You are on page 1of 3

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Ano nga ba Komunikasyong Di-Berbal?

ito ay uri ng komunikasyon na kung saan hindi gumagamit ng wika bagkus ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at
salitang hindi maiintindihan ng taga-pagkinig ang ginagawa.

ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na kung saan ang daluyan o channel ay hindi ginagamitan ng
anumang sinasalitang tunog.

Ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan na kung saan hindi ginagamitan ng sinasalitang tunog o wika,
bagkus ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at salitang hindi maiintindihan ng taga-pagkinig ang ginagamit o
isinasakilos.

MGA URI NG KOMUNIKASYONG DI BERBAL

1. Oras (Chronemics). Mahalaga ang oras. Ito ay ang isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang
paggamit ng oras, kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng mensahe.
ORAS / KRONEMIKA (CHRONEMICS)
Teknikal o siyentipikong oras
ginagamit lamang ito sa laboratoryo at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa sapang araw-araw
nating pamumuhay.
pormal na oras
tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano ito itinuturo.
e.g. sa
impormal na oras
medyo maluwag ito sapagkat hindi eksakto
e.g. magpakailanman, agad- agad, sa madaling panahon at ngayon din
sikolohikal na oras
tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa kasa;lukuyan at sa hinaharap/

2. Espasyo (Proxemics).
pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng isang antropologo
na si edward t. hall noong 1963
Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng
ibang tao.
sa kategoryang ito nakapaloob din ang pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar

may ibat ibang uri ng proxemics distance tayong ginagawa sa ibat ibang pagkakataon at ang distandyang
ito ay maaring mangahulugang
intimate 1 ½ talampakan
personal 1 ½ hanggang 4 na talampakan
social 4 hanngang 12 talampakan
public 12 talampakan o higit pa

3. Katawan (Kinesics).
Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa tunog na lumalabas sa ating bibig.
Na kung tawagin natin sa Ingles ay body language.
May kahulugan ang paggalaw ang iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.
maaaring Makita sa ating mga mata.
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nagiiba ang mensaheng ipinapahayag
batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata
Makikita sa mukha ng tao kung siya’y masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may
suliranin, nahihirapan o galit.
Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin.
Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin.
Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay nan g hinuha o palagay kung
anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap
e.g nakuba yung matanda, kasi masipag obatak sa pagttrabaho
Maaaring ang kumpas ng kamay din
(1) regulative, kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro
(2) descriptive, kumpas na maaaring naglalarawan sa isang bagay
e.g. laki haba, layo taas at hugis ng isang bagay
(3) emphatic.kumpas na nagpapahiwatig ng damdamin
e.g pagpalakpak, pagtaas ng kamay

a. Panlalaki ng mata (galit, gulat, hindik, pagtataka


b. b. Pagtaas ng isang kilay (pang-iisnab, pagtutol, panlalait, pagmamataas)
c. Pagkunot ng noo (naguluhan, yamot, nag-iisip nang malalim)
d. d. Pagnguso (pagtatampo, may itinuturo)
e. e. Pagkagat ng labi (pagsisisi, pagdadalamhati, nasasaktan)
f. f. Pag-umang ng nakakuyom na kamao (laban o astang palaban)
g. g. Pagngisi (may masamang balak)
h. h. Pagkibit ng balikat (pagwawalang bahala)
i. i. Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo (ninenerbyos o sobrang sigla)

4. Pandama (Haptics).
a. Isa sa pinaka primitibong anyo ng komunikasyon,
b. Tumutukoy din sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe
c. Minsan ito ay nagpapahiwatig ng positibing emosyon
d. may iba iba tayong tawag sa paraang paghawak sa tao o bagay at sa bawat paraan may iba ibang
kahulugan.
e. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob.
e.g TAPIK FOR INSTANCE makikiramay or para mapukaw yung atensyon
, pindot, hablot, pisil, HAWAK, batok, haplos, at hipo.

5. Simbolo (Iconics).
Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo na may malinaw na mensahe.
Larawan na may ibig sabihin
Sa palikuran
Sa kalsada

6. Kulay (Colorics). Ang kulay ay maaaring magpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.


Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-bagay ay nilalapatan natin ng kahulugan.
Puti at itim ipinapahiwatig ang pagluluksa
Pula kasiyahan tulad na lamang ng selebrasyon ng kaarawan at pasko

7. Bagay (Objectives). Ito ay may kahulugang ipinahihiwatig na minsan ay hindi napapansin ng mga tao na
minsan din makikita.
Ang gamit ng isang bagay ay isang mensahe na pinapakita nito.
Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan
e.g elektronikong ekwipment

8. Kapaligiran.
Malinaw na ipinapakita sa ating kapaligiran ang kahulugan kung ito ay malinaw, maayos, hindi
magulo, o di kaya’y magandang bakasyonan o puntahan.
Pagdarausan o lugar na gagamitan sa anumang pulong, kumperensya at iba pa

9. Paralanguage.
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
Pagbibigay diin
Bilis ng pagbigkas
Paghinto sa loob ng pangungusap
Lakas ng boses
TAGINTING ng tinig
Halimbawa nito ay ang pagsasalita ng isang pipi. Hindi masyadong maiintindihan ng isang
tagapagkinig ang mensahrng ibinabahagi ng isang pipi, maliban na lamang kung ika’y isang eksperto o
may kaalaman sa mga pananalita o kumpas ng kamay ng isang pipi.

You might also like