You are on page 1of 17

MGA URI NG

KOMUNIKASYON
1. KOMUNIKASYON
BERBAL
Ang ganitong uri ng komunikasyon ay
nangangailangan ng paggamit ng salita. Maituturing
na komunikasyong berbal ang pasalit at pasulat.
Kabilang dito ang lahat ng uri ng sinasalita o yung
mga ginagamitan ng ponema ng wika at mga
ginagamitan ng grapema (letra, bilang, bantas).
2. KOMUNIKASYONG
DI-BERBAL
Di-berbal ang komunikasyon kung ito ay hindi
gumagamit ng wika. Ang paggalaw ng
katawan, ekspresyon ng mukha, galaw ng ulo,
at pagkumpas ng mga kamay ay
pagpapahayag ng damdamin o saloobin na
hindi gumagamit ng mga salita.
Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di-berbal
na Komunikasyon:

a. Proxemics – may kinalaman ito sa layo o


pagitan ng nag-uusap at sa pook o lugar kung
saan nagaganap ang komunikasyon. Ang
distansya ng pagitan ng nag-uusap ay may
kahulugan na maaring intimate, personal,
sosyal o pampubliko.
b. Chronemics – “chronos” salitang
Griyego na nangangahulugang panahon o
oras. Isinasaalang-alang ang panahon
kung kailan naganap o ginaganap ang
pakikipagtalastasan.
c. Oculasics – mga mata ang ginagamit sa pakikipag-
komunekeyt sa uring ito. Sa mga nagsisinungaling o
may inililihim ay hindi makatingin ng mata sa mata
sa kanyang kausap. Sinasabi ng ilan na ang mga
taong tapat at malinis ang layunin ay diretso kung
makipag-usap at diretso ang tingin sa mga mata ng
kanyang kausap.
d. Haptics – isang uri ito ng pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng haplos (touch). Ito’y
nagpapadama ng pakikiramay, pakikigalak, at
pakikiisa ng damdamin ng kausap. Ang haplos,
magiliw na pagyakap sa sanggol ay nagdudulot ng
mabilis na pagdebelop ng kanyang pisikal
emosyunal na katauhan.
e. Kinesics – tumutukoy ito sa galaw, kilos ng
katawan gaya ng pag-iling, pagkaway, pagtango,
paglapit o paglayo sa kausap, sa pagbibigay ng
mensahe.
f. Objectics - ito’y paggamit ng bagay sa
pakikipagkomunikeyt, halimbawa, ang paggamit ng
cellphone, mikropono, telepono, radyo, at
computer.
g. Vocalics – sa pamamgitan ng paglakas,
paghina, pagbagal, pagbilis, pagbago-bago ng
intonasyon o tono, o saglit na pagtigil, sa
pagsasalita, ay magbibigay ng iba’t iban
kahulugan ng mensahe mula sa
pinanggagalingan.
h. Iconomics – dito ay larawan o mga simbolo
ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Halimbawa nito ang mga senyales o babala sa
mga kalsada o kaya mga “traffic lights”.
May tatlong paraan upang maipakita ang
komunikasyong di-berbal, ayon kina Jurgen
Ruesch, propesor ng Saykaytri ng Unibersidad
ng California sa Kolehiyo ng Medisina; at
Weldon Kres, isang kritiko, makata, at
prodyuser ng pelikula. (Austero et. al, 2002).
Sign Language
- senyas/kumpas o simbolo na pamalit na salita, bilang o numero, at
bantas.
Halimbawa:
 Maaaring gamitin ang hinlalaki (pagtaas at pagbaba) upang
mangahulugang “oo” at “hindi”
 Ang pula ay “hinto” at ang berde ay “go” sa batas trapiko.
 Ang zero (0) ay nangangahulugang wala
 Ang babaeng nakapalda at lalaking nakapantalon ay para sa CR
 Ang tandang pananong (?) ay nangangahulugan ng tanong o
palaisipan
 At ang krus na pula ay para sa samahang Red Cross
Action Language
-Ito ay pagkilos ng katawan na nagbibigay ng kahulugan.

Halimbawa:  Pagkindat
 Pangangatal ng labi  Panlalaki ng mata
 Ang panginginig ng  Ang pagtaas ng kilay
katawan  Pagtaas ng kamao
 Ang pagsimangot
 pagkibit-balikat
Object Language
- ito ay ang paggamit ng mga materyal na bagay upang
kumatawan sa isang mensahe tulad ng mga:

 Uniporme sa mga trabaho o paaralan


 Singsing
 Barong
 Magarang kotse
3. KOMUNIKASYONG
EKSTRA BERBAL
– Uri ng pakikipagtalastasan na gumagamit ng tono o
timbre ng boses sa pagbigkas ng salita o
pagpapahayag ng saloobin o damdamin. Ang mababa
at malumanay na tinig ay tanda ng paggalang sa mga
matatanda, samantalang ang mataas na tono, malakas
at mabilis na ritmo ng boses ay ginagamit sa
pagbibigay ng babala o paghingi ng tulong.
Halimbawa:
Mababa at malumanay : Pasensiya na po.
Ipagpaumanhin po ninyo.
Maraming salamat po.
Mataas at malakas : Huwag! Mahuhulog ka riyan!
Tulong! Mahuhulog ang bata!
4. KOMUNIKASYONG
SIMBOLIK
Ito’y binubuo ng mga mensaheng nagbibigay ng mga
bagay na ginagamit sa naglalarawan ng mga nakatagong
katangian at personalidad ng isang tao. Ang mga
katangiang ito ay maaaring maipakita sa pamamagitan
ng mga sumusunod:
a. kasuotan ng damit
b. alahas o palamuti sa katawan
c. “make-up”

You might also like