatapatan (Pamfilo Catacataca)

9.Tiyaking ang salin ay may natural na “tunog” o “daloy” o istilo ng wikang


pinagsasalinan.

This sentence will be translated from English to Filipino.

– Ang pangugusap na ito ay isasalin mula Ingles sa Filipino.

(Source: http://www.slideshare.net/JhengReyes/pagsasaling-wika-filipino-3)

You might also like