Professional Documents
Culture Documents
MASINING NA PAGPAPAHAYG
DISKURSO
Pasalita at pasulat na diskurso
May dalawang kilalang teorya tungkol sa diskurso: Ang Speech Act lilikumin
Theory at ang Ethnography of Communication.
Sa saliw ng pinag-
Speech Act Theory
Ang Speech Act Theory ay isang teorya na ipinakilala ni J.L. isang layunin
Austin sa kaniyang aklat na How to Do Things in Words na nagsasabing
ang wika ay isang uri ng paraan ng pagkilos at isang paglilipat ng mga Agarang lilimiin ang
impormasyon. Isang pagsubok at paggawa ng isang bagay sa
pamamagitan ng pagsasalita lamang. Maaari tayong makipagkasundo mga alituntunin.”
sa pamamagitan ng pangako, pagtatanong paghiling o paggawa ng
isang bagay, manumbat, magbanta, magbigay ng pangalan sa isang
nakikita o kaya ay kagaya ng pagsusumpaan ng lalaki at babae bilang
mag-asawa sa isang dambana at iba. Ang mga ito ay tinatawag na
speech act:
Sa kasalukuyan, ang terminong speech act ay madalas na ginagamit upang pakahulugan ang
tiyak bilang isang illocutionary act (pangangako, pagbabanta, pagpapabatid, panghihikayat," pananalag.
paninisi at iba pa), at ang nagiging bunga nito ay ang madahas na ako ng pagsasalita.
Ethnography of Communication
Noon namang dekada 70, ipinakilala naman ng isang American Anthropological Linguist na si
Dell Hymes ang isang pag-aaral sa pamantayang pangkomunikasyon sa isang speech community,
kasama ang berbal, di-berbal at panlipunang mga salik. Ipinakita niya bilang isang linggwistang
antropolohikal ang kahalagahan ng kultura bilang pagtukoy sa komunikatibong gawi na tinawag niyang
Ethnography of Communication. Kung saan ang mga mananaliksik ay itinuon ang malawak na salalayan
bilang pangunahing sa bilang ng mga komunidad: kalakasan ng tinig, taas ng tinig, ang distansya ng
mga tagapagsalita, ekspresyon, pagtindig, eye contact, ang termino ng pinatutungkulan, mga
panuntunan sa mga usapan, at iba pa.
Maituturing na halimbawa ang mga paraan ng pagsasalita ng mga Bikolano at mga Ilonggo kapag sila
ay nagagalit. Isipin mo bang galit na pala iyong malambing o marahan nilang pagsasalita. Ang paggamit
ng mga ekspresyon ng mga guro o tagapagsalita na halip na tukuyin ang salita ay sinasambit ang ano
an, mmm at iba pa. Itinuturing ng iba na ang mga ganoon mga paraan ng pagsasalita ay isang kahinaan
ng isang nagsasalita na minsan ay nakakalimutan natin na bahagi pala ito ng kanilang kultura. O, minsan
napagkakamalan natin na galit ang isang tao kapag malakas ang kaniyang boses kapag nagsasalita iyon
pala ay sadya lamang na ganoon itong magsalita. May mga lugar naman na kapag nagsasalita ang isang
tagapagsalita ay hindi man lang pinapalakpakan kapag kapalakpak-palakpak ang kaniyang sinasabi.
May mga lugar naman na hindi dapat pumalakpak pero palakpak ng palakpak.
Ang mga paralinggwistikong (paralanguage) paraan na pagsasalita gaya ng matining paos, garalgal, o
mga tinig ra tila mula sa ilalim ng lupa ay natatangi sa isang tao o lugar na kanilang kinalakihan na siyang
nagiging dulot minsan ng maling pag-unawa. Kaya nga, mahalaga na matukoy ang mga pinagmulan ng
isang bagay para maunawaan kung bakit ganoon ang itinuturing ng nakararami na hindi naman dapat.
Pasalita, pakilos o pasulat man ay dapat kilalanin ito na mga diskurso na bahagi ng mundong
ginagalawan ng bawat nilalang.
Pagtalakay
Ang diskurso ay berbal na pagpapahayag ng isang tao sa paraang pasalita o pasulat. Sa lipunang
ating ginagalawan iba't ibang uri ng diskurso ang ating inilalapat sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ito ay natural na paggamit ng isang tao sa wika na ang kahulugan ay makikita sa mga
parirala, pangungusap o talata na ginamit sa isang akda o teksto.
Ayon naman sa aklat na Language and Linguistic na isinulat ni Peter Stockwell, ang diskurso ay
anomang pinag-ugnay na mga kalipunan ng mga pahayag sa paraang pasalita o pasulat sa panlipunang
konteksto mula sa tao.
Ang diskurso hanggang sa kasalukuyang panahon ay pinagta talunan ng mga dalubwika upang
malaman at mapatunayan ang tunay na kahulugan at katuturan nito.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ng isang tao ayon na rin kay Chomsky ay kakayahan ng
isang tao na makapamili sa mga barayti ng wika na gagamitin sa mga pagtitipong sosyal na maaaring
sumubok sa kanyang kaalaman upang matugunan ang mga pangangailangan sa isang sitwasyon at
pagkamaalam sa mga impormasyong kultural na kinabibilangan ng kaalaman sa lipunan, pulitika,
relihiyon at kung anopamang bagay na may kaugnayan at popular sa isang lugar.
Samantalang ang kakayahang panlinggwistika naman ng isang tao ay isang kaalaman sa balarila
na sumasaklaw sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks at iba pa.
Halimbawa na lamang ang salitang "Mahal kita", maraming paraan para sabihin ng isang tao ang
dalawang salita. Maaaring masaya, kinikilig, malungkot galit at iba pa. Ngunit kung ito ay babasahin
lamang ba ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba? Sa huli ay mapatutunayan pa rin nating walang mas
mahalaga kapag pinag-uusapan ang wika. Ang bawat salik ng wika ay makatutulong upang mas
maunawaan ng mga tao ang mensahe ng isang teksto at malaman ang saloobin ang kanyang kapwa sa
isang mabisang paraan.
3
Gawain
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng diskursong pasalita at pasulat. Matapos mailahad ang pagkakaiba
ay magbigay ng halimbawa na nagpapakita ng kaibhan ng dalawa na nararanasan sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
__________________________________________________________________________________

Halimbawa:

4
Paglinang sa Ideya
Pagtalakay
Maaaring ipahayag ng isang tao ang kanyang mga saloobin ang damdamin upang siya ay
maunawaan ng iba sa kanyang paligid. Subalit kinakailangan na ang pagpapahayag niya ay malinaw
upang ang mensaheng nais niyang iparating ay maaayos na matanggap ng kanyang kausap at
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig.
Halimbawa na lamang ay mayroong isang babae na nakita ang kanyang kasintahan na may
kausap na babae. Agad na gumawa ng konklusyon ang babae na hindi na siya mahal ng kanyang
kasintahan at tumakbo ito palayo. Dahil nakita ng lalaki ang kanyang kasintahan na tumakbo ay agad
niyang kinuha ang cellphone at tinext ito:
Nang mabasa ng babae ang mensahe ng lalaki ay napahagulgol ito sa sakit na naramdaman.
Ngunit mayroong maliit na kamalian sa mensahe na binasa ng babae. May kuwit (,) dapat sa pagitan ng
salitang "hindi" at "Ikaw" na magpapaiba ng kahulugan ng mensahe. Ito ay isang halimbawa na dapat ay
linanging mabuti ng isang tao. Upang maging mabisa ang komunikasyon ay marapat na bigyang pansin
ang sumusunod na salik upang maunawaan ng tama ang mensahe.
Paksa
Mahalaga ang paksa sa isang teksto dahil kung walang paksa ay walang maisusulat na komposisyon o
teksto ang mga manunulat. Ito ang lalamanin ng isang komposisyon kaya naman nararapat na pag-
isipang mabuti ang paksa upang makahikayat ng mga mambabasa.
Ngunit paano nga ba bubuo ng paksa? Batay sa mga manunulat, ang paksa ay makikita sa ating
kapaligiran. Kinakailangan lamang nating magmasid upang makakita at makalikha ng isang magandang
paksa. Maaaring ang taong katabi mo sa jip, ang mga tindero sa kalye, ang kapitbahay mong ang aga
aga kung magmura, ang kasintahan mo, ang mga magulang mo at maging ang langgam na kumagat sa
paa mo habang nakasapatos ka at nasa gitna ng siksikang tren.
Ngunit ang pinakamahalagang salik sa pagpili ng paksa ay ang kaugnayan nito sa maraming
mambabasa. Sa kasalukuyan ay nawiwili ang mga mambabasa, lalo na ang kabataan sa pagbasa ng
mga akdang pampanitikan na sa palagay nila ay may kaugnayan sa kanilang buhay. Higit na natutuwa
silang basahin ang mga teksto na may kaugnayan sa kanilang naranasan.
Isa pa ay kinakailangang maalam ang isang manunulat sa tekstong kanyang isusulat upang kanyang
maibigay ang lahat ng impormasyong kailangan ng mga mambabasa upang maunawaan ang teksto na
kanilang binabasa.
Layunin
Isa pang salik sa paglinang ng ideya ay ang layunin kung bakit gustong ibahagi ang impormasyon o
damdamin ng isang tao.
5
Maraming mga manunulat sa kasalukuyan ang kilala na dahil nakawiwiling basahin ang kanilang mga
akda. Maaaring ang layunin ng manunulat ay magbigay kasiyahan sa mga mambabasa na kung minsan,
sa sobrang labis na kawilihan ng mambabasa sa akda ay hindi na niya namamalayan ang oras.
May mga manunulat din naman na ang layunin ay magbigay kabatiran ng mga impormasyong dapat
malaman ng mga tao. Madalas na nakikita natin ang mga ganitong uri ng teksto sa mga pahayagan na
naglalaman ng mga balita na naghahatid ng mga mahahalagang impormasyon na tungkol sa nangyayari
sa loob at labas ng ating bansa.
May mga manunulat din naman na nagnanais na mang hikayat na paniwalaan ang kanyang ideolohiya
tungkol sa isang paksa. Ito ay may kaugnayan sa mga manunulat na gumagamit ng mga argumento
upang tuligsain ang isang tao o bagay na hindi niya sinasang-ayunan. Madalas nating nakikita ang
ganitong mga teksto na sa pulitika sa ating bansa kung saan gumagawa ng mga lathalain ang iba't ibang
sektor ng lipunan upang tuligsain ang mga nakikita nilang mali sa pamahalaan.
Pagsasawika ng Ideya
Nagiging malinaw ang mensahe kapag wasto ang paraan ng pagsasawika ng mga ideya. May
mga salitang makatutulong para maunawaan ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa
pangungusap o talata.
Tagapakinig o Mambabasa
Sa pamamagitan nito ay higit magiging madali para sa tagapagsalita ang mensahe na kanyang
ibabahagi. Makatutulong din ito upang malaman ang salitang gagamitin upang higit na maunawaan ang
kanilang pinakikinggan o binabasa.
6
Gawain
Walang Forever?
sa panulat ni Ian Carlo Calanoga
Layunin
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pangunahing Argumento

9
Organisasyon ng mga Diskursong Pasalita o Pasulat
Kaisahan
Isa sa mga dapat bigyang pansin ng ang manunulat ay ang kaisahan ng diwa o ideya sa kanyang
mga komposisyon.
Mahalaga na ang bawat pangungusap ay may kaugnayan sa bawat Ina. Hindi maaari sa isang
teksto na mayroong isang paksa ay walang kaisahan sa bawat talata Marapat na ang mga ideya ay
nakakawing sa bawat isa upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mga mag-aarada ideyang narinig o
nabasa.
Sinasabing nagtataglay ng kaisahan ang isang talataan kung ito ay mayroong isa, at tanging
isang pangunahing ideya lamang Ang bawat pangungusap sa talataan ay hindi sasaklaw sa anomang
hindi kaisa o kaugnay sa pangunahing kaisipan. Walang materyal, kahit gaano pa man ito kawili-wili,
kakaiba o orihinal ay maisasama hangga't hindi nito sinususugan ang pangunahing kaisipan.
Tandaang ang talata ay isang yunit ng komposisyon na humuhubog ng isang paksa. Maaari itong
buuin ng isang pangungusap o lupon ng mga pangungusap. Kaya na lamang hindi lahat ng lupon ng
mga pangungusap ay matatawag na talata. Bawat pangungusap sa talata ay dapat na maisaayos parang
malinaw ang kaugnayan nito sa iba pang mga pangungusap upang makapag-ambag sa pagbuo ng
paksa.
Kohirens
Ang wika natin ay sadyang mayaman sa mga transisyonal na pananalita kung kaya naman ito ay
nagagamit sa mga pangungusap upang matamo ang ugnayan ng mga ideya at saloobin sa isang
komposisyon.
Panghalili - ito naman ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng pareho, hindi lang
at iba pa.
Pansusog - ginagamit naman ang mga salitang walang duda, tunay na.
Panapos - ang mga salitang kung kaya, bilang at magkagayon ay mga salitang
ginagamit naman bilang pagtatapos.
Empasis/Tuon
Ang pasikot-ikot na paraan ng pagsulat ay isang lipas na paraan na Ang paggamit ng mga
mabubulaklak na salita upang maging magandang pakinggan ang nagsasalita ay hindi na rin gaano
kinaaaliwan ng mga mambabasa.
Sa kasalukuyan ay higit na nais ng mga tao maging ng kabataan ang pagkakaroon ng tuon ng
isang tagapagsalita o manunulat Nais nila na mas direkta na ang paraan ng pagsasalita at pagsusulat
dahil higit na nauunawaan nila ang mensahe o ideya ng panayam o komposisyon. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng luon ng isang manunulat ay higit na nagiging madali para sa kanya na makuha ang
kawilihan ng mga mambabasa dahil na rin isa lamang ang paksang kanyang pinagtuunan ng pansin
Ang tuon sa paraan ng pagsasalita naman ay nakatutulong upang mapanatiling nakikinig ang
mga tao sa iyong talumpati. Marami kasi sa mga mananalumpati sa kasalukuyan ang nagpapasok ng
mga ideya na wala namang kaugna yan sa paksa na nagiging dahilan ng kalituha ng mga tagapakinig
Halimbawa na lamang ay ang isang pulitiko na dapat ay magbibigay ng isang mensahe para sa mga
magsisipagtapos sa kolehiyo ngunit ang kanyang ginawa ay dinepensahan ang kanyang sarili at
naghugas-kamay sa kanyang mga kasalanan. Ang ganitong halimbawa ng talumpati ay hindi
nabibigyang halaga dahil wala namang kinalaman ang mensahe ng mananalumpati sa mahalagang araw
ng kanilang buhay.
Paglalahad
Isa sa mga paraan ng pagpapahayag ang paglalahad na ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
isang malinaw at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa mga bagay na nasa paligid na ginagalawan
ng isang tao. Kung nais nating magsalaysay ng isang kuwento sa ating buhay, magpaliwanag ng mga
ideya sa ating mga kaibigan gingamit natin ang paraang paglalahad.
11
Kung ating papansinin ay sinasaklaw ng paglalahad ang malaking bahagi ng sinusulat o binabasa ng
mga tao, mula sa mga awiting ating pinakikinggan, pelikulang ating pinanonood hanggang sa mga
balitang ating binabasa sa mga pahayagan.
1. Nagbibigay ng Kahulugan. Ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad at ito ang pinakamadalas na
ginagamit lalo na sa paaralan o pamantasan. May dalawang uri ng pagbibigay kahulugan, ang maanyong
pagpapakahulugan at kahulugang pasanaysay.
Ang maanyong pagpapakahulugan ay batay sa isang makatuwirang hanay ng mga salita. Ang
kahulugang pasanaysay naman ay ang higit masalimuot na pagpapakahulugan sa isang paksa sa
pamamagitan ng paggamit ng halimbawa, pagtutulad o paghahambing paggamit ng sanhi at bunga,
paglalarawan.
a. nagpapabatid e. nanlilibang
b. nangangatwiran f nagbabalita; at
c. nagkokomento g. sumasalungat
d. nagpapahalaga
Dapat na tandaan ng isang punong patnugot na ang editoryal ay maikli lamang maging payak sa
paraan ng pagsulat upang maintindihan ng nakararami, gamitin ang ikatlong panauhan, maging tapat sa
mga sinasabi at huwag hayaang manaig ang emosyon.
Pangangatuwiran

13