You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Isabela State University

CENTRAL GRADUATE SCHOOL


College of Education
Pinal na Pagsusulit
Fil.209- Pagpapaunlad sa Kurikulum sa Filipino

Sagutin/Talakayin nang maikli subalit malinaw, komprehensibo at tumpak ang mga


sumusunod:

1. Ano-ano ang mga katangian ng mabuting kurikulum pangwika? Bakit nagbabago at


neriribisa ito?
Narito ang mga mga katangian na dapat taglay ng isang kurikulum pagwika para
masabing mabuti ito.
Una, marapat na ito ay espisipiko. Maliwanag at malinaw ang mga planong nais
matamo ng isang kurikulum.
Ikalawa, nasusukat ang mga adhikain ng isang kurikulum nang sa gayon maiwasan
ang hirap sa pag-ebalweyt ng pagkatuto at pagbabago sa larang paghahatid ng
kaalaman.
Ikatlo, marapat na natatamo ang mga bagay na itinalagang mga layunin. Ang
reyalidad ang higit na mahalaga at mabatid ang hangganan ang kakayahan ng bawat
isa.
Ikaapat, mahalagang magkaroon ng kaugnayan ang kurikulum pangwika sa mga
adhiakain na kurikulum na binubuo.
At huli, napapanahon ang mga planong mabubuo para sa kurikulum.

Nagbabago ang kurikulum dahil kailangan nitong maisabay at matugunan ang


pandaigdiagang pangangailangan ng mundo. Gayon din, ang wika at ta ay
nagbabago kaya normal lamang na ang kurikulum ay magbago.

2. Talakayin ang mga sumusunod na salik sa pagdidisenyo ng kurikulum pangwika:


a. Pagsusuri sa kapaligiran
Ang pagdidisenyo ng kurikulum ay napakalaking salik na magiging batayan sa
kalidad ng edukasyon ng isang bansa. Ang pagsusuri sa kapaligiran ay isa
lamang sa mga salik na dapat pagtuunan sa pagbuo ng kurikulum sapagkat dito
magaganap at mangyayari ang proseso ng pagkatuto. Maari nitong mapabagal at
o mapabilis ang pagdaloy ngunit sa pagsusuri ng kapaligiran nalalaman natin
ang mga dapat gawin para mas lalo mapalakas ang plano na siyang magiging
gabay sa mas mabisang kurikulum na ating bubuuin.
b. Pangsusuri sa pangangailangan
Mahalagang malaman ng isang nagdidisenyo ng isang kurikulum ang mga
pangangailangan nito para matupad at maisakatuparan ang mga adhikain nito sa
naplanong kurikulum. Ang isang plano ay di sapat na hanggang plano lamang
bagkus bahagi sa proseso ang pag-alam sa kinakailangan ng lipunang
ginagalawan ng kurikulum na plano.
c. Paggamit ng mga simulaing sikolohikal sa pagtuturo at pagkatuto
Layunin ng kurikulum pangwika na ang pagkatuto ng wika ay di lamang
nakapokus sa iisang lente sapagkat ang iugnay ang ibang disiplina gaya ng
simulaing sikolohikal ay isang maliwanag na ilaw na siyang nagpapabilis sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika.
3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng tuon ng mga sumusunod:
a. Kurikulum piangwika na nakasentro sa asignatura/nilalaman
Ang paraan ng pagtuturo ay pasibo at nais lamang ng guro na matapos ang mga
dapat niyang maituro. Lahat ng gawain sa proseso ng pagtuturo ay nakatuon
lamang sa guro. Ang pagganap ng mga mag-aaral ay limitado lamang.
b. Kurikulum pangwika na nakasentro sa mga mag-aaral
Samantala, kapag sinasabing nakasentro sa mag-aaral maraming pagganap ang
mga mag-aaral at batid ng guro ang mga gawaing nakaaakit sa aspektong
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ibig sabihin nito na ang mga ,mag-aaral ay
malayang mag-ahad ng kanilang mga nalalaman at sila ay aktibo dahil sa kanila
nakapokus ang kurikulum.
4. Bilang guro, paano mo lilinangin ang mga kompetensis sa mga sumusunod na
makrong kasanayan at istratehiya sa pag-aaral ng wika ng mga mag-aaral?
a. Pagsasalita- gumamit ng mga estratehiyang may kinalaman sa hilig ng mga mag-
aaral na may kauganayan sa pagsasalita.
Halimbawa: Radio broadcasting, pagtatalumpati, sabayang pagbigkas na
maaring isahan at pangkatan na itatanghal ng mga mag-aaral.
b. Pakikinig-Maglalahad ang guro ng kuwento na siyang pakikinggan ng mga mag-
aaral sa loob ng klase nang sa gayon mahasa ang kanilang kasanayan sa
pakikinig. Sa paraang ito di lamang ang kanilang kasanayan sa pakikinig ang
napapahusay bagkus ang kanilang kakayahang sa imahinasyon. Sila ay bubuo ng
kanilang mga sariling mundo sa paraang ito.
c. Pagbasa- Teksto ang ibibigay sa mga mag-aaral at kanilang babasahin ito na
nabibigyan ng mga kontroladong mga panuto sapagkat hindi sapat na batid lang
ng isang mag-aaral ang magbasa ngunit batid din niyang maunawaan at
maintindihan ito.
d. Pagsulat- isang mabuting gawain na dapat ipaganap sa mga mag-aaral ay ang
pagbuo ng mga artikulo at mga komposisiyon na siyang magsisilbing tuntungang
bato para mas mahusay na mag-aaral sa wika.
e. Panonood- Ang pag-uugnay sa mga elektronikong sanggunian at mga batayan sa
magtuturo ay talamak sa pagtuturo ng wika. Walang maiiwan na mag-aaral kung
isasaalang-alang ng guro sa wika ang kahiligan ng kaniyang mga mag-aaral, ang
panonood. Lalo’t napakaraming nang mga kagamitan ngayon na may kaugnayan
sa panonod.
f. Mga kasanayan sa gramatika at panitikan- hindi nasasapat na ang kaalaman ng
guro ay natatapos sa kung ano ang sinasabi ng mga aklat, marapat din malaman
ng guro ang kahinaan, kalakasan, emosyon ng kaniyang mga mag-aaral. Dahi sa
pagtuturo ng gramatika batid dapat ng isang guro ang hangganan ng nalalaman
ng mga mag-aaral para maituro nito ang panitikan at gramatika nang hindi
nabibigla ang mga mag-aaral.
g. Mga istratehiya sa pag-aaral- Baon ng isang matalinong guro ng wika ang mga
iba’t ibang estratehiya ng pagtuturo sa pagdalaoy ng kaalaman patungo sa
kaniyang mga mag-aaral. Ang mga estratehiya ay isang behikulo na siyang
maglulundo sa bawat mag-aaral sa pagkatuto. Ito ang siyang magsisilbing sulo
sa isang guro para mabigyang liwanag ang kaniyang mga mag-aaral para
maabot ang mga itinalaga nitong mga layunin sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto.
5. Bakit nagsasagawa ng curriculum mapping?
Ang pagpaplano ay isang bahagi ng isang matagumpay na resulta. Ito ang
magbubunsod ng isang kurikulum upang makita ang hinaharap sa pamamagitan
kasalukuyan sa paraang ito nakikita ang mga kahinaan at kalakasan. Napapabuti
nito ang hinaharap na mga problema sa larang ng edukasyon.

6. Talakayin ang mga sumusunod na dulog sa pagbuo ng layunin at nilalaman ng


kurikulum pangwika
a. Task-based- ito ay paggamit ng mga awtentikong mga pagganap ng mga mag-
aaral na siyang magpapabuti sa kanilang mga ginagamit at inaaral na wika.
b. Linyar- Ito ang proseso ng pagpili ng mga layunin, danas sa pagkakatuto,
mausisang pagpili mga danas at pag-ebalweyt. Ang hakbang sa modelong ay
waring linyang diretso mula umpisa hanggang wakas.
c. Modyular- palasak ang dulog na ito sa panahong ito. Inaakay nito ang gawing
isahang pagkatuto.

Inihanda ni:

MARINA W. DACACA-ACERIT
Faculty

You might also like