You are on page 1of 54

YUNIT-III

DISKURSO
C. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Salungguhitan ng
isang beses ang sugnay na makapag-iisa at salungguhitan ng dalawang beses
ang sugnay na di makapag-iisa at tukuyin kung anong kayarian ng
pangungusap ito at isulat sa nakalaang patlang, (PAYAK, TAMBALAN,
HUGNAYAN, AT LANGKAPAN). (3pts)
 
Langkapan 1. Kapag may kalamidad, ang karapatdapat na gawain
ay tumulong at gumawa ng marangal at magbigay ng malasakit
sa mga kababayan na naapektuhan.
 
Tambalan 2. Ang nanay niya ay Social Worker at ang tatay niya ay
doktor.
 
Hugnayan 3. Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil
sa maganda ugaling ipinakita niya.
 
Payak 4.Ang Kidapawan ay sagana sa likas na yaman.
 
Tambalan 5. Tao ang dahilan ng problema sa basura ngunit tao rin
ang makagagawa ng solusyon para rito.
 
Ayon sa akda ni Peter Stockwell na may
pamagat na Language and Linguistics.
Diskurso
ay anomang pinag-ugnay na mga piyesa ng
pagpapahayag o pagsusulat sa isang lipon
ng pagkakataon sa panlipunang konteksto
mula sa teksto. Ito ay inihahalintulad sa
interaktibong kumunikatibong dimensyon
ng wika, na ngangailangan ng pag-unawa
sa pakikipag-usap, pagsasagisag, at ang
dinamikong proseso ng paglikha ng teksto
at pag-unawa.
-isang usaping hanggang sa
kasalukuyan ay inaalam at nais
patunayan. Isang teorya una inilalapit
sa pagkaperpekto bagaman
masasabing walang bagay na husto o
wasto sa kaniyang sarili. Kung
kaya,Sinisikap ng nakararami na gawin
itong malakas subalit hindi ginaganap
na walang kahinaan.
May dalawang kilalang teorya
tungkol sa diskurso:

• Speech Act Theory


•Ethnography of Communication
Speech Act
Speech Act Theory
Theory
ay isang teorya na ipinakilala ni J.L. Austin
sakaniyang aklat na How to Do Things in Words na
nagsasabing ang wika ay isang uri ng paraan ng
pagkilos at isang paglilipat ng mga impormasyon.
Isang pagsubok at paggawa ng isang bagay sa
pamamagitan ng pagsasalita lamang. Maaari
tayong makipagkasundo sa pamamagitan ng
pangako, pagtatanong paghiling o paggawa ng
isang bagay, manumbat, magbanta, magbigay ng
pangalan sa isang nakikita o kaya ay kagaya ng
pagsusumpaan ng lalaki at babae bilang mag-
asawa sa isang dambana at iba.
Speech act
ay napapabilang sa saklaw ng mga
pragmatiko (nagpapakahulugan), at ang
kanilang mga ginagawang pag-aaral ay
tinatawag na teoryang speech act na
itinuring ng pilosopong Briton na si J.L.
Austin noong dekada '60 na kung saan
naman ay pinaunlad ng iba pa (gaya ni John
Searle) bilang isang salalayan ng mabuting
komunikasyon. Bagaman naunang tinukoy ni
Austin ang tatlong aspeto nito:
Tatlong aspeto ng Speech Act:

1. LOCUTIONARY ACT -tungkulin o gawain


ng pagsasabi ng isang bagay na
makabuluhan o may literal na
nauunawaan sa paggamit ng wika. Ang
kaalamang panglinggwistika na nag
puhunan sa pagsasagawa ng akto o
kilos na lokyusyonari,(may kahulugan)
Halimbawa: pangako kong tuturuan kitang
sumayaw.
2. ILOCUTIONARY ACT
-isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang
bagay o isang mensahe ayon sa intensyon ng
nagsasalita. (may pwersa-performans sa
akot ng pagsasabi ng bagay).
HALIMBAWA:
PANGAKO:
Magkita tayo mamaya at tuturuan kitang sumayaw.
PAKIUSAP:
Edwin, maari bang turuan mo akong sumayaw?
PAG-UTOS:
Turuan mo akong sumayaw, kung ayaw mong tanggalin kita sa
trabaho.
Tatlong aspeto ng Speech Act:

3. PERLOCUTIONARY ACT (ang bunga ng


iyong ipinahayag) ang gampanin o
tungkuling dulot ng pwersang ilocutionary.
Halimbawa: pagsasabi ng isang bagay na
kadalasang nagproprodyus ng mga tiyak
na kinsikwensyal na epekto.
Ethnography of Communication
Noon namang dekada "70, ipinakilala naman
ng, isang American Anthropolo gical Linguist
na si Dell Hymes ang isang pag-aaral sa
pamantayang pangkomunikasyon sa isang
speech community , kasama ang berbal, di-
berbal at panlipunang mga salik. Ipinakita
niya bilang isang linggwistang
antropolohikal ang kahalagahan ng kultura
bilang pagtukoy sa komunikatibong gawi na
tinawag Etnography of communication.
Kung saan ang mga mananaliksik ay itinuon
ang malawak na salalayan bilang pangunahing
sa bilang ng mga komunidad:
Kalakasan ng tinig
Taas ng tinig
Mga tagapagsalita
Ekspresyon
Pagtindig
Eye contact
Ang termino ng pinatutungkulan
Mga panuntunan sa mga usapan
PARALINGGWISTIKO O PARALANGUAGE
-tumutukoy sa paraan ng pagbigkas
ng isang salita pagbibigay diin sa mga
salita.
-Ang taas o baba, lakas o hina,
bagal o bilis ng tinig ay nakakatulong
sa pagpapakahulugan ng pahayag.
Kaya nga, mahalaga na matukoy ang mga
pinamulan ng isang bagay para maunawaan
kung bakit ganoon ang itinuturing ng
nakararami na hindi naman dapat.
Pasalita ,pakilos o pasulat man ay dapat
kilalanin ito na mga diskurso na bahagi ng
mundong ginagalawan ng bawat nilalang.
Pasalita at Pasulat
na Diskurso
Ang diskurso ay berbal na
pagpapahayag ng isang tao sa paraan ng
pasalita o pasulat. Sa lipunang ginagalawan
iba’t ibang uri ng diskurso ang ating
inilalapat sa ating pang araw-araw na uri ng
pamumuhay.
Ito ay natural na paggamit ng isang tao
sa wika na ang kahulugan ay makikita sa
mga parirala, pangungusap o talata na
ginagamit sa isang akda o teksto.
Ang pasalita at pasulat na
diskurso ay malinaw na
magkatulad na anyo ng
pakikipagtalamitam ng isang
tao sa kanyang kapwa sa
lipunang ginagalawan.
Datapuwa't marami ring pagkakaiba
ang dalawa batay na rin sa kahingian o
kani-kaniyang tinataglay.
Kaya naman kinakailangang ang mga
taong nakapaloob sa isang lipunan na
ang pangunahing paraan ng
komunikasyon ay wika na dapat na
magtaglay ng:
kakayahang pangkomunikatibo
kakahayahang palinggwistika.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ng isang
tao ayon na rin kay Chomsky ay kakayahan
ng isang tao na makapamili sa mga barayti
ng wika na gagamitin sa mga pagtitipong
sosyal na maaaring sumubok sa kanyang
kaalaman upang matugunan ang mga
pangangailangan sa isang sitwasyon at
pagkamaalam sa mga impormasyong
kultural na kinabibilangan ng kaalaman sa
lipunan, pulitika, relihiyon at kung ano
pamang bagay na may kaugnayan at
popular sa isang lugar.
• Idyolek-pansariling wika
• Dayalek-wikang ginagamit sa isang
partikular lugar
• Sosyolek-nakabatay ang pagkakaiba ito sa
katayuan o istatus ng isang gumagamit ng
wika sa lipunang kanyang ginagalawan
Hal. Mahirap o mayaman
• Etnolek-nadedelop mula sa mga salita ng
mga etnolinggwistikong grupo
• Ekolek- kadalasang mula o sinasalita sa
loob ng bahay.
Kakayahang panlinggwistika
naman ng isang tao ay isang
kaalaman sa balarila na
sumasaklaw sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks at iba
pa.
PONOLOHIYA
-tawag sa maagham na pag-
aaral ng tunog.
-pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog na
tinatawag na ponema.
Ponema
-isa sa mga yunit ng tunog na
nagpapakita ng kaibahan ng
tunog na nagpapakita ng
kaibahan ng isang salita mula sa
isa pang salita ng partikular na
wika.
Ponemang segmental
Ito ang mga tunog na
ginagamit ng mga
katumbas na letra o titik
upang mabasa at
mabigkas.
Katinig
ay isang tunog ng pagsasalita na
nakalagay sa kumpletong o bahagyang
pagsasara ng vocal tract.
Ang mga halimbawa:
[p], binibigkas sa mga labi
[t], binibigkas sa harap ng dila
[k], binibigkas sa likod ng dila
[h], binibigkas sa lalamunan
[f] at [s] binibigkas sa pamamagitan ng pagpilit ng
hangin sa pamamagitan ng makitid na channel
(fricatives)
[m] at [n], na may air na dumadaloy sa ilong (nasal)
PANTIG 
Sa paksang ito, ating tatalakayin
kung ano nga ba ang tinatawag na
pantig at ang mga halimbawa nito.
Ang isang pantig ay mas nakikila
bilang isang tunog ng ating lalamunan.
Ito’y nangyayari kasabay ng paggalaw
ng ating mga bibig at pagsaltik ng ating
dila na walang antala
DIPTONGGO
Pinagsamang tunog ng isang
patinig(a,e,i,o,u) at isang
malapatinig (w,y);(Iw,iy,ey,
ew,oy ,uy,aw,ay )
Hal. (sisiw,aliw)
Klaster /kambal katinig
-magkasunod na tunog katinig,
karaniwang salitang hiram ang may
ganitong tunog.
Hal.Braso,klase,gripo
PARES MINIMAL
Pares na salita na magkaiba ang
kahulugan ngunit magkatulad ang
bigkas at kaligiran maliban sa isang
Ponema.
Halimbawa:
Buhay-suhay
Titik-titig
Sakit-bakit
Ponemang suprasegmental
-walang ponemik na simbolong katawanin
ang mga ito. Karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat
kundi mga simbolo lamang upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas.
-tono
-intonasyon
-haba/diin
-Hinto/antala
DIIN
Ito ay ang bigay ng pagbigkas ng pantig
na maaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay
magkapareho ng baybay.
Halimbawa:
ha.pon –bigkas malumanay at may diin sa
unang pantig (afternoon)
Ha.pon bigkas mabilis at mag diin sa
ikalawang pantig.(Japanese)
PUno
puNO
PIto
piTO
SAya
saYA
BAsa
baSA
Tono
Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba
ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita,parirala o pangungusap.
May bahagi na mababa,
katamtaman at mataas ang
pagbigkas.
Hal.
Pagsasalasay
Dumating sila ka/ga/bi
Pagpapahayag ng matinding damdamin
Na/ku, may baril!
Pagbati
Magandang umaga po.
Pagsagot sa katanungan
Hindi. Hindi na ako a/a/lis!
Hinto o Antala
Tumutukoy sa saglit na
pagtigil pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang
mensahe ipinahayag
Hindi siya si Maria.
(Nagsasaad na hindi si Maria
ang pinag-usap)

Hindi, siya si Maria.


(nagsasaad na si Maria ang
pinag-uusapan.
Sila ang mga magulang ko!
Sila ,ang mga magulang ko?
Padre, Tony, si Dodong.
Padre Tony, si Dodong.
MORPOLOHIYA
Ito ay pag-aaral ng
morpema ng isang wika at
pagsasama ng mga ito
upang mabuo ng salita
Morpema
-may kinalaman sa pagbuo ng salita.
-ito ang pinakamaliit na yunit ng salita na
nagtataglay ng kahulugan.
a.Paggamit ng salitang-ugat
(Sariwa,ganda,silid)
a. Paglalapi
(Napakaganda, maliit, malawak)
b. Pag-uulit
(sama-sama, araw-araw)
c. Pagtatambal
(Kapitbahay, silid-aklatan)
Panlapi
Unlapi- malaki
Gitlapi- sumikap
Hulapi- sulatin
Kabilaan- pagsikapan
Laguhan -pagsumikapan
Sintaks
Pag-aaral ng istruktura ng mga
pangungusap.Pagsasama-sama ng mga
salita para makabuo ng mga parirala o
mga pangungusap. May kinalaman sa
sistema ng mga tuntunin at mga
kategorya na batayan sa pagbuo ng
pangungusap.
ORGANISASYON NG
MGA DISKURSONG
PASALITA O PASULAT
1. BALANGKAS
-Isang nakasulat na plano ng
mahahalagang bahagi ng isang sulatin na
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang
ang nakapaloob dito upang magsilbing
patnubay sa gagamitin ukol sa magiging
nilalaman ng isang sulatin.
Mga uri
ng
Balangkas
Pamaksang Balangkas
Ito ay binubuo ng salita o parirala
lamang dahil matipid ito sa
pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga
pangngalang-diwa.
Pangungusap na Balangkas
Ito ay binubuo ng mga buong
pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na
ideya.
Patalatang Balangkas
-ito ay binubuo ng mga
pangungusap na naglalahad ng
nilalaman ng buong mga talata ng
sulatin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng
Balangkas
 1.Basahin muna nang pahapyaw ang isang teksto
bago magtala ng mga paksa o detalye.

2. Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa


binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na
kronolohikal,  mula sa simple patungo sa
kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak
na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak
na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na
ayos at iba pa.
3.Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga
o pangunahing ideya at ang mga pantulong
na ideya.
4.Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang
angkop na gamitin sa paksa.
5.Sundin ang halimbawa ng pormat ng
balangkas na nakalarawan sa teksto.
6. Gumamit ng wastong bantas.
7.Tandaan na ang balangkas ay maaaring
baguhin o palitan kung kinakailangan.
2.Kaisahan
Isa sa mga dapat bigyang pansin ng
isang manunulat ay ang kaisahan diwa
o ideya sa kanyang mga komposisyon.
Mahalaga na ang bawat pangungusap
ay may kaugnayan sa bawat isa. Hindi
maaari sa isang teksto na mayroong
iisang paksa ay walang kaisahan sa
bawat talata.
3.Kohirens
Dapat isaalang-alang ng isang
manunulat ay pagkakaroon ng
kaugnayan ng mga ideya sa kanyang
teksto o akda. Kung kaya’t marapat
lamang ng gumamit ang manunulat ng
mga wastong transisyunal na
pananalita.
4.Empasis
Ang pasikot-sikot na paraan ng
pagsulat ay isang lipas na paraan na ang
paggamit ng mga mabulaklak na salita
upang maging magandang pakinggan
ang pagsasalita ay hindi na rin gaano
kinaaliwan ng mga mambabasa.
Apat na paraan
ng
Pagdidiskurso
1.Pasasalaysay/Narativ
Pangungusap na naglalahad ng isang
katotohanang bagay.Dapat bigyan ng
katuturan ang sinasabi.
2.Paglalahad/ekspositori
Ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayon mabigyan-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
3.Pangangatwiran/Argumentatib
May layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng
makatwirang mga pananalita.
Kailangan na maging masuri at
naayon.
4.Paglalarawan/Deskriptiv
Isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng
sapat na detalye o katangian ng isang
tao,bagay,pook o damdamin upang ang isang
larawan na na aayon sa inilalarawan

You might also like