You are on page 1of 18

Pangkat Apat

 Nagmula sa lingguist, sociolinguist anthropologist, at folklorist mula sa Portland


Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J.
Gumperz ang konseptong ito bilan reaksyon sa kakayahang lingguwistika na
ipinakilala naman ni Noam Chomsky noong 1965.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
 KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO/ INSTRUKTURAL/
GRAMATIKAL
 KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
 KAKAYAHANG PRAGMATIKO
 KAKAYAHANG DISKORSAL
 Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isa na
makapagsalita iba't ibang mga lenggwahe, wika, at dayalekto. Nakakatulong
ito upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan gayundin ang komunikasyon
sa iba.
 Lingwistiks\ Lingwistika ang sensya o pag-aaral sa wika.
 Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa
pagbikas ng salita o nagbibigay na ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita.
 Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika
ay ponema.
May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino, labing-anim (16)
ang katinig at lima (5) naman ang patinig.

Ang katinig ng Fililipino ay sumusunod:


b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Ang mga patinig naman ng Filipino ay ang:


a, e, i, o, u
 Ang pag-aaral sa formulasyon o pagbuo ng mga salita ay tinatawag na
morpolohiya. Mula ito sa salitang Ingles na morpheme na kinuha mula sa
morphe na ang ibig sabihin ay yunit o anyo sa Griyego at hulaping eme. Dahil
sa ating panghihiram at pag-aasimila, tinawag itong morpema.
 Morpema ang tawag sa makabuluhang yunit ng mga salita. Kinikilala sa
morpolohiya ang pagbuo at ugnayan ng mga salita, ang panloob na istruktura,
klasipikasyon at ugnayan ng mga morpema.
 May tatlong uri ang Morpema sa wikang Filipino ito ay ang Morpemang
panlapi, Morpemang ponema, at Morpemang Salitang-Ugat.
Penomenal
Temporal
Eksistenyal
Modal
Mga Ka-pandiwa
Mga Pambating Panlipunan
Mga Panawag
Mga Pandandam
Semantiks
-Nakapokus sa kahulugan ng salita, parirala, o pangungusap.

Kahulugang Denotasyon
-Literal na kahulugan ng mga salita.
-"Dictionary Meaning" na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak, at tuwirang
kahulugan.
-"Core Meaning" isang dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang pasubali.
Kinikilala at tinatanggap ng mga tao.

Etimolohiya
-Ang bahagi ng pananalita. Ang sinonim at antonim ng isang salita.
(3) Restriksiyon Sa Pagbibigay Ng Kahulugan
•Iba-iba ang mental na imahe para sa iba't-ibang tao.
•Ang mental na imahe ay pagbibigay ng mga tipikal na halimbawa ng mga bagay na
inilalarawan para rito.
•Hindi lahat ng mga salita ay may katapat o kaukulang mental na imahe.

Kahulugang Koniotasyon
-Mga implayd (implied) o "Suggested Meaning" kasama ng lahat ng emosyonal,
pabor o hindi pabor na tono na walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan.

Konotasyon
-Ang kahulugan ay ibinibigay sa mga salita, parirala, pangungusap na hindi direktang
isinasaad.
Implayd
-"Meaning" o kahulugang di litaw ang ibinibigay nito.

Sintaks
-Mula sa salitang (Syntaxis) sa Pranses (Syntanxe) sa salitang Griyego ay (Syntassein)
na nangangahulugang MAGKASAMA. At taksis(Taxis) na ang kahulugan ay pagkaayos.
-Dahil sa sintaks ang kahulugan ng pangungusap ay natatanggap dahil tama ang
gramar.
-Di tanggap dahil mali ang gramar at pagkakaayos ng pangungusap.
-Kilala rin bilang "Word Order".
 Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang
may naaangkop na panlipunang pagipapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
 Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (Hal., ang mga tao na
Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging
natural lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit ng naaangkop na
pahayag ayon sa sitwasyon. Gayunman, para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat
niyang matutuhan kung paano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang
sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng
estado ng kausap, layunin ng interaksiyon, at itinatakdang kumbensiyon ng
interaksiyon”.
 Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan sa
sosyolisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o buo kung wala ang
wika.
 Paliwanag ni Hymes ( 1974 ) ukol sa kakayahang komunikatibo,
mahalagang malaman kung kailan tayo magsasalita at hindi magsasalita,
ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan, at sa paanong paraan.
Nilinaw rin nya ang nasabing mahalagang salik ng lingguwistikong
interaksiyon gamit ang kanyang modelong SPEAKING
 S etting and S cene . (Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan
ito nangyari?)
 P articipants. (Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?)
 E nds. (Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?)
 A ct Sequence (Paano ang takbo o daloy ng paguusap?)
 K eys (Paano ang tono o paraan ng pananalita?)
 I nstrumentalities (Ano ang estilong ginamit sa pakikipagusap?)
 N orms (Angkop ba ang pinaguusapan sa sitwasyon?)
 G enre (Anong uri ng pananalita ang ginamit?)
Kakayahan Diskorsal Ayon sa Up diksyonaryong Filipino (2010) ang diskuri
ay nangngahulugang "pag-uusap at pagpapalitan ng kuro"

Dalawang Uri
1. Kakayahang tekstuwal - ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal
sa pagbasa at pag-unawa ng iba't-ibang teksto gaya ng mga akdang
pampanitikan, gabay-instruksyon, transkripsyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon.
2. Kakayahang retorikal - ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal
na makibahagi sa kumbersasyon.
Antas ng Komunukasyon
1 Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa
pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip,
packing sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang
paggalaw ng sarili.
2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-
ibang indibidwal.
3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang
valedictory address
4. Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA
5. Pangorganisasyon - para sa mga grupo
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura
7. Pangkaunlaran - ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-
unlad ng bansa.
6 na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo
1. Pakikibagay
2. Paglahok sa Pag-uusap
3. Pamamahala sa Pag-uusap
4. Pagkapukaw ng Damdamin
5. Bisa
6. Kaangkupan

You might also like