You are on page 1of 2

MAKRONG KASANAYAN

PAKIKINIG

Ang pakikinig ay isang kasanayang unang dapat na matutunan bago pa man matutunan ang ba
pang kasanayang pangwika.

Pinakamalaki ang panahong ginugugol ng taon sa pakikinig kung ihahambing sa iba pang mga
kasanayang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Pinatutunayan sa mga pananaliksik na naisagawa na 45%
bahagdan ang oras na nailalaan ng isang tao sa pakikinig. Higit na Malaki ito kung ihahambing sa iba
pang mga kasanayan gaya ng pagsasalita, pagsulat at pagbasa. Ang pakikinig ay isang makrong
kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Sa pakikinig
gumagana ang tainga at utak. Ang tainga ang tagatanggap ng tunog, ipinapadala agad ito ng mga
auditory nerves sa utak. Lalapatan ng utak ang signal ng tugon na natanggap ng interpretasyon at kanya
itong tatandaan.

Ayon kay John Marshall, ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrument ng komunikasyon
na angsisilbing impluwensya upang makipag-usap nang mabuti.

MGA SAGABAL SA PAKIKINIG

1. Mga Suliraning Eksternal – ang mga problema sa pasilidad tulad ng suruting upuan, mainit o malamig
na temperatura sa silid ay maikakategorya sa ilalim ng uring ito.

2. Mga Suliraning Mental – pre-okupasyon o pag-iisip ng mga suliranin, pangangarap nang gising,
pananakit ng ulo at higit sa lahat ang kakulangan ng pag-iisip ay iilan sa mga halimbawa ng uring ito.

PAGSASALITA

Sinasabi sa pag-aaral na sumusunod sa kanyang pakikipagtalastasan, 30% bahagdan ang


nagagamit ng tao sa kasanayang ito. Sa pagsasalita ang tao ay nakapagbabahagi ng kanyang mga
kaalaman at karanasan.

Ang pagsasalita ay ang kahusayan o kapangyarihan ng taong ipahayag ang mga opinyon o ideya
sa pamamagitan ng mga salita.

Ang pagsasalita ay ang komunikasyon ng mga ideya, damdamin at saloobin sa pamamgitan ng


mga simbolong naririnig mula sa tagapagsalita.

Ang pagsasalita ay ang kakayahang maiparating sa harap ng mga tagapakinig ang mensaheng
gusting maiparating sa pormal man o hindi pormal na paraan.

MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA

1. Tindig – ang isang tagapagsalita na may kaiga-igayang personalidad, kalugud-lugod sa paningin ng


madla ay may bentahe kaysa sa mga tagapagsalitang mukhang sakitin. Dapat na siya ay kagalang-galang
tingnan. May tikas mula ulo hanggang paa.

2. Kumpas – ang angkop na kumpas ng kamay o kaya’y ng buong katawan ay mahalaga sa pagsasalita.
Ibig sabihin nito, dapat na tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas ang mensahe, kasabay ng
kumpas maging bahagi ng katawan lang o buong katawan.

3. Ekspresyon ng Mukha – ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa ekspresyon ng kanyang mukha.


Upang maiwasan ang pagkalito, tawanan o distraksyon sa mga tagapakinig siguraduhing angkop sa
ekspresyon ng mukha ang salitang binibigkas.

4. Bigkas – ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pakahulugan lalo na’t
ang mga wika sa kapuluan ay napakaraming salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
at kahulugan.

IBA’T IBANG GAWAIN SA PAGSASALITA

 Pakikipag-usap – ito ay isang masining na paraan ng komunikasyon. Ito ang madalas gawin ng
mga tao – ang pagpapalitan ng kaisipan at saloobin sa pamamagitan ng mga salita.
 Pagkukuwento – ito ang pagsasalaysay ng mga akdang may mga pangyayaring kathang-isip o
kaya’y hango sa tunay na buhay ng may akda.
 Pakikipanayam – ito ang pakikipag-usap na karaniwang kinasasangkutan ng dalawang katao. Ito
ay may layuning makakuha ng impormasyon tungkol sa kinakapanayam gaya ng mga personal
na bagay, opinyon tungkol sa napapanahong isyu, at higit sa lahat ang kanyang mga ideya o
saloobin tungkol sa paksa o larangang kung saan siya ay dalubhasa.
 Debate – ang debate ay ang pagtatalo ng dalawang pangkat tungkol sa isang kontrobersyal o
napapanahong isyu na ginagamitan ng kritikal na pananaw. May dalawang panig sa
pagdedebate; ang sumasang-ayon at ang tutol.

PAGBASA
Ang pagbasa ay isang paraan din ng pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakalimbag na
simbolo. (Lazaro, 2006)
Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng
isang mensahe hango sa tekstong binabasa. (Goodman: Badayos, 1999)

URI NG PAGBASA BATAY SA LAYUNIN


SCANNING
- Ito ay isang uri ng mabilisang pagbasa na ginagamit upang makita at mahanap ang mga kaisipang
hango sa akda.
SKIMMING
- Ginagamit upang makahanap ng mga impormasyon tungkol sa paksang binibigyang-tuon. Ito rin ay
ginagamit upang agad na makilala ang pangunahing kaisipan sa isang teksto.

DALAWANG PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA SALITA


1. DENOTASYON – ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal na
kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktwal na kahulugan”.
2. KONOTASYON – ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
- ang kahulugang konotasyon ay ang pahiwatig o patalinghagang kahulugan ng salita.

PAGSULAT
– Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal, produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto
sa pagkatuto. (Lydia Lalunio)

– Ang pagsulat ay paglilipat sa papel o anumang bagay na maaaring magamit sa paglilipat ng mga
nabubuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga taong may layuning maipahayag ang
kanyang nasa kaisipan. (Consolacion Sauco)

– Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad para sa iba’t ibang layunin. (Lazaro)

You might also like